Lumayo ako.
Dahil lumaya sa kahirapan ang nais ko.
Pinigil mo ako.
Ngunit pinilit ko pa rin ang aking gusto.
Hinintay mo ako.
Ngunit hininto ka nang pagbabalewala ko sa’yo.

Sa pagnanais na makamit ko ang
(kahit) piraso ng paraiso.
Sa paghahagilap na mahagip ko ang pinapangarap kong pangarap.
Nagpasya akong lumisan habang iniwan kitang nakatingin sa kawalan at nawala ang ngiti sa katawan.
Ang kasalang pinangako ay napako ng kasalanang hindi ko kailanman inako.
Pinagdamot kita’t kinaligtaan habang pinagdasal mo ang aking kaligtasan.
Naakit ako sa kinikitang malaking halaga, datapwa't nakasakit at ‘di nakitang may nawalang mas mahalaga.

Tumuloy ako.
Habang tumutulo ang luha mo.
Lumayo ako.
Hanggang lumabo ang pagtingin mo.
Nagsisi ako.
Ngunit nagsisimula ka na pala nang bago.

Naging magkaiba ang ating
oras habang ang oras ko’y naging para sa iba.
Dagat ang naghihiwalay sa atin sa isa’t isa sabay sa dagliang pagwalay ng damdamin nating dal’wa.
Nalilibang ako sa bagong alaala ng kakaibang natatanaw habang ikaw’y nahihibang sa pag-alala nang biglang pag-iiba ng aking dating pananaw.
Sa pag-aakala kong mararating ang bituin sa bagong daigdig hindi ko napansing nawaglit ko ang dating mundo kung saan umiinog ang aking buhay at pag-ibig.
Mahalaga nga ang ating bukas ngunit mas mahal pala ang halaga ng ating ngayon.
At sa pagtahak ko ng kapalaran sa Gitnang Silangan ay ang pagtapak ko pala sa kapalpakan at gitna ng alangan.

Ngunit lumipas na ang pagmamahal mo.
Lumuha ako.
Ngunit lumubha na ang pagkamuhi mo.
Binalikan kita.
Ngunit binaling mo na ang damdamin mo sa iba.
Akala ko nagets ko siya until nakita ko yung label. Di ko masyadong gets yung OFW angle. :p
ReplyDeleteParadox. Maganda ang mga salitang ginargamit para makabuo ng kontrahan sa bawat linya.. genius!
ReplyDeletemaraming salamat mga sir sa pagbasa at pagkomento, matagal na ulit ang susunod mukhang kinakalawang na e.
ReplyDelete