Matatagpuan
sa timog ng Silangang Asya
Noon
ay Pilipinas ngayon'y Filipinas na.
Perlas
ng Silangan kung ito'y bansagan
Tagalog
ang wika, Filipino ang nananahan.
Mayaman
sa kasaysayan na 'di pinahahalaghan
Hikahos
sa kapalaran sagana sa kayabangan.
Tulad
ng kalikasan na winalang bahala
Gaya
ng pondong maanomalyang kinukuha.
'Ako
muna bago ang bayan'
Mentalidad
ng namumuno ganundin ang mamamayan.
Ekonomiyang
maunlad at progresibo umano
Higit
sampung milyon walang makain ng husto.
Agrikulturang
bansa ang nais na ipasikat
Tone-toneladang
bigas ang taunang inaangkat.
Milyong
bilang ang nakapagtapos ng kolehiyo
Tinumbasan
ng milyong taong walang matinong trabaho.
Sangkatutak
ang mga batas na nakalantad
Simpleng
ilaw ng trapiko lantarang nilalabag.
Mga
bagong bayani aabot sa labing isang milyon
Ngunit
'di sapat ang kalinga at proteskyon.
Masipag
na manghikayat ng mga turista
Nagkalat
naman nakasusulasok na mga basura.
Pulis
at miyembro ng militar hinahalintulad sa kriminal
Patuloy
na dumarami tinuturing na pusakal.
Bilyong
dolyar ang ipinagmamalaking ipon
Ngunit
sa pagkakautang ay lubog at baon.
Sa
listahan ng mahihirap na bansa ay kabilang
Selepono
ay lampas sa sandaang milyon ang bilang.
Proud
sa tagumpay ng kanyang kababayan
Pikon
naman kung magagapi ng kalaban.
Relihiyosong
bansa kung ituring
'Di
naman maiwan pananamantala at pagsisinungaling.
Galit
sa mga dayuhang nagdidiskrimina
Ayaw
makarinig ng negatibong mga puna.
Sagad
naman kung pintasan at iaglahi ang banyaga
Maski
ang sariling lahi ay inaalipusta.
Ang
'tangina' ko ay katumbas ng iyong Amen!
Ngunit
'di ka nahihiya na kumupit sa'min.
Ang
yosi ko'y katumbas ng 'yong banal na ostiya
Ngunit
ikaw'y ay pumapaslang sa ngalan ng pera.
Higit
sandaang taon nang nakamit ang kasarinlan
Alipin
pa rin ng kamangmangan at kahirapan.
Marami
ang nagpasyang mangibang bayan
Ayaw
masangkot sa sari-saring kahihiyan.
Pilipinas
o Filipinas, walang pinag-iba
Kung
hindi mamahalin ang sariling bansa.
Tagalog
o Filipino, opisyal na pambansang wika
Walang
halaga kung may kaisipang 'kanya-kanya'.
Marami
ang sumisigaw ng "Proud to be Filipino!"
Kahit
alam niyang hubad ang kanyang pagkatao.
Marami
ang sumisigaw ng "Proud to be Filipino!"
Kahit
'di niya batid ang tunay na kahulagan nito.
Ang galing tlga gumawa ng tula :)
ReplyDeleteYung pagiging pilipino , yung pagiging proud mo rito.
hindi lang dapat sa salita , dapat pati sa gawa :)
i ca;nt copy it
ReplyDeleteahmmmmmm ano ung pamagat? yabang pilipino???????????????????????????
ReplyDelete