Friday, October 10, 2014

Ang Sorpesa ni André 2/2



"Dingdong!"

Binuksan ni André ang pinto ng kwarto upang magbigay daan sa bellboy na naghatid ng aming kakanin sa gabing ito. Pork chop, chopsuey, kanin at dalawang coke in can.

"Mauna ka nang kumain, 'ney. Shower muna ko." paalam ko kay André habang piniprepare niya ang mga pagkain.

"Okay." maiksi niyang sagot.

Nawiweirdohan talaga ako sa kanya ngayon. Hindi naman siya ganyan dati. 
Madaldal si André. Makwento at malambing. Pero ngayon, kanina ko pa napapansing wala siya halos kibo. Kundi ko pa siya kakausapin hindi pa siya magsasalita. "Siguro pagod lang siya," sabi ko sa aking sarili at nagdiretso na ako sa shower.

Sa banyo pa lang, pagkasabik na ang nararamdaman ko kay André. Ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa shower ay iniisip kong kanyang mga kamay na humahaplos sa aking kaselanan. Siguro nagpapadagdag sa pagkasabik ko sa kanya ang katotohanang hindi kami maaring magkita ng araw-araw, na kailangang samantalahin ang pagkakataong kasama ko siya. Ah alam ko, pangsamantala lang ito dahil sinasandigan ko ang kanyang sinabi na hindi na mababalik pa ang pagmamahal niya kay Stephanie at nagsasama na lang sila dahil kay Kyle, ang two year old nilang anak.

Mula dulo ng aking kuko hanggang sa hibla ng aking buhok ay sinigurado kong malinis. Gusto ko kasing wala ni katiting na maipipintas sa akin si André, gusto ko kasing tumatak sa isip niya na malayo ang pagkakaiba ni Stephanie kay Hayley. Gusto kong malanghap niya kung gaano ako kabango mula paa hanggang ulo.

"Wow, may dala ka palang grapes! How sweet of you naman!" nakita ko kasi ang ubas na kasamang nakaprepare ng aming hapunan pagkalabas ko mula CR.

"Yes. Favorite mo 'yan di ba? " tugon ni André. "Banyo lang muna ko ha? 'Pag gutom ka na, mauna ka nang kumain."

"Okay. Sige, shower ka muna."

In-on ko ang radyo habang naghihintay kay André. Kailangan ng swabeng musika na magsiset ng mood sa pinapanabikan kong pakikipagsex sa kanya. Humiga at pumikit panandali sa puting kamang may maayos na pagkakatuping bedsheet habang nananabik sa paglabas ni André mula sa shower room.
- - - - -

Malambot ang kanyang labi halos singlambot ng marshmallow. Habang hinahalikan niya ang labi ko'y gumagapang naman ang kanyang kaliwang kamay patungo sa aking hita na kalaunan ay tumungo sa aking kaselanan. Basang-basa na ako at ramdam 'yon ni André. Nanginginig ang aking buong katawan habang hinahaplos niya ang nasa pagitan ng mga hita ko. 'Tangina! Eto 'yung sinasabi kong langit! Walang kasingsarap na langit!

Tinanggal niya ang towel na nakatapis sa akin. At hinubad na rin niya ang kanyang suot na boxer shorts. Niyakap ko siya palapit sa katawan ko upang mas lalo kong maramdaman ang kanyang kahindigan. Malamig ang simoy ng aircon pero kapwa kami pawisan. Habang naghahalikan kami'y inaabot ng kaliwang kamay ko ang ubas na nakapatong sa mesang maliit na nasa tabi ng kama.

"Wait, sandali..." isinubo ko ang isang piraso ng ubas at itinapat ko ito sa bibig ni André. Automatic na 'yun hindi na kailangang itanong kung anong kanyang gagawin. Kinuha niya ito ng kanyang bibig, sinubo at kinain. Malakas na tawa naming dalawa ang pumuno sa'ming kwarto. Ganun kami magmahalan. Walang arte, walang kiyeme. Para kaming mga bagitong pornstar na gagawin ang lahat basta sumikat lang.

Akmang iibabaw na si Andre sa akin nang marinig ko ang mahinang boses niya.

"Hayley, Hayley, nananaginip ka..." mahinahong tawag niya sa aking pangalan habang tinatapik niya ang aking balikat.

Shit. Nakaidlip ako.

