Bago mo pa matikman ang
malutong na chickenjoy,
bago mo pa malantakan ang
linamnam ng tagalog batchoy
bago pa tumulo ang sipon mo
sa paghigop ng maanghang na tinola
bago ka pa maglaway sa
pagngasab ng nilagang baka.
Doon sa slaughterhouse.
Gigilitan muna ng matador
ang leeg ng kaawang-awang manok, kakatayin na muna niya ang umaatungal na baka
at kanyang uundayan ng saksak ang walang kalaban-labang baboy. Ilulublob sa kumukulong tubig habang pumapalag-palag. Ang matador ay 'di maawa, 'di matitinag.
Lahat sila'y kikisay sa
unang bigwas pa lang, walang makikinig sa kanilang panaghoy at
atungal o 'di papansinin ang
kanilang labis na pagmamakaawa. Tutuyuin ang dugo 'pagdaka'y lamang-loob ay
ibubukod at ihihiwalay. At ang piraso ng karne nila'y ipanglalaman sa ating mga
tiyan na tila sa buong maghapon ay walang kabusugan.
Bakit wala ni isang
tumuligsa sa garapalang pagpaslang?
Galit sa kumakatay ng aso
habang nginangasab naman ang fried chicken ni Mang Max's.
May panawagan pang ipagbawal
na (raw) sana ang karera sa San Lazaro habang inaabangan niya ang inorder na wagyu doon sa Racks.
Magpoprotesta ng pagmamalupit sa elepanteng nakakulong sa
Manila Zoo 'di naman makatiis na
lantakan ang lechong baboy na inorder from Cebu.
Nagprotesta pa noong may napanood na minaltratong cute na kuting sa FB, pikit-mata naman sa mga hayop na
kinikitil doon sa slaughterhouse na kadiri.
Nais na ipagbawal ang
digmaan ng texas at talisain hindi naman umaayaw sa hot and spicy chicken ng KFC.
Kritiko sa panghuhuli ng mga
matatapang na pating pero madalas namang umorder ng shark's fin doon sa Henlin.
Nagmamaang-maangan.
Nagtatanga-tanghan.
Concerned umano sa kapakanan
ng mga hayop.
'Di niya batid na bahagi rin
siya ng kahayupan.
Nagmamalinis. Walang
kasalanan.
Miyembro pa ng grupong
nagmamalasakit umano sa hayop.
'Di niya batid na bahagi rin
siya ng kahayupan.
Isang hayop katumbas ay
isang buhay que baka, manok, baboy, kabayo, elepante, aso, pating o pusa pa
'yan.
Hangga't lumalamon ka ng
anumang uri ng karne, mapangahas kong sasabihin na ako,
ikaw, sila, kayo, tayong
lahat kahit papano'y bahagi ng kalupitan.
O animal cruelty para magandang pakinggan. 'Wag mo nang tangkaing ito'y
pagtakpan.
Silang vegetarian lang
marahil ang tanging may karapatan.
Aking uulitin.
Doon sa slaughterhose. Gigilitan muna ng matador ang leeg ng kaawang-awang manok, kakatayin na muna niya ang umaatungal na baka at kanyang uundayan ng saksak ang walang kalaban-labang baboy. Ilulublob sa kumukulong tubig habang pumapalag-palag.
Ang matador ay 'di maawa, 'di matitinag.
Ikaw, nakaramdam ka ba ng pagkaguilty, pagkahabag at pagkaawa?
* * *
Paborito kong ulamin ang
nilagang bulalo na recipe ng aking biyenan saka kare-kare na masustansya sa sebo,
isama mo pa ang sizzling sisig na pampulutan.
Kahit may alaga pa akong
Rottweiler, Labrador at Siberian 'di ko matatanggi na bahagi rin ako ng
kahayupan.
Ako rin, bahagi ng kahayupan... :(
ReplyDeletePansin ko lang din, wala atang may New Year's resolution na "More gulay, less meat this 2014" no?
sigurado kasing mabibreak lang ang resolution na 'yan. sarap kaya ng fried chicken at crispy pata.
DeleteOo nga. Aminado ako na imposible sa akin ang maging vegetarian. :(
DeleteI'm guilty as well huhuhu T_T
ReplyDeleteI'm an animal lover specially ng mga pusa pero di ko rin mapigilan ang tawag ng laman (hops, wag berde ang utak ahahaha)... karne ng hayop!
But, hindi rin naman kami madalas kumain ng pork or beef dito sa bahay. Siguro once or twice a week lng. More on fish at gulay kami. Healthy living ba :D
Guilty.. gustong gusto ko ng baka, baboy at manok.. madalas dati dito kumakatay sila ng baboy.. pag kakatayin na nila yun tinatakpan ko tenga ko at ayaw ko mapanood kahit ba sabihin nating hayop yun.. yung atungal ng hayop me sakit kang mararamdaman dun eh. Kung ako eh mapipunta sa lugar na puro gulay lang .. masasabi kung kaya kung mabuhay sa gulay lang.. pero syempre masarap naman kasi talaga ang fried chicken at steak. Kaya di makatangi.
ReplyDelete