Nakahimpil ako sa 'di
kalayuan.
Minamalas ang 'yong karilagan.'Di pinakay na napasulyap sa'kin.
Biglaang nagtama ang ating paningin.
Mata mo't mata ko'y tila nag-usap.
May kung anong nasipat na kakaibang kislap.
Sumilay ang 'yong malalim na biloy.
Na nagmula sa ngiti mong tila may apoy.
Iniabot ko ang may kanipisan
kong mga braso.
Upang gawing sandigan sa
oras ng pagsuko.Tumanggi ka dili, at ako'y iyong niyakap.
Lahat nang sa akin ay bukas mong tinanggap.
Inihatid mo ako sa walang hanggang langit.
Pinawi ang pangamba sa tamis ng 'yong halik.
Walang araw na katumbas ay 'di kaligayahan.
Walang puwang ang lungkot sa'ting katauhan.
Isa kang bahaghari sa aking
tag-ulan.
Kumulay ng mundong dati'y
malamlam.Isa kang apoy sa panahon ng tag-lamig.
Pumawi sa ginaw na nanunuot hanggang panaginip.
Ang hangin sa naghahabol na hininga.
Ang paningin sa panahong 'di makakita.
Ang himig sa paos kong mga tinig.
Ang tubig sa uhaw kong pag-ibig.
haay, love nga naman.. hehehe.. sarap basahin dahil may soundtrack pa..
ReplyDeletelike. :) your poem captures love so well. ikaw na, ahaha. :)
ReplyDeletesmiling here in my office all by my self mukhang tanga lang na naiinlove sa tula na talaga namang pinag igi pa ng kantang kayakap. saludo ako sayo Sir :)
ReplyDelete