Wednesday, March 27, 2013

Sabaw


Hawak ang plumang nakatanaw sa kawalan.
Nagninilay sa paksang naisipan. 
Itinala ang unang salita at nakabuo ng 'sang pangungusap.

May kung anong ispiritung dumaan sa harapan.
At huminto ang makina ng isipan.
Tumindig, luminga, lumakad saka pinatid ang uhaw.

Nasawata ang pagkauhaw sa tubig ngunit hindi ang pagkauhaw nang himanman.
Segundo, minuto, oras ang lumipas 
'Di na madugtungan ang ninanais na ibulalas.

1 comment:

  1. at least may nairaos na post out of kasabawan... darating din ang liwanag...

    ReplyDelete