Showing posts with label mistress. Show all posts
Showing posts with label mistress. Show all posts

Wednesday, November 28, 2012

Love, Sex, Magic & Mistress 2/2



* * *
"It's sad to belong to someone else when the right one comes along".
Linya ito sa napakagandang kantang 'Sad to Belong' ng duo ni England Dan at John Ford Coley actually sa sobrang ganda nito gusto namin gawing itong themesong mag-asawa at halos makalimutan namin ang madugo at masalimuot na mensahe ng kanta. Ngunit paano nga ba kung nadiscover mong "you are sad to belong to someone else then you realize that somebody someone should be right in your loving arms?" (insert applause for the english thay you have read). Magulo ito.
Iiwan mo ba ang asawa mo o magtitiis ka sa magaspang niyang ugali na late mo nang nadiscover? Paano mo matitiis ang mga susunod pang gabi na katabi mo sa pagtulog ang isa na ngayong estranghero sa buhay mo? Paano ka uuwi ng bahay kung hindi naman tunay na pag-ibig ang nananahan dito at parati lang kayong nagpapakiramdaman at nangangamba kung ano ang susunod na mangyayari?

Para lang itong kanta ni Ogie Alcasid na 'Bakit Ngayon Ka Lang?' Isang sitwasyon kung saan nakatagpo ka ng sa tingin mo'y isang perpektong tao para sa buhay mo sa hindi perpektong panahon at pagkakataon. On a serious note (naks!), komplikado ito dahil marami ang taong maapektuhan dito, marami ang ma-iinvolve na tao (konektado man o hindi sa'yo) at siguradong ito'y pagtsi-tsimisan pag-uusapan ng mga tsismosang kapitbahay at sa lahat ng kanto ng inyong opisinang pinapasukan at kahit sa SUSUNOOOD! na edisyon ng The Buzz ni Boy Abunda. Sa isang taong sarado na ang isip sa lahat ng paliwanag dahil sa malungkot, nakakabagot at parang away-fraternity na relasyon malamang na patungo talaga ito sa hiwalayan kung walang pagbabagong magaganap sa magkabilang panig.

Hangga't maaari, hangga't pwede pang isalba mas maganda sana, mas gusto ng mga anak na mayroon silang buong pamilya kaysa broken family. Mas higit na lungkot ang mararamdaman ng mga bata pagdating ng araw kaysa sa mga magulang na naghiwalay dahil lang sa wrong send na text message tawag ng laman. Ngunit bakit nga ba may mga taong biglang nagtransform ang ugali mula sa pagiging malambing papunta sa pagiging masungit, mula sa pagiging masiyahin patungo sa pagiging bugnotin, mula sa pagiging palakwento pero ngayo'y halos hindi mo na makausap ng matino?

Ano ba ang nagtrigger para maging ganoon siya? Baka naman ang lahat ng kanyang pagbabago'y nanggaling din sa'yo? Baka natuklasan niyang lumalandi ka lang sa iba at ginagawa mo lang dahilan ang pagbabago ng attitude niya. Baka kaya nabawasan ang pagmamahal mo sa kanya dahil may kinakalantare kang iba o kaya naman ay na-taken for granted mo lang ang lahat ng mga naging sakripisyo at pagmamahal niya sa'yo. Kung mahal mo ang isang tao hindi mo hahanapin ang kamalian at kapintasan nito pero kung may naii-spotan ka na, na perpekto (weh, 'di nga?) para sa'yo at sa ugali mo kahit kaunting kamalian lang ng kapartner mo gagawin mong big deal.

* * *
At pagkatapos nang balitaktakan at matinding sumbatang inyong binitawan sa isa't isa, marami ang magtatanong: "Where do broken hearts go?" Saan nga ba? Mayroon ba silang regular assembly meeting every month tulad nang mga sa higanteng negosyo o korporasyon? Kung sakaling kakandidato silang party list representative na nire-represent ang mga marginalized sector ng mga bigo sa pag-ibig, mananalo kaya sila? Maaari siguro, pero paano sila makikipagdebate sa Congress kung basag ang kanilang puso at lito ang kanilang diwa.

