Ang pag-ibig ay hindi basta
sex lang at ang sex ay hindi pwedeng ikonsiderang isang Pag-ibig.
Maari tayong mabuhay ng
walang sex ngunit hindi tayo mabubuhay ng walang pag-ibig.
Kung sex lang ang siyang
sukatan sa isang pagsasama mas malamang na hindi ito magtagal 'di tulad ng sa
pag-ibig; kung ito ang naghahari sa ating mga puso mananatili ito nang tila
walang katapusan o hanggang sa huling hibla o singhap ng ating mga hininga.
Masarap ang sex. Kung sino
man ang nagsabing hindi ito masarap ay malamang hindi pa natikman ang kakaibang sensasyon at kiliting ibinibigay nito sa isang indibidwal.
Masarap ang umibig. Kung
sino man ang nagsabing hindi ito masarap ay malamang hindi pa naranasan ang
kakaibang kilig at kaligayahang hatid nito sa bawat taong umiibig.
Pero wala nang sasarap pa
kung ang sex at pagmamahal na kailangan mo ay nasa iisang katauhan lang at mas
sasarap pa ito kung pareho kayong may gana para dito sa tuwing ito'y inyong
ginagawa nang walang pilitan o walang pakiusapan.
Marami ang gumagamit ng
pag-ibig para makapag-take advantage at makuha ang sex na inaasam. Pero kahit
kailan hindi dapat gawing batayan ang sex para sa isang wagas na pagmamahalang
matatawag. Isang malaking kaululan na para mapatunayan ang isang pagmamahal ay
sa pamamagitan ng sex lang dahil maraming bagay ang makapagpapatunay sa tunay
na pagmamahal.
Maaari kang makipagsex ng
walang pagmamahal pero maaari ka ding magmahal ng walang sex. Minsan sila'y
magkadugtong at magkaugnay pero hindi kailangang sila'y iisa. Ang sex at ang
pag-ibig ay kayang linlangin ng isang dalubhasa sa kasinungalingan.
At sa mundong puno ng
kasinungalingan ay gagawin ng tao ang lahat para lang makuha ang kanyang
inaasam. Uulitin ko, ang pag-ibig ay hindi sex at ang sex ay hindi pag-ibig.
Paano kung ang iyong mahal sa buhay ay wala ng kakayahang makipagsex, iiwan mo
ba siya dahil sa pangangailangang seksuwal?
Paano kung pagod sa trabaho
o walang ganang makipagsex o sa simpleng dahilang ayaw niya, dahilan na ba ito
para ikaw ay mangalunya?
Ngunit kung mas nananaig ang
pagmamahal at pag-ibig kaysa sa pangangailangang seksuwal mas malawak mong
mauunawaan na ang pagsasama at pag-aasawa ay higit sa sex lang.
Ang pagkahumaling sa sex na
halos dito na nakasentro ang iyong mundo ay kulang sa pagmamahal. Hindi ka
makokontento sa kung sino man ang karelasyon mo ngayon kung ang hanap mo lang
ay ang sarap ng sex at hindi ang sarap na hatid ng isang pag-ibig. May mga
taong magaling magbalat-kayo na maari mong mapagkamalang may pagmamahal ang
kanyang paglalambing at panunuyo ngunit pagkatapos na makuha ang iyong kapurian
hiwalayan ang kahihinatnan nito. Ngunit sadyang ang kasinungalingan ay hindi
kaagad nasusuri at mauuri na kahit ang pinakamatalino o pinakamautak na
nilalang ay kayang igupo o linlangin ng huwad na pag-ibig. At kapag ikaw ay
tuluyang nalunod sa kasinungalingan baka ito na rin ang simula nang pagkasira
ng iyong buhay at kinabukasan. At ito ang isa sa kahinaan ng kabataan sa
ngayon; ang kasinungalingan ay napagkakamalang pag-ibig na patungo sa masarap
na pagniig at hindi alintana ang susunod na dulot na panganib.
