Koleksiyon ng mga sanaysay, kabalbalan, kwento, opinyon, tula, suhestiyon, obserbasyon, kathang-isip at katotohanan na sumasalamin sa pang araw-araw na buhay ng pangkaraniwang tao. Hindi nito tinatangkang impluwensiyahan ang pag-iisip ng bawat mambabasa bagkus ay inilalatag at inilalahad lamang kung ano ang karaniwang nakikita sa kapaligiran na madalas naman ay winawalang bahala.
Wednesday, June 2, 2010
MY OVERRATED LISTS
OVERRATED (verb) - To overestimate the merits of; rate too highly.
- simple lang naman ang kahulugan ng overrated; anything na sobra-sobra ang attention/expectations/papuri sa isang bagay/tao/lugar, etc. (na hindi naman pala dapat) na halos ilagay na sa pedestal pero in reality its just an ordinary type of persons/places/things, etc. or the worst is wala tayong magawa para hindi sya maging overrated.
here is my shortlist of overrated things, places, persons, etc. hindi naman sa can't afford ko ang ibang nakalista dito or talagang ayaw ko lang sila but this is only my observation. kung fan ka ng isa sa mga nabanggit dito, hindi ko yun sinasadya.
My Overrated Lists
1. The APPLE products (iPOD, iMAC, iPHONE) - They are unreliable and too many people think too well of them! think of it...what do apple products have does the other inexpensive brand doesn't have? Oo nga maporma ka 'pag meron ka nito pero aanhin mo ba ang pagkadami-daming mga applications dito na hindi naman nagagamit? pampapogi lang para sa brand conscious. a price of one (1) iphone can buy you a decent laptop, a price of one (1) ipod can buy you a nice home theater and a price of one (1) imac can buy you a property in the province!
2. STARBUCKS, et al- ang pagbili ba ng P130 na kape can make you feel cool and better? i think not. Sa "sobrang" pagka-overrated nito marami ang nagpapa-picture dito kasama ang iniimon nilang kape na para bang pinapangalandakan nila sa buong mundo na: "hoy nag-kape ako sa Ztarbuckz!". Hindi ko alam kung ang pinupuntahan dito ay ang mismong kape o ang libreng wi-fi, mahilig kasi tayo sa libre. Ang isang tasa ng kape dito ay katumbas na ng isang masarap na meal sa mcdo o jollibee. Overrated or not?
3. NOYNOY AQUINO - This man is adored by many and he even won the election kahit na "hilaw" pa sya para maging presidente. Sa sobrang eager ng mga Pilipino na magkaroon ng mabilis na pagbabago sa bansa natin pinagkatiwalaan natin sya, na ang kanyang slogan na: "kung walang corrupt walang mahirap" ay pumatok sa karamihan. I tagged him as overrated dahil sa tagal nya sa pulitika (9 yrs in congress, 3 yrs in senate) ay wala man lang syang naisip o naipasa na batas. Isn't it ironic na isa kang mambabatas pero wala kang naipasang batas? Marami pa syang achievements sa paghawak ng baril kaysa paghawak ng posisyon sa Gobyerno. Pwede ko syang ihalintulad sa isang beteranong doktor na ngayon pa lang magpi-perform ng isang major operation or surgery or sa isang messenger na hindi alam ang Makati or sa isang Law Graduate na hindi nakapasa sa bar exam. Pero malay natin sa susunod na mga taon hindi na sya overrated kundi deserve talaga nya ang mga papuri.
4. MANILA - ang tinutukoy ko dito ay Metro Manila in general. Ang lugar na ito ay masyado ng hinahangaan ng mga taga-probinsya na kahit na alam nilang wala silang matitirhan dito o walang katiyakang trabaho ay nagsusumiksik pa rin sila dito. Sa dami ng mga tao dito ay nahihirapan na rin maghanap ng trabaho kahit na ang mga college graduate o degree holder. Kaya ang bagsak nila ay mas mababang uri ng trabaho na lihis sa pinag-aralan at sa mga promdi naman ay sa squatter, nagbabaka-sakali, na kung iisipin ay mas okay pa ang pinanggalingan nilang lugar kaysa Maynila. Same mentality if we talked about school institutions, hindi porke sa Manila ka nag-aral mahusay ka na nasa individual 'yan. Can't you see for the past years ang mga nagta-top sa mga board exams ay hindi na galing sa Manila?
