Showing posts with label pinoy. Show all posts
Showing posts with label pinoy. Show all posts

Tuesday, May 1, 2012

Para sa Manggagawang Pinoy



Manggagawa, empleyado, obrero- iba't ibang salita ngunit iisa ang ibig sabihin. Mga taong taga-sulong ng ekonomiya, mga taong pundasyon ng isang bansa, mga lakas sa likod ng matatayog na kapitalista. Minsang naging mag-aaral na ngayo'y nagsusumikap para umasenso at makaahon, may maipakain sa pamilya at kumakayod upang sila naman ang makapagpa-aral.

Hindi biro ang mag-aral at magpa-aral.
Daan-daang libong piso ang iyong kakailanganin para makapagpatapos ka ng isang estudyante. Isama mo pa diyan ang humigit-kumulang na labing-anim na taon na igugugol sa loob ng silid-aralan at ang libo-libong oras sa pagbabasa ng kung ano-anong references may kinalaman man ito o wala sa kinuhang kurso.
Pagkatapos ng lahat ng ito ay ano? 
Anong trabaho ang maibibigay ng pamahalaan o ng mga pribadong kompanya sa mga anak o magiging anak natin? 
Anong programa ang nakalatag para sa mga nakapagtapos ng apat na taong kurso? O para sa mga undergraduate? 
Mahirap isipin, nakakabahala at nakakapraning. Bakit ba naman hindi ka mababahala e pagkatapos ng mahabang panahon na pagsisikap at pagtitiyaga mo at ng iyong anak na mag-aral ay wala naman pala itong matinong mapapasukang trabaho. Lubhang mahigpit ang kumpetisyon para umasenso ka dito sa Pilipinas sa maraming kadahilanan. Kadahilanang ang resula'y kadalasang hindi papabor sa isang dating estudyante na nagtatangkang magtrabaho at sinisimulang buoin ang kanyang pangarap. Kaya nga umabot na sa 11 milyong pilipino ang ngayo'y naghahanap-buhay sa iba't ibang mga bansa sa pag-asang umasenso at umunlad at para na rin sa kani-kanilang mga pangarap.

Kung noong kabataan mo ay tinamad kang mag-aral o sadyang wala kang interes dito o hindi ka pinalad na makapagtapos ng pag-aaral sa kahirapang dahilan malamang na kalalabasan mo sa buhay ay tambay, palamunin o may mababang uri ng hanap-buhay. Dahil halos lahat yata ng a-applyan mong trabaho ay nagre-require ng at least college level; messenger, clerk o storekeeper man 'yan. Huwag mong sabihing nasa diskarte ang pag-asenso dahil applable lang 'yan sa limitadong tao; hindi lahat ay magaling dumiskarte nang kung ano mang skills 'yan. Sa kalagayan ngayon ng ordinaryong manggagawa o empleyado panaka-naka ka lang makakahagilap ng matinong employer at matinong pasahod. Lalo't kung ikaw ay nagtapos sa hindi popular na paaralan o pangkaraniwan lang ang iyong talino at talento. Kung akala ng isang bagong graduate na natapos na ang lahat ng kanyang paghihirap matapos ang mahabang panahon ng pag-aaral isa itong malaking pagkakamali!

