Humahagibis sa bilis ang ambulansyang minamaneho ni Mang Rudy.
Destinasyon ng kanyang ambulansya at ng pasyenteng sakay nito na si Aling Fely ay ang pagamutang makapagsasalba umano sa mahalagang buhay ng kanyang pasahero. Agaw-buhay, liyo at tila wala sa sariling pag-iisip ang pasyenteng si Aling Fely. Marahil dahil ito sa labis na pag-abuso at pag-alila ng kanyang mga suwail na anak na sa loob ng ilang dekada'y hindi nagawang arugain at mahalin nang totoo ang kanilang pobreng ina.
Karaniwang anim na buwan lamang ang tinatagal ng opisyal na tsuper ng ambulansya sa bayang ito. May ilang namasukan na humigit dito at mayroon din namang napatalsik bago pa sumapit ang kanyang termino. Nagmula si Mang Rudy sa malayong lalawigan sa Katimugan na halos walang pinag-iba ang kalagayan kung saan siya nakadestino ngayon -- magulo.
Animnapung kilometro ang lubak-lubak na daang patungo sa pagamutan.
Makapal ang putik nito kung maulan at animo'y madilim na ulap ang alikabok kung tirik ang mainit na araw. Dagdag sa pagkaantala nang pagbiyahe ng ambulansya ang mga sutil na residenteng nananadyang hinaharang ang kalsada, pinupukol ang sasakyan o 'di kaya'y binubutas ang mga upod na gulong nito.
Ang ambulansiya ni Mang Rudy ay 'di maipagkakailang luma na -- kung hindi nga lang nakakahiya sa mga may sensitibong pandinig maari na ring sabihing ito'y bulok na. Kakarag-karag ika nga. Nababalutan ang kalawanging bakal nito nang naghuhulas na pinturang alanganing puti o abuhin, marumi ang kanyang maitim na usok na kahit ang pinakamadilim na gabi'y mahihirapan itong ikubli.
Ang kalsada't ambulansiya'y kapwa mukha ng lumalala at laganap na korapsyon sa bayang ito.
Nakakaaawang pagmasdan: isang kakarag-karag na ambulansiya, lulan ang isang babaeng pinatanda ng kahirapan, na minamaneho ng isang matandang tsuper na maangas at may pagkamainitin ang ulo, na naglalakbay sa malubak na kalsadang ilang dekada nang walang progreso at pagbabago.
Sa pagnanais na mailigtas ang buhay ng pasyente hindi inalintana ni Mang Rudy ang kabi-kabila niyang paglabag sa umiiral na batas-trapiko. Maraming pulang ilaw ang hindi niya hinintuan, maraming motorista ang kanyang naaksidente at ilang nakaharang sa kanyang daraanan ang halatang sinadyang sinagasaan. Nagmistulang hari ng kalsada ang ambulansiya ni Mang Rudy na ang lahat ng kanyang makakasalubong at madadaanan ay dapat na magbigay daan sa kanya at kanyang sasakyan.
Sa kabila ng negatibong ugali at 'di magandang impresyon ng mga tao kay Mang Rudy, masipag at mahal nito ang kanyang trabaho at ito marahil ang dahilan kung bakit siya'y may pagkaagresibo. Bagama't mabilis at may kakaiba siyang husay sa pagmamaneho hindi rin naman maiiwasang kuwestiyunin ang ugali niyang pagiging barumbado at mahirap pakisamahan.
Datapwa't sanay at beterano na sa nakagisnang trabaho marami-rami na rin ang kanyang naging kapalpakan at kamalian na walang pag-ako o pag-amin man lang. Ngunit nakapagtatakang sa kabila ng mga kapalpakan at kamalian niyang ito marami pa rin ang sa kanya'y nagtitiwala at sumusuporta. At 'yun ang nagbigay ng lakas ng loob kay Mang Rudy upang gawin ang sa tingin niya'y tama kahit pa marami ang lantarang paglabag, maraming ari-arian ang nawawasak at maraming buhay ang nadadamay.
Sa una pa lamang ay napukaw na ni Mang Rudy ang damdamin ng mga perpeksiyunistang mga kritiko ng bayan. Kritikong walang nakikitang tama sa sipag at pagsisikap ng matanda. Anila, at kung masusing susuriin hindi sasapat ang sipag at pagsisikap lang sa bawat kanyang ginagawa dapat ay mayroon ding puso at pagmamalasakit sa kapwa upang hindi mapahamak ang iba, upang may sapat na pag-iingat, upang walang madamay na inosente.
Ang pagiging matigas ang damdamin ay magdudulot ng hindi magandang impresyon sa iba bagama't ang intensiyon ay mabuti hindi ito makikita ng mga kritikong sa iisang panig lang na nakakiling. Ngunit isang malaking tanong at palaisipan sa marami kung si Mang Rudy nga'y taglay ang mga katangiang ito na tila imposible nang mahanap sa panahong ito.
