Friday, June 7, 2013

Psst...Paalam

Matagal-tagal din kitang nakasama.
Nandoon ka sa panahong ayaw kong mapag-isa.
Nagpakupkop noong nabalot ng lungkot.
Nagpa-ampon, maibsan lang pangamba't takot.

Kinitil mo ang ilang aking pag-alala.
Ngayon'y ibibilang na kita sa aking alaala.
Lahat nga ng bagay ay may hangganan.
At oo, ito na ang ating katapusan.

Salamat sa pulot-gata noong nakatirik ang araw.
Salamat sa tag-ulan, sa ating pagtampisaw.
Salamat sa pakikinig, sa nagpipilit kong tinig.
Salamat sa pang-unawa at sa nakadaupang-bisig.

Binasag ng hinala ang sagradong tiwala.
Hinalay ng dila ang payapa sanang diwa.
Gumuhit ang sugat hanggang kaluluwa.
Pumunit ng kaligayahan, nanuot hanggang kadiliman.


Wala nang dahilan upang ikaw ay makaniig.
'Di mo na maiibsan ang uhaw ko ng 'yong tubig.
Wala nang libog akong nadarama.
'Di na tatalab ang 'yong halina at gayuma.


Tutungo ako sa kung saan ko naisin.
At 'wag nang tangkaing sumunod pa sa akin.
Estranghero na ang pagturing ko sa'yo.

Landas mo't landas ko'y 'di na magkapareho.

7 comments:

  1. Sa kasalukuya'y mayroon akong irrational need na i-print ito at ipadala sa isang tao....

    Pigilan niyo ako! +_+

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bilis ipadala mo na at wala sa'yong pipigil!

      Delete
  2. ay, gano'n? hello, Limarx... ang lupit naman ng version mo ng Somebody I Used to Know, kapatid... :) hahaha, pero magaganda ang iyong verses...

    hmn, paano ba? how do we make sense of the experiences natin na may mga ka-blogs tayong naging ka-close, sinundan at naka-igihan tapos these days, several poles apart na? ahaha. masaklap nga... ^^

    there are times din that i feel like screaming such thoughts on my page. ayon lang, naiisip ko, iniiwasan na nga nila ako. o, yong iba, itinatatwa pa nila ako at pinagtatawanan, what would be the use na sabihin, "Oy, it is your loss, guys!" Di ba parang pikon lang? ahaha... ^^

    i think, i guess, may isang banda na disillusionment is a two-way process. and since nasa virtual plane tayo rito sa blog and other online media, ang taas ng chance na magmis-align ang expectations, on both sides... na from feeling close, maging too strained. na from being near and nagkakaintindihan, maging fearful to even dare approach again - once nagkamalian na ng tantya. palagay ko lamang po... ^^

    sa akin, since madalas ako ang mas matanda, i try to write sa email - doon i-clarify ang gusot - kung pwede pang ayusin. sometimes, nagwo-work. may times na hindi - nami-mis-interpret pa na too interested and naghahabol, ahaha. medyo mahilig ang lola mong mag-patch, ahaha. pero, once marami na ang alingasngas at tsismisan about your di-pagkakaunawaan, i stop na... baka mas magulo pa, mas ma-paranoid - both sides. ayon...

    i guess, the better way pa rin, yata, is to proceed slowly sa pakikipagkaibigan and pakikipagkilala online. may mga sama ng loob, yes. may ilang could have beens... pero, it would hardly help yata if sa post ko isigaw ang mga 'yon. kasi, feeling ko, afterwards, ako rin ang masasaktan... in many ways, ako rin naman ang nagtiwala agad. so, ano'ng karapatan kong umangal at sabihin, "Hindi mo pa ako kilala." e, ang paglayo nga nila, iyon na ang gustong ipahiwatig - hindi na interesado pang kilalanin further si blogger/me. aray ko po... ^^

    mahusay ang iyong mga taludtod subalit masakit ang mensahe ng mga taludtod, ahihi. peace, nagbabalik po... :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Magandang araw Ate San (ayan, "Ate" na ang tawag ko kasi may nabasa akong isa sa blog entry mo na 'yung college days mo is high school days ko pa lang - hala, nag-explain ako!)

