Friday, February 1, 2013

Ang Tunay na Pag-ibig

Ang Tunay na Pag-ibig.
Marami na ang nagtangka, nagpaliwanag at nagbahagi ng kani-kanilang istorya tungkol sa tunay na pag-ibig. Marami ang nag-akala, naghanap, naghahanap at nakahanap ng tunay nilang pag-ibig ngunit paano ba natin malalaman ang tunay na pag-ibig? Paano natin malalaman kung ang iyong nararamdaman ay tunay ngang pag-ibig at hindi paghanga, pagnanasa o bugso lang ng isang kagandahan/kagwapuhan o pisikal na atraksyon lang?

Lahat tayo ay nagmamahal at nais na mahalin, lahat tayo ay nasasaktan at may kakayahang manakit, minsan sa ating buhay lahat tayo ay nabigo ngunit minsan naman'y tayo ang dahilan ng isang pagkabigo. Bakit kahit gaano mo kamahal ang isang tao darating ang isang panahon na kayo'y hindi magkakasundo? Bakit kahit gaano mo kamahal ang isang tao ay mapahanga at mabibighani ka sa iba? Bakit minsan ay hindi sumasapat ang pag-ibig para mapanatiling walang alitan ang isang samahan? Bakit minsan kahit alam mong may pagmamahal ka may pagkakataong PARANG nabo-bored ka o nananawa ka? Hindi man mismo sa kanya o kanyang presensiya kundi sa sitwasyong parang paulit-ulit.

Walang pagsidlan ang kasiyahan ng taong nagmamahal at minamahal; wala kang pakialam sa oras at sa mga taong nasa paligid mo dahil ang importante para sa iyo ay ang samantalahin ang pagkakataon na kayo'y magkasama. Lahat ay kaya mong suwayin, lahat ay kaya mong tiisin dahil lahat ng para sa iyo ay kaligayahan sa tuwing siya'y iyong kasama. Ang pakiramdam na parang gusto mong pigilan ang pagtakbo ng oras, parang hindi ka dalawin ng antok sa tuwing siya'y iyong kausap, parang mabubusog ka sa kahit na anong ihain sa iyong harapan at ang pananabik na siya'y muling makita kahit na ilang oras pa lang kayong nagkakawalay at kaya mong baguhin ang buo mong pagkatao para sa kanya. Ang lahat ng bagay ay puno ng pangarap, kasiyahan at kaliwanagan. Ngunit sa sandaling kayo ay subukin ng tadhana at may ulap na nang pag-aalanlingan ang iyong kaisipan dito natin malalaman, masusubukan at masusukat ang tunay na pag-ibig.
* * *

Sabi, kung ikaw ay nagmahal at minamahal binigyan mo raw ng karapatan ang taong ito na ikaw ay saktan. Isang kakatwa na kung sino ang labis mong mahal siya rin ay may kakayahan na labis kang saktan, kung sino ang iyong pinagkukunan ng lakas siya rin ang magiging dahilan ng iyong kahinaan, kung sino ang kasama mo sa pagbuo ng pangarap siya rin ang may kakayahang paguhuin ito anumang oras.
Hindi ba talaga natin ito maiiwasan?
Hindi ba sasapat ang inyong pagmamahalan para mapigilan ito?

Madalas tayong dayain ng ating mga mata, takaw-tingin ika nga; sinasabi nating "mahal kita" pero sa tuwing may nakikita tayong mas maganda/gwapo nabibighani naman tayo dito. Ipinapangako natin ang samahang walang iwanan sa hirap o ginhawa ngunit paano kung magkasakit at mawalan ng trabaho ang iyong asawa hindi ka ba tatabangan sa inyong pagsasama? Sinasabi nating "mahal kita" pero kung matuklasan mong hindi siya pwedeng magkaanak hindi ba papasok sa isip mo ang magkaanak sa iba? Handa kang talikdan ang iyong pamilya para sa kanya pero paano kung wala na kayong makain hindi ka ba manunumbat o makakaramdam ng labis-labis na pagsisisi?
Hanggang saan natin kayang ipaglaban ang ating pag-ibig?
Kailangan ba nating tikman ang pagkakamali para malaman natin kung sino ang tunay nating mahal?
* * *

