Wednesday, July 18, 2012

Libingan



Kantang hindi naawit
Tulang hindi nasambit
Musikang 'di naihimig
Sayaw na 'di namasid


Librong 'di naisulat
Kwentong 'di nasiwalat
Pangakong napako
Pag-ibig na pinaglayo


Bahay na 'di naitayo
Haliging iginupo
Palasyong gumuho
Ilaw na naglaho


Katarungang ipinagkait
Tinig na 'di narinig
Katotohanang sinantabi
Lihim na naikubli


Pangarap na nahawi
Pag-asang iwinaksi
Lumuluhang ngiti
Kaluluwang humihikbi


Kahapong may galak
Ngayon na umiiyak
Bukas na 'di tiyak
Kaligayahang isinadlak


Nanunuot na pighati
Sumusundot na dalamhati
Panaginip na bangungot
Alaalang puno ng lungkot

2 comments:

  1. Inilibing na lamang sa alaala ang iba. pagkabigo sa pangarap at sa mga nais gawin pa.

    tumutula ka na din ngayon boss. panis

    ReplyDelete
  2. subok lang sir j.kul dapat pala nakiraan muna ako kay sir joey sa teritoryo nya.:-)

    ReplyDelete