Kung party list rin lang ang pag-uusapan higit na may karapatan din ang mga mistress o mas kilala sa tawag na "kabit" sa Kongreso. Sa dumadaming bilang nila sa ngayon malaki ang tsansa nilang manalo, hindi na rin kailangang hanapan pa ng ipapangalan sa grupo nila dahil mas madali ang recall ng "THIRD PARTY" na pangalan, akmang-akma, swak na swak! Sa tumi-trending na bilang ng matatapang na kabit sa Pilipinas napakaganda sigurong senaryo sa Kongreso na ipinagsisigawan at ipinaglalaban ang umano'y kanilang karapatan. Teka, ano nga ba kung sakali ang kanilang karapatan? Ano-ano kaya ang mga posibleng ihahain nilang mga panukalang-batas? Siguro'y ang mga ito:

1. Ang makapiling ang kanilang kalaguyo isang araw matapos ang isang mahalagang okasyon; i.e. December 26, January 2, February 15, May 2, June 13, the day after the birthday of the husband, etc. (dahil ang mismong araw ng okasyon ay dapat nasa legal na pamilya siya).

2. Dahil third party nga sila pwede rin nilang ipaglaban at isabatas na at least third part o 1/3 na sweldo ng kanilang karelasyon ay otomatikong mapupunta sa kanila, ganundin ang ikatlong bahagi ng lahat ng property ng lalaki just in case na madedo ito.

3. Kung ang tawag sa mga legal na asawa ay "may bahay" dapat mayroon din silang titulo at pwede silang tawaging "may condo" o "may apartment" ibig sabihin dapat meron din silang tirahan na pinrovide ng kanilang kalaguyo. Hindi 'yung kung saan-saan lang sila nagniniig at nagpaparaos ng kanilang init. Ang kondisyon: Kung ang lalaki ay walang matinong trabaho o palamunin lang din ng kanyang asawa dapat wala siyang karapatang mangabit dahil hindi niya kakayanin ang monthly amortization ng Avida Towers o ang diyes mil na bayad na buwanang upa sa isang medyo matinong Apartment.

4. Isalegal ang diborsiyo. Para mabigyan naman sila ng pagkakataon kung paaano maging legal wife. Pero kung sila'y ligal nang napakasalan at hindi na sila officialy 'kabit' na matatawag dapat ay magresign na sila sa Congress for delicadeza. Ang kapal naman ng pagmumukha nila hindi na nga sila representative ng Third Party, congressman pa rin sila nito, si Mikey Arroyo lang ang may karapatan na maging representative ng mga gwardiya at pedicab driver - wala nang iba.

5. Sigurado tatangkain din nilang i-abolish ang lahat ng batas na may kinalaman sa pangangaliwa tulad ng concubinage, adultery, etc. para safe sila at para din sa pantay-pantay na karapatan ng lahat ng kababaihan (pero tiyak kalaban nila dito ang Simbahang Katoliko).
Ayos! Mabuhay ang Third Party! Ang party na dalawang tao lang ang imbitado at masaya. Ang party na ayaw ng mga legal na asawa.
* * *
Hindi na lingid sa atin na garapal na sa panahong ito ang hiwalayan, ang pangangalunya at kataksilan. Bakit kaya? Dahil kaya nawala na ang 'spark' ng kanilang tinatawag na 'magic'? O mas gusto nilang ibang magician naman ang gumagawa nito sa kanya ? Dahil nagsasawa na ba siya sa paulit-ulit na tricks na kanyang nakikita? O dahil accepted na ng mga tao ang ganitong kalagayan at kahit tayo ay kinukunsinti ito? Pangkaraniwang kwento na lang kasi ito sa ating kapaligiran, sa showbiz, sa teleserye, sa ating iilang pelikula, sa ating kapitbahay at sa ating kaopisina at tayo naman nae-excite pa sa tuwing makakarinig ng mga ganitong balita.
I think therefore that love is not just a magic it is also an illusion done by the illusionist who's only purpose is to deceive your eye.

