Friday, November 20, 2009

pulis, pulitiko at abogado

mahirap gumawa ng blog lalo na 'pag ang topic mo ay isang social commentary, mga puna na nakikita mo sa ginagalawan mong kapaligiran o lipunan, mga personalidad na sa tingin mo'y dapat nang magbago, mga bagay na nakakaapekto kung hindi sa'yo ay sa ibang tao, mga katanungan na hinahanapan mo ng tamang kasagutan. malinis ba ako? syempre hindi...bato-bato sa langit ang tamaan 'wag masyadong halata.

PULIS...nakakalungkot isipin na sa ating bansa na ang perception ng karamihan kapag sinabing pulis, ang mga pumapasok sa isip mo ay: buwaya, corrupt, coddler, astig, kotong, salvage, protector at iba pang mga connotation na hindi maganda pakinggan. sa isang kwentuhan, sa amerika raw 'pag may krimeng nangyari asahan mo within 10 mins. may pulis na, dito sa atin 'pag may krimeng naganap agad-agad na nandoon ang pulis hindi dahil sa sila'y rumesponde kundi dahil sa sila mismo ang suspect o gumawa ng krimen. pangit 'di ba? hindi lahat ng pulis ay ganito pero nakakalungkot isipin na hanggang ngayon marami pa rin ang "bad egg" sa kanilang organisasyon.
magpapatuloy ba ang isang sugalan kung walang nagpu-protekta sa kanila?
dadami ba ang drug pusher kung lahat sila ay nakakasuhan at nakukulong?
bakit kaya kapag malalaking tao ang na-carnapan ng kanilang mga SUV's eh wala pang isang linggo solve ang case? nagkataon lang ba ito? o sadyang mahusay ang pulis na humawak ng kaso?
bakit ang kapitbahay mong pulis ay mas malaki pa ang bahay kesa dun sa isa mong kapitbahay na nag-aabroad? baka napamanahan o lumago ang negosyo.
bakit ang simpleng paradang nakabalagbag, ang tawag ay paradang pulis? bakit sa isang simpleng traffic violation o kung saan mang may gulo na ang involve ay may kakilalang pulis sasabihin mo lang: "kumpare ko si SPO1" eh lusot ka na? passes ba ito para makalusot ka sa kalokohan mo? o takot ang umiiral sa isang traffic enforcer? maliit na bagay pero nakakairita 'pag ang daddy mo or relative mo ay isang matinong pulis.
hindi mo masisisi ang ilan sa atin na hindi na magreklamo sa police station kapag sila'y naholdap, nasnatch-an o nadukutan dahil madalas wala rin namang nasu-solve na case puro blotter lang o di kaya alam ng mga biktima na padrino din sila ng mga notorious na 'yan, sabi nga eh: "utak-pulis - utak kriminal". masakit tanggapin ang katotohanan na marami pa ring ganyang pulis sa ganitong panahon ng kahirapan. sana lang ang natitirang mga matitinong pulis ay hindi lamunin ng sistema.

PULITIKO...sila ay mga hulog ng langit na wari mo'y may "halo" 'pag nangangampanya na kayang lutasin ang problema mo at ng buong bayan, isasakripisyo nila ang buhay at kaligayahan nila para sa bayan at sa ikauunlad nito. hindi sila gagawa ng kalokohan at pagnanakaw dahil ang kailangan natin ay isang pinuno na magdadala sa isang matinong pagbabago. sounds familiar? syempre 'yan ang paulit-ulit na sinasabi ng mga pulitiko natin. kelan mo nga ba sya huling nakita? ah oo nga noong nakaraang kampanya pa, 'di bale malapit na naman ulit ang eleksyon sigurado pupunta sya ulit sa lugar nyo.
syanga pala maalalahanin din sila dahil kapag may mga okasyon makikita mo ang naglalakihan at dumaraming mga pagbati nila tulad na lang ng "happy graduation- from Cong. kotong" kulang na lang na ultimo pagtu-tuli ng kabataan twing summer eh may pagbati din: "happy circumcision!"
napakababa na ng tiwala ng bayan sa kanila, yung iba nga hindi na binoboto nananalo pa rin, ang gara! kung sakali namang tapos na ang term nya or gusto nya na munang magpahinga asahan mo ang kakandidato sa susunod na eleksyon eh yung asawa, anak, kapatid o kamag-anak nila. kaya hindi naa-approve ang batas na magbabawal sa political dynasty dahil sila-sila mismo may dynasty sa bawat probinsya o distrito nila.
masarap maging pulitiko sa'tin dahil sobrang v.i.p. ang tingin nila sa sarili nila dahil kadalasan may bodyguard sila, iilan lang ba ang pulitikong walang bodyguards? astig din ang mga yan pag sakay ng mga kotse nila walang red na traffic lights puro "go" pag sila ang dumaan na humaharurot sa bilis. sila ang lingkod-bayan na hinalal natin. syempe hindi rin mawawala ang s.o.p. sa mga projects na gagawin nila bukod pa dyan syempre ang mga budgets, funds, pork barrels, etc. kaya 'wag na kayong magtaka kung bakit ang P67M eh maliit na halaga lang kay para sa isang kongresista.
pag sinabi mong pulitiko katumbas nyan ay guns, goons & golds o pwede ring rich, famous & powerful. parang lahat na lang yata ng blessings eh nasa kanila. napakalaki ng porsyento na ang pulitiko natin eh may ganyang katangian at iilan na lang ang talagang masasabi mong may pagmamahal at malasakit sa bayan. meron pa nga ba? tsk tsk tsk. ikaw idol mo ba sila?