Magugulat ka pa ba kung ang
mga kabataan ngayon ay matuturing na bihasa na sa sex? Na sa edad na katorse ay
alam na nila ito at walang pakialam at walang pakundangang ginagawa ito ng
walang kaukulang pag-iingat. Nagbago na nga ang mundo dahil ang mga ganitong
gawain noon ay isang sagrado at hindi pa bulgar ngunit sa modernong panahon ay
sumasabay na rin ang kabataan sa pagiging moderno; pangkaraniwan at talamak ang
pakikipagsex ng mga kabataan sa kani-kanilang kapartner. Hindi alintana ang
responsibilidad na nakaakibat dito sakaling "makadisgrasya". Isa rin
marahil ito sa dahilan kung bakit umaabot sa halos kalahating milyong sanggol
ang ipina-aabort kada taon. 'Wag ka na ring magtaka kung sakaling madagdagan
ang bilang na 'yan sa dami ng mga kabataang mapusok at walang takot. Mahirap
sabihing ito'y maling pagpapalaki ng magulang dahil walang magulang na ninais
mapahamak ang kani-kanilang mga anak.
Nakakaawa ang kabataang
ipinipilit na ipakasal ng mga magulang dahil sila'y nabuntis o nakabuntis.
Hindi natatapos sa pagpapakasal ang problemang hinatid ng mapanuksong sex. Sa
sobrang liberated ng mga kabataan ngayon ay bukas sila sa mga usaping seksuwal
at walang takot na isinasagawa ito sa kani-kanilang BF/GF ng walang proteksyon.
Oo, alam na nila ang sex pero ano ang alam ng mga kabataang ito sa pag-ibig?
Ano ang alam nila sa pagpapamilya sa sandaling sila'y makabuntis/mabuntis?
Kung makikipagsex maging
responsable. Hindi sagot ang pagpapakasal kung pagkakabuntis lang ang dahilan
at lalong hindi solusyon ang sapilitang pagpapalaglag ng sanggol na sa
sinapupunan ng kabataan.
Kung kasalanan ang
pakikipagsex sa hindi asawa higit sigurong kasalanan ang pumatay ng sanggol na
walang kinalaman sa ating kapusukan. Masarap ang sex pero may kaakibat din
itong paghihirap kung hindi ka lubos na mag-iingat.
Dapat na laging manaig ang
pag-ibig kaysa sex dahil ang tunay na pagmamahal ay may paggalang. Hindi tamang
pagmulan ng isang alitan ang pagtanggi ng isa sa sex muli, hindi tamang gawing
batayan ang sex para patunayan ang pagmamahal at lalong hindi tama ang
panunumbat dahil lang sa pag-ayaw sa makamundong masarap na sex. Sa
kabilang banda, ayon sa pagsusuri at pag-aaral ang sex ay isa sa
pinakamahalagang factor para sa isang masaya at pangmatagalang pagsasama kaya
dapat hindi man madalas ay mapunan ang pangangailangang ito. Magawan ng paraan,
ika nga. May limitasyon o hangganan ang pagkahilig ng isang tao sa sex lalo na
sa kababaihan, darating ang panahon (sa ayaw man o sa gusto) na mawawala ang
gana nito sa sex kaya't hangga't maari at hangga't kaya pa ng ating katawan ay
mapagbigyan ang pangangailang seksuwal ng ating katawan dahil hindi natin alam
baka bukas o sa isang araw ay mawala na ang desire natin para dito.
May pagkakataon na "Anglibog ay matatalo ng Antok" pero sana minsan mapaglabanan at mapagwagian
natin ito; hindi ba't mas masarap at mas mahimbing ang pagtulog pagkatapos ng
ilang minutong "pagmamahalan"? At sa mga kalalakihan darating din ang
panahon na mukha na lang ang sa atin ay magagalit at balahibo na lang ang sa
atin ay tatayo kaya dapat at sigurado tayo na ang kasama natin sa buhay sa
ating pagtanda ay ang taong mahal na mahal natin, dahil pag-ibig pa rin ang
magbubuklod sa atin hanggang kamatayan; hindi ang magandang mukha, hindi ang
kinis ng kutis, hindi ang sex. Kundi PAG-IBIG.
Pag-ibig ang dahilan kung
bakit tayo nabuhay sana ito rin ang kasama natin sa ating paghimlay.
"Masarap ang sex. Masarap ang pag-ibig. Pero
mas masarap ito kung sila'y magkasama ring nag-niniig dahil ang sarap ng pag-ibig
ay higit pa sa sarap ng sex."
Sex is a pleasure of human body
ReplyDeleteLove is a pleasure of human soul.
Galing ng post mo sir
tama ka dito sir .
ReplyDeleteDapat mas mataas ang pag-ibig kaysa sa sex.
Dapat alam natin ang pinagkaiba ng dalawa para alam natin kung saan ilulugar ang mga bagay bagay.
Love and sex? parehas dapat na hindi minamadali. :)