Hindi ko ugali na magpost ng personal issues sa buhay pero dapat ninyong mabasa ito.
---------
June 12. Holiday. Isang araw bago pormal na umalis ng opisina ang misis ko, may natanggap akong text mula sa hindi ko kilalang numero.
+69151964633 (12-Jun-2014 1:15 AM): Pare gudmorning. May nabalitaan lang ako na ung anak nio daw na bunso ay d mu daw anak kay kumare, eto lang naman ay narnig ko lang dn. Bkt madalas my kinakatagpo rn daw c kumare at katxt.
Natanggap ko ang text ng bandang alas-siyete ng gabi pero ang rumehistrong oras mula sa kanya ay 1:15 AM indikasyon na hindi niya naadjust ang oras, marahil bagong insert ang simcard at hindi nag-abala pang baguhin ang petsa.
Hindi ko pinansin ang text sa pag-aakalang random message lang ito at aksidenteng nai-send sa number ko.
Makalipas lang ang isang minuto muli itong nagtext.
+69151964633 (12-Jun-2014 1:16 AM): Xnxa na kumpare tagal ko na kc nari2ng to. tas my kinikta p daw. mas mganda observe mu xa kht cguro sa txt.
Muli, hindi ko pinatulan ang text. Subalit ilang saglit lang nirisend nya ang huling kanyang itinext ngunit iba na ang oras.
+69151964633 (12-Jun-2014 5:46 PM): Xnxa na kumpare tagal ko na kc nari2ng to. tas my kinikta p daw. mas mganda observe mu xa kht cguro sa txt.
Sa puntong ‘yon medyo napikon ako. Sinubukan ko siyang i-bluff sa painosenteng reply.
+0925888__ __ __ __ (12-Jun-2014 7:38 PM): Gago kulit mo. 4th year highschool pa lang ako may anak na ko?
Buong akala ko ay matatahimik na siya at marirealize nyang siya’y nawrong send. Mali ang akala ko. Dapat pala hindi ko na pinatulan ang text.
Muli siyang nagreply, ambilis segundo lang ang pagitan.
+69151964633 (12-Jun-2014 5:46 PM): Hndi ko yan sa2bhn kung hindi ko yan nalaman tlaga.
Dapat hindi ako nainis, dapat hindi ako nagpadala. Pero nareplyan ko siya.
+0925888__ __ __ __ (12-Jun-2014 7:58 PM): Tangina mo po.
Hindi siya nagpadaig at siya’y nagreply ng may paggalang.
+69151964633 (12-Jun-2014 7:36 PM): Concern lang pare.
Siguro sa kagustuhan ng nagtitext na magkagalit kami ng misis ko at tuluyan kaming magkaaway pursigido siya sa kanyang ginagawa. Kinacareer ika nga. Naiisip ko lang paano kung ang makakatanggap ng text niya ay ang mga lalakeng madaling mapaniwala sa mga sabi-sabi? Hindi ba’t away at posibleng hiwalayan ang resulta nito?
+69151964633 (12-Jun-2014 7:57 PM): Nasau yan pare kung d mu rn observe c misis. Mahrap may ipot sa ulo. Kea sa cel plang tignan mu na.
Hindi ko na pinatulan ang text. Kung mapapansin niyo ang oras niya tama na (ang oras ng cellphone ko ay advance ng sampung minuto). Ayoko nang maabala sa panonood ko ng 24 Oras kaya isinilent ko ang phone ko.
Pero mayamaya pa muli itong nagtext ng dalawang magkasunod ngunit malayo ang pagitan ng oras at sa text niya na ‘yun ay pinatunayan niyang kilala niya ako at hindi lang aksidente ang pagkakasend niya sa akin ng text.
+69151964633 (12-Jun-2014 8:02 PM): Kaw bahla pare, minsan gulatin mu c misis kc
+69151964633 (12-Jun-2014 10:45 PM): Pre. Try to observe ur wife Lcb ka pa naman tas wife mo may tinetext na lalaki rn. Minsan mgcheck ka rn kc. Hndi mu sa email txt naman.
June 13. May pasok na kinabukasan, wala na sa isip ko ang malisyosong text. Napakababaw ng sinuman na maniniwala sa kung ano mang sabihin/itext ng malisyoso at may insecurity na tao. Lumipas ang maghapon na wala na kong nareceived na text.
