Thursday, June 18, 2015

Higit Sa Mga Larong Ating Kinagisnan


Maraming bagay noong kabataan natin ang sobrang nakaka-miss at nakakadagdag pa sa pagka-miss na ito ay ang katotohanang hindi na natin ito nakikita o nagigisnan sa bagong henerasyon ng kabataan ngayon. 


Nag-enjoy tayo noon sa mga laro na kailangan ng physical activity gaya ng piko, tumbang-preso, luksong-baka, luksong-tinik, taguan-pung, doktor kwak-kwak, sipa, jackstone, patintero, holen, trumpo, saranggola, luksong-lubid, siyato at iba pa. Ngunit sa paglipas ng panahon at halos sumabay sa pagkawala ng paborito nating cartoons at anime sa hapon, nawala na rin ang mga larong ito.


Siguro, kahit anong gawin natin at kahit ilang episode pa ng pagbabalik-tanaw episode ang i-feature ng Kapuso Mo, Jessica Soho tungkol dito – hinding hindi na magugustuhan ng mga kabataan ngayon ang ganyang mga old school na laro dahil mas nag-eenjoy sila sa mga app games na naka-install sa mga cellphone, tablet, computer, o kahit anong gadgets pa ‘yan, in fact nababaduyan sila sa mga larong nabanggit. 


Tanggapin na nating 'yon ay bahagi na lang ng ating kasaysayan.
Tanggapin na natin ang katotohanan. 
At tanggapin na natin na sadyang malaki ang ipinagbago ng youth of today kumpara sa tulad kong youth of yesterday. 

Pero laliman pa natin nang kaunti ang paghahambing, isantabi muna natin ang mga simpleng bagay tulad ng mga larong ating nakagisnan. 

Fast forward tayo sa kasalukuyan. 
Higit pa sa larong-kalyeng ating nami-miss ay ang mas nakakabahalang bilang ng maraming mga kabataang involve sa iba’t ibang uri ng krimen o illegal activities o mga action na hindi akma sa kanilang edad tulad ng nakawan, snatching, riot, addiction, rape, pandurukot, drug running, early pregnancy at iba pa. 
Akalain mo sa murang edad nila’y marunong na silang makipaglasingan, makipagsabayan ng murahan, alam na nila ang sex, alam na nilang makipagrambulan at ang higit na nakakabahala:
alam nilang exempted sila sa KAHIT anong uri ng krimen.  

During 80’s at 90’s era, kung mayroon mang ganyang cases hindi ‘yun ganun katalamak kumpara sa ngayon.


Hindi naman masama ang pagbabago pero kung ganitong pagbabago naman ang nagigisnan natin sa araw-araw sa mga umano’y ‘bagong pag-asa ng bayan' hindi bale nang walang google, walang cellphone, walang youtube, walang facebook, walang tablet o walang PS4 o PSP. Hindi bale nang walang modernisasyon.


 

‘Wag na rin nating hilingin sa kanila na subukin nila ang nakagisnan nating laro.
‘Wag na (siguro) nating hilingin sa kanila na itigil (panandali) nila ang paggamit ng gadgets. 
'Wag na nating hilingin sa kanilang ‘wag na magselfie.
'Wag na nating hilingin ang mga bagay na hindi sila magiging komportable, ang nakaraan ay nakaraan at nakalulungkot mang isipin ay dapat natin itong lubos na tanggapin. 
'Wag na nating hilingin ang mga bagay na ito – basta maibalik lang sana ng mga bagong henerasyon ng kabataang ito ang tila nawawalang paggalang at RESPETO na itinuro sa atin ng ating mga nanay at tatay noong tayo'y mga bata pa.

 

Kung maari lang sana'y maibalik ng kabataang ito ang respeto sa batas, respeto sa komunidad, respeto sa guro, respeto sa magulang, respeto sa bayan, respeto sa kapwa, at higit sa lahat respeto sa kani-kanilang mga sarili.
Dahil ang mga 'yan ay higit pa sa mga larong ating kinagisnan.

2 comments:

  1. Nakakalungkot ngang isipin sir ramil na malaking pagbabago ang ginawa ng modenisasyon sa attitude ng mga kabataan ngayon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Siguro halo-halong impluwensiya na rin; kasama na ang media, ang kakulangan sa pagdidisiplina, ang pagbibigay luwag sa kabataan, ang palpak na programa sa edukasyon, ang kawalan/ kakapusan ng trabaho ng mga magulang at paggabay sa mga kabataan.
      Sa totoo, mas nakakatakot pa sila kumpara sa mga mas nakatatanda sa kanila. Nakakalungkot talaga.

      Delete