
Sa pagpapalit ng bagong pangulo ng bansa marami ang umaasa ng pagbabago; pagbabago sa sistema ng gobyerno, sa ating pamumuhay, sa ekonomiya at sa marami pang iba. Nabuhay na muli ang pag-asa ng mga Pilipino na matagal ding natulog at naudlot. Ang penomenal na pag-upo ng bagong pangulo ay nagdulot sa Pilipino ng kakaibang damdamin patungkol sa bago at mabuting Pilipinas na hindi natin naramdaman sa mga nakalipas na namumuno. Ngunit ano ba ang pwede nating gawin para makasabay sa pagbabagong nais natin? Ano nga ba ang ugaling Pinoy na dapat nang baguhin?
Ilan sa mga nakasaad dito ay malamang na likas na ugali mo o maaring nagawa mo na ng hindi mo sinasadaya o namamalayan. Hindi ito maiiwasan dahil ang ilan dito ay sadyang nasa dugo na ng Pinoy. Maaari ding marami sa kaugaliang ito ay isa sa mga dahilan kung bakit tayong mga Pinoy ay hirap na umasenso gayun din ang bansang Pilipinas. Siguro kung mababago natin ang kaugaliang ito malaki ang possibility na magbago rin ang kalagayan ng bansang Pilipinas. Read on.
HOY! Ikaw ba 'to? Mga Kaugaliang Pinoy na dapat nang baguhin
Colonial Mentality - May pag-asa pa naman siguro na matanggal sa'tin ang kaugaliang ito. Ito yung ugali natin na kapag sinabing imported ay maganda ang quality. Mayroon din naman tayong mga sariling mga produkto na matino din naman pero mas ma-appeal talaga 'pag sa ibang bansa ang produktong gamit mo. Bukod sa piracy, heto rin yata ay isa sa mga dahilan kung bakit lugmok ang Industiya ng Pelikula natin dahil sa mga high-tech Hollywood Movies, ganun din ang ating Music Industry hanggang ngayon hindi ko lubos maisip kung bakit sumikat sa Pilipinas ang mga grupong KPop, Beat, Ukiss, etc. D'yan naiiba ang mga Hapon at Koreano, maunlad ang bansa nila dahil ang kanilang mga leader nila ay may drive & initiative to promote and use their local products. Ang mga brand na Samsung, LG, Sony, Mitsubishi, etc. ay Korean/Japan products na lubos na tinatangkilik ng kanilang mamamayan compared to its imported competitors. Kaya pati mga teleserye natin ngayon ay base sa mga korean novela or latino drama, hindi ba natin kaya gumawa ng sariling istorya at kailangang i-adopt pa natin ang kanilang mga ideas? Ilan na ba sa'tin ang pumabor sa local na Myphone kaysa Nokia? Bibili ka ba ng Accel na sapatos kung meron namang Nike o Adidas? Mabuti na lamang at mayroon pa ring mga local products/establishment na angat compared sa imported na competitor ilan dito ay; Bench, Jollibee, Greenwich, etc.
Crab Mentality - Matagal na nating problema 'to hindi ko alam kung anong nasyon ang nagdala sa'tin ng ugaling ito. Kawawa naman ang mga talangka at pati sila ay nadadamay sa hindi kagandahang term na 'to. Sa trabaho, sa showbiz, sa eskwela, sa abroad, sa kapit-bahay at kung saan-saan pa ay marami ang mga may utak-talangka. Sila ung mga taong hindi masaya kapag may nakikita silang ibang-tao na umaangat o umaasenso ang buhay, pilit nila itong gagawan ng kasiraan at hihilahin pababa kung hindi man nila mapigilan ang pag-asenso ng iba somehow nasira naman nila ang pagkatao nito. Kahit na walang sapat na basehan marami ding napapaniwala ang kasiraang ito dahil ang Pinoy mabilis mapaniwala sa "tsimis" at asahan mo kakalat ito ng parang virus. Isa lang naman ang dahilan nito: INGGIT. Sigurado ako ikaw mismo o kakilala mo ay nakaranas na ng ganitong treatment sa isang kapwa mo rin Pilipino.
Name dropping - a.k.a. as Padrino system. Kahit sa isang simpleng kwentuhan lang madalas mayroong magbibida at aangas na kakilala nya si ganito, si ganoon at tutulungan ka nito kung magkaroon ka ng problema. This "name-dropping" activities is over-used and abused by some na kahit isang simpleng traffic violation lang ay heneral pa ang tatawagan. Dapat ba na abusuhin mo ang isang batas dahil lang sa may kakilala kang maimpluwensyang tao? Bilang Pinoy, madalas din naman natin itong kinukunsinti at proud na proud pa tayo sa pagbu-broadcast na close kayo sa influential people na ito. Sino ang pipiliin mong Ninong sa kasal mo...family friend na isang hamak na matinong security guard? o ang niri-refer sa'yo na Corrupt na Mayor? Mag-iisip ka pa ba? Syempre si Mayor! kailangan pa bang i-memorize 'yan?
