I am from Malolos which is approximately 52 kms from where I'm working and I am driving since 1998. I'm not saying that I am a perfect or expert driver in fact, maiksi lang din ang temper ko sa mga nakakainis na situation sa kalsada, namamatayan din ng makina, napapasok sa one-way, minsang nag-go sa red light, nakakapag-drive ng coding, at iba pang minor violations. in short: a typical driver.
Kung nagda-drive ka malamang makaka-relate ka sa listahang ibibigay ko sa'yo, pwedeng may kulang dito na nasa isip mo ngayon pero blog ko 'to so it doesn't matter. Ang mga nandito ay base lamang sa experience ko sa araw-araw na pagda-drive ko from Malolos to Manila, from Manila to Malolos.
Heto na, top 10 things that annoyed me on the street when i'm driving:
10. Traffic - syempre ito ang una sino ba naman ang hindi maba-badtrip kung maaga kang umalis sa bahay pero 10AM na nasa kalsada ka pa or umalis ka ng office ng 5:30PM pero 10PM na hindi ka pa nakakauwi ng bahay. nangyari na yan sa'kin kaya sobrang nakaka-badtrip, pinaghalong gutom, antok, inis, at inip ang mararamdaman mo, hindi ka na nga makapag-isip ng matino sa sobrang badtrip. pero ung pangkaraniwang traffic lesser ang badtrip pero late ka pa rin. karaniwang reasons for traffic are: flooded roads, rough roads, stalled vehicles, vehicular accidents, rallies, sobrang dami ng sasakyan (na 'di mo alam sa'n nangagaling), etc. another reason is ung No. 9.
9. (lousy) Traffic Enforcer(s) MMDA man yan o designated enforcer ng Mayor's office- maraming dahilan kung bakit sila nakaka-badtrip heto ang ilan at marami pa sa mga susunod na nakalista: (a.) 'pag nagma-mando sila ng traffic sa intersection pero lalo lang nagiging congested ang daan! naexperience ko na 'yan, madalas mangyari yan sa C-3 cor. dagat-dagatan, C-3 cor. Northbay, Anda Circle, EDSA Balintawak, R-10, etc. wala namang dahilan para mag-traffic pero lumalala pag nandun sila. (b.) enforcers hiding behind electric post - hindi lang sa pelikula ni daboy o fpj nakikita yan, nandyan pa rin sila hanggang ngayon. madalas sila makikita sa kahabaan ng R-10 & A.Bonifacio Ave. (hindi ko lang alam kung nasaan pa yung ibang kalahi nila) sila ung nag-aabang sa mga driver na aandar sa red light na sa buong akala ng driver eh lusot na sila pero biglang-bigla magugulat sila nasa harap na nila ung mga mga enforcer (parang si flash!) na buong giting na ini-implement ang mga traffic laws. na hindi rin naman nila titiketan dahil...hehe alam mo na.
8. Slow moving vehicle driving on a fast lane - nlex. 60-100kph. 4 wide lanes. nagda-drive ka ng 80 or 100kph nasa tamang lugar ka:fastlane, may sasakyan sa harap mo fastlane din pero ang takbo nya 60kph. inilawan mo na hindi ka nakitang dumarating o invisible ka, binusinahan mo pa pero hindi lumipat, hindi ka narinig o ayaw ka nya pakinggan. maluwag naman ang kalsada pero nagpupumilit sa fastlane magdrive. hindi naman bawal magdrive ng 60kph sa expressway pero dapat nasa tamang lane ka. pwede rin kasi mag-cause ng aksidente yan. badtrip di ba?
7. Cop/s riding on a motorcycle w/o helmet & w/o license plate - actually, wala naman talaga tayong pakialam sa kanila as long as na hindi nila tayo inaabala pero parang nakakainis di ba? sila ung authority para manita sa mga motorista na walang helmet, walang plaka na mga sasakyan incl. motorcycle & other violations. then ung mga motor na walang enough docs or walang plaka ini-impound nila kasi nga bawal sa kalsada pero heto sila nakasakay sa motor na wala ring plaka, wala rin silang helmet. syempre, walang maninita sa kanila pulis nga sila eh. sa'n kaya nanggaling ung mga motor nila? hehe. just asking.
6. undisciplined motorcycle drivers - heto ung mga driver ng motor na bago lang naka-avail ng mga hulugang motorsiklo. kumbaga, hindi pa responsible driving ang alam nila at porke maliit ung motor nila at mabilis, singit sila ng singit. pansinin mo ang pulis report ng 24 oras at tv patrol sigurado kasama sila sa niri-report gabi-gabi, iba-ibang dahilan pero ang bottomline: aksidente. maraming dahilan kung bakit sila nakaka-badtrip: madalas na reckless hindi mo mapapansin naswerve ka na, na kung hindi ka nakapag-brake maaksidente mo sila o ikaw ang maaksidente sa kakaiwas, ginagawa nilang racetrack ang kalsada at madalas wala rin silang helmet at walang paki sa redlight (exempted ba sila?), kung gabi naman mas malupit sila mas irresponsible mga lasheng pero 'pag nag-drive talagang hataw. one night, sinalubong ako ng lasheng na naka-scooter, nagcounterflow on top speed. ang damage: butas na front tire (unrepaireable), laglag at basag na side mirror! imagine kung magkano ang damage naman sa bulsa ko nun. i confront him para maipa-blotter ang insidente at madala na rin sya sa hospital pero ng tumayo pasuray-suray w/blood on his face, amoy-alak & he just completely ignore me.
