Noong araw pa
--- ninais na niyang baguhin 
ang kanyang kutis na morena
upang siya ay mas maging 
maganda, mas maging 
kaakit-akit, mas katanggap
-tanggap sa madlang may 
matang mapanuri at 
tinitingala ang mga taong 
may kutis na singtingkad 
nang sa Esperma.
Libo-libong piso ang 
kailangan upang mamalas 
sa kanyang balat ang 
kulay ng kutis na matagal 
na niyang pinapangarap,
kutis na pangarap din 
ng milyon-milyong 
pilipinong patuloy na 
binubulag at nilalason
ng komersiyalismo,
ng kolonyalismo at
ng konsumerismo.
Noong araw pa
--- ninais na niyang maging 
kulay busilak ang kanyang 
balat kahit pa maubos ang 
ipon para sa kinabukasan 
ng pamilya, kahit pa 
mabawasan ang perang 
para sa pag-aaral ng mga 
anak. Mas mainam (raw) 
kasi ang magmukhang 
mayaman ang balat kaysa 
magmukhang marungis 
at salat.
Libo-libong oras ang 
kailangan upang maganap 
ang pagpapalit ng kulay 
ng kanyang balat mula sa 
kulay ng kahoy na kamagong 
o ng paborito niyang tsokolate
patungo sa kulay ng damit
na bagong kula o ng maamong
tupa. Mula sa kulay (raw) ng 
indio at hampas-lupa hanggang 
sa maging kulay ito ng mga 
maharlikang mukhang 
walang dungis,
walang sala.
Noong araw pa
--- pinangarap na niyang kutis niya'y pumuti
samantalang mas dapat na pumuti ang kanyang umiitim na budhi.

 
 
nice poem :)
ReplyDeleteako kuntento na sa kulay ko,
pero konting puti pa hahaha :)
weh? inggit kalang, pumuti na sya habang ikaw, mag-iipon pa lang ng pambili, beh! :) hihi, biro lang, kapatid. eh, gano'n ata, ang maiitim, gusto pumuti. habang ang mga puti, nagpupunta sa tropics (dito sa 'tin) para magpa-itim. or, tan man lang, ahaha. siguro, part yon ng thinking ng tao na the other line always moves faster, hala pa...
ReplyDeletepero ang keen ng observation mo, as expressed in the post. at mahusay ang komposisyon. btw, me utang pa me sa yow. happy weekend. :)
uso na ngayon ang moreno/morena :))
ReplyDeletehindi na rin ako natutuwa kapag nakakakita ako ng mga sobrang puting babae at lalo naman pag lalaki. ang lakas maka-bading lol
dapat maging proud tayo sa ating kulay, ang kayumangging kaligatan!
Masarap maging moreno :)
ReplyDeleteAng ganda naman. :)
ReplyDeletePANALO! Tapon ko na nga ang bago kong biling Glutha o kaya ihalo sa Ariel para pampaputi sa kinula kong mga labada! Hehehehe Niwey, seryoso naintriga lang ako bakit ni-like ni katotong Marvie--- may katwiran! Sulat pa ng may mapasiklot na mga talinhaga!
ReplyDeleteSalamat sa pagbisita, sa mga dati at sa mga bagong nagkomento - meron pa palang nagkakainteres na basahin ang blog na ito.
ReplyDeleteHindi naman ako totally against sa mga taong gumagamit ng glutathione ang hindi ko lang trip ay ang pagprioritize kung ano ba talaga ang dapat na unahin sa gastusan. Tama ang lahat na wala namang mali sa kulay natin - katamtamang kulay (hindi puti, hindi itim) at ang kulay namang ito ang pinapangarap ng mga puti, siguro ganun talaga, walang contentment sa buhay ang marami.