5. Lacoste, et al - ilang damit na ganito na rin ang nabili ko before at kapag naluluma, wala rin silang pinagkaiba sa ibang damit ko na mas mababa ang halaga ng 800 to 1000%. Sa hirap ng buhay ngayon praktikal bang bumili ng isang pirasong damit na ang halaga ay P5000? kung sagot mo ay oo, okay go for it. Mayroon silang bago ngayon na ang price is 7K siguro mas okay yun, pwede yatang isangla yun 'pag kinapos ka ng pera. haha
6.Gary V - napaka-intriguing na ang isang Gary V. ay nasa listahan ko. tsk tsk. Hinahangaan ko sya sa kanyang mga kantang napasikat noong dekada 90. Marami syang achievements bilang artist at beterano na rin sya sa larangan ng pagkanta. Pero lately napansin kong overrated na sya dahil sa kabila ng pagiging veteran singer nya, para maiba lang ang mga simpleng kanta na kapag sya ang kumakanta ay ginagawa nyang komplikado at napakahirap (he over sing the songs tayong dalawa, kung tayo magkakalayo, etc.). Mas okay siguro kung original songs ang kinakanta nya para walang comparison, walang benchmark o kaya naman mas okay kung magretiro na sya para may opportunity ang mga mas bata s kanya na sumikat. (tutal naman overcrowded na ang asap)
7. Twilight movies - Overwhelming ang dating ng movie na'to sa mga kabataan na kahit saang bansa eh talaga namang inaabangan at kumikita ng husto. I'm saying this as overrated dahil mas maraming movie na mas maganda ang plot at mas malupit ang special effects kaysa dito pero hindi naappreciate. This is just an average film na alam mo na agad ang ending hindi pa man natatapos and the special effects of this movie is nothing compared to other vampire movies van helsing, underworld and the likes. Mapulbos lang ang mukha tinitilian na.
8. Soap Opera - also known now as teleserye. All-time favorite ito, panahon pa ng mga lola't lola natin nagsimula sa radyo hanggang nag-evolve sa TV at primetime pa. Masyado nang ginusto at niyakap ng husto ng mga nanay sa bahay ang soap opera and eventually nagustuhan na rin ng mga kasama nya sa panonood. This is overrated dahil sa tagal na ng panahon na nasa primetime ang mga teleserye sa 2 big stations wala nang mapanood ang mga katulad naming hindi mahilig dito. Imagine after ng primetime news hanggang sa antukin ka na 'yun ang palabas and Monday to Friday pa yan, for so many years. Considering na halos pare-pareho lang naman ang plot ng soap opera: mayroong hindi tunay na anak, aaapihin ng kontrabida, magiging successful ang bida, gagantihan ang kontrabida, either makukulong o mamamatay ang kontrabida. meron lang konting twist then that's it. Wala bang maio-offer ang TV Stations aside from this? Salamat na lang at mayroong Cable TV at bagong TV5
9. Vice Ganda - Look who's talking? This guy is making money out of the others' flaws. He funnily humiliated people to the extent na nakapipikon na talaga, ang pinapakita nyang pamimintas sa contestant sa TV is just a tip of who he is when he performs on Metrobar, etc. I watch & enjoy him even before na sumikat sya but lately i found him so annoying (the Tado incident). Magaling sya mang-asar, mang-alipusta, mag-joke sa kapintasan ng iba but when you put joke on him, AYAW nya kasi nga pikon sya. Don't do unto others what you don't want others do unto you. Oo nga joke yun pero every joke is half meant and should be treated & delivered moderately. He is overrated for me dahil in his performances on comedy bars & other shows, pare-pareho lang naman ang skit nya, nothing new & he's not spontaneous. Same on TV, hahanapan nya ng kapintasan ang contestants at akala mong ubod ng husay sa pagdya-judge sa performance ng contestant, he is liked by so many na tuwang-tuwa sa anumang bibitawang pamimintas/salita ni Vice. This is another Willie Revillame in the making.
10. Korean pop group/songs - Filipinos go gaga over these Korean boy/girl group (u-kiss, super junior, 2e1, etc.) especially when they are performing. Hindi naman natin naiintindihan ang mga pinagkakanta ng mga ito pero animo'y na-hypnotized ang mga Filipino ng mga mukhang anime na mga koreanong ito. Can't we just liked our own talents? o talaga lang na mas magaganda ang mga songs nila compared to us? I doubt it. Hindi nakakatulong ito sa atin lalo na sa naghihingalong music industry ng Pilipinas, nakakalungkot isipin na mas dinudumog pa ang Korean artists kaysa sa mga local singers natin. tsk tsk.
11. Lito Lapid - I don't hate this person, I just consider him as Overrated dahil sa tagal nya sa posisyon sa pulitika (9 years Governor, 6 yrs Senate) hindi sya nag-effort na dagdagan ang kaalaman nya tungkol sa laws & politics. He have all the time in the world to learn and study just like any other actor/politician did (Isko Moreno, Bong Revilla, Herbert Bautista, etc.). He just stick to his popularity to win the elections kung nagawa ng ibang mag-aral while in position, bakit hindi nya ginawa?