5. Mga astigin na Tricycle/pedicab/motorized pedicab drivers plying on national road - sila ung heir to the throne bilang king of the road mas marami na sila ngayon at hindi na kayang kontrolin ng nasa #9. sa lahat na yata ng kalsada nandoon na sila: abad santos, bonifacio drive, C3, R-10, A.Mabini, etc. & even EDSA! meron namang city ordinance na hindi sila pwede sa national road pero invisible yata sila at hindi nakikita at nasisita ng mga magigiting na enforcer. nakikipag-unahan sa kalsada, biglang lumilipat ng lane, nasa innermost lane, walang headlight & tailights, sumasalubong sa daan, minsan mas marami pa silang sakay sa ordinaryong taxi na sa sobrang dami ng sakay hindi na makapag-drive ng mahusay ang driver at hindi na rin nya mailiko ang manibela (makikita sila along R10, Bonifacio drive) kapag binusinahan mo yang mga yan dahil nakagitna mas galit pa sa'yo. syanga pala exempted din sila sa traffic lights.
4. arrogant PUJ drivers - kung regular kang nagda-drive sa metro manila malamang badtrip ka rin sa kanila. heto ung mga jeepney driver na maluwag naman ang kalsada pero mas trip nilang sa gitna o kung saan nila gustuhin na magbaba, magsakay, maghintay ng mga pasahero nila, wala silang pakialam sa mga sasakyang nasa likod nila. astig di ba? sa gabi, karamihan sa kanila patay ang headlight siguro nagtitipid sa baterya, madalas ding color blind sila pag green ang traffic light, nakahinto pero pag red naman syempre aandar. at syempre hindi rin sila masisita ng enforcer na nasa kanto. tiyak yun! may taglay din silang anting-anting na invisible. hindi rin sila paaawat sa pagiging arogante sa kalye pero pag nasagi ka, hehe sorry ka na lang marami silang dahilan.
3. Reckless driver behind private car - madalas meron nito along a.bonifacio ave & abad santos ave. isama mo na ung quezon blvd. & other key roads in m.mla. kahit sa mac arthur hi-way meron din. kung makikita mo sila sa nlex ok lang, humataw ka dun kahit 120kph kung gusto mo, lagpasan mo na lahat pati patrol car ng nlex dun mo pakita galing mo. pero iba ang city driving 'tol. masikip ang lanes sa dami ng puj, tricycles, private cars, etc. pero 'tong mga 'to kahit alanganin magsi-swerve sa kaliwa, kanan, ika-cut ka ng manipis, mag-o-overtake sa 'yo ng bigla na talaga namang ikakapundi mo. kahit medyo mabagal ang flow ng traffic hindi mapakali yan pero kapag ikaw naman ang sisenyas papasok sa lane nya, iilawan at bubusinahan ka nyan ayaw magpasingit pero sila 'tong singit ng singit. kakainis di ba?
2. The jumper boys - parang title ng movie ni hayden christensen pero wala silang similarity.
hindi sa lahat ng kalsada makakakita ka nito lalo na kapag mabibilis ang mga sasakyan meron nito sa R-10 & minsan sa C3 Navotas area. kung hindi kayo pamilyar sa kanila, let me tell you their modus: lumalabas sila sa hideout nila kapag medyo traffic or totally traffic. target nila ang mga truck, whether 20'/40' container vans, pick-up o kahit anong sasakyan na pwede nilang dekwatan. kahit maraming nakakakita aakyatin nila ang truck bubuksan ang toolbox maghahanap ng "kalakal" or aakyat sa pick-up dedekwatin kung anong pwede basta kayang buhatin. kahit mapansin ng driver o pahinante kung kaya nilang kasahan, kakasahan nila yan! sila pa ang matapang di ba? kasi naman hindi yan titira ng sya lang mag-isa they come in groups ika nga. tapos pag-lagpas mo sa kanto may mga pulis na nagta-traffic o nakatambay lang. bakit hindi sila hinuhuli? ewan ko. itatanong ko sa kanila minsan.
1. Luxury vehicle (on broad daylight) w/headlights on, w/hazard light, nakawang-wang & madalas may blinker pa - hindi ako bitter dahil hindi ko kayang bumili ng mga sasakyan nila ang nakaka-badtrip ung attitude ng mga driver nito. malamang nakakita ka na ng ganito sa kalsada, isipin mo: tirik ang araw pero naka-on ang headlight, driving on top speed, deliberately ignoring traffic lights & traffic enforcers, magka-counterflow para maluwag ang lane nya, bubusinahan at wawang-wangan ka nyan pag nakaharang ka sa dadaanan nila na parang nagmumura at sinasabing: "'tangnamo tumabi ka nandito na ko!" para kang aso na binubugaw ng mga lintek na 'to. kung mababasa nila 'to message ko: hoy hindi kayo nakakatuwa! magbago na kayo! bakit? sila lang ba ang may karapatan sa kalsada? sila lang ba ang taxpayer? at bakit hindi rin sila sinisita sa kalsada ng mga magigiting na enforcer? exempted din ba sila at kalevel ng mga abusadong PUJ & tricycle driver? The owner of these vehicle should be more educated & more intelligent than the common people dahil kung hindi, hindi sila makaka-afford ng mga magagarang sasakyan na 'to so we expect (hehe wish pala) na mas knowledgeable sila sa batas. mas malupit ang respetong maibibigay senyo kung pareho din namin kayong sumusunod sa simpleng traffic laws. Amen? Amen!!!
Note: Hindi po driver in general ang gusto kong tukuyin dito kaya nga po merong mga adjective para yun lang in particular ang kasangkot dito.
Disclaimer: ang inyong mga nabasa ay opinyon lamang ng may akda at pawang kathang-isip lamang at walang kinalaman sa mga tunay na saloobin ng karamihan.