ABOGADO..."thou shall not lie" sa trabaho nila lubhang napakahirap na tuparin ito. san' ka ba naman nakahanap ng trabaho na kukumbinsihin at bibigyan ng kasinungalingan ang kliyente nila para makumbinsi ang hukom at maipanalo ang kaso! kahit alam na nilang guilty hinahanapan pa rin nila ng paraan na mabaluktot ang batas at bigyan ng ibang interpretasyon. mahirap maging abogado dahil katakot-takot na libro at iba't-ibang references ang babasahin mo para lamang makapasa sa bar exam. gugugol ka ng humigit-kumulang 10 taon pagkatapos ng haiskul para maging isang ganap na abogado. matatalino sila oo kaya hindi ko lubos maisip kung bakit pilit pa rin nilang ipagtanggol ang isang drug pusher na overwhelming ang ebidensyang nakuha pero "inosente ang kliyente ko" pa rin ang sasabihin nila at bibigyan pa ng strategy ang kliyente kung paano magsinungaling! o pilit pang ia-apela ang isang kaso ng rapist-murder kahit na alam nilang yun ang nang-rape at pumatay sa 6 yr old na bata. ano bang klaseng trabaho yan!
kaya ngayon alam ko na kung bakit sa dinami-dami ng kurso na kinuha ni dr. joey rizal eh hindi kasama ang law sa kanyang nais pag-aralan, kaya nga sa huling araw ng hearing nya, sya na mismo ang kumatawan sa para sa sarili nya.
ofcourse, hindi naman lahat ng abogado eh ganyan, syempre kailangan din natin sila sa ating lipunan na tulad din ng mga pulis at pulitiko. sino na lang ang magtatanggol sa'tin 'pag mayroong nagdemanda sa'tin? at alam natin sa sarili natin na wala naman tayong kasalanan. the big question is: kaya ba natin magbayad ng serbisyo ng abogado? ilang libo ba ang bayad sa consultation fee, appearance fee, contingency fee, referral fee at kung anu-ano pang fee na hindi natin maintindihan? na ating iisipin at aalalahanin thru-out the hearings para maclear ang pangalan mo & eventually ma-acquit ka. eh paano kung wala tayong pambayad? eh di maku-convict ka dahil mas magaling at de-kampanilya ang abogado ng kabila! ilang daang libong preso na ba ang nasa likod ng rehas na walang kasalanan pero na-convict?
siguro naiisip mo kunin ang serbisyo ng public attorney's office? pasalamat tayo at merong PAO dahil ito lang ang tanging pwedeng takbuhan kung hindi sapat ang pambayad mo sa overpriced na "attorney's fee". pero alam mo ba na ang bawat isang abogado ng PAO ay may hawak na humigit-kumulang na kaso na 300? yup. 300. kung idadagdag mo pa yung idudulog mong kaso, sa tingin mo ba mapag-aaralan at madedepensahan ka ng maiigi...sana nga? fyi, almost 800 cases ang inilalapit sa PAO sa bawat buwan! on the contrary, the attorneys at PAO should be commended pero iilan lang ba sila? the others are just around waiting for you & your fees.

sana lang 'wag akong ma-issuehan ng subpoena kung sakaling mabasa ng mga concerned ang blog ko na 'to, hindi ko intensyon makipag-away o makapanakit ng damdamin nila. wish ko rin na sana magbago na sila hangga't pwede pa and i just exercising my freedom of speech as per Article 3, Section 4 of the Philippine Constitution.

pwede pa ba kong maging abogado? pangarap ko rin kasi yan nung bata pa ako. peace man.
♥.