Dahil sa kakulangan ng sistema, isang malaking paghihirap ang pagkuha ng kung ano-anong requirements na kailangan sa pag-aaply ng trabaho; unang-una na rito ang pagkuha ng NBI clearance, naranasan mo bang kumuha nito? Kahit relihiyoso ka'y tiyak na mapapamura ka sa kupad ng pila at kakulangan ng pag-aaral kung paano maiibsan ang ilang dekadang problemang ito. Ilang oras at pasensiya din ba ang kakailanganin mo sa pagtungo mo sa opisina ng SSS, BIR at iba pang ahensyang may iba-ibang acronym? Sumasalamin lang ito kung anong gobyerno mayroon tayo. Hindi rin madali ang pag-secure ng iba pang documents na simple lang naman kung tutuusin dahil sa makabagong teknolohiya pero tayo'y paurong kaya lumang sistema pa rin ang gamit natin.
Pagkatapos ng lahat ng kalbaryo sa pagkuha ng requirements haharapin mo ang iba't ibang kabiguan sa iyong mga nanaising trabaho na nagreresulta sa unemployment o under-employment - trabahong napilitan kang tanggapin dahil sa pagkainip o dahil wala ka ng ibang opsyon (HRM graduate na nagiging waiter, Criminology graduate na nagiging guwardya, Nursing graduate na nagiging sales clerk, etc.). Kung papalarin ka at agad kang makakapasok sa isang kompanya may kinalaman sa'yong natapos na kurso, huwag mong asahan na malaki ang matatanggap mong sweldo dahil wala kang work experience, wala kang karapatang mag-demand. Dito mo matutuklasan na mas may naiipon ka pang pera noong ikaw ay nag-aaral, mas nabibili mo ang mga gusto mong gamit noong ikaw ay may allowance, mas madali ang buhay estudyante kaysa buhay manggagawa.

Kahit mga higanteng kompanya ay ganito rin ang sistema; maliit na pasahod (minsan wala pa sa minimum) at walang kaseguruhan ang regularization dahil madalas na ipinapasok nila sa agency ang bagong empleyado at niri-renew lang ang kontrata every 5 months o 'di kaya naman ay ililipat. Kung ganito ang napapala ng mga nagsipagtapos ng kolehiyo, ano pa kaya ang kahihinatnan ng mga hindi nakatapos? 
Anong trabaho ang kanilang makukuha? 
Saan sila hahanap? 
Saan ka mag-aapply kung ikaw ay lagpas na sa trenta? Katumbas na yata ng senior citizen ang pinoy na lagpas trentang naghahanap ng mapapasukan dahil limitado ang kompanyang tumatanggap ng ganitong edad hindi tulad sa ibang bansa na may pantay na oportunidad bata man o matanda.
Sa Pilipinas o kahit saan pa kung wala kang impluwensya at kakilalang mag-aayuda sa paghahanap mo ng mapapsukan, maliit ang tsansa mong makapasok sa gusto mong trabaho. Sa halos limangdaang pisong minimum na pasahod sa palagay mo ba'y sasapat ito sa lahat ng ating pangangailangan lalo't kung ikaw ay may pamilya? 

Matagal na ring usapin ang matinong pagpapataas ng sweldo ng manggagawa pero kahit sino pa ang maglupasay sa kalsada, kahit mapatid na ang litid mo sa kakasigaw nang panawagan sa kinauukulan, kahit magkulay uling ka na sa pagbilad ng iyong sarili sa arawan, hindi mangyayari na magkakaroon ng matino at mataas na sweldo ang ordinaryong obrero dahil kaawa-awa daw ang mga employer at baka ikalugi ng negosyo na posibleng magresulta sa pagbabawas ng empleyado. Kaya dagdagan pa ang pagtiis, bawasan ang luho, matutong magtitipid. 
Ngayong Mayo Uno muli na naman nating ipagdiriwang ang araw ng paggawa/manggagawa, dadakilain natin ang kontribusyon ng manggagawang pilipino habang ang mga oligarkiya, ganid na negosyante, pulitikong makasarili ay walang inaalala; namamasyal o naglilibang sa kung saan para sa bakasyon dahil mayroon silang alipin na gagawa ng kanyang pera at bubusogin ang kanyang sikmura anumang oras niyang naisin.
Isang pagpupugay at isang maligayang araw ng paggawa para sa lahat ng dakilang manggagawa! Kayo ang gasolina ng ating bansa, kung wala kayo hindi tayo uusad. Nakakalungkot lang na kayo'y winawalang-bahala at winawalang-hiya.
Tayo'y magdiwang at magsaya pero huwag magpakapuyat dahil bukas maaga kang babangon, tuloy ulit sa pagtatrabaho at paggawa. Ganyan ang buhay pinoy, buhay obrero.
Kung ang lahat ay may pagkakataon malaking porsyento ng mga pilipino ay nanaising magsilbi sa ibang bayan kaysa sa ating inang-bayan. Hindi dahil nais nilang tawaging bagong bayani kundi dahil nais nilang humilagpos sa tanikala ng nabubulok na sistema ng ating bayan.