Judgmental - Filipinos are so judgmental, kahit na alam natin ang kasabihang: don't judge the book by its cover pilit pa rin nating hahanapan ng kapintasan ang isang taong wala namang ginagawang mali sa kanya. Hindi mo ba naranasang pintasan ang kinakainisan mong celebrity? Hindi ka ba nagtawa sa isang video sa youtube ng isang lalaki/babae na kumakanta ng wala sa tono o kung nasa tono naman ay hindi kagandahan ang itsura? At first glance, hindi mo ba naranasang magduda sa panlabas na anyo ng isang tao? Nasa isip pa rin natin na kapag charming o appealing ang isang tao ay mapagkakatiwalaan ito or the other way around. Ang panlalait, masama mang ugali ay kinagigiliwan na rin nating mga Pinoy kaya nga aliw na aliw tayo 'pag may nilalait na tao sa isang comedy bar o sa isang talent search. Patok ngayon ang panlalait kaya nga dumadami na ang mga comedy bars na ang tema ay mag-alipusta ng sinumang gustuhin nila lalo na yung sa tingin nila ay hindi mapipikon sa gagawin nila.
Short term memory - Hindi ko alam kung ugali nating ito ay considered na positive or negative traits. Anumang pagkakamali o kasalanan sa'tin ng isang tao sa isang mabilis na panahon madali rin itong nakakalimutan. Sa dami ng mga taong nag-alsa at nakipaglaban sa mga Marcoses noong EDSA 1, Ilang daang-libo ang nabiktima ng human rights violation noong batas-militar, Nasaan na ang mga Marcoses ngayon? Silang lahat na mga Marcoses na kumandidato ay nanalo at nasa posisyon ngayon. Senador, Congressman at Governor. Sa pagkapanalo nila kalakip din nito ang paglimot at pagpatawad sa kanilang ginawa noong panahon ng Martial Law. I just can't imagine na si Satur Ocampo (victim of Martial Law) ay kasama sa tiket ni Manny Villar si Bongbong Marcos. Ilang military officer na rin ang nag-alsa laban sa gobyerno pero sa maikling panahon ay nalilimot agad natin ito at nahahalal pang senador. Another example is Erap Estrada. Despite being convicted to Plunder case which is just three years ago, still many Filipinos convinced that he is the rightful candidate to sit in the highest position of our country.
Hard Headed - Babala: Bawal magtapon ng basura. Pero anong nakikita natin? Isang tambak ng basura! No parking. Pero hindi nila napansin o nabasa dahil may mga naka-park pa rin. May overpass naman pero sa ilalim pa rin footbridge dumadaan! Dito lang yata sa'tin makikita na mayroong hawak na tali sa magkabilang-dulo ang Traffic Enforcers para hindi makatawid ang pedestrian. Minsang napunta ako sa isang bansa sa Asya, nakabibilib pagmasdan na ang mga Tsino ay sumusunod sa batas-trapiko, they give way to ambulance, stop on red lights, crossed only on deisgnated pedestrian crossing. Magmula sa malalaking mga personalidad hanggang sa pinakamaliliit na motorista, matitigas ang ulo ng Pinoy! Simpleng red light lang hindi masunod; tricycle drivers, pedicab drivers, single motorcycle drivers, jeepney drivers, at ang mga self-proclaimed exempted sa traffic violations na SUV drivers. Kung ano yung bawal yun ang gustong-gusto nating gawin. Ang pagiging astig ay dapat na sinasantabi na natin humihingi tayo ng pagbabago pero ang sarili natin pala ang dapat na baguhin. Kung ang isang baranggay chairman ay ubod na ng tigas ng ulo ano pa kaya ang mga higit na mataas ang posisyon sa gobyerno? Kung ano ang puno sya ang bunga, ika nga.
Lack of Discipline & Action - Dahil sa tayo'y only Christian country sa Asia, isa sa magandang kaugalian ng Pinoy ay ang pagiging madasalin, okay no question about that. Pero alam ba nila ang kasabihang "Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang Awa"? Puro tayo paninisi sa gobyerno sa kalagayan ng buhay natin pero naitanong na ba natin kung ano na ang nagawa mo sa pamilya mo? Hirap na nga sa pang-araw araw eh hindi pa naisipang magplano ng pamilya, paano mo mapapakain/mapapa-aral ng matino ang isang pamilyang may lima o higit pang anak kung alam mo namang hindi regular ang trabaho mo. Ang kaunting kinikita ng ama na dapat sana'y pangkain na eh minsan napupunta pa sa bisyo! Sa hirap ng buhay marami ang nagri-resort sa madaling paraan ng paglago ng pera o pag-asenso nariyan ang: huweteng, tong-its, sakla, ending at syempre ang napakahirap tamaan na Lotto. Madalas naman pag-uwi sa bahay, TALO madadagdagan ang utang at syempre damay ang anak sa init ng kanilang ulo.
