Tuesday, December 14, 2010

The ASTIG compilation

Astig - pang-uri; pabalbal; astig binaligtad na salitang tigas. Tumutukoy ito sa mga tao o sitwasyon na may maangas o matikas na taglay o pag-uugali.

Karamihan sa mga pinoy ay ASTIG sa halos lahat ng bagay at sa kanyang pananaw sa buhay. Bawat indibidwal ay may angking kaastigan ang iba ay kanila nang nabatid ang iba naman ay kailangan pang linangin at tuklasin. Negatibo o positibo man ito sa ating mata isa lang ang sigurado: ang pagiging astig ay tatatak sa isip ng pangkaraniwang pilipino at ng iba pang dayuhan. Ano-ano o sino-sino ba sila? Ito ang aking pananaw.


paa ng manok - dahil ang pinoy ay astig kahit paa ng manok o bituka o dugo man 'yan walang problema basta may mailaman sa tiyan kaya ng pinoy isubo yan. Astig di ba?

kuliglig - Astig na maituturing ang kuliglig at ang driver nito. Nag-evolve ito mula sa liternal na bukid hanggang sa Andres Bukid at Divisoria tinatangkilik ito ng motorista. Ano ang astig dito? Marami. Exempted sa huli, sa traffic rules, maraming sakay at higit sa lahat umaalma sa astig din na pulis!


double parking - kahit masikip na kalsada, kahit makaabala sa iba basta makapag-park lang at maipakita ang kaastigan gagawin ng pinoy 'yan. wala namang sumisita eh bakit aayusin ang parada?

habal-habal - kung siya'y tawagin astig na maituturing. Sa'n ka ba naman nakakita ng sasakyang dalawa ang gulong pero higit pa sa laman ng kotse ang kayang isakay! 'Wag mo isipin ang disgrasya para hindi ka mamroblema.

kampana ng simbahan - ay nanggigising na ayon sa isang kanta pero pa'no ka na ngayon gigisingin kung ang kampana ay naakyat-bahay na? Hindi pa ba astig ang tawag kung pati kalembang ng simbahan ay kayang nakawin? na ang timbang ay halos simbigat na ng ordinaryong sasakyan.

pag-ihi - ay isang ordinaryong gawain lang pero kung gagawin mo 'to kung saan-saan kaastigan 'yan 'tol! bantog tayo sa gawaing ganyan kaya bilib sa'tin ang mga dayuhan.

basura kahit saan - tapos magrireklamo tayo kung bakit may baha? sa kalsada, sa overpass, sa lrt kahit sa'n mo maisip may basura ganyan kaastig ang pinoy. Sablay nga lang.

inuman at sugalan sa daan - isang kaastigan! normal na senaryo na lang ito sa mahal kong bayan. idagdag mo pa ang tong-its na pampasaya maya-maya sila-sila rin ang mag-aaway-away. Lupit.

basketbol sa kalsada – isang kaastigan. kahit pa maraming naabalang ibang tao o sasakyan sa paglalaro nito okay lang basta mapagbigyan ang mga mini-liga na ganito. wa’ko kers ika nga. kung si kap nga eh hindi rin ito pinakikialamanan sino ang maglalakas-loob na gibain yan?
iskwater - sa ilalim man 'yan ng tulay o gilid ng riles ay maituturing na kaastigan. sila ang halimbawa ng tunay na survivor kahit sa'n mo ilagay siguradong mabubuhay. yan ang tunay na astig. idagdag mo pa sa pagiging astig nila ang pagkakaroon ng average na limang anak bawat pamilya. may bago nga palang tawag ngayon sa kanila hindi na raw iskwater kundi informal settler. ano ang pinagkaiba? wala. ang alam ko lang astig sila.

tricycle - tulad ng baraha na may apat na hari kabilang na rin sa hari ng kalsada ang mga tricycle. meron nga silang rehistro at lisensya pero malala din paglabag nito sa trapiko. overloading. counter-flowing. reckless. disregarding. 'pag nakasagi o nakabundol: sila pa ang minsa'y galit. ano pa ini-expect mo? astig nga eh.

