Monday, June 23, 2014

Clinic (Rated SPG)



"Yosi?" alok sa akin ng katabi kong babae na tila pareho ko ring balisa at blangko ang isip.

Nasa mahabang monobloc chair kami; ako, siya at isa pang babaeng may kanipisin ang pangangatawan. Wala kang mababanaag na kaunting kasiyahan na rumerehistro sa aming mukha, hindi kami magkakakilala pero iisa ang layunin namin sa 'clinic' na ito.

Kinuha ko ang inalok niyang yosi.
At kahit alam kong masama sa kalusugan ng batang nasa sinapupunan ko hindi ako nagdalawang-isip na sunggaban ito.

Sinindihan ko ang yosi gamit ang isa pang yosi. Hinithit ko ito nang madiin saka ibinuga ang usok paitaas, lumikha ito ng bilog saka naglaho at tinangay ng hangin.

Naalala ko 'yung gagong boyfriend kong si Jericho para siyang usok ng yosi na matapos akong pagsawaan at paulit-ulit na kantutin biglang naglaho at tinangay na yata ng masamang hangin nang malamang bumibilog na ang tiyan ko.

Jericho. Higit sa maganda niyang pangalan ay ang tikas ng kanyang katawan at ang lambing ng kanyang pagsuyo, ang aking nagustuhan sa kanya. Mabait siya noong panahong ako'y kanyang nililigawan kaya't hindi ko inaasahan na hahantong din pala sa ganito ang lahat. Hiwalayan. Tulad ng tipikal na kwento ng pag-iibigan. Parang teleserye. Parang gago.

Putangina naman kasi ang sarap-sarap niyang humagod. Gustong-gusto ko 'yung nagpapalitan kami ng laway sa tuwing kami'y naghahalikan. Hindi ko alam kung matamis ang laway niya o malibog lang ako talaga. 'Yung lagkit ng pawis niya sa tuwing magkadikit ang hubad naming katawan ay parang amoy ng pambatang cologne para sa akin. Hindi ko siya malimutan, lahat ng ginagawa niya sa akin ay gusto ko; ang paghimod niya, ang pagkadyot niya, ang malutong niyang pagmumura, ang kanyang kahindigan - ang kanyang kabuuan.

Siguro ganoon talaga 'pag umiibig. Bulag ka sa nakikitang kamalian ng isang tao na ultimo 'yung kapintasan at kahambugan niya ay kaya mong yakapin at tanggapin.

Alam ko namang minahal niya ako gaya rin ng pagmamahal ko sa kanya. Hindi niya 'yun pwedeng ipagkaila dahil lahat ay ginawa ko para sa kanya 'wag niya lang akong iwan. Lahat-lahat. Mistula akong alipin na sunod-sunuran sa lahat ng ipinagagawa niya sa akin. Minsan nandidiri na ako, nakakaramdam na ako ng pambababoy pero pikit-mata ko lang itong sinisikmura dahil 'yun ang kagustuhan niya. Pero minsan lang 'yun.

"Tangina ka, iiwan kita 'pag 'di mo 'yan ginawa!" boses ni Jericho. Hanggang ngayon umaalingawngaw pa sa utak ko ang mga katagang iyan. Noong una nasasarapan ako. Nag-eenjoy pa ako. Pero minsan parang gusto ko nang sumuko, hindi na kinakaya ng mura kong katawan ang pambababoy niya sa akin. Siya na lang ang nag-eenjoy, ako? Pakiramdam ko, para na lang akong lumang basahan na ihahagis sa kung saan pagkatapos gamitin at maghihintay kung kailan ulit pupulutin. Pero minsan lang 'yun.

Sa loob ng halos dalawang taon, nakasanayan ko na. Minanhid na ako ng pagmamahal ko kay Jericho. Pinagbibigyan ko siya sa anumang gustuhin niya. Sa limang araw meron ang isang linggo sa eskwelahan, dalawa o tatlong araw na lang ang pinapasok sa klase, 'yung natitirang mga araw ibinibigay ko sa kanya. Graduating pa naman ako. Ganoon lang palagi. Para akong prosting nagpapakangkang kay Jericho sa halos araw-araw. Tila ako ang nagsilbi niyang tagakamot sa lahat ng kati na kanyang nararamdaman. Pero mabuti pa nga ang prosti may matatangap na pera pagkatapos tirahin, ako wala. Gustuhin ko mang magreklamo hindi ko magawa.