MAHAL KITA. Isang maiksing pangungusap na maaring makapagpabago nang matagal o habangbuhay sa iyong buhay. Napakadaling sabihin nito lalo't sa mga taong may kaaya-ayang atraksyong pisikal ngunit paano kung dumating ang panahong hindi na siya maganda/gwapo? O natuklasan mong marami sa ugali niya ang hindi mo gusto? O mayroon siyang madilim at nakakahiyang nakaraan? O ang mga kaanak/pamilya niya ay hindi mo makasundo ang pag-uugali? O nawalan siya ng trabaho at mistula na siyang inutil sa paningin mo at ng maraming tao? O siya'y mangalunya sa higit na mas kaakit-akit kaysa sa iyo? O magkasakit siya ng malala at isa na siyang alagain at pabigat sa iyo at sa iyong pamilya? Kaya mo pa rin bang banggitin ang salitang Mahal Kita? O magdadalawang-isip ka na dahil marami nang negatibong dahilang sagabal upang ito'y sambitin?

Ang katagang "Mahal Kita" ay hindi parang isang gift certificate na transferable, kung magsasabi ka ng Mahal Kita siguraduhin mong pag-ibig ang iyong nadarama. Ito ay sagrado na hindi dapat basta-basta binibigkas sa kung kanino lang kung ang layunin mo lang ay paglaruan ang damdamin ng iba at masatisfy ang iyong pagnanasa. Nakakalungkot lang na patuloy itong inaabuso ng lahat ng uri ng tao; kabataan o may edad, mayaman o dukha, may pina-aralan o mangmang. 'Pag sinabing mong Mahal Kita siguraduhin mong may pagmamahal ka talagang nararamdaman dahil ang pag-ibig ay hindi natatapos sa dalawang salita na ito, habangbuhay itong commitment na iyong pangangatawanan sa kanya at sa mabubuo mong pamilya (kung kayo'y magkakatuluyan).
* * *
MAHAL KITA walang pero, walang subalit, walang pangako.

Walang pero. Dahil ang pag-ibig ay hindi lumilingon sa nakaraan. Kung mahal mo ang isang tao hindi ka nanghuhusga base sa kanyang kahapon, kaya mo siyang tanggapin kung ano siya at ang kanyang pagkatao, kasama ng kanyang nakaraan at lahat ng kanyang kamalian. Kaya mo siyang ipaglaban sa kahit kaninong kaharap mo at ikaw ang unang-unang magtatanggol sa kanya sa oras na may mangyurak sa kanyang kapurian. Lahat ay may karapatang magbago ‘wag tayong maging mapanghusga dahil lang sa isang madilim na kahapon at maling desisyon dahil ang tunay na pag-ibig ay hindi mapanghusga at malawak ang pang-unawa.

Walang subalit. Dahil ang pag-ibig ay hindi humahanap ng alibi. Kung mahal mo ang isang tao hindi ka dapat nagdadahilan kung nais mong sabihin ang nararamdaman mong ito kahit na ang posibleng katumbas nito'y pagkabigo o kasawian, kahit alangan ang sitwasyon mo o hindi pantay ang inyong estado at kalagayan sa buhay, kahit na tutol sa iyo ang kanyang pamilya. Sa aking pananaw, ang pagsasabi ng “Mahal Kita” ay hindi kahulugan na dapat ay gantihan ka rin ng pagmamahal sa taong sinabihan mo nito dahil ang tunay na pag-ibig ay marunong magparaya at magpakumbaba.

