Ang kalungkutan at
kapighatian ay bahagi ng ating buhay katulad ng pagkagalak at kaligayahan at ng
tagumpay at kabiguan. Minsan kahit anong pilit mong magpakahinahon o mag-isip
ng mga bagay na positibo hindi pa rin maitatanggi ang lungkot na nakikita sa ating mga mata. Kung
maikubli mo man sa mga tao ang hapis at kalungkutan tiyak na sa pagsapit ng
gabi o sa panahong ikaw na lang mag-isa mas mararamdaman mo ang kapighatiang
ito.
Hindi masama ang paminsan-minsang pagpapakita ng
kalungkutan, ang masama ay ang patuloy na hinahayaan mo ang iyong sarili na malunod sa labis na
kalungkutan. Ang lahat ng bagay ay may hangganan kabilang na ang ating pagdadalamhati ngunit kung mas ninanais mong yakapin ang kalungkutan hindi ka
niya pakakawalan, kung patuloy mong hahagkan ang kapighatian malamang na
tumungo ito sa hindi mo namamalayang desperasyon at depresyon.
Bakit ba malungkot ang tao?
Kawalan ba ng pera ba ang
dahilan nito?
Kung gayon bakit ang mga
mayayaman ay nakakaranas din ng parehong kalungkutan?
May iba't ibang dahilan ang
kalungkutan hindi lang ito pera, hindi lang kayamanan, hindi lang karangyaan.
Kung ito lang ang dahilan, sana walang mayaman na malungkot at walang dukhang
masiyahin, walang mayamang nagpapatiwakal at walang mahirap na wagas kung
makalahakhak.
Kung nakakaranas ka ngayon
ng kalungkutan 'wag kang mag-alala hindi lang ikaw ang may ganitong
nararamdaman, kung pakiramdam mo pasan mo ang buong daigdig sa bigat ng iyong
problema pagmasdan mo ang iyong paligid at makikita mong mas maganda pa ang
buhay mo kaysa sa iba.
Kung may problema ka,
mayroon din ang iba pero kahit gaano pa man kabigat ang isang suliranin hindi
pa rin ito dahilan para bawiin ang sarili mong buhay, lahat tayo ay dito
papunta kaya 'wag muna magmadali.
Ano-ano ba ang dahilan para
malugmok sa kalungkutan ang isang tao?
Ano-ano ba ang naghahatid sa
kanya para makaranas siya ng labis na kapighatian?
Ang mga sumusunod ay ilang
mga kadahilanan kung bakit ang tao'y nakararanas ng matinding lungkot. Kung
malungkot ka ngayon malamang nasa ibaba ang dahilan kung bakit mo ito
nararanasan at nararamdaman.
Sin - anuman ang estado mo
sa buhay, mayaman ka man o mahirap kung mayroon kang guilt feeling sa
nagawa/ginagawa mong kasalanan mararamdaman mo ang lungkot na ito at kahit na
anong pagkukunwari o tamis ng iyong ngiting inihaharap sa mga tao hindi mo ito
maitatago sa iyong sarili. Sa kadahilanang pagprotekta sa inaalagaang pangalan
at dignidad o sa kahihiyang dulot nito kung sakaling mabunyag ang kasalanan ay
pilit itong nililihim at pinagtatakpan. Sa kabila ng mga pagtatakip sa mga
kasalanang ito, kung may konsyensyang natitira pa sa pagkatao mo ay
makakaramdam ka ng kakaibang kalungkutan magpapahirap sa iyong kalooban.
