Thursday, February 14, 2013

Liham kay D

(Magandang basahin sa saliw ng musikang “Baby, now that I’ve found you” ni Allison Kraus…kung wala naman, kahit anong love ballads ‘wag lang ang “Pusong Bato”.)


I love you. (kailangan naka-highlight ito ng RED)
Kahit daang-libong beses mo nang narinig ito mula sa akin, so far hindi pa rin ako magsasawa na ito'y aking ulit-ulitin. Ayokong mangakong mamahalin kita ng magpakailanman dahil alam naman natin na kathang-isip lang ang salitang FOREVER sabi nga ni Sir Ely: "Kahit na anong gawin, lahat ng bagay ay mayroong hangganan" (except of course ang Shake, Rattle and Roll). Kidding aside, gusto kong makasama ka hanggang sa magtransform ang buhok ko from K-Pop into Sixto Brillantes, hanggang sa maging si Ely Soriano na ang look-alike ko at hindi na si Ely Buendia, hangga't mahal mo ako sa pagiging ako, hanggang sa maging girlfriend ni Bossing si Ryzza Mae, hanggang sa magka-apo tayo ng higit sa bente, hangga't ikaw ang babaeng katabi ko sa driver's seat, hanggang magkatotoo ang prediksyon sa paggunaw ng mundo.
Wala akong planong pumaslang para sa pag-ibig pero may plano akong tumanda at mamatay, na kasama ka at ang iyong pag-ibig (naks, lalim!).

Oo, hanggang ngayon natatakot pa rin akong tumanda pero higit na nakakatakot ang pangitaing wala ka sa piling ko habang ako'y unti-unting tumatanda (iniisip ko pa lang napapraning na ako). Siguro'y Dahil wala nang ibang taong pwedeng makaunawa at makaintindi sa lahat ng moods ko kundi ikaw at ikaw lang; ikaw ang kumakalma at tumitimpla sa tuwing sinusumpong ako ng pagkatoyo, ikaw ang nagpapalamig ng sitwasyon at temperatura sa tuwing umiinit ang ulo ko, ikaw ang nagpapababa sa aking ego sa tuwing ito'y tumataas, ikaw ang nagpapalayas sa masasamang ispiritu sa tuwing ito'y sumasanib at ikaw ang yumayakap sa lahat ng mga kamalian ko sa buhay. At iyon ang dahilan kung bakit unti-unti ring nababawasan ang aking Gerontophobia ngunit napapalitan naman ito ng mas nakakapangambang "Arlenenophobia" (fear of losing you!). Sana lang hindi ka matulad sa karakter ni Angelika Panganiban na si Jacq sa pelikulang One More Try na kaunting-kaunti na lang ang nalalabing pasensiya.

Valentine’s Day.
Actually, maliban sa birthday ko ito hindi naman ganoon kaespesyal ang araw na ito para sa akin, hindi ko man masabi sa'yo ang katagang "I Love You" araw-araw I will do things to show that I am really caring for you (insert your smile here). Sabi mo nga kung ang bawat kiss ko sa'yo ay may halagang limang piso, hindi mo na kailangang magtrabaho dahil baka umabot sa minimum wage ang magiging bayad ko sa iyo sa bawat araw. Pero dahil tayo'y in love pa with each other samantalahin natin ang pagkakataon na ma-icelebrate natin ito dahil marami ang hindi makuhang ito'y i-celebrate (no offense meant) for some unreasonable reasons. Hangga’t kaya natin, we'll make an effort to celebrate this Special Day ('di nga?!) kahit papaano, kahit Lucky Me Pancit Canton chilimansi flavor lang ang ating pagsasaluhan basta’t magkasama tayo the best na ‘yun!; hanggang sa wala na akong maisip na idea kung ano ang worth na iregalo sa'yo, hanggang sa mga flowers na lang sa ating ubod nang lawak na garden ang kaya kong pitasin para sa’yo, hanggang sa wala na akong maibigay kundi ang tanging wagas na pagmamahal ko na lang (at biglang mag-aawitan ang mga anghel sa langit ♪♫♪♫♫♪).

And speaking of gift, sana nagustuhan mo ang surprisang regalo(s) ko sa'yo. (Special mention at maraming salamat sa mga tumulong, bumili, nagbalot ng regalo at nakipag-cooperate to make this meaningful, momentous event happen.)☺

My love for you seems like water in the river, it may be going to some streams or lakes but somehow it will find a way to reach the surface of the sea. My thoughts may be going elsewhere, go gaga over something, writing things beyond things, seeing things differently, experiencing paranoia, setting moods without warning but at the end of the day my heart still longing for you...your laughs, your teasing smile, your lovely face and your loving eyes. Again, I Love you and Happy Hearts' Day!

P.S.  (Warning: This is the corniest part and may be dangerous to your health.)

Gusto kong malaman mo na hindi kamay ang ipinangsulat ko para mabuo ang love letter na ito kundi ang PUSO ko.

10 comments:

  1. Hindi ko na kayang sumulat gamit ang puso... i feel you on this post... ganda...

    ReplyDelete
    Replies
    1. minsan, masarap din sumulat gamit ang puso, may emosyon at damdamin subukan mo at alam kong magagawa mo dahil nabasa ko na ang ilang mga akda mo; hindi pwedeng ikumpara sa iba dahil may sariling angas.

      salamat senyor iskwater sa muling pagbisita.

      Delete
  2. patapos na ko ng may kumagat sa aking daliri, akaya naman pala umabot sa keyboard ang langgam na gumagala pag open ko pa lang ng blog mo :)

    Happy birthday sir, kilig to the bones panigurado si D :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. natawa naman ako dun sa kumagat sa daliri mo! :-)
      salbaheng langgam yun ah.

      salamat sa pagbati ng "happy birthday" at talagang kinilig siya sa dami ng laman ng box na nasa itaas. fyi, boxes within the box ang kasama ng liham na 'yan; gifts for her eyes, for her nose, for her ear, for her head, for her finger, for her wrist and for her heart.
      naubos ang budget kaya 'di na nakuhang bumili ng rosas, haha.

      Delete
  3. ahaha, ang sweet naman... :) hello, limarx. salamat sa mga dalaw, ha... keep well and best regards. :) ~ San or Ate San

    ReplyDelete
    Replies
    1. nililihim ko na nga ang pagdalaw nalaman mo pa rin, salamat ate san sa pagbisita. :-)

      Delete
  4. wow naman. pang valentines post talaga to. at xet nakaka inlove.

    ReplyDelete
    Replies
    1. make every day a valentines day para lagi tayong in-love♥

      Delete
  5. napa awwww ako after mabasa.. ang sarap ng bawat words na iyong nilimbag mas matamis pa sa chocolate na gawa sa swiss.. tinalo mo sila sa wagas na pagpapahiwatig ng tamis ng pag-ibig.. kaka inlove :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi ko alam kung paano ko reply-an itong comment mo, basta salamat na lang sa pagbasa :)

      Delete