Walang pangako. Dahil lahat tayo ay may kakayahan at kapasidad na basagin ang isang pangako anumang oras, anumang pagkakataon. Huwag mong ipangako ang bituin kung hindi mo kayang abutin, gawin mo lang ang obligasyon mo at mahalin siya ng taos sa puso mo tiyak maiintindihan ka ng mahal mo. Huwag mong ipangako ang kayamanan dahil baka mabigo kang ibigay ito, sapat nang magsikap ka at gawing inspirasyon ang kanyang pag-ibig sa'yo, mabigo ka man naipakita mong nagsikap ka at naging karapat-dapat ka sa kanyang pagmamahal. Hindi natin kailangang makarinig ng pangako o magbitaw ng isang pangako dahil kung tunay ang pag-ibig na inyong nararamdaman, ang inyong pagmamahalan ang inyong magiging matibay na sandigan at tiyak na kayo’y magsasama nang higit pa sa inyong inaasahan.
* * *
Ang pag-ibig ay, hindi usapin kung gaano kayo katagal magkakilala, o gaano kayo kalayo sa isa't isa, hindi ito ito usapin kung gaano kayo katagal muling magkikita dahil ang tunay na pag-ibig ay marunong maghintay, may pagtitiwala at marunong magtiis para sa isang magandang bukas.
Ang pag-ibig ay hindi paghahanap ng perpektong tao para sa iyo kundi ang pagtanggap niyo sa isa’t isa ng inyong kapintasan.
Kung ang pag-ibig mo ay magreresulta sa isang magulo at komplikadong sitwasyon na maaring makasira ng isang napakagandang samahan o pagwasak ng isang relasyon o pamilya mas makabubuting hindi na ito isiwalat dahil ang tunay na pag-ibig ay nakakaunawa at hindi makasarili. Ang kanyang kasiyahan ay kasiyahan mo na rin.

Maaring malupit ang mundo, ang taong mahal mo ay may mahal na iba habang ikaw ay nangangarap lang na balang araw na siya ay mapasaiyo, maaring ang taong mahal mo ay basura para sa iba ngunit kayamanan kung ito'y iyong ituring na higit pa sa luha ang gusto mong i-offer sa tuwing nakikita mo siyang nasasaktan at umiiyak. Ngunit hindi lahat ng gusto natin ay mangyayari, hindi sa lahat ng panahon ay sasang-ayon sa atin ang pagkakataon na kahit anong pagpupursigi mo ay hindi pa rin papabor sa iyo ang resulta. Ngunit kailangan mong gawin ito dahil ang tunay na pag-ibig ay hindi sisira ng buhay at pamilya at ang tunay na pag-ibig ay matapang na hinaharap ang kanyang kapalaran.
* * *

Hanggang saan ang kaya mong ibigay para sa pag-ibig?
Hanggang saan ang kaya mong tiisin para sa pag-ibig?
Hanggang saan ang iyong pagpapakumbaba para sa pag-ibig?
Ilang pagsubok ang kaya mong lampasan para sa pag-ibig?
Ilang tukso ang kaya mong talikuran para sa pag-ibig?
Ilang pagpapatawad ang kaya mong ipataw para sa pag-ibig?

Ang pag-ibig ay pagtitiis ngunit hindi katumbas nito na ikaw ay magpakabayani at patuloy na mahalin ang taong iresponsable, walang pagpupursigi at walang pagsisikap upang mapaunlad ang inyong samahan at pamilya.

Ang pag-ibig ay pagpapakumbaba ngunit hindi ibig ipakahulugan nito na ikaw ay habangbuhay na magpapa-alila at magbibigay sa lahat ng kanyang kagustuhan dahil kung tunay ang kanyang pag-ibig sa iyo dapat marunong din siyang magpakumbaba at umunawa dahil dapat ang pagmamahalan ay para sa DALAWA hindi sa isa lang.

Ang tunay na pag-ibig ay nagpapatawad ngunit hindi ibig sabihin nito na patuloy kang magpatawad para sa paulit-ulit na kasalanan. Ang paghingi ng tawad ay may kaakibat na pagsisisi at pagtanggap sa kamaliang nagawa at pangakong hindi na ulit ito mangyayari ngunit kung ilang beses nang inulit ang parehong pagkakasala parang kalokohan na lang ang pagpapatawad. 'Wag matakot at mabahala dahil may ibang taong mas karapat-dapat sa iyong pagmamahal.