Ningas Cogon attitude - Fyi ang cogon ay isang uri ng damo na madaling sumiklab ngunit madali ring mamatay. Ganito rin ang nakasanayan nating ugali. Napakagaling at napakasipag natin sa mga uumpisahang mga gawain pero later on sasawaan din natin ito at madalas hindi natatapos o matapos man ay pilit ang pagkakagawa. Young politicians are just like this, they are campaining for a change, they are the new hopes for a new generation pero kapag nilamon na sila ng sistema at nag-give in na sa temptations lahat ng magandang pinangarap nya sa kanyang nasasakupan ay mababaon na sa limot. Bakit nga ba napakahirap para sa'tin matanggal ang ugaling ito? Hindi ba natin kayang tapusin nang maayos ang isang naumpisahang maayos? Ang sipag-sipag na gibain ang mga kalsada pero taon na ang nakalipas hindi pa rin natatapos. Estudyanteng ubod ng saya dahil nakapag-enroll sa nagustuhang course pero 2nd year lang hindi pa natapos. Ang campaign against "wang-wang", blinkers at iba pang pagaabuso sa kalsada ay isa napakagandang programa na sana lang ay hindi rin maging ningas-cogon.
Opportunist - This is like a "beggar mentality". Sa isang relief goods operation, gift giving activities or any activities na maraming magbebenipisyo na mga tao. Asahan mo marami dito ang magti-take advantage sa mga pinamimigay na ito either mahigit sa 2 myembro sa pamilya ang pinapipila or 2 beses silang pipila. Marami sa mga kalalakihan dito ang napakalalakas naman ng katawan pero mas gugustuhin pa ang manghingi para may "pang-inom". Mahilig kasi tayo sa libre. Opportunists also have an attitude like: "kawawa naman ako kaya pagbigyan nyo na ako" or "para sa pamilya ko ang ginawa kong krimen kasi may sakit ang anak/nanay/asawa ko" ('pag napatawad, uulitin nya ulit ito). To hell with these reasons! Opportunist has many faces we don't even know kakilala pala natin sila. Utang ng utang hindi naman marunong magbayad at ang hiniram na pera sa bisyo lang napunta! Once na napagbigyan mo sigurado may kasunod pa 'yan. Binigay mo na ang kanang kamay mo gusto pa kunin ang kaliwa. Hingi ng hingi ayaw naman mahingan! Sa ending...ikaw pa rin ang masama.
Racist - Akala natin mga "Puti" lang ang racist pero hindi natin alam nagiging extreme na rin ang pagiging Racist natin even sa kapwa natin Pinoy. In particular, they think dark skin is ugly and light skin is beautiful. In our entertainment industry, halos lahat mapuputi and dark skinned has a limited room for this industry. At pag di magaling mag-English mababa ang tingin nila. Kelangan ko bang laging humingi ng pasensya dahil public school lang ako? Ilan na ba ang nagtawa sa diction and pronunciation ni Manny Pacquiao? Ilan na ba ang nagtawa sa mga kababayan nating mga aeta? Ilan na ba ang nag-discriminate sa mga bading at tomboy? Ilan na ba ang nagtawa sa kapansanan ng iba? "Panget", "napakaitim niya!" "mukhang katulong!" horrible words na walang takot na binibigkas para lang makapagpatawa. Hindi ba racist ang tawag dito?
Manaña Habit - This is the reason why do many Filipinos cramming on the last minute. BIR payments, appointments, school projects & schedule, etc. Gustong-gusto nating mag-i-extend ng 5 minutes (na nauuwi sa 10 or 20 mins) sa 'ting pagtulog kaya ang resulta ay late sa mga natanguhang mga schedule, sa dami ng traffic sa Kamaynilaan we should be always ahead of our time. This is why Filipino Time is synonymous to UNPUNCTUAL. Same with other commitments 'pag alam nating mahaba at matagal pa ang deadline hindi pa natin 'yan gagawin at aasikasuhin when the time comes na deadline is so near 'dun pa lang gagawin ang dapat na noong araw pa dapat ginawa. Kung kailan matatapos na ang contract 'saka pa lang din bibilisan ang trabaho.
Corrupt mind - Any people apprehended by any police or traffic enforcer on whatever case or violation we always have a mentality that we can always arranged this thru bribe money! Corrupt ang official corrupt din ang violator. Kung wala kang padrino as i've mentioned in #3 you can always call on "Manuel Roxas" or "Ninoy Aquino". Bakit ba hindi natin kayang i-surrender ang lisensya natin sa pulis o sa MMDA? Sa government offices ay ganun din, gov't officials almost always waiting for "padulas" to make your paperworks facilitate easily. Bakit ba dumadami ang fixers sa LTO, DFA, Registry of Deeds, etc.? Kasi tinatangkilik sila ng mga Pinoy at maraming mga Pinoy ang ayaw dumaan sa tamang proseso. Matagal, oo. Pero masarap ang pakiramdam nang natapos ka hindi dahil sa iyong pera kundi dahil pumila ka at dumaan ka sa proseso. Paano na lang ang maraming nakapila na walang pampadulas? They are waiting for hours at malalaman na lang nila na marami na ang nakauna sa kanila dahil ang kawawang pobre walang pera na panuhol sa corrupt employees. Life is unfair kaya 'wag na nating gawing "unfairest".