      Anyways, salamat sa muling pagbalik at pagbasa sa may pagkasalbaheng post ko na ito. actually, yung post na 'yan is about trust & friendship na nabasag dahil sa isang malisyosang hinala at akala sa kasamaang palad maraming tao ang nadamay (kasama na ako), maraming emosyon ang nasaktan at maraming trabaho ang naapektuhan. Ito 'yung post na masasabi kong mas okay na ipahayag sa mas "matino at edukadong" paraan kaysa i-confront, mang-away at pagsimulan ng mas malaking gulo.

      It's not about the relationship w/my wife (or my girlfriend - haha joke lang) but rather my relationship w/the company where she works & some of her so called "friends", gusto ko nang tuldukan ang anumang relasyong namamagitan sa akin at sa kanila.
      Mas mahirap pala i-accept kung 'yung taong pinagkatiwalaan mo ay siya mismong maglalaglag sa'yo. Pero, malapit na...malapit na kaming ma-vindicate. (naks, ang drama ko, haha)but I'm okay now ('yung wife ko lang ang hindi pa yata) promise sa susunod na post ko hindi na rant post, haha.

      Thanks ulit, Ate San.
      Sensya na sa late reply. :)

      Delete
    2. haha, ate nga, paaanhin? ;)

      a, e, ganoon naman yata talaga, sa maling hinala usually nag-uumpisa ang misunderstanding sa online interactions. medyo mahirap at lumalala pag sa online dinala ang exchanges, sa iba ibang social networks. mas maigi sa ganyan, tumabi muna where walang ibang eavesdroppers and onlookers para makapag-usap ng ayos at di nagbabatuhan. parang ganoon ang kuha ko...^^

      weh? lahat naman yata tayo, pag napikon na, natatapon sa bintana anumang katinuan at edukasyong meron tayo, maski sino pa ata sa atin, hahaha. basta na-press na ang sensitive points, ika nga... lalabas na ang kung anu-ano - mudslinging, singilan, insecurities, etc...

      mahirap pag one or both of the parties, may network of friends na sumali sa isyu at umupinyon, well-meant man o hindi. kampihan na sa batuhan, as in...at ang daling gawin sa social networks. words fly in flurry, ika nga... pinag-isipan man o hindi. darating sa point na nasty na and vicious, parang walang pinagsamahan...

      unfortunately, alam and anticipated yaan ng host sites. kaya, a blogger has the instant option to delete site, change site or make a new one. the system provides for the online squabbles na pwedeng ma-generate ng mga huntahan at pagma-mabutihang pinaggagawa natin dito, hahaha.

      in a way, kung gaano kadali to make friendships and to trust people online, that is how fast we may lose them also. and we get hurt in the process... sarili natin ang mga puhunan - beliefs, sensibilities and loyalties. kasama yon sa blogging socials natin, kainaman na...^^

      dumaan lang po. will come here again, some other time. happy midweek... :)

      Delete
  3. mukhang masyadong malupit ang dahilan para matapos ang isang kwento ng pag-iibigan na inihahayag ng interesanteng tula na 'to.. parang wala na talagang second chance.. hehehehe

    saludo talaga ako sa mga nagsusulat ng mga ganito na "rhymed" (pasensya na, halatang hindi ako aral sa mga katawagan ng mga uri/klase ng mga tula).. ang tiyaga lang kasi ng datingan.. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. 'Yung "rhymed" sa dulo ng bawat taludtod minsan 'yun ang nakakabawas sa nais na sabihin/ipahayag ng isang writer/blogger - mahirap magpakulong sa ganitong rules, mas okay pa rin na kahit hindi sila rhyming nandun pa rin yung essence ng message.

      Kaya nakakapangambang mag-aral o magworkshop o magtraining na may kinalaman sa "tamang pagsulat ng tula o ng maikling kwento, sanaysay o nobela" dahil mas malamang nakakahon na ideyang gustong lumabas sa isip natin, (no offense meant sa mga kablogger na nag-aral ng mga ganito)

      kwento nga pala ito ng pagkakaibigan at hindi ng pag-iibigan (ayan, rhyming pa rin, haha).
      At wala na talagang second chance ang friendship na ito. :(

      Delete