Thursday, October 2, 2014

Mitolohiya I - Ang Alamat nang Pagkawala ng mga Sirena



Makapangyarihan ang diyos ng karagatan na si Neptuno. 
Kaya niyang pakalmahin ang alon ng dagat kung kanyang nanaisin at sinusunod din siya ng karamihan sa mga isda at nilalang ng karagatan. Sakop ng kanyang kaharian at kapangyarihan ang sinumang naninirahan dito -- mga isda, balyena, pating, lumba-lumba, alimango, dikya, sireno at sirena at iba pang hindi na mapangalanang lamang-dagat sa dami ng uri.

Kaisa-isang anak ni Neptuno si Ariela -- isa itong sirena.
Payapa, marilag at mayaman pa noon ang karagatan sa pangangalaga ni Neptuno.
Kulay asul ang malinis na tubig, malayang lumalangoy sa ibabaw nito ang laksa-laksang uri ng lamang-dagat, ang mga corals sa ilalim nito na nagsisilbing tahanan ng mga maliliit na isda ay kay gaganda, ang mga halamang dagat na kanilang pagkain ay tila hindi nauubos sa sobrang sagana.
Sa maiksing salita, ang karagatan ay makulay at maganda.

Bagama't limitado lamang ang dami at uri ng mga isda na nahuhuli ng mga mangingisda noon, hindi naman sila umuuwing walang bitbit o huli para sa pamilya, mayroon pa ngang natitira upang may maitinda para sa pamilihang bayan. Ngunit ang tao ay sadyang mapaghangad ng sobra sa kanyang pangangailangan.

Si Greko ang lider ng grupong namamalakaya sa dagat pasipiko ay niyakag ang kanyang mga kasamahang mangingisda sa lugar kung saan mas maraming uri ng isda ang mahuhuli.

"Magtungo tayo sa banda roon, napakakaunti ng isdang ating nahuhuli rito. Masyadong mababa ang presyo ng ating itinintidang isda marahil nagsasawa na ang mga mamimili sa paulit-ulit na isdang ating inaalok sa kanila." pagyakag at mahabang paliwanag ni Greko sa mga kasama. Ang tinutukoy na lugar ni Greko ay ang Isla Orakulo - lugar kung saan hitik sa napakaraming uri at bilang ng isda ang makikita.

"Ngunit hindi ba't ipinagbabawal sa atin ang magtungo roon? Magagalit ang diyos ng karagatan na si Neptuno 'pag ginawa natin yaon..." alinlangang sagot ng kasamang mangingisda ni Greko na si Milan.

"Kung gusto ninyong magkaroon ng karagdagang kita para sa inyong pamilya sasama kayo sa akin! At 'wag kayong maniniwala na mayroong diyos ang dagat, hindi totoo si Neptuno! Hindi totoong may diyos ang dagat!" pagmamatigas ni Greko.

"Sino sa inyo ang nais na sumama sa akin upang mangisda sa Orakulo?"

Agad na nagtaas ng kamay ang walo sa siyam na mangingisda. Samantalang si Milan ay alanganin kung sasang-ayon o hindi, sa bandang huli'y nagpasya na rin siyang hindi sumamang magtungo sa Orakulo.

Gamit ang kani-kanilang mga bangka ay nagtungo ang walong mangingisda sa isla ng Orakulo. Maliban kay Milan na nakuntento na lamang sa kanyang nahuling isda at umuwi na lamang sa Bayan ng Maui.

Dis-oras ng gabi ng makarating ang grupo ni Greko sa Isla Orakulo.

Hindi nga nagkamali si Greko sa kanyang hinala. Napakarami ngang uri ng lamang-dagat at kanilang natagpuan sa Isla Orakulo! Kanya-kanyang hagis ng lambat ang mangingisda -- walang hindi natutuwa sa dami ng isdang kanilang nahuhuli. Walang hindi nasisiyahan sa posibleng napakaraming perang kanilang kikitain.

Halos lumubog na ang mga bangka ng grupo ni Greko sa sobrang dami ng lamang-dagat na kanilang huli. Hindi maipaliwanag ang labis na kasiyahan na nadarama ng mga mangingisda. Hindi pa sila nakararating sa dalampasigan ay alam na nilang pagkakaguluhan sila ng mga negosyanteng namamakyaw ng mga huling isda.

"Sabi sa inyo e! Sa dami at espesyal na isdang nahuli natin sigurado malaki ang kikitain natin ngayong araw na ito!" pagmamalaki ni Greko sa kanyang grupo.

