Wednesday, January 15, 2014

On Heart Versus Brain



Bawat desisyon ay may pros and cons.
Bawat pagpapasya ay may kaakibat na advantage at disadvantage.
Sa maraming bagay dapat (raw) ay utak ang ginagamit sa pagdedesisyon ngunit kung tumututol na ang puso sa ginawang pagpapasya panadaling mag-isip at maghunos-dili, timbangin kung ano ang mga dahilan kung bakit ang puso'y hindi sumasang-ayon. 
* * * * *

Ang bawat bahagi ng katawan ay may kanya-kanyang function kadalasan hindi lang isa ang usage nito; tulad ng tao may multi-tasking din sila.
Ang utak ang isa sa pinakagamit na bahagi ng ating katawan; kasabay ng ating pagtanda ay ang pagmamature ng ating utak - walang silbi ang pagdagdag ng iyong edad kung ikaw ay isip-bata pa rin. Sa pagdagdag ng samut-saring kaalaman sa ating utak tila may mga bagay naman tayong nawawalang-bahala; sadya man o sinadya. Ayon sa kasabihang english "beauty is nothing without  brains" on the contrary, ang labis na pagiging mautak ay conotation na may katumbas na pagiging 'magulang' o 'magpagsamantala'. Halimbawang sabihan ka ng isang tao ng: "'Tangina, ang utak mo pala eh!" hindi ito maganda sa pandinig lalo na sa mga taong may sensitibong damdamin.


Aminin man o hindi, kapag utak ang ginamit natin sa isang desisyon mas malamang na tayo'y naniniguro, mas ayon sa rules o proseso, lesser ang risk o sa mas salbaheng dahilan: may pagkatusong pasya.
Kadalasan, wala namang masama sa desisyong ginagamitan ng utak ngunit kung involve na ang damdamin ng ibang tao, kung nakakaagrabyado na ng iba ang iyong pasya, kung sa tingin mo'y may masasaktan ka o ikaw mismo ang masasaktan dapat na handa kang harapin ang kaakibat na magiging resulta ng gagawing kapasyahan.


Maaring magkahiwalay ang utak at puso sa ilang desisyon natin sa buhay ngunit hindi naman kailangan na lagi silang magkalayo. Kung may pagkakataong pwede silang magsama mas mainam ito. Walang kukurot na konsensya, walang babagabag sa isip. Para sa akin, hindi superior ang utak sa puso dahil nasa itaas na bahagi ito ng ating katawan, nagkataon lang na sa ulo ang angkop na lalagyan ng ating utak kaya siya naroroon, kung ganoon ang thinking natin ipagpalagay na nating LAHAT ng mga matatangkad sa atin ay mas magaling sa ating kakayahan dahil ang pagiging mataas ang basehan natin ng superiority.


Marami ang naging tanyag at popular dahil sa kanilang katalinuhan ngunit higit na tumatatak sa puso at isip ng karamihan ang isang taong may ginintuang puso o labis na pagmamahal sa kapwa tao.
Kung kahanga-hanga si Albert Einstein sa taglay niyang talino at talento hindi ba't mas nakamamangha ang sakripisyo at pagmamahal na nananahan sa puso ni Mother Teresa?
Okay, hindi sila maaring pagkumparahin dahil magkaiba sila. Ang punto? May mga desisyong kailangang utak ang dapat na mangibabaw at may pagpapasyang dapat puso ang nasusunod.


Dalawa lang ang function ng ating puso: tumibok at magmahal.
Kung hindi na titibok ang ating puso wala na ring silbi ang LAHAT ng parte ng ating katawan maaari kang mabuhay ng hindi na nagpafunction ang utak mo (brain dead) ngunit hindi ka maaring mabuhay kung hindi na pumipintig ang iyong puso. Ang anumang desisyong nanggaling sa iyong puso ay may kalakip na pagmamahal. Nakakataba ng puso ang katagang: "may puso ang taong iyan kaya pinagpapala" samantalang nakakaoffend naman kung sasabihan kang: "walanghiya ka, wala kang puso!" Figuratively, ang ibig sabihin kasi nun ay wala kang awa o wala kang malasakit parang "walang kang kaluluwa!" sa iba namang term.


Sa kahit na anong bagay lahat ng sobra ay masama, kabilang na ang pagdedesisyong gamit ang alinman sa utak o puso.
Ang palagiang pagpapasya na gamit ang utak ay posibleng magresulta sa pagkamanhid sa nararamdaman ng ibang tao. Kung iisipin ng malalim at mabuti ang pagdedesisyong gamit ang utak ay may dahilang kadalasang pangsariling kapakanan lang samantalang ang pagpapasyang galing sa puso ay desisyong may kinokonsiderang damdamin ng ibang tao.


Kung madalas ang desisyong nakapattern sa gusto ng ating utak, prone ito sa misunderstanding minsan pa nga'y dahilan ito para i-judge kang isang authoritarian, walang consideration.
Bagama't mas makatao ang pagpapasyang galing sa puso prone naman ito sa pag-abuso ng iba kung palaging iyon ang gagawin mo. Ang bawat desisyong galing sa puso ay mas malamang na may kasiya-siyang resulta (sa umpisa) 'wag lamang maaabuso.