Maraming nagsasabing kakaiba si Mang Rudy sa nakalipas na mga tsuper ng ambulansiya ng bayan kumpara sa mga ibang humawak ng manibela nito at marami sa nagsasabing ito ang may tangan-tangang pag-asa. Nakakatawa lang na malaman na marami rin sa mga ito ang nagiging sanhi at dahilan ng abala at pagkaantala ng ambulansiya kaya hindi mabilis na umuusad ang ambulansiyang may isang misyon: ang magsalba ng buhay.
Hindi maiiwasang maikumpara si Mang Rudy sa ibang nagtangkang tumulong sa kalagayan ni Aling Fely. Marami-rami na rin kasi sila na pawang mga nabigo; dalawang tsuper na babae, may isang may pagkaarogante, may naging kawatan, may maangas lang magmaniobra, at may lampang malumanay magsalita. Ngunit ang mga ito'y tila hindi nakabuti sa kalagayan ng kalusugan ni Aling Fely -- papaano'y hindi naman naihahatid agad at nalalapatan ng lunas ang sakiting ale, ilan pa nga sa kanila'y inuumit ang krudo ng sasakyan.
Ilang beses nalagay sa panganib ang buhay ni Aling Fely at ilang beses na rin itong nagpabalik-balik sa pagamutan ngunit wala yata ni isa man sa mga ito ang may tunay at totoong may malasakit sa kalusugan at kalagayan ng pasyente. Nakalulungkot lang na kung sana'y kagyat na nabibigyan ng gamot at karampatang lunas ang pasyente'y hindi sana aabot ito sa ganitong kalagayan -- KRITIKAL.
Ang mayuming si Aling Fely na sa kanyang edad ay namamalas pa rin ang ganda ngunit tila walang magandang kinabukasan, buhay nga ngunit mistulang buto't balat, may suot na damit ngunit animo'y nakahubad, malubha ang sakit na tila walang kalunasan, likas na mayaman ngunit walang kayamanan.
Malayo-layo pa ang biyaheng ito ni Mang Rudy at ng kanyang pasyente at 'di ko batid ang kahihinatnan ng kalagayan at kalusugan ni Aling Fely sa kamay nito kung mahahatid man siya nang ligtas o hindi sa pagamutan. Ang inaalala nang marami kabilang na marahil ako ay baka matulad lang ang kuwento at istorya nilang dalawa sa nakaraang mga kuwento at istorya na ang kinahantungan ay pagkadismaya, kalungkutan at kabiguan.
Kahit na malubak humahagibis sa bilis ang ambulansiyang minamaneho ni Mang Rudy.
Destinasyon ng kanyang ambulansiya at ng pasyenteng sakay nito na si Aling Fely ay ang pagamutang makapagsasalba umano sa buhay ng kanyang pasahero.
Isa bang kakatwa na sa proseso nang pagsagip sa mas mahalagang buhay ay maraming buhay ang dapat na mautas?
Siguro'y may ibang paraan para gawin ito pero wala sa bokabularyo ni Mang Rudy ang maghinay-hinay at huminahon.
Koleksiyon ng mga sanaysay, kabalbalan, kwento, opinyon, tula, suhestiyon, obserbasyon, kathang-isip at katotohanan na sumasalamin sa pang araw-araw na buhay ng pangkaraniwang tao. Hindi nito tinatangkang impluwensiyahan ang pag-iisip ng bawat mambabasa bagkus ay inilalatag at inilalahad lamang kung ano ang karaniwang nakikita sa kapaligiran na madalas naman ay winawalang bahala.
Showing posts with label kwento. Show all posts
Showing posts with label kwento. Show all posts
Monday, September 11, 2017
Wednesday, May 27, 2015
A Series of Unfortunate Events
5/21/15
– Isang mortal sin na maituturing para sa mga nagda-drive na tulad ko ang maubusan ng gas ang sasakyan. At mas malaking kasalanan pa ito kung mangyayari sa ‘yo ito sa gitna ng Expressway.
Around 8:20 AM NLEX South Bound.
Halos kalalabas ko pa lang ng Tabang Exit (Bulacan) nang maramdaman kong pumupugak-pugak ang makina ng sasakyan. Alam ko na kung bakit kaya nakuha ko pang itabi ito bago tuluyang mamatayan ng makina. Sa estimate ko around 3+kms malapit sa toll gate ay may Gas Station. Mainit na ang araw nang oras na ‘yon. Gusto kong i-undo ang pangyayari para makapagpakarga muna ako bago pumasok ng expressway. Pero sa totoong buhay walang undo kaya huminga muna ko ng malalim bago inumpisahang maglakad - sa gitna nang mainit na araw, nang maalikabok na daan at mausok at humahagibis na mga sasakyan.
Habang naglalakad, tila may bumubulong sa akin na maliliit na boses at sinasabing: “sige lakad ka lang, ang tanga-tanga mo kasi...”
