mga katanungan kong hinahanapan ko pa ng kasagutan:
bakit sa vehicle service ng isang funeraria ay may nakasulat na "ambulance"?
>>>samantalang ang definition ng ambulance ay: n. A specially equipped vehicle used to transport the sick or injured. (eh dead bodies na nga ang dala nila di ba?)
bakit ang abbreviation ng misis ay "mrs"?
>>>samantalang ang mrs. ay correct abbreviation ng mistress na ang definition ay: A woman who has a continuing sexual relationship with a usually married man who is not her husband and from whom she generally receives material support
bakit "c.c." ang tawag kung may ika-copy furnished ka na para sa ibang tao?
bakit ang salitang "umano" at "di-umano" ay may parehong kahulugan?
bakit "blackboard" ang tawag sa blackboard eh green naman ang color nya? (colorblind?)
bakit ang asukal na pula ay brown pala? at ang pula ng itlog ay dilaw naman?
bakit may color-coding kung plate number naman ang niri-regulate?
bakit ang tawag sa "hotcake" ay hotcake pa rin kahit na hindi na sya mainit?
bakit ang "iced tea" kahit walang yelo ay tinatawag pa ring iced tea? hindi ba pwedeng cold tea na lang?
bakit kapag payat ay hinahalintulad sa butiking pasay? malnourished ba talaga ang butiki ng mga taga-pasay?
bakit "dressed chicken" ang tawag natin sa manok na tinanggalan ng balahibo? literally speaking ang dressed chicken ay past tense ng dinamitan
bakit sa barbequeng nabibili mo sa kanto, dapat laging nasa dulo ng stick ang taba? requirements ba un?
bakit ang alas-kwatro ay naa-associate sa mabilis at ang siyam-siyam ay sa mabagal?
bakit ang karaniwang tawag sa traffic light eh stoplight? eh meron din naman itong green light na ang ibig ipakahulugan ay "go".
bakit karamihan sa jeepney driver (kahit na madilim na) eh ayaw magbukas ng mga headlight nila? nagtitipid ba sila sa baterya?
bakit laging inaatake ng kung anong mga sakit ang mga rich personalities na inaaresto ng mga pulis o militar?
bakit madalas na walang signal ang celphone sa C.R. ng isang building?
bakit ang bigkas ng karamihan sa salitang buwaya eh buhaya?
bakit buwaya ang tawag sa isang corrupt official? hindi ba nila alam na insulto yun para sa mga buwaya?
bakit karamihan sa'tin alam na ang A.M. ay umaga at P.M. ay hapon/gabi pero hindi naman alam ang ibig sabihin ng initial na'to?
bakit ang mga welgista sa kalye eh laging isinisigaw eh "IBAGSAK!" eh wala naman silang gustong itayo?!
bakit ang tawag sa lahat ng used commodity eh 2nd hand? eh pa'no kung pang-tatlo o pang-apat ka ng nakabili nito?
bakit minsan ang 2 contrasting words eh pwede ring may parehong kahulugan?
tulad ng "hot & cool", (hot gadget / cool gadget), "open & close" (close friends sila kaya open sila sa isa't-isa. ang gulo noh?), "overqualified & underqualified" (either way if you possess such quality parehong hindi ka matatanggap sa trabaho!)
bakit "safehouse" ang tawag sa hideout ng mga sindikato eh lagi namang nari-raid ng mga pulis? (hindi naman pala safe)
bakit 'pag may pusher na nahulihan ng drugs eh sinasabing "nag-iingat ng pinagbabawal na gamot"? eh hindi nga naingatan bakit "nag-iingat" ang term na ginagamit
bakit sa dinami-dami ng butas ng belt eh gusto mo may isa pang butas sa pagitan ng 2 butas?
bakit kung kelan ka nagmamadali eh saka naman laging nawawalan ng bala ang stapler mo?
bakit kung kelan mo kailangan ang taxi eh wala ka namang mahagilap? kahit na 1 oras ka ng nagihihintay eh wala pa rin.
bakit ang mga pinoy eh mahilig na maglagay ng letter "h" sa mga pangalan nila? para sa'n ba un?
bakit sa pagkalawak-lawak ng dagat eh lagi na lang mayroong nangyayaring banggaan ng 2 barko?
bakit ang mga doktor nag-a-advise sa patient na bawal manigarilyo, eh may mga doctor din naman na nagyoyosi?
bakit "indianero" ang tawag sa mga taong hindi sumisipot sa usapan? wala namang kinalaman ang mga indian sa hindi nila pagsipot!
bakit may mga tao na laging umu-oo at nangangako na pupunta sa isang schedule na pagkikita pero the last minute hindi naman pala talaga aatend?...at magbibigay ng out of this world na dahilan! bakit hindi na lang agad sabihin na hindi pupunta?
No comments:
Post a Comment