Ang tunay na pag-ibig ay hindi sinusukat sa panahong kayo ay bata pa at maganda, hindi sa panahong kayo ay labis na masaya at masagana, hindi sa panahong pareho pang makinis ang inyong balat, hindi sa panahong masasarap pa ang inyong pagniniig sa gabi, hindi sa panahong wala ang mapanghalinang tukso at lalong hindi sa panahong wala kayong karamdaman at problema.
Dahil ang tunay na pag-ibig hindi lang puro sarap at kasiyahan kundi kasama rito ang hirap at kalungkutan.
Ang tunay na pag-ibig hindi nagugupo ng pagsubok, hindi pinagbabago ng panahon.

Maaring kulang at hindi pa sapat ang pagpapaliwanag at pagkakaunawa ko sa tunay na pag-ibig ngunit katulad nang sa Karagatan, ang pag-ibig ay malawak at walang eksaktong sukat, tulad nang sa karagatan minsan ito'y maalon kung minsan naman ay kalmado, minsan kasiyahan ang dulot minsan naman ay makadarama ka ng labis na lungkot.

63 comments:

  1. Pagkatapos basahin ang akda ngayon ko nalaman ang mas malalim na kahulugan ng "tunay na pag-big", isang kataga na inakala ko noon na may sarili ng kahulugan ngunit hindi pala...salamat sa pagpapaliwanag.

    ReplyDelete
  2. ang pag ibig talaga ay isang malaking misteryo

    ReplyDelete
  3. ang pag ibig ay tunay na isang malaking misteryo, misteryong Diyos lamang ang nakaka alam

    ReplyDelete
    Replies
    1. yep tama ka kaibigan napaka hirap unawain

      Delete
    2. ..kung maibabalik ko lang ang kahapon..sana masaya kami

      Delete
    3. MAHAl KIA. walng subalit. walang pero.

      Delete
  4. ..tama..at para sa akin ito ay isang malaking sugal..maraming beses kang pwedeng masaktan at matalo pero wag kang sumuko hanggang sa matagpuan mo ang tamang tao para sa iyo

    ReplyDelete
    Replies
    1. tma sana pag ready n ako mag asawa maging kasing swerte mo ako ate hehe =)

      Delete
    2. sana ako din ay maka tagpo ng taong masasabi kong akin at akin lamang

      Delete
    3. masarap magmahal pero napakasakit din naman kapag naiiwan..

      Delete
    4. Ganyan tlaga pag nagmamahal. . give and take. . Pag sinabing MAHAL kita dapat walang hinhintay na kapalit. . :). . More blessings to come. :)

      Delete
    5. antay antay lang wag mong madaliin ang pag ibig

      Delete
    6. go lang ng go..parang globe lang e hahaha

      Delete
    7. Lahat ng bagay kayang gawin ng tao para sa pag ibig.. At wala kahit sino sa atin ang pwede humusga sa kanila o sa pamamaraan nila..

      Delete
  5. wow pagka sweet naman..pero hindi lahat nakaka tagpo ang taong pinaka karapat dapat sa kanila

    ReplyDelete
  6. Pwede ko ba itong magamit para sa aking pagtatalumpati? Kung oo, maari ba akong makahingi ng kopya? Salamat!

