Thursday, August 22, 2013

Phobia 101



Parang papunta na sa darkness ang huling mga blog entry ko kaya oras na siguro para magkaroon ng ang akdang hindi tungkol sa kamatayan, hindi tungkol sa kalungkutan, hindi gaanong seryoso, 'yung cool lang at kahit papaano'y medyo nakakaaliw basahin. 


* * *

May phobia ka ba?
Malamang mayroon dahil wala naman yatang taong walang phobia, lahat naman siguro tayo ay may mga bagay na kinatatakutan. Parang pinoy henyo lang - it's either tao, bagay, pangyayari, lugar, hayop o pagkain ang mga ito. Kahit pa nga ang pinakamatatapang o pinakaastig  na tao sa mundo meron ding kinatatakutan, madalas ayaw lang nila aminin.

Ako, mayroon akong Gerontophobia o fear of old age/getting old. Kahit alam kong lahat naman tayo ay papunta dun natatakot pa rin akong makita ang aking sarili na hirap sa maraming bagay siguro nga swerte ang mga taong hindi umabot sa ganoong stage pero naging successful sa buhay.

Pero hindi tungkol sa phobia ko ang paksa ng post na ito kundi sa iba't ibang phobia na binigyang ko ng sariling interpretasyon. 'Wag magseryoso at bawal ang violent reactions dahil lahat ito ay pawang humor lamang.



Acrophobia - Fear of heights
Halimbawa sa pangungusap: Pipilitin kong makabawas ng aking mga utang sa tindahan dahil natatakot akong TUMAAS ito ng husto.

Gerontophobia - Fear of getting old
Halimbawa sa pangungusap: Gusto ko nang palitan ng bagong iPhone 5 'yung cellphone ko dahil natatakot akong pagtawanan ang LUMA kong iPhone 4.

Philophobia - Fear of love
Halimbawa sa pangungusap - Ifu-fulltank ko na ng gasolina itong kotse ko dahil natatakot akong MAGMAHAL ito sa susunod na linggo.

Claustrophobia - Fear of closed spaces
Halimbawa ng pangungusap: Bibili na ako ngayon ng beer kay Aling Conching dahil natatakot akong baka MAGSARA na naman ang tindahan niya ng maaga.

Ophidophobia - Fear of snakes
Halimbawa ng pangungusap: Sa susunod na magkagirlfriend ako hindi ko na talaga ipapakilala sa mga barkada ko dahil natatakot akong AHASIN na namang muli ito sa akin.

Traumatophobia - Fear of getting wounded
Halimbawa ng pangungusap: Ayaw ko nang magmahal at umibig dahil sa letseng pag-ibig natatakot na ako ngayong masaktan at MASUGATAN ang puso kong palagi na lamang bigo at sawi.

Ornithophobia - Fear of birds
Halimbawa ng pangungusap: Kahit kailan hindi ko talaga nagustuhan ang kantang Hotel California ng The Eagles mayroon kasi akong Ornithopobia.

Aquaphobia - Fear of getting drowned
Halimbawa ng pangungusap: Pwede bang huwag mo ako bigyan ng sobra-sobrang atensyon? Natatakot kasi akong MALUNOD sa pagmamahal mo.

Papyrophobia - Fear of paper
Halimbawa ng pangungusap: Iiwasan ko nang kausapin 'yang si Mandong Epal lagi lang kasi akong napapahamak sa kanya, natatakot na ako sa pagiging MAPAPEL niya.

Peniaphobia - Fear of poverty
Halimbawa ng pangungusap: Bilib din ako diyan kay Tony ginamit niya sa kanyang pagpapakamatay ay silver cleaner, hindi ko kasi kayang gawin 'yun dahil ayokong MAGHIRAP bago mamatay.

Thanatophobia - Fear of death
Halimbawa ng pangungusap: Sampung beses sa isang araw ko chinacharge ang cellphone ko natatakot kasi akong MAMATAY ito 'pag oras na gagamitin ko na.

Chrematophobia - Fear of money
Halimbawa ng pangungusap: (Batugan na kausap ang nanay) "Alam mo 'Nay kaya hindi ako naghahanap ng trabaho takot kasi akong magkaroon ng PERA, 'di ba nga may verse sa bible na ang pera daw ay ugat ng kasamaan? Pag walang pera walang kasalanan."

Pediophobia - Fear of dolls
Halimbawa ng pangungusap: Kahit ilibre mo pa ako ng tiket sa concert ng Pussycat Dolls hindi talaga ako manonood dahil meron na nga akong Ailurophobia meron pa akong Pediophobia.

Arithmophobia - Fear of numbers
Halimbawa ng pangungusap: Hindi ko na binibilang kung gaano na kalaki ang nakurakot ko galing sa Pork Barrel Fund, malaki kasi ang takot ko sa NUMERO.

Atychiphobia - Fear of failure
Halimbawa ng pangungusap:  "Pakiusog mo nga maigi 'yang TV natin natatakot akong baka mahulog 'yan sigurado na namang gastos 'yan."

Lachanophobia - Fear of vegetables
Halimbawa ng pangungusap: Pasensya ka na kung hindi ko nadadalaw sa ospital si Pareng Emong balita ko kasi lantang GULAY na siya takot pa naman ako sa mga gulay.

Erythryphobia - Fear of the color red
Halimbawa ng pangungusap: (Sa Enforcer na humuhuli) "Bossing, pasensya na at nag-go ako kahit stop na ang ilaw mayroon kasi akong Erythryphobia, tanggapin niyo na lang itong aking singkwenta." (Sumagot ang Enforcer) "Ah, ganun ba? 'Tangina mo akin na ang lisensya mo mayroon akong Chrematophobia".


Ikaw, ano ang phobia mo?
Share mo naman para maidagdag sa listahan. :-)

5 comments:

  1. ako yata fear sa masyadong mabilis na sasakyan... lalo na sa jeep... un bang super tulin.... talagang kakabahan ako hehehe di ko alam kunga no tawag dun...

    ReplyDelete
  2. Sana magka-friend ako na may Chrematophobia. Through this post, I realized to have the following phobias:

    Atychiphobia
    Lachanophobia
    Peniaphobia
    Ophidophobia

    Eto ang priority kong malutas - Philophobia!

    Help me naman... hehehe

    ReplyDelete
  3. Ako ay claustrophobic. Di ako pwede sa sobrang liliit na elevators, o kwarto, o CR. Mababaliw ako. Magpapanic ako.


    Ending: Dapat sa'kin mayaman ang mapangasawa para malaki ang lugar na titirhan. Hahahaha!

    ReplyDelete
  4. hehehe... naaliw ako, ang gaganda ng definition. ano pala ang tawag sa phobia na matunaw ang yelo sa baso ng beer? hahaha. ganyan ako sa inuman. kain kain lang ng pulutan, di halos umiinom pero wina-watch out kow beer ng mga kasama - baka natutunaw na ang yelo at nawawala na ang pait, hoho. di ba kaya umiinom para makalasa ng pait ang taong awi-sawian, hihi. hellow, limarx ... :)

    ReplyDelete
  5. Gerontophobia at Thanatophobia yan ang fear ko, takot akong tumanda ng walang pinagkatandaan at mamatay ng walang naiwang maayos na buhay sa aking mga junakis.

    ReplyDelete