i.
Nakalisik. Mga pares ng matang nasa loob
Nakalisik. Mga pares ng matang nasa loob
ng warat
na tahanan, kapwa diwa at sikmura
ay
kumakalam. Kumikislap ang bumbilya
sa
tuwing nalalanghap ang aroma
ng
kumukulong nudols, parang adik
na
nagigiyang, nalilibang sa pagsinghot
ng
puting usok. Haligi ng tahanang hilahod
sa
pagkayod, ilaw na nag-aabang
sa
grasyang kung dumalaw ay dinaig
pa ang
siyam-siyam, mga supling
na
sagana sa kuyumad,
nakahubad,
nakatanghod.
Sa
ilalim ng multi-milyong pisong halaga
ng
overpriced na flyover, ang tahanan
ng
maraming gutom sa pagkain at
pang-unawa. Na aasa at tsatsamba
sa swerteng wala naman. At papalahaw
ang sanggol na bubusugin ng
hugas-bigas o ng kapeng 3 in 1,
sasabay sa dagundong
sa swerteng wala naman. At papalahaw
ang sanggol na bubusugin ng
hugas-bigas o ng kapeng 3 in 1,
sasabay sa dagundong
ng dambuhalang tunog ng trak
na
magpapaindayog sa atip ng
mga pobreng maralita.
mga pobreng maralita.
Bukas o
sa makalawa, ang tahanan
ng mga
timawa sa paningin
ng mga
imbi at tampalasan
ay
itutumba gamit ang koersyon
at kalupitan. May sisigaw ng
"Nais
nami'y tahanan hindi karahasan!" o
"Ipaglaban
ang karapatan sa tahanan!"
habang
tumatanaw sa aleng
nanaog
mula sa Benz na sedan.
ii.
Nakaismid. Sa beranda ng palasyong
tahanang nababalutan ng pag-iimbot,
ang limbas na mambabatas, sa
palaboy na umaamot ng kapiranggot
na awa, bubuntong-hiningang aabot
sa kalangitan, hindi nilimusan.
Nakaismid. Sa beranda ng palasyong
tahanang nababalutan ng pag-iimbot,
ang limbas na mambabatas, sa
palaboy na umaamot ng kapiranggot
na awa, bubuntong-hiningang aabot
sa kalangitan, hindi nilimusan.
Habang ang
balakyot ay nakangising
tulad
nang sa diyablo, maya-maya
pa'y
hihilata, hihimlay sa 'di mabilang
na
yamang nagmula lang naman
sa
nahilaglag na buwis ni Juan.
Bundat
na sa pagkain ngunit
'di
makuhang mabusog, 'di makuhang
mamahagi.
Humahalimuyak sa artipisyal
na bango ang mabantot na pagkatao,
humahalaw ng galak sa materyal na
mga bisyo. Kasike na 'di na sisiya sa
na bango ang mabantot na pagkatao,
humahalaw ng galak sa materyal na
mga bisyo. Kasike na 'di na sisiya sa
anumang
patawa o sasayaw sa
anumang
musika o sasalamat sa
laksang
mga biyaya.
Sa lilim
ng tahanang may koleksyon
ng
adornong ginto at rangyang kumakalso
sa
matinong kamalayan, nagkukubli
ang
kuting na takot sa alulong ng
karmang
nagmumulto sa kanyang
panaginip,
may malay man siya o
himbing.
Ngunit tutuloy pa rin sa
pagsiphayo
ang ulol na haring huwad
na
naluklok sa kastilyong tahanan na
binasbasan
ng (huwad ring) kapangyarihan.
iii.
Warat na tahanang lubos nang
Warat na tahanang lubos nang
napag-iwanan
makalipas ang higit
sa
'sandaang taong kasarinlan.
Winawagayway ang kalayaang palso
at pilit. Yumayabong. Yumayabang.
Ang katotohanan? Ang aking tahanan'y
naliligaw, nakatengga sa karimlan at
naghananap ng kalinga, kaytagal nang
dumaranas ng dalita at dusa.
Winawagayway ang kalayaang palso
at pilit. Yumayabong. Yumayabang.
Ang katotohanan? Ang aking tahanan'y
naliligaw, nakatengga sa karimlan at
naghananap ng kalinga, kaytagal nang
dumaranas ng dalita at dusa.
Ngunit,
aasa pa rin sa pagbabagong wala naman.
Sa bawat
tilamsik ng laway mula sa lingkod-
bayang
mandurugas ay parang asidong lalapnos
sa balat
ng kanyang patay-gutom na biktima.
Sa bawat
pilantik at kumpas ng kanyang
daliri
at kamay, katumbas ay pagkalagas
ng
sagradong buhay. Sa bawat bulong at
sipol ng
makapangyarihang media
pagkasuklam
ng banyaga sa mahal kong
tahanan
ang tiyak na resulta.
Sa likod
ng (inaabusong) luntiang halaman,
ginintuang
pilapil at bughaw na karagatan,
ang
malubhang halas na 'di maaninag
sa
kanyang balat. At ang salarin?
Ang sa
kanya'y nananahang palalong
ayaw
magpaawat. Kahambugang
pumapaimbulog,
pumapailanlang.
Hindi
nahahabag kahit talos ng
kaawa-awa
ang warat na tahanang
siglo
nang lumuluha, sumasabay sa
pagtanguyngoy
ng mga dakila at dukha.
Muli, aasa sa pangako ng pagbabagong wala naman.
Muli, aasa sa pangako ng pagbabagong wala naman.
--------------------------------------------------------
Ang akdang ito ay ang aking lahok at pakikiisa sa taunang Saranggola Blog Awards.
Sa pakikipagtulungan ng:
Asitg ang 'yong entry! Ikaw na!
ReplyDeleteang galing nito... nahiya yung gawa ko... hehe
ReplyDeleteenebeyen... lahat yata sasalihan mo... hehehe.. wala na kong pagasa.. hahahaha..
ReplyDeletehongoling..
Another excellent piece, sir. Walang wala ito sa ginawa ko pero sinubukan ko pa rin kasi wala namang mawawala sa akin. Salamat sa inspirasyon, sir. May kalalagyan ito. Good luck!
ReplyDelete