Friday, November 2, 2012

Nasayang na saya



Halos dalawang buwan ang kinailangan.
Dalawang buwang pananabik sa kung anong mararanasan.
Saya, kulitan, biruan, harutan, tawanan na walang humpay.
Inaasahan na rin ang pagod at sakit ng katawan pero hindi ito hahadlang upang maglibang.
Susulitin ang haba ng weekend a-dos hanggang a-kuwatro ng Nobyembre ng 2012.
Tatlong araw na magliliwaliw at tatakasan ang pagod at pressure ng opisina.
Ayos na ang lahat. Bagong damit, bagong shorts at mayroon na ring plane tickets.
Nai-charge ko na rin ang baterya ng camera, ng cellphone at ng Galaxy Tab.
May lugar nang tutulugan at schedule ng pupuntahan.
Excited na ang lahat at pati ang panahon ay aayon daw sa kagustuhan.
Inaasahan ang sayang sasalubong sa adventure na ito.
Wow! Sa unang pagkakataon makakarating na ako ng Bicol!
Makikita ko na rin sa wakas ang pamosong Bulkang Mayon na sa libro ko lang nakikita.
Natatakam na rin ako sa Bicol Express, Laing at iba pang magata at maanghang na putahe na lulutuin mismo ng aming tutuluyan.
Magtatampisaw sa tubig at pag may pagkakataon sasabak sa Camsur Water Complex.
Lalaklak ng pili nuts, wawaldas ng pera at oras.
Dadamhin ang sarap ng buhay kahit tatlong araw lang.
Habang lumalapit ang araw ng pag-alis, nadadagdagan rin ang pagkasabik.
Sino ba namang hindi eh minsan lang makagala sa loob ng isang taon.
Ang maranasan ang makapamasyal at muling makasakay sa lumilipad na bakal.
Dumating na nga araw ng aming pag-alis, halos hindi na natulog sa kakahintay ng oras.
Flight ay alas-siyete ng umaga kaya dapat kahit madilim pa ang alas kwatro ay bumabangon na.

Anong nangyari?!?
Hindi kami natuloy!
Dahil sa ang misis ko nagsusuka, sumasakit ang ulo, humilab ang tiyan.
Dalawang araw bago pa ito kumain daw siya ng chicken balls na tinuhog sa kalsada.
Nanghihinayang sa perang pinambili ng tiket.
Nanghihinayang sa masasaya sanang alaala.
Napunta sa pagkadismaya ang aking pananabik.
Lahat ng preparasyon at plano'y naglahong parang bula.
Ang ngiti'y napalitan ng lungkot.
Nasayang na saya.
Buwisit na street foods 'yan napurnada ang aming Bicol Escapades.

Imbes na sa Mayon o Camsur Water Complex baka magpunta ulit kami sa hospital. :(
April Fool's Day ba o Halloween?

2 comments:

  1. nakakalungkot naman para sa inyo dama ko ang pananabik pero isipin mo/nyo na lang na baka hindi ito ang tamang panahon para pumunta kayo ng Bicol. Sana maging okay na sir ang inyong asawa!

    ReplyDelete
    Replies
    1. natuloy pa rin kami Inong, kinabukasan 'yun nga lang bagong bayad sa airfare. pursigido talaga, hehe

      Delete