![]() |
| Dahil fan ako ng Eheads dapat ganyan ang sunvisor |
Bukod sa magkaroon ng
sariling bahay at lupa palaging kasama sa ating mga pangarap ang magkaroon ng
sariling sasakyan at 'pag mayroon ka na nito dapat pag-aralan mo rin kung paano mo
ito i-drive o kahit wala kang sariling sasakyan dapat matutunan mo ang magdrive dahil for sure mapapakinabangan mo ito balang-araw. Sa medyo mahabang 13 years na driving experience ko
hindi ko pa rin masasabing napakaeksperto ko na dito, hindi ko pa rin
masasabing perpekto ko na ang pagparada sa isang masikip na parallel parking,
hindi ko masasabi na hindi na magagasgasan o masasagian ang aking sasakyan at
hindi ko masasabing napakahusay na driver ko na. Minsan kasi kahit anong
pagpupursigi o pag-iingat natin sa isang bagay mayroon pa ring darating na
hindi natin maiiwasan. Kahit may pag-iingat ka may mga tao namang walang
pakundangan at walang pakialam sa kalsada.
Ang pagmamaneho sa kalsada
ng Kamaynilaan ay nangangailangan ng matinding pasensya at pagtitimpi. Sa dami
ng iresponsableng motorista ngayon lagi kang mapapaaway kung laging mainit ang
ulo mo. Sabi, malalaman mo daw ang tunay ng ugali ng isang tao kung siya ay
nasa likuran ng manibela pero hindi ako gaanong naniniwala dito dahil may mga
factor na dapat i-consider kung bakit nag-iiba ang asal ng isang tao kung
siya'y nagmamaneho.
Masarap ang pakiramdam ng
unang mga taon sa driving kumbaga e nasa "sweetest moments" pa lang
kayo ng bago mong girlfriend, nandun pa 'yung lambing at pagkasabik niyo sa
isa't isa pero kalaunan at dahil sa napakaraming mga pasaway sa kalye mas
nanaisin mo na lang na isa ka sa pasahero imbes na ikaw ang nakaupo sa driver's
seat. Sino ba naman ang matutuwa sa mga pasaway at naglipanang kuliglig sa
kalsada, sa matitigas ang ulo at kuma-counterflow na mga tricycle driver, sa
mga walang modong jeepney driver na sa mismong gitna nagsasakay at nagbababa ng
pasahero, sa napakaraming lubak-lubak na kalsada, sa napakatagal at napakabagal na daloy ng trapiko sa Kamaynilaan, sa
maraming astig na motoristang ginagawang dekorasyon lang sa daan ang traffic
lights and signage? Pagkalipas ng limang taon mong paghawak ng manibela
malamang sawaan ka na sa pagmamaneho.
Kundi ka rin lang antukin sa
pagmamaneho 'di hamak na mas masarap pa ang long driving kesa makipagsapalaran
sa lansangan ng Kalakhang Maynila. At hindi raw ganap ang pagiging driver mo
kung hindi mo naranasan ang magdrive ng higit sa anim na oras, nang mga
kalsadang may sharp curve, madilim at sinabayan pa ng malakas na ulan. Oo,
naranasan ko na rin lahat ng iyan. Naranasan ko nang magdrive sa malupit at
nakakapagod na papuntang Baguio at pabalik ng Maynila, sa matinding sharp curve ng
Tagaytay at Olongapo, sa nakakainip na biyaheng Batanggas, idagdag ko na rin ang Laguna, Pampanga, Bataan, Quezon at Pangasinan at sa ubod ng dilim na dating NLEX. Kukumpleto sana sa
karanasan kong magdrive ay ang maranasan ang makapagmaneho sa napakatarik at
delikadong Bitukang Manok na kalsada ng Lucena, Quezon at 'pag nai-drive ko
'yun ng walang aksidente masasabing 'Certified Driver' na ako.
![]() |
| sa Google Images lang galing ang larawan pero ganyan ang car ko dati pramis. |
![]() |
| Gusto talaga ni Tyrone kasama siya sa picture |
![]() | ||
| Rear view ng old age na Crosswind. Dapat nakatakip ang mukha for security reasons pero sigurado parehong cute ang artwork at ang nagpalitrato. |
![]() |
| Ayon sa pagkakaalala ko ay ganyan more or less ang nangyari |
![]() |
| Sabi ni Tyrone dapat daw ganyan magpapicture |
Para sa akin, (unless marami kang pera at gustong-gusto mo talaga) hindi recommendable na masyado mong mahalin/pagandahin ang iyong sasakyan (modelo man ito o hindi) dahil kahit gaano pa kamahal o kaganda ang accessories na ilagay mo dito, hindi ito kaseguruhan na maibebenta mo ang iyong sasakyan sa mataas na halaga. Ang resale value ng anumang kotse ay deprecicated, base ito sa sa year model kung kailan ito lumabas at hindi sa kung ano ang accessories na ikinabit mo dito. Mas makabubuting ipunin at ilaan ang dapat na pambili sana ng accessories para sa downpayment ng brand new at modelong sasakyan.