Palagi at parati na mas maraming bagay ang dinedisisyunan natin na gamit ang ating utak simula pagkabata natin hanggang sa ngayon na nagmamature na tayo.
Ngunit may mga bagay na kung ang pagpapasya'y nagmula sa utak malamang na umpisa pa lang komplikado na kaagad.
- mahirap matapos ang isang kurso kung pinilit ka lang na kunin ito
- mahirap makisama ng HABANGBUHAY sa taong pinakasalan mo dahil lang sa pagiging mautak mo
- pahihirapan ka ng iyong konsensya kung may ipinilit kang desisyon sa mahal mo o sa ibang tao dahil lang sa tingin mo ay iyon ang pinakamakatwiran


Hindi porke matalino ang isang pagpapasya palagi na itong tama at hindi porke nagdesisyon ka ng galing sa puso isa na itong desisyong perpekto. You just have to deal with the circumstances that may arise upon making any decisions; puso man 'yan o utak.


Marami ng trabaho ang utak natin, malaking bahagi na ang ginampanan niya sa buhay natin at kung maaari lang sana kung usapin tungkol na sa pag-ibig hayaan na nating puso ang magpasya sa atin. Walang pero, walang subalit ngunit dapat ikonsidera ang tama at ang MALI. Dahil ang pagmamahal naman talaga ay tanging sa puso lang
nanggagaling hindi sa utak o kung saan pa man. Kaya nga may nakakakilig na phrase na: I love you with all my heart (at ang symbol ng love ay heart, hindi brain).
Wala naman kasing declaration of love na: I love you with all my brain o with all my kidney o with all my lungs.
Ang anumang pagmamahal na hindi galing sa puso ay hindi dapat tawaging pagmamahal dahil isa itong huwad at pagpipilit.


Bukod sa pagtibok, pagmamahal na nga lang ang purpose at function ng ating puso, IPAGKAKAIT pa natin.
* * * * *
Ang utak 'pag nagdesisyon madalas walang puso samantalang ang puso 'pag nagpasya madalas hindi nag-iisip. May pagkatanga ang puso pero minsan tumatama rin naman at kapag nangyari 'yun hindi lang ang utak o puso mo ang liligaya kundi pati ang puso, utak at buhay ng iba pa.

12 comments:

  1. Loving this entry.. sabi nga dun sa last phrase nung 1 Corinthians 13:4-13

    And now these three remain: faith, hope and love. But the greatest of these is love.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Because love is still the only thing that matters in this world, the only thing I can believe.
      - Ely Buendia

      Love is nothing without a heart. Sabi nga eh, love one another, 'yung iba mali ang dinig nagiging love another one. :)

      Tagal na ng huling komento mo Ms. Zeimaya, Salamat sa bisita.

      Delete
    2. Tawa ako dun sa Love another one... yun ang maling way ng pag gamit ng puso lalo na pag ang another ay nakatali na sa iba. sa sitwasyong ganun isip na paganahin.


      Bakasyon po kasi Sir Ramil halos wala nang oras sumilip sa net. kaya nag babasa basa ulit ng post myo at ng ibang blogger na sinusubaybayan ko . :)

      Delete
  2. Sapul na sapul! Napaka-positive and inspirational ng take mo sa issue na ito Kuya Ramil! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Inspirational ba? Parang hindi naman, hehe.
      Pagsusuri lang ng isang taong may pinapanigan ngunit may pagmamahal. (ang arte, haha)

      Delete
    2. "Ang anumang pagmamahal na hindi galing sa puso ay hindi dapat tawaging pagmamahal dahil isa itong huwad at pagpipilit."

      Di ko iyan naisip before... May point nga naman. Kung nagmamahal ka, pero kelangan mo muna mag-isip o may doubts ka, then hindi true love yun. :P

      Delete
  3. May pagkatanga talaga ang puso pero sa lahat ng isusugal nyang katangahan, alam nyang walang pagsisisi sa huli. Dahil kahit kailan ay hindi mali ang magmahal. Maaaring nagmahal ka lang ng maling tao. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. 'Pag nagmahal ka ng maling tao ang tagal ng suffering mo nun. Marami na ring mali sa buhay mo 'pag ganun dahil laging si puso na ang nasusunod.
      Everything comes in moderation dapat. As I said; prone sa pag-abuso ang pagpapasyang galing sa puso. :)

      Delete
  4. wow... ganda ng pagpapaliwanag... I might have a change of brain... heart na lang ulit... basta tsaka na ako magdedecide pag in love na ako. hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nasa tao naman 'yun Senyor kung paano niya dalhin ang consequence ng pagpapasya.
      'Pag in love ka ulit, hindi mo namamalayan nagdecide na ang puso mo nang wala kang pahintulot,
      Pwede ka na ulit main-love nasa tamang age ka na. haha

      Delete
  5. Gamitin ang dalawa. Kung utak Lang ang ginagamit at walang puso, maaring Hindi mo magustuhan ang Ginagawa mo dahil walang puso mong Ginawa. Kung puso Lang nmn, posibleng katangahan ang malabas. Tandaan, sa pag-ibig 'Di lng puso ang pinapairal Pati na rin ang isip mo para Di mawala sa katinuan. Maraming nagagawa ang pag-ibig, pwede ka gawing baliw nito.

    ReplyDelete
  6. Gamitin ang dalawa. Kung utak Lang ang ginagamit at walang puso, maaring Hindi mo magustuhan ang Ginagawa mo dahil walang puso mong Ginawa. Kung puso Lang nmn, posibleng katangahan ang malabas. Tandaan, sa pag-ibig 'Di lng puso ang pinapairal Pati na rin ang isip mo para Di mawala sa katinuan. Maraming nagagawa ang pag-ibig, pwede ka gawing baliw nito.

    ReplyDelete