Ganunpaman, naniniwala pa rin ako na bukod sa pag-aartista at pagiging mapanglamang mahusay na pulitiko, edukasyon pa rin ang susi sa pag-unlad ng ating buhay. Edukasyon sa loob ng silid-aralan kasama ng edukasyon at aral na ating natutunan sa buhay. 

Tuesday, June 7, 2011

Hindi porke

Marami ang nalilito, naguguluhan, naghusga, nagmagaling.
Hindi lahat nakukuha sa unang tingin. Buksan ang mga mata, lawakan ang isipan.
Ang tao'y mapanghusga ayon sa hitsura at nakikita kahit alam naman natin na hindi lahat ng ating nakikita ay totoo at hindi lahat ng totoo ay ating nakikita.


Hindi porke nakulong ay mayroong kasalanan.
Hindi porke napawalang-sala ay tunay na inosente.
Hindi porke Husgado ay dalisay ang kaibuturan.
Hindi porke may tattoo isa nang kriminal.
Hindi porke nagmamagaling isa nang tunay na mahusay.
Hindi porke nakulong 'di mo na dapat pagkatiwalaan
Hindi porke pipi 'di na pwedeng magsalita.
Hindi porke bulag wala nang nakikita.
Hindi porke gwapo ay 'di gagawa ng kasamaan.
Hindi porke 'di kagandahan ang ugali'y magaspang.

Hindi porke mahusay mag-ingles dapat mo nang paniwalaan.
Hindi porke tagalog lang ang lenggwahe isa nang mangmang
Hindi porke tahimik mayroon ng suliranin.
Hindi porke walang imik ito'y mahiyain.
Hindi porke iyakin madali nang sumuko.
Hindi porke masiyahin walang problema.
Hindi porke paralisado wala nang silbi sa lipunan.
Hindi porke namamahagi ng pera taos ang pagtulong.
Hindi porke mayaman ay matapobre.
Hindi porke mahirap ay magnanakaw.

Hindi porke tapos ng kolehiyo, edukado.
Hindi porke 'di nakatapos ng pag-aaral, mal-edukado.
Hindi porke pulubi pera lang kailangan.
Hindi porke matalino maganda ang kinabukasan.
Hindi porke 'di matalino walang matinong kinabukasan.
Hindi porke mamahalin ang gamit ay dapat nang kainggitan.
Hindi porke palamura isa nang salot sa lipunan.
Hindi porke 'di nagmumura ituturing na nating mabait.
Hindi porke pala-kaibigan totoo ng kaibigan.
Hindi porke "kaibigan" handa ka laging damayan.

Hindi porke paladasal isa nang banal.
Hindi porke madalang sa simbahan isa nang makasalanan.
Hindi porke palaboy pwede nang laitin.
Hindi porke pulis 'di dapat pagtiwalaan.
Hindi porke abogado 'di nagsasabi ng totoo.
Hindi porke maputi mas angat ang katauhan.
Hindi porke kayumanggi papayag nang magpa-aglahi.
Hindi porke walang pera wala ng dangal.
Hindi porke taong-gobyerno isa nang kawatan.
Hindi porke may kritiko dapat nang tumahan.
Hindi porke may pork barrel fund gagamitin sa kapakanan ng bayan.

