may tutugtog gamit ang gitara
kakalabitin ang kuwerdas at makalilikha ng kanta.
may tutugtog gamit ang damdamin
kakalabitin ang puso sa halip na guitar string.
may umaawit gamit ang tinig
sa pagbuka ng bibig may himig na maririnig.
may lilikha ng awit na karanasan ang gagamitin
tatagos sa puso bawat katagang sasambitin.
may tutugtog gamit ang piano
lilikha ng musika bawat hampas sa tiklado
may tutugtog mula sa bulong ng puso
lilikha ng musikang may buhay ang ritmo.
may susulat gamit ang ideya
ididikta ng isip ang isusulat ng pluma.
may susulat gamit ang damdamin
isasatinta ng puso ang tatawaging sining.
may magpipinta gamit ang brush at pintura
iguguhit ng kamay ang naisipang huwad na obra.
may magpipinta’t gagamitan ng puso ang sining
bawat kulay at guhit ay masterpiece na matuturing.
may mga awit na mula sa random na mga salita
sa dikta ng pera'y nalapatan ng nota ang hinimigang tula.
may mga awit na likha mula sa emosyon at damdamin
sa dikta ng puso'y nalapatan ng salitang pupukaw at gigising.
may magmamahal gamit (lamang) ang nakikita ng mata
kumikislot ang laman sa ganda ng mukha o katawang makurba.
may magmamahal at iibig mula sa emosyon at damdamin
tumitibok ang puso dahil sa pag-ibig na walang paningin.
- - - - -
walang hiwaga at talinghaga sa mga sining at kanta
kung 'di nagmula sa puso ang bawat piraso ng obra.
walang pagmamahal kung 'walang pagpapahalaga
kung ang pag-ibig ay ibig (lamang) ay pagnanasa.
may pag-ibig sa sining, may sining sa pag-ibig.
Wow. Ayos. Ngayon na lang ulit ako nakabisita dito. Ganta ng bawat salita. So inspiring.
ReplyDeletePwede ba namin itong gamitin para isang proyekto? Maaari ba rin namin makuha ang iyong pangalan upang kilalanin ka at iyong obra?
ReplyDeletesend email to limarx214@yahoo.com.ph
Deletetula tungkol sa art
ReplyDelete💚❤
ReplyDelete