Envy - minsan hindi namang
maiiwasang makaranas ng inggit natural lang itong nararamdaman ng common tao;
may mga tao pa ngang ginagawa itong motibasyon para magsumikap. Ang masama ay
ang mayroon ka ng labis-labis na inggit sa katawan at kung mayroon ka nito
hindi ka magiging masaya para sa ibang tao at para sa sarili mo mismo. Kung
mayroon kang nakikitang ibang taong higit na nakaa-angat sa iyo; sa aspekto ng
hitsura, sa yaman, sa talino, sa talento, sa galing, sa trabaho, sa sweldo, sa
katungkulan, sa gadget at sa iba pa. Limitado ang iyong kasiyahan kung mayroon
kang inggit sa katawan dahil kaiinisan mo ang bawat kilos, galaw at sasabihin
ng (mga) taong iyong labis na kinaiinggitan, kasinungalingan para sa'yo ang
bawat bibitiwan niyang salita, (kahit walang sapat na batayan) may bahid ng
kalokohan ang kanyang pag-asenso o walang husay para sa'yo ang kanyang galing
at talento dahil mas naghahari ang ispiritu ng inggit sa iyong puso. Ang
pagkainggit na ito ay katumbas ng kalungkutan na isip lang natin ang may
pakana.
Anger - it is an emotion
that makes your mouth work faster than your brain.
Kakambal ng galit ang
lungkot dahil hindi mawawala ang lungkot kung may galit ang iyong puso. Wala
kang pagkakataong mag-isip ng matino, walang preno mong sasabihin ang anumang
nais mong sabihin at hindi ka nag-aalala kung mayroon mang ibang taong
masasaktan; malapit man ito sa'yo o hindi. Ito ang tanging emosyon na walang
pagkakataong makapasok ang kaligayahan sa iyong puso kahit na kaunti, kahit
pakunwari. Ang emosyong ito ang kadalasang nagpapahamak sa taong mayroon nito.
Tandaang, hindi na natin maibabalik pa ang bawat salitang ating sasabihin,
hindi madaling maghihilom ang anumang sugat na hindi kita sa balat at mag-iiwan
naman ng parehong lungkot at galit ang taong iyong nasaktan. Sa panahong
nararamdaman mong ikaw'y galit; kumalma, lumayo panandali, mag-isip at 'wag
magdesisyon. Ang anumang aksyon at desisyong iyong ginawa sa oras na ikaw ay
may labis na galit ay tiyak na magreresulta sa hindi maganda.
Worries - ang sobra-sobrang
pag-aalala ay nakakaapekto sa ating pag-iisip na nagreresulta sa pagkabalisa ng
isang tao. At ang mga alalahaning ito kung hindi mareresolbahan ay mananahan sa
ating isipan at kung didibdibin ng husto isa ito sa pangunahing dahilan kung
bakit nasasadlak sa kalungkutan ang tao. Ang labis na pag-iisip sa problema at
ang pagkatakot na hindi ito maresolba, kung 'di kaagad maagapan ay patungo sa
nakakapangambang depresyon; ito rin ang kadalasang dahilan nang mga taong
ninanais na kitilin ang sariling buhay. Hindi kailanman dapat ipinagwawalang
bahala ang depresyon (labis na lungkot) dahil ito ang panahong panay negatibong
bagay ang pumapasok sa ating isip at puso. Hindi mo man pisikal na kitilin ang
iyong buhay, unti-unti mo namang kinikitil ang lahat ng pag-asang ikaw ay
sumaya at lumigaya. Walang pinipiling tao ang depresyon; ordinaryong tao man o
sikat na personalidad, may kaya man sa buhay o salat sa pera 'pag mayroon ka
nito higit na kailangan mo ng kaliwanagan at kaibigan dahil 'pag wala ka nito
mas malamang mali ang bawat desisyong gagawin mo.
