Tuesday, July 23, 2013

May Sayad



"'Tangna ka wala kang silbi."

Nakita kita sa SONA kahapon nakangiti ka pa. Kuntodo palakpak sa bawat pang-uuto ng pangulo. At ang gara ng suot mo Barong Tagalog na yari sa Piña! Putsa, ang mahal siguro niyan saka mukhang kagalang-galang ka kahit alam ng mga taong manggogoyo ka.
Siguro rumampa ka rin sa red karpet kasi 'di ba espesyal at importanteng tao ka? 'Kinangina mo hindi ka na nahiya sa pagmumukha mo! Kung espesyal at importanteng tao ka ano na ang tawag sa aming busabos?!? 


Malabo talaga ang mundo Dre, akalain mo 'yun ikaw may lisensya kang kulimbatin ang milyon-milyong putanginang pork barel pand na 'yan tapos kagalang-galang ka pa samantalang ako nung ninakaw ko ang isang kaha ng Malboro sa tindahan ni Mang Kanor todo-gulpi ang inabot ko. Naospital pa nga ako dun eh. Naalala ko pa 'yung nars na umasiste sa akin nun, ambait-bait kahit alam niyang patay-gutom lang ako at taga-iskwater ginamot niya ako hindi tulad mo, ulol ka. 
Ang dami-dami mong pera pero ang damot-damot mo tanda ko pa nung minsang humingi kaming abuloy sa opisina mo dahil sa namatay kong pinsan pinagtabuyan mo kami, sabi mo iskam lang namin ang manghingi. Tsk tsk. Hiyang-hiya naman ako sa'yo kahit hindi ako nag-aral na gago ka alam ko 'yung Pertilasyer pand. Hindi ka marunong magsher ng blessing. Shet.


Pakanta-kanta ka pa ng "Lupang Hinirang" hindi ka na nahiya sa balat mo, hindi ka ba kinilabutan nang sabihin mong "ang mamatay nang dahil sa'yo'? Sa pagkatalo nga sa eleksyon takot ka eh, mamatay pa?


Pero bumilib ako sa'yo nang nakita kitang sumabay sa dasal at nag-sayn op da kros, madasalin ka pala! Ano ba ang pinagdadasal mo? Pinagdadasal mo bang 'wag manakaw ang mga ninakaw mo? O 'wag kang mahuli sa mga kalokohan mo?


Dati nung bago ka pa lang maliit pa ang tiyan mo saka mukhang matino ka pa nun aydol pa nga kita dati eh, pero ngayon ang laki-laki na ng kaha mo sumasabay yata 'yang ulo mo sa paglaki ng tiyan mo, pero kahit mukhang lagi kang busog ang siba mo pa din, hindi ka ba marunong mabusog? 


Nagtataka lang ako sa'yo kasi dun sa baranggay namin wala naman sa mga tropa kong may gusto sa'yo pero nanalo ka pa rin. Tarantado rin kasi 'yang si Kap parang asong uto na sunod-sunuran sa lahat ng sasabihin mo, sukat ba namang mamigay ng tiglilimang-daang piso sa bawat botante sa amin. Eh bobo at tanga nga di ba? Siyempre ikaw ang iboboto nila, tangina talagang buhay 'to tapos magrereklamo kasi hindi raw makaaahon sa kahirapan. 
Pakshet kayo.


Tinititigan kitang maigi habang nakapokus sa'yo ang kamera, mukha ka namang magaling at matalino ka rin sabi ng marami. Iskolar ka nga di ba? Nakita rin kita minsan makipagdebate sa Kongreso putangina lang! Kahit hindi ko naiintindihan 'yung mga pinagsasasabi mo dun alam ko ang galing mo! Hanep 'yung mga inggles na binitiwan mo dun talagang nakakawindang parang tumira ko ng 'sangboteng solbent pagkatapos ng ispits mo, palakpakan lahat, pati ako! 'Tangna kongresman ka kaya namin, wi ar paking prawd op yu.


Pero tangina naman kung ganyan din lang ang depinisyon ng ng magaling at matalino pipiliin ko nang maging tanga at bobo habangbuhay, baket? May prayd kaya ako.

Sa tingin ko hindi ka bagay diyan sa Batasan mas bagay sa'yo nasa loob ng bilibid sa dami ng kagaguhan at kabalastugan na pinaggagawa mo o kaya samahan mo ako dito. 'Kinangina, ang dami nating magiging katropa dito, palagay ko nga mas malala pa ang sayad mo kaysa sa akin. 
Nagtataka nga ako kung bakit ako nandito eh, kaya ko lang naman kinatay 'yung pusa ni Aling Jill kasi wala akong pambili ng peborit ko na petutsini o bip salpikaw. Pakshet sila. Hindi ako baliw. Gusto kong sabihin na selp depens lang ang paggulpi ko kay Gary Balensya, sinita ko lang naman siya kasi nakakabulahaw na 'yung 'kinanginang boses niya, hatinggabi na kanta pa ng kanta ng 'Gib mi a rison'. Siya kaya ang naunang nanuntok eh 'di ihampas ko sa ulo niya 'yung mayk, hindi ko naman sadya na tumama 'yung ulo niya sa kanto ng bidyoke. 

Tapos 'pag nandito ka na gago ka igaganti ko ang sambayanang pilipino gugulpihin kita ng todo pero hindi kita papatayin dahil mas gusto ko mag-istey ka dito sa mental ng isandaang at limampung taon. Pero malabong mangyari 'yun, 'tangina para sa'n pa't naging kongresman ka kung hindi mo kayang bilhin ang batas.


Ako, 'pag nakalabas ako rito? Kunwari magpapakatino ako, kakaibiganin ko lahat ng taga-baranggay namin 'tas kakandidato ako kahit kagawad lang muna, 'tas tserman, 'tas kongresman - para magkaroon din ako ng milyon-milyong pork barel pand. 
'Tangina sawa na ko sa kahirapan!

Muntik ko na makalimutan, sikmura pala muna bago ang prayd.

5 comments:

  1. tumagos sa laptop screen ko yung galit mo. hahaha.

    ReplyDelete
  2. Tang ina dre! natumpak mo! pakshet na mga kongessman yan!

    ReplyDelete
  3. Kakagigil lang diba? Kaiso mo ako sa pagtugis sa mga hinayupak na 'yan! Sana may tablan! Argh

    Nice post!

    ReplyDelete
  4. Pakanta-kanta ka pa ng "Lupang Hinirang" hindi ka na nahiya sa balat mo, hindi ka ba kinilabutan nang sabihin mong "ang mamatay nang dahil sa'yo'? Sa pagkatalo nga sa eleksyon takot ka eh, mamatay pa?

    - ayos to. Haist, sana makrating sa kanila ang galit mo, I mean galit din ng maraming mamamayang Pilipino.

    ReplyDelete
  5. hala, kahit sa kanto lang, may ganto ang dialogue. di kailangang taga-Munti, ahaha. hello, Limarx... :)

    ReplyDelete