"Oo nga, oo nga! Whoo!" pagsang-ayon ng lahat habang sila'y malakas na pumapalakpak.

Saglit lang ay agad nang naibenta ang mga huling lamang-dagat ng grupo ni Greko. Kumita sila ng higit sa triple kumpara sa dati nilang kinikita. Malaki-laking halagang maiuuwi para sa pamilya. Bagama't si Milan ay nakararamdam ng kaunting inggit dahil sa malaking kinikita ng kanyang mga kasama hindi naman siya nagpatalo sa inggit na ito. Nagpatuloy lang siya sa nakagawiang pangingisda -- sapat na para sa kanya ang may maiuwing pagkain para sa pamilya at sapat na para sa kanya ang perang magtutustos para sa pangangailangan ng pamilya.

Samantala, maraming gabi ring nagpapakasasa ang grupo ni Greko sa pangingisda sa Isla Orakulo. Nangingisda sila ng labis-labis sa kanilang pangangailangan at sa katunayan, gumamit pa sila ng mas malaking bangka upang mas marami silang mahuling mga isda at iba pang lamang-dagat. Kalaunan, hindi na lang grupo nina Greko ang nangingisda sa Isla Orakulo kundi marami na ring ibang grupo pa ng mga mangingisda ang nagtutungo rito na nagresulta sa pagkasaid at pagkaubos ng mga lamang-dagat sa lugar na iyon.

Hindi nagtagal, ang pang-aabuso at kaganapang ito ay nakarating sa kaalaman ni Neptuno -- ang kalabisang ginagawa ng mga mangingisda, ang pagkasaid ng mga isda roon na kahit hindi pa lubos ang laki'y hinuhuli na at ang pagkawasak ng koral sa Isla Orakulo at kalapit na mga isla nito.

Nagalit ang diyos ng karagatan na si Neptuno. 
At dahil sa pagkayamot na ito ay inutusan niyang magbantay ng karagatan ang anak na si Ariela kasama ang ilan pang sirena at mga sireno. Pinakalat ni Neptuno ang mga bantay ng karagatan at pinalakas ang hampas ng alon sa dagat upang mahirapang makapangisda ang lahat ng mangingisda.

"Magsikalat at magbantay kayo!" utos ni Ariela sa kapwa niya sirena at sireno. "Wag niyong hayaan ang mga tao na maubos ang mga kasamahan natin."

Hindi naging madali para sa mangingisda ng Bayan ng Maui ang pangingisda. Malakas at mataas ang alon kahit walang bagyo na kahit sa dati nilang lugar na pinangingisdaan ay wala na ring isdang mahuli. Naging mailap sa tao ang anumang uri ng lamang-dagat. At sa halip na humingi ng kapatawaran sa diyos ng karagatan ay naging marahas pa sila. Gumagamit na sila ng dinamita.

"Huwag kayong gumamit niyan! Mas maraming mapapahamak sa gagawin niyong iyan! Mas makabubuti para sa atin na humingi ng kapatawaran sa diyos ng dagat na si Neptuno!" pagpigil ni Milan kina Greko.

Ngunit walang narinig ang grupo ng mangingisda na pinangungunahan ni Greko. Muli silang nakakahuli ng isda bagama't mas lalo lang nitong pinaigting ang galit ni Neptuno!

Sa pagkagalit na ito ni Neptuno'y naging mabangis ang marami sa mga hayop na naninirahan sa katubigan kabilang na rito ang mga piranha, barracuda, igat, buwaya, pating at iba pa. Lumalaban na sila sa mga tao. 
Lalong lumalakas ang hampas ng mga alon na minsa'y nagiging dahilan ng tsunami sa maraming lugar. Namuhay sa pinakamalalim na pusod ng dagat ang maraming uri ng lamang-dagat upang hindi na sila mahuli ng mga mangingisda.

Isang gabing pagbabakasakali na may mahuhuling maraming isda, 'di sinasadyang nasilo ni Greko ang sirenang anak ni Neptuno na si Ariela -- saka pa lamang siya nakumbinsi na totoo ngang may sirena at totoo nga si Neptuno!

Nakarating kay Neptuno ang balitang nabihag ng isang mangingisda ang sirenang anak at dahil dito'y nagpadala siya ng mensahe kay Greko na gagawin niya ang lahat mapakawalan lang ang bihag na si Ariela.

