– Isang mortal sin na maituturing para sa mga nagda-drive na tulad ko ang maubusan ng gas ang sasakyan. At mas malaking kasalanan pa ito kung mangyayari sa ‘yo ito sa gitna ng Expressway.
Around 8:20 AM NLEX South Bound.
Halos kalalabas ko pa lang ng Tabang Exit (Bulacan) nang maramdaman kong pumupugak-pugak ang makina ng sasakyan. Alam ko na kung bakit kaya nakuha ko pang itabi ito bago tuluyang mamatayan ng makina. Sa estimate ko around 3+kms malapit sa toll gate ay may Gas Station. Mainit na ang araw nang oras na ‘yon. Gusto kong i-undo ang pangyayari para makapagpakarga muna ako bago pumasok ng expressway. Pero sa totoong buhay walang undo kaya huminga muna ko ng malalim bago inumpisahang maglakad - sa gitna nang mainit na araw, nang maalikabok na daan at mausok at humahagibis na mga sasakyan.
Habang naglalakad, tila may bumubulong sa akin na maliliit na boses at sinasabing: “sige lakad ka lang, ang tanga-tanga mo kasi...”
Siguro lampas 1Km na ang nilalakad ko nang may tumawag (itatago natin sa pangalang – Arlene) at sinabing, ‘wag na raw ako magpunta sa gasoline station dahil may tutulong na raw na taga-Tollways Management Group sa amin at may dala na itong fuel. Okay. So naglakad ako pabalik ng sasakyan, hihintayin ang rescue na magmumula sa langit at magsasalba ng katangahan ng driver sa araw na ‘yon. After around 15 minutes na paglalakad at around 500 meters sa nakatirik na sasakyan, muli siyang tumawag at sinabing, wala raw palang dalang fuel ‘yung taga-Tollways Management ng NLEX, i-aassist at hihintayin na lang ako sa Gas Station. Ayos talaga. May magagawa ba ako? Wala. Makakapag-complaint ba ako? Hindi.
Sa gitna nang mainit na araw, nang maalikabok na daan at mausok at humahagibis na mga sasakyan – muli akong naglakad. Habang naglalakad, tila muli kong narinig ang bumubulong sa akin na maliliit na boses at muli niyang sinasabing: “sige lakad ka lang, ang tanga-tanga mo kasi...”
Siguro kulang na lang sa 1Km from the Tollgate ay dumating ang rescue ng NLEX na mula sa langit. Isinakay ako – ako na mukhang marungis at basang-basa ng pawis. Dahil bawal mag-U turn sa highway, umatras ang service vehicle para lang makarating sa tollgate. After ng mahigit isang oras at humigit-kumulang na 5Kms na paglalakad narating ko na rin ang gas station. Tumungga muna ng dalawang piraso ng bottled water, dumiskarte ng imbudo at saka bumili ng limang litrong diesel. At natapos ang kwento.
Salamat sa tulong ni Mr. Attending Patrol Crew J. Coracha at sa kanyang kasama na si Mr. F. Yutuc at nakarating ako ng opisina ng buo, walang galos pero may bahid ng kaengotan.
- - - - - -
5/22/15
Smooth naman sana ang pagda-drive. Medyo mabilis ang biyahe from Bulacan to Manila. At mahalagang may natutunan sa nakaraan: ang hindi maubusan ng gas ang sasakyan ‘pag bumibiyahe.
Around 8:40 AM sa Bonifacio Drive at kanto ng P. Burgos (going to Manila City Hall). Green ang ilaw pero pinahinto ako ng MMDA traffic enforcer dahil sa paparating na Fire Truck na nagwawang-wang. Full stop ako kasama ng iba pang sasakyang nasa tabi ko (kahit green) dahil nga sumenyas si mamang enforcer nang STOP. Nang mula sa kung saang dimensiyon ay may PUJ na bumundol sa aking likuran. Malakas. Laglag ang halos lahat ng gamit na nasa dashboard, muntik din malaglag ang dibdib ko sa kaba.
Nasa loob ng sasakyan, in-expect ko na ang dramarama sa umaga mula sa
driver ng pampasaherong jeep – kakamot sa ulo, makikiusap at hihingi ng
pasensiya. Sa intersection na ‘yon, bumaba ako, bumaba rin ang mga
pasaherong sakay ng jeep, tapos 'yung driver na medyo may edad na.
Kung ano ang pagkalukot ng likurang bahagi ng aking sasakyan, ganun din ang lukot ng mukha ko nang makita ko ang sustained damage ng auv/van:
- pasok ang likurang pinto at hindi na mabuksan (dahil sa impact)
- laglag ang matigas na bullbar, at ang masaklap
- butas ang tire carrier na may artwork ni Pareng Ely at ng kanyang mga barkada – unrepairable. Shet.
Noong unang panahon, ‘pag may ganitong pangyayari sigurado nang makakapagsalita ako ng hindi maganda sa ganitong klaseng driver pero dahil nagkakaedad na ako, kailangan na rin ng maturity at salamat na sumapi ‘yun sa akin nung araw na ‘yon.
Hindi ako nagkamali, nagdrama na si mamang driver, nakiusap at humingi ng kapatawaran sa nagawa niyang kasalanan (naks). Pero makukuha ba nang pagpapatawad lang ang malaking damage ng isang sasakyan? Siyempre hindi.
Gusto kong i-undo ang pangyayari at i-beat ko ang approaching na fire truck, tutal medyo malayo pa naman ito at malamang na hindi ako abutan. Pero sa totoong buhay walang undo, kaya kailangang harapin ang isang problemang hindi naman ako ang may gawa at may kasalanan. May natutunan ako dito: kahit pala anong ingat mo sa pagmamaneho hangga't may mga driver na iresponsable sa lansangan, hindi madaling iwasan ang isang aksidente. Wala pa namang insurance 'yung sasakyan at saka ako.
Next destination: Manila Traffic Bureau.
Kinunan kami ng statement, kinunan ng picture ang may damage na bahagi ng sasakyan, ginawan ng police blotter (handwritten), gumawa ng kasulatan (handwritten) na ‘yung driver na nakabangga, siya (raw) ang magbabayad sa lahat ng gastos/damage na nangyari sa sasakyan.
At gaya ng pangako ng isang pulitiko sa tuwing eleksyon, aasahan kong matupad ni mamang driver ang pangako niyang ‘yon.
Tsk.

No comments:
Post a Comment