"Medyo lumala kaysa dati ang lagay niya kailangan na niya talagang maoperahan sa lalong madaling panahon."
"Ganun po ba? Magkano nga po ulit ang kakailanganin sa operasyon?"
"Aabutin ang operasyon ng higit sa sandaang libong piso hindi pa kasama dito ang kakailanganing gamot pagkatapos nito pero sa ngayon kahit limampung-libong piso lang muna, paunang bayad."
Magkahalong lito at lungkot na lumabas ng ospital si Elena. Nangingilid ng luha ang kanyang mugtong mga mata, hindi alam kung saan kukunin ang ganoong kalaking halaga. Isa siyang promo-diser sa Puregold Supermart.
ii.
"Magandang gabi po Congressman! May kasama po akong babae at katulad po ng pinangako ko sa inyo magdadala po ako ng maganda at donselya. Singkwenta mil para sa kanya at singko mil po para sa akin." Si Menchie, isang baklang bugaw ng kanilang Baranggay patungkol kay Elena.
iii.
Pagkatapos maibayad sa cashier ng ospital ang paunang bayad na singkwenta mil agad nagtungo si Elena sa doktor ng kanyang Ina, si Doktor Samonte.
Sinimulan na ng mga Doktor ang operasyon sa nanay ni Elena.
Hindi namalayan ni Elenang nakatulog siya sa prayer room ng ospital. Alas-onse na ng gabi nang siya'y maalimpungatan. Halos pitong oras makalipas ang operasyon.
"Kumusta ang operasyon, Dok?"
"Ikinalulungkot ko pero dahil mahina na ang katawan ng nanay mo, hindi niya nakayanan ang isang maselang operasyon. Condolence, Elena."
Bagsak ang balikat na napahagulgol si Elena. Tanging pagtangis lamang niya ang naghari sa katahimikan ng ospital na iyon. Tinatanong ang Langit, nagtatanong kung "Bakit?".
Sariwa pa ang sugat ng kahapong alaala nang ibigay niya ang katawan sa lalaking hayok sa laman kapalit ng limampung-libong piso, hinayaan niya ang kanyang sarili na lurayin ng pulitikong ganid na ang ipinambayad sa kanya'y malamang na galing sa pondo ng bayan.
Salaping walang pinatunguhan.
Ang ginawa niyang kaparaanan ay tumungo lamang sa kawalan at isa nang marungis na babae ang turing niya sa kanyang sarili. Pakiramdamam niya'y wala na siyang ipinagkaiba sa isang puta.
Isang babaeng pinuta ng kahirapan, pinuta ng sistema.
"Ah miss, excuse me...pakiasikaso na lang po 'yung mga papers sa baba, meron din po kayong mga pipirmahan dun para po madischarge na mas maaga ang nanay mo, nandun na rin po sa cashier ang billing na dapat ninyong bayaran." sabi ng nurse kay Elena na nakatingin lang sa kawalan, tila walang narinig.
iv.
"Bossing, dalawang libo lang." si Elena habang ibinubuga ang usok ng kanyang hawak na yosi, sa driver ng kotseng huminto sa kanyang harapan.
isang halimbawa ng mga dahilan kung bakit nasasadlak sa ganitong trabaho ang ilang mga kababaihan.. solb lang din, minsan, eh, meron pa ring 'yung tinatawag nilang "twist of fate".. hindi natin kasi alam ang mga susunod na mangyayari..
ReplyDeleteisang mainam na paalala rin ito para sa ilang parokyano ng ganitong "business" eh dapat may respeto pa rin.. hindi kasi lahat eh ginusto ang pagpasok sa ganitong trabaho..
awww... sad but true... nangyayari talaga...tsk...
ReplyDeleteKalunkot ng story. Marami ganyang nangyayari because of poverty. Hope mabasa ng mga nang abuso.
ReplyDeleteay, kalungkot naman nire, kapatid. ang masasabi ko. hihihi, wala ata meng masasabi... basta, maraming klase naman yatang pagpuputa, di lang classic mode, hehehe. parang nakanood ako ng ganyang movie sa cinema one noong weekend, madaling araw, hihi. ^^
ReplyDeletesalamat sa dalaw at sa comment, ha. warm regards. :)