"Sabihin mo kay Neptuno, hayaan kaming makapangisda sa kahit saang lugar namin naisin, kahit anong uri ng lamang-dagat na aming gustuhin at kahit anong dami ng bilang na aming huhulihin! 'Pag pinabayaan niya kaming maghari dito sa dagat pakakawalan ko ang anak niyang si Ariela!" kausap ni Greko ang isang lumba-lumba na magdadala ng mensahe sa diyos ng karagatan.

Labag man sa kalooban ni Neptuno. At kahit batid niyang mapapariwara at masasalaula ang kalikasan at karagatan sa kamay ng mga tao kung sakaling siya'y pumayag sa kagustuhan ni Greko wala siyang magagawa. Mahal niya si Ariela at kailangang makalaya ang kaisa-isa niyang anak.

Ang diyos ay diyos at si Neptuno ay isang diyos na may isang salita na 'di tulad ng tao. Ang kanyang salita ay batas, ang kanyang salita ay katumbas ng kanyang dangal.
Kaakibat ng mabigat na desisyon na gagawin ni Neptuno ay ang pagbitaw sa responsibilidad na mapangalagaan niya ang kayamanan ng karagatan. Mahalaga ang karagatan ngunit mahalaga rin para sa kanya ang anak na si Ariela. Kung susuwayin niya ang kanyang sariling salita at paninidigan ay wala na rin siyang pinagkaiba sa mga tao na hindi tumutupad sa kanyang pangako at gagawin ang lahat para lamang sa makasariling ambisyon.

Sa paglaya ni Ariela sa kamay ni Greko ay nagpasyang manirahan sa pinakamalalim na bahagi ng dagat si Neptuno at ang kanyang anak na si Ariela kasama ng iba pang mga sireno at sirena --- tagong lugar kung saan hindi kayang abutin, marating at sisirin ng mga tao at ng anumang uri ng sasakyang pangdagat.

Ilang panahon pa ang lumipas magmula nang hayaan ni Neptuno ang karagatan sa kamay ng mga tao, ang karagatan ay nag-umpisa nang maging maitim at marumi.
Dahan-dahang kumakaunti ang bilang ng yamang-dagat at mga lamang-dagat.
Nasisira na ang mga koral na tahanan ng napakaraming mga isda.
Naubos at tuluyang nawala ang maraming uri ng isda dahil sa labis-labis na panghuhuli.
Kabilang na rin ang mga tulad ng dolphin, balyena at pating sa hinuhuli at kinakatay ng mga mangingisda.
Naging mailap at lalong bumangis ang maraming hayop sa dagat.  Natuto silang lumaban sa mga tao dahil sa panganib na kanilang kinakaharap.

Dahil sa kalabisan ng tao at kagustuhang magkamal ng maraming pera --- ang nakagisnan nating kariktan ng karagatan ay unti-unti nang nawawala. Hindi na rin natin alintana ang kapabayaang ginagawa ng mga tao sa dagat at tuluyan na ngang hindi ito nabantayan at naalagaan.


At tuluyan na ring naglaho at hindi na nagpakita sa lahi ng mga tao sina Neptuno - ang diyos ng karagatan, si Ariela at iba pang mga sirena at sireno ng dagat.

 - wakas -

Abangan... Mitolohiya II: Ang Alamat ng Huling Dragon




80 comments:

  1. Cool! Masarap 'tong gawing bedtime story para sa mga bata.

    I'm just wondering kung saan mo nakuha yung idea para isulat ito? Kumakain ka ba ng isda nung time na yun tapos bigla mo tong naisip? *hehe*

    Excited na ko para dun sa kwento ng dragon. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. May nagpagawa sa akin ng dalawang kwento ng mythology at nagising ako isang umaga na sabi ng isip ko, iyan ang gawin kong kwento. Hehe.

      Si Smaug ang bida sa ikalawang mythology na bida rin sa The Hobbit 2. Pero nagkataon lang na pareho silang pangalan. Haha.

      Ikaw na lang Geosef, ang masipag na nagkokomento sa inaagiw na blog na ito. Huhu. Pero marami pa rin namang hits 'yun nga lang ayaw mag-iwan ng bakas.
      Salamat ulit. :)

      Delete
    2. Pwede ka na magsulat ng children's book, Kuya Ramil. Yung mga ini-illustrate. :)

      Malamang mga silent reader sila.

