Sige, kunan natin ng larawan ang ating masasarap na ulam
habang ang ibang tiyan ay kumakalam.
Sige, ipagmayabang natin ang bagong bili nating gadget habang sa ang ibang mata’y
lumuwa sa inggit.
Sige, ipangalandakan mong humigop ka ng isangdaan at limampung pisong kape habang
ang iba’y wala ni sampung pisong duling.
Sige, ipamukha mo kung gaano kataas ang posisyon mo gayundin ang iyong sweldo habang ang iba'y nagkukumahog magpa-alipin.
Kung kulang pa iyan…sige, ipakita mo kung gaano kalaki ang deposito mo sa
bangko para ang iyong kayabangan ay masulit.
hahaha .. tamaan sapul! :)
ReplyDelete