Hindi porke magaling sa bakbakan maaari na sa Batasan.
Hindi porke mahusay na artista pwede na sa pulitika.
Hindi porke naimbestigahan mayroon ng mapaparusahan.
Hindi porke ito ay tama ito na ang nararapat.
Hindi porke mali hindi na maaari.
Hindi porke muslim dapat nang katakutan.
Hindi porke bakla bawas na ang katauhan.
Hindi porke bisaya mababa ang pagkatao.
Hindi porke mabait isa ring mabuti.

Hindi porke Pilipina isa nang alila.
Hindi porke Pilipino isa nang tarantado.
Hindi porke Banyaga dapat nang kabiliban.
Hindi porke imported maganda ang kalidad.
Hindi porke Amerikano dapat ka nang magpatalo.
Hindi porke tagapagpatupad ng batas matapat na sa batas.
Hindi porke ang plaka ay otso pwede ng gaguhin ang trapiko.
Hindi porke mambabatas mahusay sa batas.
Hindi porke wala ng wangwang titigil na ang katiwalian.
Hindi porke popular ang pangulo mahusay na mamuno.

Hindi porke inilahad ang maruming katotohanan isa nang suwail sa bayan.

Friday, April 29, 2011

Ito ang gusto ko

Malaki ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan pero alam ba natin talaga kung ano ang ating mga pangangailangan at kagustuhan?
Bakit parang prayoridad na nang karaniwang tao ang kanyang kagustuhan kaysa sa mga pangangailangan?
Iba na ba ang mentalidad ng mga tao ngayon at dapat ng isakripisyo ang mga pangangailangan?
Masyado na bang mababaw ang ating kaligayahan para mabusog ang ating diwa ng iba't-ibang kababawan?
Masyado na bang naaabuso ang teknolohiyang nakapaligid sa atin at hindi natin alintana ang damdamin ng ibang tao?
Komersyalismo na ba ang nangingibabaw kaysa ang nararapat na edukasyong moral at akademya?

Namulat tayo na ang damit, bahay at pagkain ang pangunahing pangangailangan ng tao bukod sa mga ito ano pa ba ang naiisip mong pangangailangan?
Edukasyon.
Ang edukasyon ay mahalaga subalit ang edukasyon ay hindi lang natatapos sa apat na sulok ng silid-paaralan; hanggang sa paglabas ng ating bahay, hanggang makarating ka sa iyong tahanan ay dapat na mayroon kang natututunan, ika nga education does not stop after school. Pero pagdating mo sa bahay galing sa opisina o paaralan, ano ba ang iyong dadatnan?
Soap opera o mas kilala sa tawag na teleserye.
Magmula hapon hanggang gabi ito ang kinagigiliwang panoorin ng makamasang Pinoy. Hindi mo masisisi ang mga higanteng istasyon dahil ito ang hinihingi ng mga tao datapwat alam ng lahat na walang edukasyong mapupulot dito patuloy pa rin ang paglaki ng manonood nito na animo'y isang kultong patuloy na dumadagasa ang mga kasapi.
"Ito ang gusto ko!" 'Yan siguro ang karamihang isasagot ng masa kung sila'y tatanungin kung papipiliin sila ng ibang programa. Kahit alam nating halos paulit-ulit lang naman ang tema at istorya ng teleseryeng 'yan; ang pang-aapi at paghihiganti ng bida, pag-iibigan ng dalawang karakter at may manggugulong konrtrabida, kaunting kalandian at kunwari'y pananaig ng kabutihan sa kasamaan pero ang tunay na motibo dito ng istayon ay: Komersyalismo. Magkamal ng limpak at hayaang nakatunganga at mag-abang ang manonood sa susunod na mangyayari. Pero wala pa rin tayong pakialam ang importante mapunan ng (mababaw na) kasiyahan ang ating mga damdamin at isipan. Kunsabagay sino ba naman ang manonood kung isasalang mo sa primetime ang mga documentary na: I-witness, Reporter's Notebook, The Correspondents, Probe at iba pa? Kailangan mong magpuyat para mamulat sa kalagayan ng ating kapaligiran. Sapat na siguro ang dalawang programang teleserye sa primetime upang sumaya panadalian ang ating mga ilaw ng tahanan subalit ang apat o limang teleserye ay isang pang-aabuso na sa kautakan nang manonood na Pilipino.