      Delete
    3. kuya pede mo matanong kung kelan ka po ipinanganak at kung saan nakatira? kailangan ko lang po para sa talambuhay ng author sr limarx214

      Delete
  2. Nakakatuwa naman. Nababagay nga itngo sa mga bata lalo na kung pangangalaga sa karaagatan at likas na yaman nito. :) Intayin ko yung kasunod. :)

    ReplyDelete
  3. Pano po macopyyyy? need ko lang po.\

    ReplyDelete
    Replies
    1. pwedeng tiyagain mo na lang i-type o paki-email mo na lang sa: limarx214@yahoo.com.ph

      Delete
  4. D'awwwww ang ganda! Although nag expect ako ng labsturi kay Milan at Ariela 😭😝😂😂😭😭💔😍 maganda ang message nung story 😊

    ReplyDelete
  5. hi, need the author's name for our project in Filipino, reply asap, will pass that soon. Thanks

    ReplyDelete
    Replies
    1. This comment has been removed by the author.

      Delete
    2. Sino po author need po kasi ehh please

      Delete
  6. saang bansa ba ngmula yang kwentong yn?

    ReplyDelete
  7. PACOPY PO!!!!!!!!! SALAMAT

    ReplyDelete
  8. Replies
    1. Nagtatanong ka ng may akda pero ikaw mismo ay hindi nagpakilala.
      Author's Name: Ramil Gubalane

      Delete
    2. ano po ba ang tema o paksa ng mitolohiyang ito ? pasagot naman po i need lang

      Delete
    3. please po kuya ramil pakisagot naman po :(

      Delete
    4. kailangan ko po ito sa monday please please please pakisagot na rin po yung balangkas ng mga pangyayari please please please please :D :(
      By the way po your story is really great walang halong biro totoo po yon ! kaso parang bitin wala po bang part 2?

      Delete
  9. Pwede po ba ako magtanong kung ano po ang BANGHAY ng Mitoohiyang ito?

    ReplyDelete
  10. Saang bansa pinagmulan nito

    ReplyDelete
  11. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  12. Saan po bandang mitolohiya ito? I mean sa LUZON, VISAYAS, MINDANAO? Saang kwento po sya?

    ReplyDelete
  13. Can I ask, kung anong gintong aral nito? Bmb asap, project kasi namin to eh.thank u😊

    ReplyDelete
  14. Can I ask, kung anong gintong aral nito? Bmb asap, project kasi namin to eh.thank u😊

    ReplyDelete
  15. Hi po. Can I ask kung san pong country ito? Need lang po talaga. Asap.

    ReplyDelete
  16. HELLO,,,,May i know who's the author...plz! and from what country does it belong !..........FAVOR......

    ReplyDelete
    Replies
    1. Author: Ramil A. Gubalane
      Sa pagkatha ng alamat sa tingin ko'y hindi kailangang ilagay ng may-akda kung saang bansa ito nagsimula pero since, pilipino naman tayo ipagpalagay na nating sa bansa natin ito nagsimula.
      Maraming Salamat.

      Delete
  17. saang mitolohiya po to galing? Saan pong bansa? Kaylangan na kaylangan lang po talaga. Salamat

    ReplyDelete
  18. Ano pong simbolismong ginamit?

    ReplyDelete
  19. Ano pong simbolismong ginamit?

    ReplyDelete
  20. kung iyo pong iuuri ang mitolohiyang ito,saang rehiyon ito maibibilang?

    ReplyDelete
  21. hey Mr. Author , mitolohiya ng anong rehiyon po ito ?? bmb. asap . thanks !!

    ReplyDelete
  22. pa copy paste poh need ko po ngayun.

    ReplyDelete
  23. pano po i-copy? kailangan lang po kung pwede

    ReplyDelete
  24. bakit nyo po naisipan na isulat ito? oh ano po ang nag udyok sa inyo na s
    isulat ito ?

    ReplyDelete
  25. ano po balangkas ng story nato kailangan lang po talaga :( :(

    ReplyDelete
  26. Saang rehiyon po ito?

    ReplyDelete
  27. Sino po yong may akad into..need ko LNG po para sa school research paper namin..thanks po and maganda ang kwento

    ReplyDelete
  28. Ask ko lang po. san pong region to belong??? Nakalagay po kasi sa refference ay "must include region 3"Sa region 3 nga ba po??

    ReplyDelete
  29. Saang region po ba ito nabibilang itong mitolohiyang ito?

    ReplyDelete