12. Crocs, Havaianas, et al - Sa isang bansang mahirap isang luho ng maituturing ang pagsusuot ng mahigit P1K o 2K na halaga ng tsinelas. Konti na lang ida-dagdag mo isang matinong sapatos na ang mabibili mo! Ano ba ang meron sa gomang ito? From crowd A to C, malakas ang dating ng tsinelas na 'to. Dati, 'pag pumasok ka sa isang establishment hindi ka papapasukin kung naka-tsinelas ka lang. Ngayon, we consider it cool kahit nakatsinelas ka lang (basta havaianas or crocs) nasa mall, restaurant or even sa eroplano. Time changes ika nga. Kahit anong mahal ng tsinelas mo the bottom line is tsinelas pa rin ito. Kung can't afford bumili nito kahit jafakes pwede na.
13. Internet -Marami-rami na ring buhay ang napariwara dahil dito at marami-rami na ring relasyon ang nabuo at nasira dahil dito. People of all ages giving so much attention to the internet, day, night or even the wee hours of the morning; chat, surfing, porn sites, lan games, etc. minsan ibibili na lang ng pagkain niri-rent pa ng computer! Madalas itutulog mo na lang, nagtatanim ka pa. Pati pagpunta sa CR tini-tweet pa, minsan pati pagluto lang ng itlog binu-broadcast pa. Guilty? Don't worry ako rin ganyan. Students having hard time to study they even skip classes or worst stop their studies in favor of internet. While others, hindi kumpleto ang isang araw kung hindi sisilip sa kanilang mga account sa social networking sites i.e. facebooks, twitter, etc. Kaya matagal matapos ang isang trabaho dahil naka-open ang internet at sumasagot ng chat sa YM o sa skype. Aminin man natin o hindi, this is overrated.
14. Sharon Cuneta - I tagged as her as overrated only on her hosting job at Sharon! Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon umeere pa 'tong palabas na to. Mas marami pang pwedeng gawin si Sharon kesa mag-host nito. The writers of this show should think new concept, new subjects, new topics, new guests. Kahit mismong si Sharon eh dapat humingi ng advise sa paghu-hosting. When somebody is guesting on her show, palagi nyang sinasabi sa guest/s na: "favorite" niya, "mahal" nya, "magaling" talaga. Ano ba?! Ang dami mo namang favorite!! Laugh to death din itong si Sharon 'pag merong mga bading na nagku-comedy skit na halata namang pilit na pilit. Pinipilit ng show na'to na maabot ang Crowd C or D pero lalo lang nagiging katawa-tawa dahil sa pagpipilit na ito. Paulit-ulit lang naman ang topic ng show. Sayang ang budget.
15. Willie Revillame - Most of all agree with me here. Okay, he is earning money na hindi natin kikitain sa buong buhay natin pero hindi lang pera ang nagpapaikot ng buhay ng tao. Report says that he easily making 1 million pesos a day! And it is big enough for a hosting job which i think he doesn't excel. What is so special about his hosting? Is insulting people make you feel a better host? Is being arrogant and extravagant defines good behavior to maintain a show? Is Abs-cbn management afraid of him that Mr. Willie even dared to fire him if his demand will not be granted? As the saying: "don't bite the hand that feeds you" hindi 'to inisip ni Willie dahil nalulunod na sya sa pera at kasikatan. He is soooo overrated 'coz he thinks that he and he alone has the right to host the abs-cbn noontime show. My say: No one is indispensable.
16. Philippine Fiesta - Pilipinas na yata ang ang may pinakamaraming fiesta sa buong mundo. Imagine mayroon tayong mahigit na 900 na fiesta nationwide! Marami tayong mga fiesta/festival na kung iisipin mo ay wala naman talagang kwenta like Aswang Festival, Tsinelas Festival, Carabao Festival at kung anik-anik pang festival. And everytime na sine-celebrate ng mga pinoy ang Fiesta asahan mo na ang napakaraming pagkain sa bahay, umaatikabong inuman sa kalsada, mga palaro sa kalsada at pagdating ng hapon o gabi mayroong mag-a-away dahil sa kalasingan. Ano ba talaga ang kahulugan ng Fiesta sa kanila? Hindi lahat ng naghahanda para sa overrated na fiesta ay may sapat na perang pambili ng maraming pagkain. Ang ilan sa mga ito ay napipilitan na lang maghanda dahil sa inaasahan at hindi inaasahang bisita, nangungutang pa nga ang iba para lang may pang-handa. Ang isang handaan sa Fiesta ay sapat na para sa handa ng isang binyag o simpleng kasalan. Ang Pinoy talaga.