MMDA signage - malupit na ang babala hindi pa rin nababasa ganyan kaastig ang mga pinoy. ipipilit pa rin ang gusto nila kahit alam nang mali 'pag nabundol...syempre kasalanan pa rin ng mga driver. reckless imprudence resulting to homicide.

manhole na ninanakaw - gustuhin man ni mayor na pagandahin ang kalsada o lagyan ng magagandang ilaw ang poste o pinturahan ng bago ang mga pader magdadalawang isip siya. bakit? nanakawin ang manhole. babatuhin ang ilaw. vandalism sa pader. tapos isisisi sa gobyerno ang kalagayan nila. ilagay sa ayos ang kaastigan.

pulubing nagyoyosi - pulubi man ay may angking kaastigan nakukuha pang magyosi eh wala na ngang pambili ng kanin. nakakaawa na ganyan ang kanilang kalagayan pero hindi naman sila nililimusan para ipambili lang nila ng yosi. lintik kasi na slogan 'yan: come to where the flavor is.

barubal na jeepney - kung hindi ka pa naka-encounter nito hindi ka tunay na pinoy. isa pang astig ng kalsada: ang mga jeepney. requirements na yata sa pagiging jeepney driver ang magbaba at magsakay kahit saan nila maisipan, ang umandar sa pulang ilaw at huminto naman sa luntian. hindi mo sila pwedeng sawayin dahil lalong lalabas ang pagka-astig nila. ako? binabaril ko sila gamit ang aking daliring hintuturo. bang!

walang helmet - alam na ngang bawal pero ginagawa pa rin. tipikal na pinoy. ordinaryong motorista, pulis, enforcer na nakamotor pansinin mo marami sila. abangan mo bukas sa paborito kong 24 oras may naaksidente dahil sa motor kundi namatay, ay malubha. at pag nabuhay uulit pa 'yan. astig eh.

commemorative plates - para saan ba 'yan? siyempre para ipakita sa madla na astig sila at hindi sila pwedeng sitahin sa kalsada! tiklop ang buntot ng MMDA kung ito ang nakalagay sa kotse mo imbes na regular plate. klasikong halibawa ng "the law applies to all otherwise none at all" taliwas nga lang.

sidewalk vendor - isa ring kaastigan ang pagtitinda sa gilid ng kalsada kahit alam nilang halos wala ng madaanan ang mga tao wala rin silang pakialam ganun talaga kailangang may laman ang sikmura, kahit na kinukumpiska o sinusunog ang paninda nila tuloy pa rin sila sa pagtitinda. survival of the fittest rules.

videoke - ang larawang ito ay kuha sa isang liblib na lugar sa probinsya ibig sabihin kahit sa'n ka man mapunta ang pagbi-bidyoke ay laganap. ganyan ka-astig ang pinoy pagdating sa kantahan. konting okasyon videoke, kahit sa patay may videoke, kahit masikip na eskinita magsi-set up para maipwesto ang videoke. priceless moments.

GMA - wala ng aastig pa sa pagmumukhang ito at walang hindi nakakakilala dito. Astig ito sa pinakamataas na antas! Kung manlalaro lang ito ng ahedres dadaigin nito sa Eugene Torre o Wesley So at malamang isa na rin itong grandmaster sa galing niya mag-pwesto ng mga opisyal. Astig 'di ba? Sa'n ka ba naman nakahanap ng tao...pangulo na nasa pinakamataas na posisyon eh tumakbo pang congressman. ang touch move ay para lamang sa ahedres pero ibahin mo 'to 'tol she's untouchable! Kasariang babae pero ugali ng tunay na lalaki. ASTIG!

9 comments:

  1. Lets face the truth, oo may kabahuan ang pinoy but, aminim mo sa sarili mo na isa ka rin sa tinutukoy mo. Oo ndi masama mag comment sa iba pero negative ang comment o. you should know how to face the reality and also, tray to look at yourself.

    ReplyDelete
  2. uy may isang naligaw na nakabasa at nakita ang kanyang sarili. tipikal na pinoy mas napiling magkomento laban sa may akda kaysa makita ang mensahe ng paksa. mas nais na papurihan ang 'di kagandahang ugali ng pinoy kaysa itama. aasenso nga tayo sa ganyang mentalidad mabuhay ka at nawa'y dumami pa ang may ganyang pag-iisip.

    ReplyDelete
  3. hello sir mag papa alam sana ko para gamitin ang isang image ninyo dito na kuha ng mga nag babaraha... gagamitin ko sana na painting reference as appropriated image po sa painting thanks

    ReplyDelete