Monday, November 26, 2012

Love, Sex, Magic & Mistress 1/2




Love. Para itong magic na everytime na nai-experience mo ay magkakaroon ka ng kakaibang feeling of amazement and excitement na bawat susunod na mangyayari ay iyong aabangan at posible mong hangaan; parang magic na kahit na alam mong hindi totoo ang iyong  nakikita ay nag-ienjoy ka pa rin; parang magic na nabibighani ka at kinukuhang pilit ang iyong atensyon. Katulad ng magic punong-puno ito ng sorpresa at misteryo. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit maraming lovesongs ang inspired ng salitang "magic" gaya ng 'Got to believe in Magic', 'Suddenly, it's magic', 'You can do magic' at sangkatutak pang iba.

Love. Isang makapangyarihang pwersa na magtutulak sa isang tao na gumawa ng mga bagay na hindi niya pangkaraniwang ginagawa. Handa kang pumatay, mamatay o maging alipin nito, pwede kang gawing maging matino mawala sa katinuan o maging makasarili maipaglaban mo lang ito, pwede kang sumaya, lumungkot, matuwa, maiyak, matakot, mag-alala at magkaroon ng iba't ibang emosyon dahil dito, maari kang baguhin nito sa isang iglap kung sinaniban ka ng kapangyarihan nito. Daig pa nito ang anumang superpowers na taglay ng sinumang superhero.

And speaking of superpowers,  I have learned that 'though you have a superpowers within you it's not quite enough to be called a real superhero (wow, english agad ang banat!). Bakit? Kailangan mo muna kasing tulungan ang mga taong inaapi, patunayan sa buong mundo na karapat-dapat ka talagang maging superhero at parang naging obligasyon mo nang ipagtanggol ang mundo laban sa lahat ng uri ng kasamaan. Kaakibat na rin nito ang malaking responsibilidad at bigat ng commitment na maging matino, magtaglay ng flawless na ugali (pwera na lang kung ikaw si Ironman) dahil sa sandaling magkaroon ka ng kahit na isang maliit na pagkakamali lang lahat ng nagawa mo noong tumutulong ka ay biglang makakalimutan. Parang wala kang puwang sa anumang kasalanan dahil ang tingin sa'yo ng maraming tao lalo't ang mga bata ay isang god/goddess at tila responsibildad mo na ang tumulong sa lahat ng oras at hindi lang nang isang beses kundi ng forever.

At dahil sa salitang Forever na 'yan parang ayaw ko nang maging "superhero" (pero kung tutuusin hindi mo naman talaga kailangang maging superhero para makatulong, 'di ba?). Iniiisip ko pa lang ang bigat ng commitment at malaking responsibilidad na nakaatang para gampanan ito ay parang napapagod na ako. Paano kung hindi ko matupad ito? Paano kung magsawa ako?  Paano kung gusto ko nang maggive-up at gusto kong gawin ang mga bagay na walang kaugnayan sa pagiging "superhero"? Paano na lang ang mga umaasa at nasasanay sa iyong kapangyarihan mawawalan na rin ba sila ng pag-asa? Negatibo ang epekto nito kung maraming tao ang naging dependent sa ipinangako mong "forever". 

