Madalas nating tanong; Ano
ba ang kaya mong ibigay para sa pag-ibig? Ano ba ang kaya mong isakripisyo
kapalit ng inaasam na pagmamahal? Hanggang kailan ka maghihintay at magtitiis
para sa pag-ibig?
Sa pelikulang 'Starting Over
Again' na pinagbibidahan nina Toni Gonzaga at Piolo Pascual mas angkop na mga
katanungan dito ay; Ano ang kaya mong ibigay para sa pangarap? Hanggang saan
ang iyong pagtitiis para makamit mo ang isang pangarap? Kaya mo bang isugal at
isakripisyo ang pag-ibig ng kasalukuyan para sa pangarap na magandang
kinabukasan?
Higit isang linggo matapos
i-showing ang 'Starting Over Again' saka ko pa lamang napanood ito. Hindi ko
inasahan na on its second week marami pa ring tao sa loob ng sinehang pinasukan
namin ng wife ko. Kung hindi pa kami maagang pumila malamang ay sa hagdan kami
nakasalampak o kaya naman ay nakatayo kami sa kung saang sulok o gilid lang.
Siguro tulad ng aking dahilan ang pagkakaroon nila ng interes na panoorin ang
movie: interesting. Sa dami ng kaibigan sa FB na nagshare ng kani-kanilang
status tungkol sa Toni G. - Papa P. movie na ito, naglaan ako ng oras at pera
ito'y panoorin.
Hindi nga ako nagkamali,
interesting nga ang movie. Para sa akin ay sulit ang perang iyong ibabayad sa
ticket, ang iyong dalawang oras sa loob ng sinehan at isang oras pang
preparasyon para magtungo sa iyong paboritong mall upang panoorin ito.
'Starting Over Again' is a
movie about dreams, frustrations, failures, false hope, success, triumph and of
course love.
Umikot ang istorya sa
pag-ibig ni Ginny (portrayed by Toni G.), a young girl who has a big admiration
sa young professor of their university na si Marco (Papa P.) na gagawin ang
lahat ma-express niya lang ang kanyang nararamdaman dito, Eventually,
nagtagumpay naman si Ginny kay Marco at nauwi ito sa isang seryosong
relationship na umabot pa nga sa pag-aalok ng kasal ni Marco sa dalaga.
Ngunit gaya ng
pangkaraniwang love story mapamovie man o reality kailangang may conflict na
magpapatibay o magpapaguho sa isang relasyon.
Sa gitna ng inaakalang
masayang pagmamahalan at tumitibay na relasyon ay bigla na lamang iniwan ni
Ginny si Marco ng walang kongkretong dahilan. Tumungo ang dalaga sa Espanya
upang tuparin ang pangarap at naiwan si Marco na basag ang buong pagkatao. Sino
ba naman ang hindi malulunod sa kalungkutan kung ang dahilan ng lahat ng iyong
kaligayahan, isang araw ay bigla na lang lilisan? At ang higit na masakit ay
ang iwan ka nito ng walang sapat na kapaliwanagan at hindi ka man lang nabigyan
ng pagkakataon upang baguhin ang ugaling hindi niya naibigan.
Siguro hindi na tayo dapat
(gaanong) maniwala sa english saying na: 'what you don't know won't hurt you'.
Masakit ang dulot ng isang paghihiwalay lalo't hindi mo alam kung ano ang tunay
na dahilan sa likod nito, masakit ang bigla kang maiwan sa ere ng taong mahal
mo kung hindi mo alam ang mga sagot sa marami mong katanungan.
Makalipas ang mabilis na
apat na taon, isang postdated email ang gumising sa damdamin ni Ginny na
pansamantalang nahimbing. At isang proyekto ang naging dahilan upang muling
mag-unay ang dalawang dating nagmamahalan. Sa muling pagtatagpong ito mas
maraming tanong ang lumutang kaysa mga kasagutan at mas naging komplikado ang
dating payapang isipan. Kung gaano naging mapangahas ang estudyanteng si Ginny
noon ay mas lalo pa itong naging mapangahas maibalik lang ang nawala at naudlot
na pagmamahalan nila ni Marco. Kahit batid ni Ginny na may pagkakataong
pinaglalaruan lang siya ni Marco, wala siyang pakialam dito.