Sa pagmamaneho hindi lang buhay mo ang nakataya kundi pati ang buhay ng mga taong nakasakay sa minamaneho mo. Maging maingat sa lahat ng oras. Huwag uminom ng alak dahil kahit hindi ka malasing sa ininom mong isa o dalawang bote ng beer umaayuda naman ito sa iyong pagkaantok at mahirap talunin ang antok, maniwala ka. Kung mag-o-overtake siguraduhing may sapat kang lakas nang loob at tiyaking mas mabilis ng at least 10-30kph ang minamanehong sasakyan sa o-overtakean na kotse - gawin ito ng mabilis at swabe, 'wag magdalawang-isip dahil segundo lang ang pagitan ng buhay at sakuna. Pareho lang nakakabadtrip ang ikaw ay mabangga at makabangga - kung nangyari sa'yo ito makabubuting kumalma, palipasin ang ilang minuto bago bumaba ng kotse; hangga't maari 'wag magpadala sa init ng ulo marami nang napahamak dito at hindi na maibabalik pa ang anumang masasakit na salitang binitiwan pag nagkataon baka lumala pa ang sitwasyon. Mare-resolve ang lahat kung may otoridad na namamagitan.
Sa pagmamaneho hindi lang buhay mo ang nakataya kundi pati ang buhay ng mga taong nakasakay sa minamaneho mo. Maging maingat sa lahat ng oras. Huwag uminom ng alak dahil kahit hindi ka malasing sa ininom mong isa o dalawang bote ng beer umaayuda naman ito sa iyong pagkaantok at mahirap talunin ang antok, maniwala ka. Kung mag-o-overtake siguraduhing may sapat kang lakas nang loob at tiyaking mas mabilis ng at least 10-30kph ang minamanehong sasakyan sa o-overtakean na kotse - gawin ito ng mabilis at swabe, 'wag magdalawang-isip dahil segundo lang ang pagitan ng buhay at sakuna. Pareho lang nakakabadtrip ang ikaw ay mabangga at makabangga - kung nangyari sa'yo ito makabubuting kumalma, palipasin ang ilang minuto bago bumaba ng kotse; hangga't maari 'wag magpadala sa init ng ulo marami nang napahamak dito at hindi na maibabalik pa ang anumang masasakit na salitang binitiwan pag nagkataon baka lumala pa ang sitwasyon. Mare-resolve ang lahat kung may otoridad na namamagitan.
May pagkakataong maiipit ka
sa masikip na trapik o nakabitin ang sasakyan mo sa tulay o mapapasubo ka sa
rumaragasang ulan o madadaan sa mabaha at madulas na kalsada - tulad ng ating
buhay hindi ito palaging smooth at walang pagsubok. Bahagi ito ng buhay, bahagi
ito ng pagmamaneho dahil ang karanasan mo ang huhubog sa pagiging mahusay mong
driver balang-araw. Maging defensive at responsableng driver ng lipunan sa halip na
offensive at pikunin. Huwag nang tumulad sa mga barubal sa kalsada, kung
ginagaya mo sila wala kang karapatang magalit sa kanila.
Ang buhay para ring driving,
minsan kailangan mong magmabagal, huminto at sa pagkakataong naghahabol ka ng oras
kailangan mong magmabilis pero kaakibat nito ang isang responsibilidad na dapat
harapin sakaling makaaksidente. Sa panahong may lubak ang buhay dapat ay
dahan-dahan para hindi lalong mapahamak, hindi kailangan laging mabilis ang
takbo lalo na kung paahon at pabulusok ang daan. Mahirap magdesisyon kung
tumatakbo ka nang ubod ng bilis isang maling desisyon mo'y baka buhay ang
maging kapalit. Makakarating ka pa rin naman sa iyong patutunguhan kahit hindi
ka magmaneho ng mabilis, okay lang kahit medyo late ang importante ikaw at ang
iyong mga sakay ay safe. Tandaan, KARAMIHAN sa malalang aksidente ay dahil sa iresponsable, kaskasero at nagmamadaling driver na nasa likod ng manibela.
May we all have happy and safe journey! Ingat!





