Monday, March 17, 2014

Palindrome: Pagbabago

Palindrome
  1. is a word, phrase, number, or other sequence of symbols or elements, whose meaning may be interpreted the same way in either forward or reverse direction. It is a poetic form in which sometimes it disregards punctuation, capitalisation and diacritics.
  2. a word, phrase, or sequence that has the same or has a different meaning when reads backward or forward
Composing literature in palindromes is an example of constrained writing.
The word "palindrome" was coined from the Greek rootspalin  ("again") and dromos; "way, direction" by the English writer Ben Jonson in the 17th century. The Greek phrase to describe the phenomenon is karkinikê epigrafê ("crab inscription"), or simply karkinoi ("crabs"), alluding to the movement of crabs, such as an inscription that may be read backwards.

* * *
PESSIMIST'S VIEW:

Tayo ay magiging bahagi ng pagbabago
Hindi iyan totoo
Lahat tayo ay sobrang makasalanan na!
'Wag paniwalaan ang nagsasabing
May nalalabi pang kapag-asahan sa sangkatauhan
Marami ang hindi kumbinsido na
Kailanman hindi nabibili ng pera ang pagmamahal
Ngunit kasabihan ito para sa mga gipit o makikitid ang isip
Pera ang nagpapaikot sa mundo
Kasinungalingang masasabi na
Buhay higit sa lahat, buhay higit sa kung ano pa man
Wala nang iba pang mas mahalaga
Ang bayan, kaibigan, pamilya at pagpapahalaga sa kapwa
Hindi ito ang tunay na dahilan kung bakit tayo isinilang
Dapat malaman at matutunan natin na
Mas matimbang talaga ang pera kaysa anong bagay
Marami rin ang nagsasabing
Mula noon hanggang ngayon
Ang tao ay mapagmahal at nagkakaisa
Ngunit taliwas ito sa aking paniniwala
Lahat ay may kakayahang manakit ng kapwa ng walang pag-aalinlangan
Ayon sa ulat at sa nagaganap sa kasalukuyan
Laganap ang kaguluhan at kasakiman sa daigdig
Isang pagpapanggap at isa lamang kasinungalingan na
Makakamit ang tunay na kapayapaan at kaunlaran
Ilang panahon pa mula ngayon ay
Pangkaraniwan na lang ang maging makasarili at tanggap ito ng lipunan
Mahirap intindihin at hindi madaling sabihin na
Marami pa rin ang mapagmahal at mapagkalinga
Lumalapit na ang araw at oras ng paghuhusga
Dahil labis-labis na ang ating kasalanan
Hindi tamang isipin na
Makuntento at maging maligaya.

OPTIMIST'S VIEW:

Makuntento at maging maligaya

Tayo ay magiging bahagi ng pagbabago.

5 comments:

  1. naalala ko yung campaign ad ni villar dati for presidency palindrome pala ang tawag dun. pero you know what? ang galing mo...seriously...so ill follow you na...sa sunod ulit ha? pasabog!

    ReplyDelete
  2. ayyyy bat walang follow/join the site button?

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat sa pagdalaw sir. meron follow button sa middle left, merong follow by email sa upper right.
      welcome sa blogging world sir

      Delete
  3. nakakabaliwwwww ang galing mo grabe... me commercial dito about life insurance ... yun pala ang ibig sabihin ng ganitong gig... hyper ang utak mo Sir.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hyper? parang may ADHG, ganun? haha. thanks ms zeimaya

      Delete