Salamat kay Ate San ng Sa
Saliw ng Awit dahil sa kanyang post na Madali raw Magsulat ay mayroon akong naisulat. Thanks ulit Ate San. (haha,
nakiki-ate)
* * *
Ilang buwan na akong kumahog
sa mga isusulat dito sa blog na ito tila naglahong parang bula ang mga ideya,
paksa, gigil, passion, tikas, excitement, pagka-astig, pagkahilig sa poetry at
kung ano-ano pa na dati'y pakalat-kalat lang sa utak. Dati'y nakakagawa ako ng
isang matinong sanaysay sa pagitan ng masikip na traffic sa R-10, o singbilis
nang isang pagchange-oil ng sasakyan sa talyer ang paggawa ko ng isang artikulo
at ang mga ideyang lumalabas sa akin ay kusang-loob at hindi pinipilit pero
ngayon iba na, ibang-iba na.
May pagkakataong higit na sa
kalahating oras akong nagtatangkang sumulat hawak ang tablet o nakatanghod sa
monitor pero nakapagtatakang wala man lang akong mabuo kahit man lang isang
pangungusap. May panahong mayroong nabuong magandang paksa pero hindi ko ito
maisatinta dahil nauunahan ng katamaran. At kung sakaling gusto ko nang sumulat
dahil sa naipong sipag pansin ko namang pilit na ang mga salitang lumalabas sa
aking isip.
Binalikan ko ang mga
nagawa kong akda, marami-rami na pala higit sa dalawang daan, may mga
interesting na paksa at mayroon ding walang kwenta. Hindi ko alam kung isa ito sa mga dahilan kung bakit may pagkatamad na sa pagsusulat mabuti na lamang
bago ito mangyari ay may achievement na ako kunwari sa pagsusulat; nagwagi ng
ilang parangal (Kamalayang Malaya 3, PEBA 2012 at Bagsik ng Panitik 2013) at
ang isa sa mga pangarap ng blogger - makapagpublish ng sariling libro. Malaking bagay sa
akin ang mga ito at alam ito ng kapwa ko sumusulat sa virtual na mundo ng
blogosperyo.
Kahit mangilan-ngilan lang
ang bumibisita sa hamak kong bahay hindi ito naging rason para hindi pag-ibayuhin ang
gana sa pagsusulat.
Para sa akin hindi madali
magsulat at kung sino man ang nagsabing madali ang magsulat dapat natin siyang
hangaan at kabiliban pero teka dapat ba nating bigyan ng isang paghanga ang
isang taong madali sa kanya ang sumulat pero walang 'kwenta' o walang 'saysay'
ang kanyang halos lahat ng sinulat? Ewan ko, hindi ko alam.
Hindi sa nagmamahusay o
nagmamagaling ako sa pagsusulat kaya lang parang nasasayangan ako sa talento ng
maraming blogger, parang marami pa silang magagawang akda na may lalim hindi
lang puro himutok, pasaring o pagmamayabang sa buhay. Okay namang magpaskil ng mga ganoon
pero 'wag naman sana palagi.
Teka, bakit ba ako
nakikialam?!?
Alam ko na hindi lang ako
ang dumadaan sa ganitong 'pagsubok', marami ring iba pa at mayroon na ngang iba
tuluyan nang nagpaalam sa pagsusulat. Ganito pala ang pakiramdam;
nakakapanibago, nakakalungkot, nakakadismaya, umaasa, nakakatamad. Sa tulad
kong may passion sa pagsusulat panghihinayangan ko ito kung sakali.
Sa dami nang napakahuhusay
na blogger/writer na naglipana sa mundo ng blogosperyo totoong
nakaka-intimidate na sila, parang nakakahiyang magpost ng isang entry na akala
mo'y kinder pupil ang sumulat! Sa halip na panghinaan ng loob dapat magsilbi
itong motibasyon at inspirasyon para sa atin, manghiram ng mga ideya ngunit
'wag magplagiarize, isulat ang nais sabihin dahil kalaunan madedevelop din kung
anong taglay mo.
Panahon pa ng Friendster ay
mahilig na akong magsulat sayang nga lang at hindi ko nai-save ang mga akdang
naipublish ko dun, winalang-bahala ko lang ang notification ng Friendster sa
akin na mawawalang lahat ng pictures at blogpost na naroon, sayang talaga.
Kahit kumahog ako sa
pagsusulat sa kung anong dahilan hindi pa rin katumbas nito ang paghinto at
pagsuko ko dito dahil umaasa pa rin ako na darating ang tamang oras na
manumbalik ang lahat ng sipag at gigil ko dito. Sana nga.
Alam ko hindi pa ito ang
tamang panahon para magpaalam sa pagsusulat, alam ko marami pang mapipigang latak sa
pagal kong utak.
hello, limarx... welcome. ate nga, ateng maganda (sabi-sabi lang, allegation, hihi).
ReplyDeleteo, yon, nakasulat ka na ng parang nakikipagwentuhan lang sa readers. tamo, parang wala lang, ahihi.
true, ang clue yata is to write as often para always on the groove, ika nga... sa pagba-blog ko na rin lang nakuha ang habit. tamad at maraming hesitaions and pa-ek-ek din, dati. kainaman na...:)
have a good week. regards sa iyo at sa mga mahal sa buhay.
kahit ako, minsan naisip ko na ihinto ang blogging dahil sa akala ko, wala na akong maisusulat.. pero buti na lang at meron pa.. tsaka tiyaga kahit papaano..
ReplyDeletesabi nga nila eh, ipagpatuloy lang ang hilig.. hehehhe
Ah eh, nakarelate ako dito. Pinagdadaanan ko talaga ito kaya matagal akong namahinga, mga kalahating taon siguro iyon. Pero salamat sa inyo mga butihin bloggers na patuloy na mag-inspire sa akin na sumulat sa pamamagitan ng mga isinusulat n'yo sa inyong mga blogs. Heto at masasabi kong ganap na akong magbabalik sa blogging. Paunti-unti at hindi uubusin ang namumuo pa lamang na libog sa isipan. At sinasabayan ko rin ito ng pagbabasa ng mga libro, banyaga man o sariling atin. Sa ganitong paraan maibabalik ang dating alab ng pagsusulat. Hindi naman kapupulutan o mukha mang pilit, paunti-unti mahahasa at mahasa rin ito. Lalo't nariyan kayo.
ReplyDelete