Katapat ng mga teleseryeng ito ay ang isa pang mataas ang rating at malakas ang hatak sa masang pinoy ang pang-gabing game show na Willing-Willie. Huwag mong sabihing hindi ka nakapanood ng programang ito dahil sa ayaw mo man at sa gusto ay paminsan-minsang maililipat mo dito ang channel ng iyong remote control habang patalastas sa paborito mong teleserye na Mutya o recycled na Mara Clara. Bukod sa naggagandahang babaeng naka-bikini na kangkarot sumayaw, ano bang magandang aral ang maibibigay sa'tin ng programang ito? Isip, isip. Wala 'yata. Pero gusto ito nang nakararami dahil sa kahali-halinang mga papremyo nito kesehodang halos pulubi na sa paglimos at pagatanghod ang mga kalahok at audience sa host ng programa. Anong edukasyon ba ang makukuha mo sa mga tanong tungkol sa mga lumang kanta? Wala na itong halaga dahil mas importante ang makukuhang salapi at papremyo. Kunsabagay sino ba naman ang manonood kung sa halip na game show na Willing Willie ay quiz show na tulad ng Battle of the Brains ang ipapalabas ng TV5? Malabo 'yan wala kasing papremyong bahay, kotse at milyong piso. Baka ituring ka lang na nerd at weird kung ito ang madalas mong panoorin.

Hindi pa nakuntento sa pagbuhos ng "educational" na teleserye ang ABS binigyan pa tayo ng isa pang walang kabuluhang programa: Showbiz News Ngayon o SNN. Likas yatang tsismoso at tsismosa ang mga Pinoy dahil kung hindi ba naman ay ilalagay ang programang ito gabi-gabi? Matutulog ka na lang tsismisan pa ang palabas. Ganun din ang TV5 na may Juicy! naman sa tanghali. Bukod pa sa Sabado at Linggo, hindi pa nakuntento at inaraw-araw pa nang malalaking istasyong ito ang tsismisan at pinakain pa nila ang ating mga kaisipan ng kung ano-anong kaek-ekan.
Siguro nga marami ang interesado sa relasyong Jayson at Melay.
Siguro nga marami ang interesado sa awayang Christine Reyes at Sarah Geronimo.
Siguro nga marami ang interesado sa honeymoon ni Robin at Mariel.
Siguro nga marami ang concern sa pagbubuntis na Regine Velasquez.
Siguro nga marami ang intersado sa susunod na proyekto ni Papa Piolo.
Gusto ito ng Pinoy eh may magagawa ka ba?
Kung sakaling ilagay sa time slot na 'yan ang programang kahalintulad ng "Ating Alamin" o programang maglilinang sa kakayanan ng isang negosyante, manonood ka ba?

Sinong bata ba ngayon ang naiibigan ang Batibot kumpara sa kalaban nitong Dora the Explorer o Spongebob Squarepants?
Sa cable, Ilang kabataan ba ang nakakaalam at masugid na nanonood ng Knowledge Channel kumpara sa Cartoon Network, Disney Channel, Myx o MTV?
Inobliga ba natin sila na panoorin ang makabuluhang programang ito?
Ang mga cartoons ay bahagi na ng kabataan para itong hotdog na ubod ng sarap pero walang sustansya.

Idagdag na din natin ang anime (cartoons) at Hollywood Movies na tinagalog, mga talent show na ang batayan sa paghuhusga ay sa pamamagitan ng dami ng text votes, teen show (tween hearts) na maagang iminumulat ang kabataan sa pag-iibigan (kalandian?), kababawan at kabadingang programa ni Sharon tuwing Linggo (mabuti naman at natigbak na), mga adaptation ng korea at mexican telenobela (hiram na ideya), Pinoy Big Brother na isang kababawan at pamboboso sa high-tech na pamamaraan ang tema pero teka favorite mo 'to di ba? Peace. At lalo pa nating ibinaba ang antas ng manonood sa pamamagitang ng nakakapraning at nakakawindang na programang Face to Face ~ ito ang pinakamababaw sa lahat ng mababaw.