    ReplyDelete
    Replies
    1. pwede kang mag-email dito: limarx214@yahoo.com.ph
      salamat sa pagbasa at pag-iwan ng komento. :)

      Delete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  8. ..baka mabigyan nyo din po ako nang payo dko napo alam gagawin ko,,anu po ba dapatkong gawin..mag2months na pp kameng break ng dati kong kalive in wala pang isang buwan naghihiwalay kame nun nang malaman kong nakipagbalikan sya sa ex nyang tomboy masakit pero bakit ganun umaasa pa rin po akong babalik kame sa isat isa tama po kase hinala ko sa kanya nun na may anu pa cla ng ex nyang tomboy pero dkopo maintindihan nararamdaman ko oo nanliliit kase ipinagpalit nyakp sa isang tomboy na ex nya pero inaasam ko pa rin pong magkakabalikan kame pero parang may nagtutulak sa ego ko na wag na kase tomboy na kalive in nya dkopo maintindhan sarili...nagtatalo po ang puso ko at ego..nasasaktan ak na nagagalit..

    ReplyDelete
  9. ang tunay na pag ibig ay walang iwanan..

    ReplyDelete
  10. pwede ko bang gamitin ito para sa aking talumpati?..
    sana pwede...

    ReplyDelete
  11. Pinakamasakit.. Kung subrang mahal mo siya. kaso mahal naman niya ay iba..pag nag mmsg ka baliwala lang sa kanya.. Pag nag chat ka ang sasagot boyfriend niya.. Faetz.
    Di mo naman kayang umiskapo nalang..suko na utak mo. Umasa naman puso mo.Patay tayo jan mga pre.. Sakit nun.. Haha..

    ReplyDelete
  12. nag email po ako sa inyo, tungkol sa sanaysay at talumpati. Salamat po.

    ReplyDelete
  13. multiselect policja testy do policji 2022 test multiselect

    ReplyDelete
  14. multiselect multiselect pytania 2022 przykładowe testy psychologiczne do policji 2022

    ReplyDelete
  15. test do policji online multiselect policja multiselect

    ReplyDelete
  16. psycholog po polsku berlin cennik polscy psycholodzy w berlinie psychoterapeuta berlin

    ReplyDelete
  17. psychoterapeuta berlin cennik polscy psycholodzy w berlinie psycholog po polsku berlin 2022

    ReplyDelete
  18. projektowanie ogrodu łódź zakładanie ogrodów łódź 2022 zakładanie ogrodów łódź

    ReplyDelete
  19. zakładanie ogrodów łódź opinie usługi ogrodnicze łódź cennik firma ogrodnicza łódź 2022

    ReplyDelete
  20. pastillas para agrandar el pené peru arequipa para agrandar el miembro productos para agrandar el miembro masculino mexico , crema para agrandar el pené en colombia , como agrandar el pené de forma natural gratis video

    ReplyDelete
  21. comment agrandir image sur gimp methode naturelle pour grossir sa poitrine comment agrandir une image de profil facebook , comment prendre du poids rapidement pour homme

    ReplyDelete
  22. comment faire grossir les poitrines naturellement comment agrandir une photo sur ordinateur comment bien bander avant un rapport , comment avoir un grand zizi sans pilule

    ReplyDelete
  23. tabletki na powiekszenie członka skutki uboczne powiększanie penisa https ://new-xxlenlargement24.eu/ czy tabletki na powiększenie członka działają

    ReplyDelete
  24. preparaty na powiększanie penisa lek na powiększenie członka https://instant-enlargement.info/ jak zwiększyć długość członka

    ReplyDelete
  25. ranking tabletek na powiększenie członka jak powiękrzyć penisa http://swift-enlargement.info/ jak skutecznie powiększyć członka forum

    ReplyDelete
  26. تمارين تطويل القضيب كيفيه تطويل القضيب http://new-xxlenlargement24.eu/ar/ علاج تطويل الذكر كيفية تكبير الذكر

    ReplyDelete
  27. تمارين تكبير القضيب تكبير الذكر بالصور طرق تكبير القضيب كيف تكبير القضيب

    ReplyDelete
  28. policja testy 2022 test do policji online 2022 testy psychologiczne policja 2022

    ReplyDelete
  29. multiselect policja 2022 multiselect policyjny multiselect policja 2022

    ReplyDelete
  30. psycholog w berlinie 2022 psycholog berlin cennik polscy psycholodzy w berlinie cennik

    ReplyDelete