Parang pag-ibig at pagmamahal lang 'yan eh (nai-segue din) mas dapat siguro walang promises, walang commitment, walang forever, basta gawin mo lang ang the best mo at lahat ng iyong makakaya para sa ikasasaya ng inyong pagsasama. Sabi nga sa kasabihang ingles: "Don't keep promises that you can't keep". Akala ko dati sa script ng Hollywood movies lang ito applicable pero totoo pala ito, hindi pala madali ang tumupad sa pangako dahil walang tigil ang pagbabago. Pagbabago sa pisikal, sa sikilohikal at sa mismong nararamdaman na dulot ng pagcha-chat environment at ng mga taong dumadating sa ating buhay. Uulitin ko, basta gawin mo lang ang lahat ng makakaya mo; walang pangako walang palabok. At kung hindi mag-work? Walang sumbatan. Walang magsasabi nang: "Tangna ka pagkatapos ng mga sakripisyo ko sa'yo eto pa ang gagawin mo sa'kin!" O kaya naman: "Binigay ko naman ang lahat ng gusto mo tapos iiwan mo lang pala akong hayop ka! Pu7@#61#@8/4@! Mabuti pa magsama-sama na tayo sa IMPYERNO!" Sabay baril sa asawa/nobya sunod ay ang sariling sentido (parang eksena sa teleserye na adultery ang tema).
* * *
"It's not you, it's me!"
Ito ang klasikong linyang parating sinasabi kung nais ng isang taong makipahiwalay sa kanyang kasintahan (jologs!) at kung minsan sa mismong asawa nito. Bakit ba naman hindi eh ito lang yata ang salitang pwedeng makapagpabawas ng kahit na kaunti sa masakit na salitang iyong bibitiwan, mga salitang makapagbabagong bigla ng inyong mundo at desisyong parang punyal na itatarak mo sa laman ng iyong sasabihan (pangkontes na banat). Pero ganunpaman ika nga sa kanta, there's no easy way to break somebody's heart kahit na ano pang dahilan at katwiran mo kung ang purpose mo naman ay basagin at durugin ang pusong nasanay sa iyong "wagas" na pagmamahal masasaktan at masasaktan pa rin ito.

Kung there's no easy way to break somebody's heart bakit kailangan pa nating magpaka-ipokrito o magkunwari at sabihing it's not you it's me bakit hindi na lang sabihin nang harapan sa kanya na ayaw mo na ang karakas ng pagmumukha niya o kung hindi mo naman kaya dahil mayroon pang kaunting konsiyensiyang natitira sa puso mong bato gayahin mo na lang ang istilo ni Paolo Contis nang siya'y makipahiwalay kay dating EB Babe Lian, bigla na lang itong hindi umuwi sa kanyang kinakasama (very creative 'di ba?). Pwede ring itext mo na lang at sabihin sa kanya na ayaw mo na dahil hindi ka na nag-eenjoy sa inyong mga pulot-gata at ginagawa mo lang ang mga iyon dahil kailangang mailabas mo ang init ng iyong naglalagablab na katawan o kahit walang kongkretong dahilan basta lang nagising ka nang isang umaga na hindi mo na siya gusto at wala ka ng libog love (sus!) na nararamdaman sa kanya katulad nang ginawa ni Ariel Villasanta (sino 'yun?) sa kanyang asawang negosyante na si Cristina Decena (sino rin siya?).

Nakakainis lang kung iisipin, dahil pagkatapos ng masasaya at malalanding sandali nang kayo'y magkasama bigla na lang ayaw mo na at parang diring-diri ka kung maaalala mo ang mga pagniniig sa gabing pinuno ninyo ng maiingay na romansa. Bakit sa isang iglap nagsisisi ka na nakilala siya? At nagwiwish-wish ka pa at kinakanta ang theme song ng Kahit Puso'y Masugatan, na 'Sayang' ready, sing...: "Sana'y maaring ibalik ang kahapon at doo'y magisnan na ang pag-ibig mo, sa dalangin ay hinihiling kong lumakad sanang pabalik ang panahon..."

Kung tutuosin hindi naman talaga dapat na pagsisihan ang LAHAT ng nangyari sa iyong buhay dahil at some point nag-enjoy at sumaya ka naman dito pero nang nakatagpo ka ng mas maganda/gwapo o ng mas maharot masaya kausap o nang muli mong maka-meet ang dati mong kaeskwela dahil sa letseng reunion-reunion na'yan muling umalab ang naudlot na pag-iibigan ninyo noon, o nang may nakatagpo kang ligaw na kaluluwa na umano'y ulila sa pagmamahal at romansa bigla na lang hindi mo na mahal ang partner mo, ano 'yan laro lang?!? Paano kung makatagpo ka ulit ng mas bago, mas bata at mas nakakaaliw kausap eh di iiwan mo ulit yung kinahumalingan mo? Para kang isang kumpol ng Trapo na may paulit-ulit na pangako sa maganda at mabuting Pilipinas.