Ang mga programang ito ay maihahalintulad ko sa junk foods o mala-basurang pagkain na tulad ng chicharon, chichiria, burger, popcorn, french fries, tsokolate, softrdrinks at iba pa na masarap at nakakalibang nga subalit wala namang buting maidudulot sa ating katawan at isipan. Ganunpaman hindi naman tayo madalas kumakain nito 'di tulad ng mga programang nabanggit na maghapong binubusog at patuloy na bubusogin ang ating kamalayan nang iba't-ibang kababawan ngayon at sa susunod pang mga bukas. Pero anong magagawa natin? Ito ang gusto ng Pinoy.

Wednesday, April 20, 2011

Noon at ngayon


Malayo na ang narating ng tao sa lahat ng larangan at aspekto. Ang teknolohiya, siyensiya, moda, pelikula, medisina at iba pa ay malayong-malayo na kumpara sa ngayon. Ganundin ang pananampalataya, kaugalian, paniniwala, kasabihan at iba pang lumang nakagawian nang mga tao ay iba na rin sa kasalukuyan. Kung hindi man ito tuluyang nabago ng modernong panahon karamihan naman ay lubusang nag-iba siguro'y nakatakda talaga ito dahil ang tao noon at ngayon ay malaki ang pagkakaiba.

Ano-ano ito?
Halika, liripin natin ang ilang pagkakaiba at pagbabago ng noon at ngayon. Mula sa may kababawan hanggang sa may kalaliman.


Noon. Hindi lahat ng babae ay maganda.
Ngayon. Hindi lahat ng maganda ay babae.

Noon. Ang "virginity" sa kababaihan ay isang malaking isyu.
Ngayon. Pangkaraniwan na lamang sa magkasintahan ang premarital sex.

Noon. Karamihan sa kababaihan ay tipong "Maria Clara".
Ngayon. Karamihan sa kababaihan ay liberated na.

Noon. Ang tattoo sa katawan ay iniuugnay lamang sa mga preso at ex-convict.
Ngayon. Ang tattoo kahit anong itsura ay itinuturing na form of art.

Noon. Mahigpit na ipinagbabawal ang mga naka-shorts at nakatsinelas sa mga establisimiyento.
Ngayon. Cool nang maituturing kung ikaw'y naka-shorts ng ubod ng igsi at nakatsinelas lamang kahit saan ka man magtungo.


Noon. (Halos)Libre ang inuming tubig at ligtas kahit galing sa gripo.
Ngayon. Debote na ang tubig at mineral ang tawag kahit hindi naman.


Noon. Ang pagmamano, pag-gamit ng po at opo ay pangkaraniwan na lang sa kabataan.
Ngayon. Ang pagmamano, pagsasabi ng po at opo ay bihira na lang at parang asiwa ang kabataan sa pag-gamit nito .


Noon. Kuntento at nakangiti na ang masang Pinoy sa matamis na kamote at kapeng barako.
Ngayon. French Fries at kape sa Starbucks ang paborito nang naghihirap daw na Pinoy.


Noon. Ang singko, mamera lalo't ang piso ay malaki ang halaga at marami ang mabibili.
Ngayon. Halos wala ng halaga ang sampung pisong nasa bulsa mo.


Noon. Tuwing Huwebes ay may mga bagong pinapalabas na pelikulang Pilipino.
Ngayon. Tuwing ikalawang buwan na lang halos magpalabas ng pelikulang Pinoy.


