Hindi ako si Popoy at batid
kong hindi rin ikaw si Basha.
Pero ang istorya ng pag-ibig nila ang
magiging inspirasyon natin para ang ating love story ay magkaroon ng masaya at
magandang ending.
At kung pwede pa'y lampasan
at hihigitan pa natin sila.
Na kahit lumipas man ang
five years, ten, eleven, twelve thirteen, fourteen, at kahit matapos pa ang
forever gusto ko sabihin sa 'yo na, sana tayo na lang. Sana tayo na lang ulit.
Hindi ako si Popoy.
Hindi ako si Popoy na
naniniwalang kaya tao iniiwan ng mga taong mahal natin kasi baka may bagong
dumating na mas okay, na mas mamahalin tayo, 'yung taong 'di tayo sasaktan at
paaasahin, 'yung nag-iisang taong magtatama ng mali sa buhay natin, ng lahat ng
mali sa buhay natin -- Ayokong umasa sa salitang baka.
Ayokong iwan ako ng taong
mahal ko para lang umasa na baka may mas okay, baka mas mamahalin ako at baka
ang bagong 'yon ang magtatama ng mga kamalian ko sa buhay. Baka. Baka. Baka.
Hindi ako si Popoy at alam
kong hindi ikaw si Basha.
Pero kung sakaling
magkasakitan tayo hinding-hindi ko hahayaan ang sarili ko na iwan ng taong
pinakamamahal ko dahil ang salitang 'baka' ay walang kasiguruhan.
Ayokong dumating ang panahon
na sa tuwing tumutugtog at napapakinggan ko ang kantang 'Nanghihinayang' ay maalala kita habang tumutulo ang aking luha
dahil sa maling desisyong aking nagawa.
Hindi ako si Popoy.
Hindi ako si Popoy na manhid
na tatanungin ang kanyang Basha kung ano bang problema.
Dahil hindi kailanman na ang
tulad mo ay dapat na masaktan.
Na hindi mo kailangang
magtiis sa kung anumang sakit na iyong nararamdaman.
Na sa bawat kasiyahang
nararamdaman ko ay naroroon ka at kasama kita.
Na hindi mo kailangang umasa
at sabihing, 'ako na lang, ako na lang
ulit' dahil hindi ikaw si Basha na binalewala lang lahat ng masasayang alaala
nila ni Popoy at hinding hindi mo maririnig sa akin ang panunumbat na 'she love me at my worst and you had me at my
best' at alam kong you will not choose to break my heart. Ever.
Hindi ako si Popoy.
Hindi ako si Popoy na
magtatanong nang, 'paano na tayo?'
Na sasagutin mo naman nang, 'wala na tayo'.
Dahil naniniwala akong hindi
natin itatapon ang lahat, hindi natin hahayaang masayang ang ilang five years
na ating pagsasama.
We already give more than
five years of our lives at alam kong hindi pa 'yun sapat at kung pagmamalabis
ang hilinging 'wag kang mawala sa buhay ko, so be it -- siguro nga I am asking
for too much.
Hindi ikaw si Basha at
ayokong marinig mula sa'yo na, 'How I
wish I could turn back time, so I can fix all my mistakes'.
Dahil wala ka namang dapat
balikan at wala kang dapat pagsisihan.
Hindi ako si Popoy at hindi
ako kasing kisig ni Popoy pero ang lahat ay gagawin ko para masabi mong worth
at deserving ako para sa 'yo at pagmamahal mo.
Hindi ako si Popoy.
Hindi ako si Popoy na minsa'y
naging manhid sa nararamdaman ni Basha.
Na hindi alam kung siya'y
nakakasakit na ng damdamin ng iba.
Na ang pagmamahal na kanyang
binibigay ay nagiging sanhi na pala ng pagtitiis at tampo ni Basha.
Na dapat ay batid niya na
minsan hindi sapat ang pag-ibig lang kundi dapat ay may kasama rin itong
respeto at pagtitiwala.
Ngunit hindi naman ikaw si
Basha na kahit hindi niya alam kung tama ang kanyang ginagawa ay magdedesisyon
pa rin na dapat nang tapusin ang relasyon nila ni Popoy.
Gagawin ko ang lahat upang hindi ko marinig mula sa'yo ang sagot na 'I'm so sorry' sa tanong na 'Mahal po ba ako?'
Hindi ako si Popoy.
Hindi ako si Popoy na nawala
sa katwiran ang pagiging seloso.
Na minsa'y nagpadala sa
bugso ng panibughong damdamin at hindi binigyan ng pagkakataong maipaliwanag
ang mahahalaga sanang sasabihin ni Basha.
Na dahil sa walang basehang
pagseselos at pagdududa ay tumungo ang relasyon nila ni Basha sa hiwalayan.
At sa kabila ng kanilang
pagmamahalan sa isa't isa at ng mga katagang 'Mahal na mahal kita' ay nadugtungan na ito ng mga salitang 'Ang sakit sakit na'.
Hindi ako si Popoy.
Hindi ako si Popoy na
minsa'y naging madamot at naging insensitibo sa nararamdaman ni Basha.
Na tila huli na nang siya'y
humingi ng kapatawaran sa lahat ng nagawa niyang kasalanan.
Na kahit alam niyang
nakakasakit na siya ng damdamin ng iba ay mas inisip pa niya ang kanyang
sarili, ang gusto niya lang, at ang kanyang nararamdaman.
Na hindi niya inalintana na
kailangan na palang hanapin 'yung Basha na nawala, 'yung Basha na minahal niya
sa umpisa pa lamang.
Hindi ako si Popoy at hindi
ikaw si Basha.
Hindi tayo sa karakter sa
isang kathang-isip na istorya.
Na ang love story nila ay
isinapelikula at ngayon nga'y ginawa pang nobela.
Na ang love story nila ay
pinagkaguluhan, hinangaan, iniyakan, kinakiligan ng marami at hindi malayong
magkaroon pa ito nang isa pang karugtong.
Ngunit hindi gaya nang
kuwento ng pag-iibigan nina Popoy at Basha -- ang love story nating dalawa ay
hindi fiction at hindi likha ng imahinasyon.
Ang love story natin ay
hindi kinakailangang hangaan ng marami.
Ayokong humingi ng 'One More
Chance' dahil baka hindi ito mangyari.
Pero sa palagay ko'y sapat
na ang unang pagkakataon.
Sapat na ang unang beses.
Hindi na ito masasayang.
Hindi na natin kakailanganin
ang second, third o fourth chances na 'yan.
No comments:
Post a Comment