Mahal ko siya. Mahal na mahal.

Nasa sistema ko na si Jericho at hindi ko kakayanin kung sakaling mawawala siya sa akin.

Halos tatlong buwan na ang nakararaan, nang malaman niyang hindi ako niriregla hindi na rin siya nagpakita. Hindi ko na makontak ang dati niyang numero. Wala na rin siya sa boarding house na kanyang tinutuluyan. Hindi ko na rin alam kung ano ang gagawin ko kaya ako napadpad sa 'clinic' na ito, sa rekomendasyon ng isang kakilalang nagtungo na rin dito. Isang clinic kung saan tinatanggalan ng karapatang mabuhay ang mga anghel na wala pang muwang at kasalanan.

"O,  ikaw na!" pasigaw na singhal ng masungit na aleng mataba na sa tantiya ko'y nasa edad singkwenta pataas.

Alanganing tumayo ang tinawag na babaeng nasa aking tabi, 'yung kaninang nagbigay sa akin ng yosi.

Tila nagdadalawang-isip. Umupong muli.

"Hoy, 'wag niyong sayangin ang oras ko ha?! Marami pa akong gagawin. Punta-punta kayo dito hindi pala kayo desidido!" galit na ang ale sa tonong 'yon. 

Sa puntong 'yon ay bigla na lang humagulgol ang babaeng hindi ko man lang natanong ang pangalan. Lumabas at tumakbo palayo ng 'clinic'.

"Ako na lang po muna..." boluntaryong tumayo ang kanina pang tahimik lang na babaeng may kanipisan ang katawan. Marahil nasa isip niya 'kung hindi makapagdesisyon ang babaeng iyon...ako, buo na ang pasya ko. Ipalalaglag ko ang bata.'

Pumupunit sa katahimikan ng 'clinic'  ang eskandalosong daing at impit na sigaw ng pasyenteng nasa loob ng kabilang kwarto. Hysterical. Dinig na dinig ko 'yun mula sa aking kinauupuan. Para bang hinihiwa ang himaymay ng kanyang bawat kalamnan. Humihiyaw, sumisigaw at nagmamakaawa. Lahat na yata ng santo'y kanya nang nabanggit. Habang ang dibdib ko'y halos sumabog na sa labis na  kaba at dagundong tila ba nawala ang kaninang baon kong lakas ng loob at tapang.

Matagal na katahimikan.

Makalipas ang humigit-kumulang labinglimang minuto, pawisang lumabas ang masungit na aleng mataba. Umiiling-iling.

Kahit suot pa niya ang kanyang facemask alam ko ang gusto niyang ipahiwatig, alam ko ang gusto niyang sabihin.

Patay na ang bata. Patay na rin ang pasyente.

At sa sandaling 'yon, ako na ang susunod.

Pero gusto kong magbago ng pasya.
Kung sabihin ko na lang kaya kina papa at mama ang kalagayan ko?
Siguro matatanggap nila ako, saka ang magiging apo nila.

Ewan. Bahala na.

5 comments:

  1. I like the flow of the story. Intense and emotional; di ko mapigilan na maawa sa lagay ng bida. How did it end for her kaya?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hinayaan ko na lang sa ganung ending. Hindi ko madesisyunan eh. Siguro 'pag may bagong ideya gagawan ko na lang ng part 2 dun pa lang natin malalaman kung tinuloy niya 'yung pagpapaabort o umatras siya o nagaya siya sa babaeng may kanipisin ang katawan.

      Delete
  2. kakalungot.. mga lalaking walang awa.. puro sarap lang nila ang iniintindi.. katawan lang ang habol sa mga babae.. aabangan ko ang part 2 nito *u*

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala talaga silang awa! Mahirap naman kasi malaman kung seryoso o nangloloko lang ang ibang kalalakihan.
      Part 2? Gawan natin ng bagong twist yan, someday. Haha.
      Thanks Ms leeh sa pagbisita.

      Delete
  3. Great. Ramdam mo ang sitwasyong kinalalagyan ng character sa kwento.


    Ganun ba talaga kung labis ang pagmamahal? Nawawala ang logical thinking?
    Kapag siguro naisugal na lahat-lahat hindi na iyon maituturing na pagmamahal...

    Idagdag nyo na po ako sa mga mageexpect ng part 2 ng kwentong ito.

    ReplyDelete