Siguro lampas 1Km na ang nilalakad ko nang may tumawag (itatago natin sa pangalang – Arlene) at sinabing, ‘wag na raw ako magpunta sa gasoline station dahil may tutulong na raw na taga-Tollways Management Group sa amin at may dala na itong fuel. Okay. So naglakad ako pabalik ng sasakyan, hihintayin ang rescue na magmumula sa langit at magsasalba ng katangahan ng driver sa araw na ‘yon. After around 15 minutes na paglalakad at around 500 meters sa nakatirik na sasakyan, muli siyang tumawag at sinabing, wala raw palang dalang fuel ‘yung taga-Tollways Management ng NLEX, i-aassist at hihintayin na lang ako sa Gas Station. Ayos talaga. May magagawa ba ako? Wala. Makakapag-complaint ba ako? Hindi.
Sa gitna nang mainit na araw, nang maalikabok na daan at mausok at humahagibis na mga sasakyan – muli akong naglakad. Habang naglalakad, tila muli kong narinig ang bumubulong sa akin na maliliit na boses at muli niyang sinasabing: “sige lakad ka lang, ang tanga-tanga mo kasi...”
Siguro kulang na lang sa 1Km from the Tollgate ay dumating ang rescue ng NLEX na mula sa langit. Isinakay ako – ako na mukhang marungis at basang-basa ng pawis. Dahil bawal mag-U turn sa highway, umatras ang service vehicle para lang makarating sa tollgate. After ng mahigit isang oras at humigit-kumulang na 5Kms na paglalakad narating ko na rin ang gas station. Tumungga muna ng dalawang piraso ng bottled water, dumiskarte ng imbudo at saka bumili ng limang litrong diesel. At natapos ang kwento.
Salamat sa tulong ni Mr. Attending Patrol Crew J. Coracha at sa kanyang kasama na si Mr. F. Yutuc at nakarating ako ng opisina ng buo, walang galos pero may bahid ng kaengotan.
- - - - - -
5/22/15
Smooth naman sana ang pagda-drive. Medyo mabilis ang biyahe from Bulacan to Manila. At mahalagang may natutunan sa nakaraan: ang hindi maubusan ng gas ang sasakyan ‘pag bumibiyahe.
Around 8:40 AM sa Bonifacio Drive at kanto ng P. Burgos (going to Manila City Hall). Green ang ilaw pero pinahinto ako ng MMDA traffic enforcer dahil sa paparating na Fire Truck na nagwawang-wang. Full stop ako kasama ng iba pang sasakyang nasa tabi ko (kahit green) dahil nga sumenyas si mamang enforcer nang STOP. Nang mula sa kung saang dimensiyon ay may PUJ na bumundol sa aking likuran. Malakas. Laglag ang halos lahat ng gamit na nasa dashboard, muntik din malaglag ang dibdib ko sa kaba.

Nasa loob ng sasakyan, in-expect ko na ang dramarama sa umaga mula sa
driver ng pampasaherong jeep – kakamot sa ulo, makikiusap at hihingi ng
pasensiya. Sa intersection na ‘yon, bumaba ako, bumaba rin ang mga
pasaherong sakay ng jeep, tapos 'yung driver na medyo may edad na.
Kung ano ang pagkalukot ng likurang bahagi ng aking sasakyan, ganun din ang lukot ng mukha ko nang makita ko ang sustained damage ng auv/van:
- pasok ang likurang pinto at hindi na mabuksan (dahil sa impact)
- laglag ang matigas na bullbar, at ang masaklap
- butas ang tire carrier na may artwork ni Pareng Ely at ng kanyang mga barkada – unrepairable. Shet.
Noong unang panahon, ‘pag may ganitong pangyayari sigurado nang makakapagsalita ako ng hindi maganda sa ganitong klaseng driver pero dahil nagkakaedad na ako, kailangan na rin ng maturity at salamat na sumapi ‘yun sa akin nung araw na ‘yon.
Hindi ako nagkamali, nagdrama na si mamang driver, nakiusap at humingi ng kapatawaran sa nagawa niyang kasalanan (naks). Pero makukuha ba nang pagpapatawad lang ang malaking damage ng isang sasakyan? Siyempre hindi.
Gusto kong i-undo ang pangyayari at i-beat ko ang approaching na fire truck, tutal medyo malayo pa naman ito at malamang na hindi ako abutan. Pero sa totoong buhay walang undo, kaya kailangang harapin ang isang problemang hindi naman ako ang may gawa at may kasalanan. May natutunan ako dito: kahit pala anong ingat mo sa pagmamaneho hangga't may mga driver na iresponsable sa lansangan, hindi madaling iwasan ang isang aksidente. Wala pa namang insurance 'yung sasakyan at saka ako.
Next destination: Manila Traffic Bureau.
Kinunan kami ng statement, kinunan ng picture ang may damage na bahagi ng sasakyan, ginawan ng police blotter (handwritten), gumawa ng kasulatan (handwritten) na ‘yung driver na nakabangga, siya (raw) ang magbabayad sa lahat ng gastos/damage na nangyari sa sasakyan.
At gaya ng pangako ng isang pulitiko sa tuwing eleksyon, aasahan kong matupad ni mamang driver ang pangako niyang ‘yon.
Tsk.

Subscribe to:
Posts (Atom)