June 14. Sabado. Ifinoward ko ang mga text at numero ng gagong mapanira ng buhay sa isang kaibigang itatago natin sa pangalang Louise na nagtatrabaho rin sa kompanyang inalisan ng wife ko.
Nagkausap kami at pinasubukan kong pag-ringin ang numerong 09151964633. Nagring. Ngunit hindi sinagot. Ibig sabihin active pa ang simcard at siguro’y nag-eexpext siya ng reaction ko o nagbabalak siyang muling manggulo sa text.
Ang hinala ni Louise at hinala ko na nagtitext ay iisang tao lang.
Walang sinuman ang nagsasabi sa akin ng “KUMPARE” at iisang tao lang ito, binasa ko rin ang previous text message ng taong pinaghihinalaan ko at pareho ang way nila ng pagtitext ngunit kailangang may mabigat na ebidensya. Kailangang malaman ang bigat ng kanyang dahilan para gawin niya iyon sa akin at sa aking pamilya.
June 16. Lunes. Nagtama ang paningin ni Louise at ng taong sa tingin nami’y nagtitext ng paninira. Masama ang tingin nito kay Louise parang nakakatunaw, parang papatay. Nakwento na rin ni Louise na dati ay may kumalat ding tsismis na ‘yung anak niya raw ay hindi niya anak sa kanyang asawa at isa sa nagpakalat ng mapanirang tsismis ay ang taong ‘yun.
Para lang matapos ang lahat ia-unfriend ko na lang siya sa Facebook. Ngunit laking gulat ko, nang nauna na pala siyang i-unfriend ako.
Coincidence? No.
Feeling of guilt? Maybe.
Inisip ko, ano ba ang posbleng dahilan bakit niya ako dinelete as a friend? Wala. Unless na may sama ka ng loob sa akin at sa mga pinupost ko sa FB at sa mga blog ko.
Ang taong ito nakakatakot. May kakayahan siyang manira ng pamilya ng hindi nakokonsensiya. Minsan ko na rin siyang itinuring na kaibigan pero hindi ko ito dapat panghinayangan dahil mas masahol pa siya sa mga sumusulat ng tsimis sa tabloid o sa umiibento ng kapalaran sa horoscope.
Sa sama ng loob niya at galit niya sa akin o sa misis ko sa hindi ko alam na kadahilanan, gumawa siya ng ganoong karahas na move. Nakakakilabot. Nakakainis. Nakakagalit.
Anong motibo at plano ko? Wala. Sabi nga, kung binato ka ng bato batuhin mo ng tinapay. Hahayaan ko lang. Gusto ko lang sana marealize niya kung mababasa niya man ito ay sana masaya siya sa ginagawa at ginawa niya at pagpalain pa siya at mabuhay ng pagkatagal-tagal upang makatulong siya sa mga nangngailangan.
Nang pinabasa ko sa wife ko ang mga text message ng gagong 'yun sa akin, nagtawanan lang kami. Haha. Dapat daw hindi ko na pinatulan.
'Tangina nun. Kalalaking tao, tsismoso. DAMN.
grabe siya hahaha :)
ReplyDeletesana gumawa na lang din siya ng blog, magaling naman siyang humabi ng istorya lol
nakakatawa yung mga taong ganyan, bakit kaya sila ganun... anyways...
Hi Jeo, itext mo na lang 'yung number kumbinsihin mong magblog baka manalo siya sa mga writing competition ng blog awards. Haha. Ewan lang natin kung makapasa at makabuo ng isang pahina.
DeleteIba ang trip nun ah; creepy. Pasalamat siya at hindi ka war freak Kuya Ramil. *tsk tsk*
ReplyDeleteMuntik na rin akong maging warfreak pero buti napigilan pa naman. :)
Deletehillow, limarx... like ko post sa itaas. nakakainis man pangyayari, ang husay ng pagka-narrate. may mga taong gano'n, masaya pag nakakapanira. hey, pasensya na, will try to be back in blogging this mo. hope you and loved ones are a-okay. :)
ReplyDeleteHi Ate San, musta na? Namiss ka namin ah. Ano nang nangyari sa'yo? Sobrang busy? Hope you write sooner than we expected.
DeleteDon't worry okay and in tact pa kami ng family. Hehe. :)