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga. Halos sampung minuto na pala ang lumipas.

"André, bakit nakabihis ka pa? Hindi ka nagshower? May problema ba?" Magkakasunod na tanong ko sa kanya.

"Hayley..." tinawag niya muli ako sa aking pangalan. Hindi ito pangkaraniwan. Lalo akong kinabahan.

"Matagal ko nang gustong sabihin sa'yo 'to, hindi lang ako magkaroon ng tamang pagkakataon. Sa tingin ko ito na 'yung tamang oras para maitama natin ang lahat ng ating mga naging kamalian..."

Nabibingi ako sa aking naririnig. Tila hindi na rerehistro sa aking isip ang kanyang susunod na mga sasabihin. Putangina. Sabi ko na nga ba e. Kaya pala kanina pa ako kinakabahan, kaya pala may nararamdaman akong kakaiba. Heto na ba 'yung inaasahan kong soprpesa? 'Yung inaasahan kong tuluyan na kaming magsasama at iiwan na niya si Stephanie para sa akin ay taliwas sa kanyang mga sinasabi ngayon. Kabaliktaran sa nais kong ending ng aking kwento.

"May mga relasyong walang patutunguhan, walang kinabukasan at walang kahihinatnan. At hindi lingid sa'yo na ganun ang relasyon nating dalawa. Hindi nakakatulong sa atin bilang isang indibidwal kung itutuloy natin ang relasyong ito sa halip, nakakasakit pa tayo ng ibang tao. Si Stephanie, alam na niya ang lahat ng tungkol sa atin pero mas pinili niyang manahamik. Asawa ko siya. May anak kami, si Kyle. Hayley, alam kong masakit man para sa iyo... sige, sa ating dalawa, pero kailangan kong sabihin na dapat na nating tuldukan ang relasyong ito.

Sorry kung nasaktan kita. Sorry kung nagbitaw ako ng pangakong alam kong hindi ko naman kayang panindigan. Ginawa ko lang ang mga 'yon para na rin sa kapakanan mo. Kasi nang mga panahong 'yun ayokong may gawin kang hindi maganda sa sarili mo. Ayokong mapahamak ka. Kung tatanungin mo ako kung minahal kita, siyempre, minahal kita. Alam mo naman 'yun e, naramdaman mo naman 'yun 'di ba?"

"Putangina mo Andre, ginamit mo lang ako. Ginamit mo lang ang pera ko sa lahat ng mga pangangailangan mo. Ang tagal na natin, tatlong taon! Pero ngayon mo lang sinasabi sa akin ang lahat ng 'yan. Gago, sa tingin mo kung mawawala ka sa akin magpapakamatay ako?! Ang totoo, kaya tayo nagtagal kasi kailangan mo ako, kailangan mo ng pera ko! Ngayon porke may matinong trabaho ka na dahil sa akin, saka mo sasabihin sa akin 'yang kaletsehang 'yan? 'Tangina mo, matagal na tayong madumi! Ang pagkakaiba lang natin, ikaw nagkukunwaring malinis, ako, hindi pero pareho lang tayo!" iyan sana ang gusto kong sabihin kay André pero hindi ko kaya, mahal ko pa rin siya sa kabila ng lahat ng aking mga narinig.

Napahagulgol na lang akong napaupo sa kama.

"Wala na ba talagang ibang paraan?" pahikbi kong pagsusumamo sa kanya.

"Makakabuting itigil na natin ito. Pasensiya na pero mahal ko si Stephanie, mahal ko ang aking asawa. Sana mapatawad mo ako, alam ko makakahanap ka ng lalakeng mas higit pa sa akin 'yung magmamahal ng buong-buo hindi 'yung ganito, hindi 'yung patago. Ginawa ko naman ang lahat pero hindi talaga nag-work. Iba pa rin talaga ang pagmamahal ng isang tunay na babae. Sorry talaga, Harry."

"Fuck you ka Andre. Fuck you ka."

1 comment:

  1. The twist at the ending though! *hahaha* Sabi na eh, may kakaiba dito eh. Nung nabasa ko yung tunay na name ni Haley, things suddenly made sense. Lalo na yung tungkol sa "kailangan mo ng pera ko". Akala ko cougar si Haley, yun pala sugar papsi. lol

    Malapit na ba yung Mitolohiya 2? Yung about sa dragons. :)

    ReplyDelete