Makakarelate ang (halos)
lahat sa ganda ng execution ni Direk Olivia Lamasan sa eksenang nasa kama si
Toni G. at sising-sisi sa ginawa niyang pang-iiwan kay Marco, ang urong-sulong
na pagdelete sa huling email ni Marco, ang madamdaming paninisi niya sa mga
masasakit na ginawa niya noon sa taong labis niyang minahal.
Hindi sa lahat ng oras, tayong lahat ay mabibigyan ng ikalawang pagkakataon. Hangga't kaya
mong ingatan, pahalagahan at 'wag iwan ang taong mahal at mahalaga sa ating
buhay gawin natin ito dahil posibleng wala na tayong mababalikan pa at ang
minsang pagwawalang bahala natin ay maging sanhi ng ating habangbuhay na
pagsisisi.
Ipinapakita sa istorya na
hindi sa lahat ng sandali ay maari nating muling balikan at mahawakan ang mga bagay na
iniwan at binitiwan natin dahil may posibilidad na ang dating iyong-iyo ay maaring pagmamay-ari na ng iba at hindi mo na kailanman mababawi pa, kahit na anong iyong gawin.
Ilang rejection pa ang
nangyari sa mga proposal ni Ginny kay Marco sa proyektong kanyang tinanguhan at
umabot na sa puntong napikon na si Ginny at binanggit ang katagang: "I deserved an explanation. I deserved
an acceptable reason!" katagang tila sumampal sa kanyang pagkatao.
Bakit mo nga naman kailangan ng eksplanasyon kung sa umpisa pa lang ay
ipinagdamot mo na ito? Bakit mo nga naman hinihingi ang isang bagay na hindi mo
naman ibinigay? Ang eksenang iyon ang isa sa pinakahighlight ng movie. Kung
gaano kaganda ang line/script na naririnig ng manonood ng movie mula kay Papa
P. sobrang sakit naman nito sa dibdib para sa karakter na si Ginny.
Ang pag-asa na kinapitan at
sinandalan ni Ginny ang siyang unti-unting nagpapalubog sa kanyang katauhan at
dumating pa ang sandaling siya'y naging katawa-tawa sa paningin ng mga
kaibigan. Sa pag-aakalang may puwang pa siya sa puso ni Marco at sa pag-asang
muling mababalikan ang nawaglit na sandali ng pagmamahalan, pursigido si Ginny
na muling mapasakanya si Marco.
Totoo na ang tiwala ay
napakahalaga sa isang relasyon. Madalas mas mahalaga pa ito sa mismong pag-ibig
dahil ang pag-ibig minsan ay makasarili 'di tulad ng tiwala na sa lahat ng
pagkakataon ay may kalakip na respeto at pagmamahal. Sa ginawang pang-iiwan ni
Ginny kay Marco tila kawalan ng tiwala rin ang naghihiwalay sa kanila kahit na
sila'y magkasama.
Sa napakaraming pinoy made
lovestory film na naipalabas na, aakalain nating wala nang movie na
makakapagpaexcite at makakapagpahanga sa atin. Tagahanga ka man o hindi ni Toni
G., ni Papa P. o ni Direk Olivia Lamasan na siyang may pakana ng istorya at
direksyon ng movie malaki ang porsyentong magugustuhan mo ito. Sa aandap-andap
na industriya ng pelikulang pilipino kailangan natin ng ganitong movie na
pinag-isipan, hindi minadali at
makatotohanan.
Starting Over Again ay isang
pelikulang sulit sa halagang Php160 na iyong ibinayad, sulit na dalawang oras
kasama ang iyong mahal sa buhay at mga bida ng pelikula, sulit na realizations
sa normal na nangyayari sa ating kapaligiran.
Sa movie na ito, ikaw ay
mapapangiti, matatawa, matutuwa, makakarelate at magdadagdag sa pagpahalaga ng salitang
'pagmamahal'.
Starting Over Again is a damn good film with a happy ending. In a different way.
Kelangan mapanood ko na din to! Bakit ba ko nagpahuli... :P
ReplyDeleteMaghihintay na lang ako ng upload sa net dahil napakalayo ko sa pinas... anyway for now makuntento muna ako sa full trailer na dinownload ko sa you tube.
ReplyDeleteAng 2nd chance para sa akin ay para lang sa mga taong talagang meant to be in the end. Dahil bago ka pa lang ipanganak nakasulat na sa palad mo ang taong kabiyak talaga ng yong puso.