Noon. May sense ang karamihan sa mga mga programa sa telebisyon, kanta at pelikula.
Ngayon. Kahit walang kwentang kanta ay bumebenta, kahit paulit-ulit na teleserye ay mataas ang rating at kahit na walang kwenta ang istorya ay pwede ng pelikula.


Noon. Malaki ang respeto ng mga anak sa kanilang mga magulang na isang sutsot pa lang ay agad na tumatalima ang anak.
Ngayon. Halos wala ng galang ang mga anak sa magulang. Kahit lawit na ang dila ng magulang sa kakasaway ay hindi pa rin sumusunod ang anak.


Noon. Halos isang tao lang ang kinasusulakman at kinaiinisan ng mga Pinoy sa pulitika.
Ngayon. Halos lahat na ng pulitiko ay kinasusuklaman at kinaiinisan ng mga Pinoy.


Noon. Malaki ang pag-galang ng mga tao sa mga Pulis at Militar.
Ngayon. Itinuturing na ng maraming Pinoy na notoryus ang Pulis at militar at hindi ka ligtas sa kanila dahil sa iba't-ibang kontrobersiyang kanilang kinasasangkutan.


Noon. Isang sagrado at pinahahalagahan ng husto ang privacy ng mga tao.
Ngayon. Halos lahat na ng mga tao ay isinisigaw at isinahihimpapawid pa ang bawat kilos, galaw at lugar na pupuntahan sa pamamagitan ng facebook, twitter, blog at online journal.


Noon. Itinuturing na luho ang pagkain ng mansanas at iba pang angkat na prutas dahil sa kamahalan ng halaga nito.
Ngayon. Bagamat hindi na luho at mahal ang halaga ng mansanas marami pa rin naman ang hindi makakain nito dahil sa kawalan ng pera.


Noon. Library, Recto at hard to find encyclopaedia ang sources ng research at term papers.
Ngayon. Google, Wikipedia at iba pang search engine sa Internet ang katapat ng anumang impormasyon kailangan mong malaman.


Noon. Napakamahal at aabuting ng mahabang panahon bago ka magka-telepono. Simbolo rin ito noon ng karangyaan.
Ngayon. Minuto lang ang iyong kailangan para ikaw'y magkatelepono at ito ay sa murang halaga.

Noon. Pilit na ikinukubli nang kalalakihan ang kanilang pagkabading.
Ngayon. As early as 10 years old ay lantarang ipinapakita na ang kabadingan.


Noon. Proud ang bawat Pilipino sa likas at taglay na kulay kayumanggi.
Ngayon. Marami sa mga Pilipino ay nais pumuti kaya malakas ang benta ng Glutathione kahit ito'y mahal.


Noon. Halos bawat kanto ay may pabasa o pasyon sa panahon ng Semana Santa.
Ngayon. Halos wala ka nang nakikita o naririnig na pabasa o pasyon sa panahon ng Semana Santa.


Noon. Napakahalaga ng buhay at isusugal at isasakripisyon ng ina ang mismong sarili niyang buhay para lamang sa anak.
Ngayon. Walang pakundangan at walang respeto sa buhay ang marami sanang ina dahil ayon sa pag-aaral higit sa kalahating milyong sanggol ang intensyonal na pinalalaglag taon-taon.


Noon. Ang anumang uri ng panlalait sa kapwa ay itinuturing na masamang gawain.
Ngayon. Ang panlalait ay isa na lang pangkaraniwang ugali ng marami at marami-rami na rin na pinagkakakitaan ang gawaing ito.


Noon. Banal at Sagrado ang pag-gunita ng mga Pilipino sa Semana Santa. Walang radyo, walang telebisyon at walang maingay.
Ngayon. Marami ang sinasamantala ang panahong ito para magliwaliw at magbakasyon sa iba't-ibang beaches at pool, may mga bukas na bar, sinehan at iba pa maging sa araw ng Biyernes Santo lalo na ang Sabado de Gloria.