17. U.S.A (Amerika) - Sa mga Asyano, Pinoy na yata ang may matinding paghanga sa Amerika kumpara sa ibang nasyon. Iba ang dating nito sa 'tin. Pero sa kabila ng pagiging "high profile" na estado nila napakarami din nilang domestic problems na katulad ng sa atin. Their government spent most of the budget sa war machines & equipment, etc. while their economy is going down. They are trying to control the world on whichever way. Pinipilit nilang tulungan ang ibang mga bansa for the reason of maintaining stature pero ang bansa mismo nila needs help! How many million Americans needed a job? How many properties has been foreclosed? How many businesses needed assistance from their government? For some reasons, there are so many petty crimes in America which hasn't been reported. Hinahangaan natin sila pagdating sa security they even have the most sophisticated gadget/equipment to monitor terrorists activities pero bakit nagkaroon ng 9-11 incident na napakaraming namatay? Kasama ang Pilipinas sa most dangerous country to visit with pero anong bansa ba ang laging tinatarget ng terrorist? Kung mahirap ang buhay sa Pilipinas, mas madali kaya ang mabuhay sa Amerika?
18. Golf - The richest sportsman in the world came from this sport. Maraming nag-i-enjoy sa larong ito especially ang mayayaman (syempre) pero I find it overrated dahil sa konsepto ng larong ito. Papaluin mo ang bola, hahabulin mo, papaluin mo ulit hanggang maipasok sa damong may butas. No effort exerted, no muscles needed, no brain sport & no sweat unlike any other sports which on the contrary is underrated. Ilang ektaryang bukid ang kailangang wasakin para sa isang golf course? Ilang bahay sana ang naipatayo dito? Ilang daang-libo piso ang kailangan mo para sa matinong golf equipment? Ilang libong oras ang kailangan mo para lang maging mahusay kang player? At kung mahusay ka na pwede ka ng sumali sa PGA, US open, British Open or the local Goma Cup baka sakaling maibalik mo ang mga in-invest mo before. haha. asa ka pa.
19. Mike Enriquez - The TV news anchor is the centerpiece of a news program. The mark of an effective program anchor is a combination of pleasing appearance, the ability to read news copy with sincerity, and a natural conversation style when speaking and also must communicate information orally pero nabago lahat ni Mr. Mike Enriquez ang mga qualifications ng isang broadcaster. I prefer watching 24 Oras more than TV Patrol so I know more or less the Mr. Mike Enriquez' way of broadcasting. Madalas syang nabubulol, nauubo (excuse me po!), nag-i-exaggerate sa isang simpleng balita at paulit-ulit ang sinasabi. I think there's somebody who deserves to be in that position.
20. Money - Although this is "very" overrated wala naman tayong magawa. We are "slaves" by our company we employed in because of money. Hindi natin magawa ang gusto nating gawin dahil kailangan nating pumasok sa trabaho, hindi tayo maka-attend sa mga special occasions dahil conflict sa oras ng trabaho, gusto mong makasama ang mahal natin sa buhay kahit sandaling oras hindi pwede dahil sa tingin natin mas mahalaga ang trabaho natin. Pero pagdating naman ng payday kapos ka pa rin. Tsk tsk. We are spending 8-9 hours a day sa job natin at ang iba naman is working abroad for 2-3 consecutive years o higit pa katumbas ito ng mahigit 60% ng lifespan natin. Minsan, hindi natin namamalayan malalaki na ang anak natin at tayo naman ay matanda na! Baka lawit na ang dila natin, mapuputi na ang buhok natin at mahina na ang tuhod natin nagta-trabaho pa rin tayo. Sa Sobrang attention at pagdi-diyos ng ilan sa atin sa pera, marami na ang namatay, pumatay at handang magpakamatay dahil dito! Ito lang din yata ang dahilan kung bakit kumakandidato ang mga pulitko natin. Pinagbabago rin nito ang ugali ng isang tao, ganyan sya ka-powerful. Na kapag marami ka ng pera iba na ang mentalidad mo, na lahat ay kaya mong daanin sa pera.
Sa dami ng listahan ko ng overrated, hindi na yata shortlist ang dapat na itawag ko eh dapat longlist na. Anyway, heto ang mga pahabol kong mga overrated na kayo na lang ang mag-analyze kung bakit sila overrated: Philippine Airlines, Kris Aquino, Ruffa Gutierrez, High School Musical, Floyd Mayweather, Credit cards & Wedding expenses.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment