Lunes.
Katulad ng nakaraang Lunes inaasahan kong pangkaraniwang araw lang ito para sa akin.
Humihigop ng matapang at mainit na kape sa opisinang malungkot at nag-uumpisang lumamig. Hindi lang dahil sa hanging nagmumula sa simoy ng aircon, kundi dahil sa pangungulila ng ‘yong masasaya at magagandang alaala at ng ‘yong presensiya.

Tila nakasanayan ko na ang ganito;
ang aasa na isang umaga’y magri-ring ang telepono at ikaw ang nasa kabilang
linya, na isang araw ay tutunog ang aking cellphone at mababasa ko ang isang
mensaheng mula sa’yo at tatanungin ako kung ‘kumusta na?’ na sa pagbukas ng
aking e-mail ay hindi na imbitasyon o spam letter ang aking matatanggap mula sa kung kanino
kundi isang liham mula sa’yo at doon mo ikukuwento ang lahat ng saloobin mo sa
akin at ang paliwanag kung bakit bigla mo na lang ako iniwan, kung bakit bigla ka
na lang nawala.
Hindi ko namalayan – higit isang
taon na pala ang lumipas. Pero parang kailan lang ito para sa akin. Madilim noong
nawala ka at nasa gitna ako ng kadilimang ito. Ang liwanag ay kasabay mo noong
naglaho na matagal ko rin bago ko naaninagan. Hindi ko alam kung papaano muling
mag-uumpisa dahil hindi ko naman alam kung tayo nga’y tapos na.
- - - - -
Maraming Lunes ang lumipas. Hindi ko na mabilang.
At sa bawat Lunes na dumadaan ay unti-unti kong nararamdaman na tila ako na lang ang may pakialam, ako na lang ang naghahanap ng mga dahilan at tila ako na lang ang gumagawa ng paraan.
Ang bakas ng kahapong matagal at paulit-ulit kong binabalikan ay tila isang malungkot na kulungang pinipiit ang aking kinabukasan.

Ang awit ng buhay kong may ritmo
at himig sa isang kisapmata’y tila nawalan ng tono at tinig. Ang naglapat ng
melodiya ng ating awit ay ‘di mga salita at letra sa alpabeto kundi ang
pag-ibig at pagmamahal na binuo nating dalawa.
Ang sandali nang iyong paglisan,
ang siyang paglamlam ng aking awit na inakala kong habangbuhay kong maririnig.
Napaos nga ang tinig, melodiya man
ay nawaglit.
Hindi ko man lubos na nabatid kung ang mundo ay tumigil dahil aking pinigil o ito’y huminto dahil ninais ko ang sumuko –ang mahalaga ngayon para sa akin ay ang ipagpatuloy ang awit ng aking buhay na wala ka at ang harapin ang katotohanan na ‘di na kita makakasama.

Nagbago man sa aking paningin ang pag-ikot at hugis ng ‘yong mundo kabilang na ang pintig at hugis ng ‘yong puso, haharapin at pipilitin kong muling maging handa sa bagong hamon na ihahain ng tadhana, hindi na ko aasang ikaw’y babalik pa, sisikaping iwan ang nalalabing pag-asa at ang ‘yong alaala.
Itutuloy ko ang awit ng buhay ko kahit wala ka na, magbabakasakaling may ibang nais makarinig.
- - - - -
Lunes.
Katulad ng nakaraan at nagpadaan pang mga Lunes inaasahan kong pangkaraniwang araw lang ito para sa akin.
Humihigop ng matapang at mainit na kape sa opisinang nag-uumpisang lumamig. Hindi dahil sa pangungulila ng ‘yong masasaya at magagandang alaala at ng ‘yong presensiya kundi dahil sa hanging nagmumula sa simoy ng aircon.

Ang inaasahan kong mangyari sa
isang umaga ay ‘di ko inaasahang darating pa.
Hanggang isang Lunes ay nagring ang aking telepono. Hindi ako maaaring magkamali – ikaw ang nasa kabilang linya.