"Dalawa lang naman ang pagpipilian mo, ang lumabas sa bahay na ito nang nagkalat ang utak mo sa sahig o dumito ka at alagaan ang mga anak natin!" pabantang sigaw ng dating jaguar at baldadong si Arnulfo, sa kanyang asawang si Elsa.
Ngunit mistulang walang tapang ang kanyang tinig, ni ang napadaang tambay ay hindi nayanig sa kanyang narinig.
Dalawang taon lang ang nakalilipas nang siya'y mabundol at magulungan nang humahagibis na pampasaherong dyip na nawalan ng preno nang kanyang itulak para iligtas palayo si Elsa, na kasama niya noong tumatawid ng kalsada.
Paismid itong tumalikod at lumakad.
Bitbit ang dalawang malaking bag, parang walang narinig na akmang lalabas ng bahay si Elsa, sasama kay Diego na traysikel drayber na serbis ng kanilang dalawang anak sa eskwela.
"Bang!!!"
Umalingawngaw ang isang putok ng baril.
Bagsak si Elsa.
Ang kanyang noo na kanina'y mapagmataas ngayo'y nakasubasob malapit sa pintuan.
Walang buhay.
Sa isang iglap, kinitil ng kakirihan ang buhay at tahanang dati'y puno ng pagmamahalan.
Duguan.
Wala nang pinag-iba ang kulay ng kanyang gamit na lipstick at suot na maiksing shorts at damit sa dami ng dugong umagos.
Nagkalat ang utak sa sahig.
Ang bantang hindi nadinig at hindi pinaniwalaan ay niliteral ng panibughong naghari sa kumalam na isipan.
Habang si Arnulfo ay humahagulgol na tangan ang paltik na kalibre .38 na isinangla noon sa kanya ng kanyang kumpareng adik na si Gimo.
Nakatutok ang dulo ng baril sa kanyang sentido.
Gali9ng! thank you for sharing... One of reasons why I love blogging...
ReplyDeleteganda ng song!
hindi na kailangan ng mahabang istorya.. sa iksi nito, para itong virus na unti-unting kumakalat (ganu'n 'yung dating ng short story na 'to na kahit maiksi, mai-imagine na lang ng mambabasa 'yung mga "bakit", "ano", "kailan", "saan", at "sinu-sino" ng kwentong 'to.. tapos may music video pa na pwedeng i-ugnay sa istorya.. husay, adre.. keep it up..
ReplyDeleteSad story, but there is a lesson to be learned.
ReplyDeletehello, limarx... ahaha, mas gusto ko yata ito than the previous, mas pointed ang istorya at pagkakahabi. hanggaling, ikaw na... :)
ReplyDeleteSa totoo, medyo nahihirapan na akong sumulat ngayon kumpara sa last 2 years ko sa blogging, parang hindi na ganun kasimple lang. :(
ReplyDeleteTila parang kumawala ang lahat ng "landi at tikas" na nasa imahinasyon ko dati, walang lumalabas na kung "animal" na ideya sa pag-uutak ko.
Hindi ako bihasa sa temang paggawa ng maikling kwento pero sinusubok ko ito dahil mahal ko ang pagsusulat, marami pa akong kakaining bigas kung susuriing mabuti pero ayokong magpakulong sa isang kahong puno ng kawalan.
Salamat sa mangilang-ngilan na dumadalaw sa bahay na ito.
Hindi pa ako bibitaw. Alam ko may darating pa.
Salamat sa blogging, wala gaanong rules dito, pwede nating hasain at i-explore ang sarili natin sa ibang paraan.