An acrostic is a poem or other form of writing in which the first letter, syllable or word of each line, paragraph or other recurring feature in the text spells out a word or a message. (Source: Wikipedia)
Dahil favorite kong kantahin sa videoke ang 'pusong bato'. Sasabihin kong 'Oo' pinagtiyagaan ko ito.
-----------------------
Hindi natin pansin o ayaw nating
pansinin na tila hirap na tayo sa maraming bagay. Kaya
mo sa umpisa ngunit kalaunan
mapapaisip ka rin kung may kahihinatnan ba ang pagsisikap.
Alam nating marami ng umiiral na
batas sa Pilipinas, marami ring tagapagpatupad nito ngunit
dahil sa kawalan ng disiplina ng
marami nagreresulta ito sa suliranin. Kabilang man
sa pinakamayaman o
pinakamahirap. Pedestrian, pedicab o jeepney driver, na naghahatid sa
iyo patungo sa pinapasukan mong
kompanya. Garapalan ang paglabag sa batas-trapiko.
Ako o ikaw ay bahagi ng
ganitong sistema mas pansin lang kasi natin ang mali ng iba. Tayo
ay bahagi ng bansa, Mali ng marami
ay sumasalamin sa ating pagkatao sa mata ng banyaga.
Hindi ang pag-away sa driver na sumalubong
ang lulutas sa sistema naghahanap lang siya ng
makakain iyon ang madalas nilang
katwiran. Pero kahit anong isip mo o kahit anong katwiran
hindi dapat gawing alibi ‘ang
pagiging mahirap’ para lang makalusot sa batas kung ganoon
rin lang ang katwiran natin
disinsana'y may karapatan ang mayorya na lumabag sa batas.
Makatulog ka kaya ng mahimbing kung
ang ipinapakain mo sa pamilya mo'y galing sa mali?
Buhat ng magkamalay ako alam ko na
‘di madaling umasenso bukod sa sipag kailangan din
ng impluwensiya. Maraming
kwalipikado pero kung wala kang kapit sa itaas ang lahat ng
iyong pagsisikap at pagpupursigi
ay walang silbi. Matapat ka pero 'di ito lisensya para 'di ka
lokohin ng iyong kapwa. Para saan?
Sa kapirasong piso? O sa piraso ng pangarap? Tsk. Tsk.
Kung nabubuhay lang siguro ang
mga sinaunang bayani natin higit silang manghihinayang.
Ako ay bahagi ng sistema ngunit
handang magsakripisyo para sa kapakanan ng marami. Ikaw
ay may sariling pagpapasya,
maliit na kontribusyon mo'y malaki sana ang maidudulot.
Muling makikilala ang Pilipinas
hindi dahil sa negatibong konotasyon kundi positibo. Muling
iibig ang pilipino sa Pilipinas,‘di
na niya itatatwa ang kanyang lahi,‘di na siya magpapaalipin
sana sa ibang lahi. Noong dekada
70 may panawagan si Pangulong Marcos na ang disiplina
ay kailangan sa pag-unlad ng
isang bayan. Pagkatapos ng ilang dekada, ang disiplinang ito ay
hindi pa rin natin
maisakatuparan. Masyado nang garapal ang kanya-kanyang sistema na
maging tayo ay unti-unting
nilalamon nito. Hindi ko tuloy maiwasan na maihambing na
katulad na tayo ng mga hayop sa gubat
na sasagpangin ang kapwa niya hayop upang tulad
mo at ng maraming iba pa ay
madugtungan ang buhay. Habang ang iba ay umaasenso na;
tulad ng Singapore, Hong Kong, Korea at iba pa heto pinagtitiyagaan, niyayakap, sinisikmura
mo, ako, natin ang nakahaing programa ng
pamahalaan na “concerned” sa bawat
kapakanan
na may kaugnayan sa pag-asenso
at pag-unlad. Ngunit iilan lang ba ang naniniwala sa kanila?
May naniniwala pa ba sa kanila?
Relihiyoso tayo pero hinahanap ko ang mapagmahal at
pusong pilipinong handang
kumalinga sa kanyang kapwa. ‘Di ko inasam na magkaroon ng
bato na monumento tulad ng kay
Bonifacio pero umaasam ako ng mabuti at maunlad na Pilipinas.
Eto ang pinaka-favorite kong post mo, so far. GALING! :D
ReplyDeletesiguro dahil favorite mo rin ang kantang 'pusong bato'. hehe
Deleteang ganda ng inyong pagkakagawa di ko mawari kung babasahin ko ba ang "pusong bato" o ang iyong nilikha.
ReplyDeleteTama ka nga naman buti pa noong panahon ni dating Pangulong Marcos may kaayusan pa tayo ngunit dahil sa sobrang demokrasya, inaabuso naman tayo...
Challenge ang paggawa nito haha makagawa nga , galing naman!
ReplyDeletemga bagong bisita (zerojournal at kulapitot) salamat sa pag-iwan ng marka.
ReplyDelete