Frustrations - nakakalungkot
ang bawat frustrations sa buhay, nakakalungkot na mabigo sa mga bagay na iyong
pinangarap, inasahan, inasam at sinandigan at mas nakakalungkot kung ang
frustration na ito ay sanhi ng isang malapit na tao sa puso mo. Maraming uri
ang frustrations; kabilang dito ang pagluluksa, frustration sa pangarap, sa
trabaho, sa plano, sa kaibigan, sa pamilya at sa pag-ibig. Mahirap masanay sa
kaligayahan lalo't alam mong ito'y panandalian o pansamantala lang, mahirap
mag-expect ng sobra-sobra lalo't isinara mo ang sarili mo sa anumang kabiguan,
nakakadismaya na ang mga taong iyong inaasahan ang sila pa mismong magiging
sanhi ng iyong kalungkutan. Hindi masama
ang maging optimism at positibo sa buhay pero sana 'wag nating ihiwalay ang
reyalidad na hindi lahat ng gusto natin ay makukuha natin at may pagkakataong
mabibigo tayo kahit gaano pa kapositibo ang iyong pananaw. Iba ang pesimist sa
pagiging realist kaya dapat mayroon tayong second option o contingency/back-up
plan kung sakaling hindi matupad ang iyong inaasahan.
Getting old - kung hindi mo
tanggap na ikaw ay nagkakaedad na, malamang nakakaranas ka ng kalungkutan.
Aayuda pa sa nararamdaman mong kalungkutan (dulot ng pagka-old age) kung
narating mo ito ng marami kang hindi napagtagumpayan sa buhay; unsuccessful
family, unsuccessful career, walang naging anak, tumandang binata/dalaga. Ang
midlife crisis ay isang uri nito; minsan sa sobrang pag-absorb mo sa kalagayang
ito ay bigla ka na lamang makakaramdam ng lungkot kahit walang sapat na
kadahilanan. At dahil nga ang 'old age' ay katumbas ng pre-departure area sa
isang paliparan may pangamba rin sila sa mas malapit na reyalidad nang pagpanaw
ng kanilang mortal na katawan. Kung ikaw ay medyo bata pa at meron kang
nakasalamuhang may edad na at may pagkamasungit malamang nakararamdam siya ng
kalungkutan at bilang mas nakababata sa kanya dapat maunawaaan at maintindihan
mo ang kanyang kalagayan.
Sa huli, ang pagiging masaya
o pagiging malungkot ay palaging by-choice at sa pagpili mong maging masaya o
malungkot maraming mga tao ang mahahawa mo sa buong araw. Good vibes sa ibang
tao ang iyong ngiti at bad vibes naman ang pagsimangot mo. Ang minsang
pagkalugmok sa kalungkutan dulot ng iba't ibang problema ay okay lang pero sana
'wag mong hayaan na panatiliin ito ng matagal sa puso mo, napakaiksi lang ng
buhay kung masyadong magko-concenrate sa pagiging malungkutin mo. Mas
kagiliw-giliw sa tao ang masiyahin at iniiwasan naman ang mga taong walang
pakialam sa nangyayari sa mundo.
Aabangan..What may ease your
loneliness.
para sa akin, sa likod ng bawat kalungkutan na nararanasan ng bawat tao eh may nag-aabang din na kaligayahan..
ReplyDeletehhmmmnnn... we should really know what makes us lonely para mas makahanap ng paraan to be happy...lilipas naman ang kahit anung kalungkutan...
ReplyDeleteBeing lonely is normal naman dahil may mga bagay-bagay na di tayo sang-ayon o may mga bagay na sadyang di tayo maka relate...pero lilipas din yan...know what makes you happy and work hard for it kahit ano pa man yun....:)
ReplyDeletexx!
hindi mo ma-appreciate ang tunay na saya kung di mo mararanasan ang maging malungkot. nice post sir.
ReplyDeleteAng gaganda lang ng mga komento, halos lahat tayo ay positibo sa magandang idudulot ng pagiging malungkot sana lang lahat ng nakararanas ng ganitong emosyon ay ganito ang maging pananaw sa buhay. :)
ReplyDeleteHindi pagiging totoo sa sarili, hindi matanggap na pagkakamali at pagkakasala lahat naramdaman ko na pero hindi alam kung saan mag uumpisa pag nasa sitwasyon ka na ng depression hindi mo namamalayan mga tama at maling ginagawa nalulugmok man ako sa kalungkutan sa ngayon alam ng Diyos ang makabubuti sa akin. :'(
ReplyDelete