Halos dalawang
buwan ang kinailangan.
Dalawang buwang
pananabik sa kung anong mararanasan.
Saya, kulitan,
biruan, harutan, tawanan na walang humpay.
Inaasahan na
rin ang pagod at sakit ng katawan pero hindi ito hahadlang upang maglibang.
Susulitin ang
haba ng weekend a-dos hanggang a-kuwatro ng Nobyembre ng 2012.
Tatlong araw na
magliliwaliw at tatakasan ang pagod at pressure ng opisina.
Ayos na ang
lahat. Bagong damit, bagong shorts at mayroon na ring plane tickets.
Nai-charge ko na
rin ang baterya ng camera, ng cellphone at ng Galaxy Tab.
May lugar nang
tutulugan at schedule ng pupuntahan.
Excited na ang
lahat at pati ang panahon ay aayon daw sa kagustuhan.
Inaasahan ang
sayang sasalubong sa adventure na ito.
Wow! Sa unang
pagkakataon makakarating na ako ng Bicol!
Makikita ko na
rin sa wakas ang pamosong Bulkang Mayon na sa libro ko lang nakikita.
Natatakam na
rin ako sa Bicol Express, Laing at iba pang magata at maanghang na putahe na
lulutuin mismo ng aming tutuluyan.
Magtatampisaw
sa tubig at pag may pagkakataon sasabak sa Camsur Water Complex.
Lalaklak ng
pili nuts, wawaldas ng pera at oras.
Dadamhin ang
sarap ng buhay kahit tatlong araw lang.
Habang
lumalapit ang araw ng pag-alis, nadadagdagan rin ang pagkasabik.
Sino ba namang
hindi eh minsan lang makagala sa loob ng isang taon.
Ang maranasan
ang makapamasyal at muling makasakay sa lumilipad na bakal.
Dumating na nga
araw ng aming pag-alis, halos hindi na natulog sa kakahintay ng oras.
Flight ay
alas-siyete ng umaga kaya dapat kahit madilim pa ang alas kwatro ay bumabangon
na.
Anong nangyari?!?
Hindi kami
natuloy!
Dahil sa ang
misis ko nagsusuka, sumasakit ang ulo, humilab ang tiyan.
Dalawang araw
bago pa ito kumain daw siya ng chicken balls na tinuhog sa kalsada.
Nanghihinayang
sa perang pinambili ng tiket.
Nanghihinayang
sa masasaya sanang alaala.
Napunta sa
pagkadismaya ang aking pananabik.
Lahat ng
preparasyon at plano'y naglahong parang bula.
Ang ngiti'y
napalitan ng lungkot.
Nasayang na
saya.
Buwisit na
street foods 'yan napurnada ang aming Bicol Escapades.
Imbes na sa
Mayon o Camsur Water Complex baka magpunta ulit kami sa hospital. :(
April Fool's Day ba o Halloween?
nakakalungkot naman para sa inyo dama ko ang pananabik pero isipin mo/nyo na lang na baka hindi ito ang tamang panahon para pumunta kayo ng Bicol. Sana maging okay na sir ang inyong asawa!
ReplyDeletenatuloy pa rin kami Inong, kinabukasan 'yun nga lang bagong bayad sa airfare. pursigido talaga, hehe
Delete