Noon. Hinahangaan tayo ng bansang South Korea dahil sa ganda ng ating ekonomiya.
Ngayon. Pilipinas na ang humahanga sa bansang South Korea sa ganda ng kanilang ekonomiya.

Noon. Muntik ng maging mayaman ang bansang Pilipinas.
Ngayon. Ang Pilipinas ay kabilang na sa pinakamahihirap na bansa sa mundo. :-(

Hindi na nga maikakaila na napakalaki na nang pagbabago't pagkakaiba ng noon at ngayon. At sa darating pang mga panahon ay marami pa ang magaganap na pagbabago. Kung kailangan nating sumabay sa pagbabago at agos ng panahon ay hindi ko alam dahil maraming pagbabago ang hindi angkop sa nais nating mangyari datapwat tutol man tayo dito ay wala tayong magawa. Madalas kung ano pa ang ayaw mong magbago 'yun pa ang may malaking pagbabago. Sabi nga eh, walang permanenteng bagay dito sa mundo kundi ang pagbabago (bukod siyempre sa buwis).

Thursday, January 27, 2011

Ako'y hangal na Pilipino

Hindi ako si Allan na kinabibiliban ng buong mundo ang talento
Hindi ako si Charice na pinangingiti ang madlang pinoy at Amerikano
Hindi ako si Nicole na kay siglang umaawit taglay ang dugong Pilipino
Hindi ako si Arnel na pinapamalas na may galing pa pala tayo
Hindi ako si Lea na walang sawang nagbibigay karangalan sa'kin at sa'yo

Hindi ako si Manny na hinahangaan sa larangan ng boksing
Hindi ako si Paeng na nakatala sa Guiness dahil sa husay niya sa bowling
Hindi ako si Onyok na nag-alay ng Pilak sa atin
Hindi ako si Bata na sa bilyar ay ubod ng galing
Hindi ako si Wesley na sa ahedres ay animoy may taglay na anting

Hindi ako si Efren na may malasakit sa edukasyon at kabataan
Hindi ako si Brillante na ang ginagawang obra'y makabuluhan
Hindi ako si Monique na taas-noong binibihisan ang dayuhan
Hindi ako si Carlos na ang award na Pullitzer ay 'di matumbasan
Hindi ako si Kenneth na ang galing sa muwebles ay 'di pangkaraniwan

Hindi ako si Cory na nagpalaya sa'tin sa diktaturya
Hindi ako si Andres na walang takot lumaban sa mapaniil na Kastila
Hindi ako si Ninoy na binuwis ang buhay para sa demokrasya
Hindi ako si Emilio na pinangunahan ang unang Republika
Hindi ako si Pepe na puno ng pag-asa noong buhay pa

Ako'y isa lamang hamak at hangal na Pilipino
Nauupos, nanlulumo sa kahahanap ng matinong pinuno
Ako'y isa lamang inaalilang Pinoy na ungas
Na katulad mo'y umaasa na uunlad pa ang Pilipinas

Batid ko rin na ako'y lilisan kasama ng aking pangarap
Ang bayang sinilangang niyakap, niyapos ang paghihirap
Iglap na panahon ipipikit ang mata at ibabaon sa lupa
Kasabay nang panaginip na mistulang bangungot kapagdaka.

Saturday, January 1, 2011

Salamat Bro!

2011. Bagong taon ngayon. Bagong pag-asa sa maraming mga taong pinagkaitan ng suwerte ng nakaraang taon. Sa totoo lang wala akong mapaksa para sa blog entry ko na ito bagama't ang nais ko sana ay tungkol ulit sa Pilipinas at sa mga "kakaibang" gawi ng mga Pinoy pero marami na 'kong naisulat tungkol do'n at wala na yatang lalabas sa utak ko kung magsusulat ako ng ganoong paksa. Kung hihiling ako ng pagbabago para sa papasok na taon at para sa kinabukasan ng Pilipinas ang nais ko sana ay:

* wala ng digmaan sa pagitan ng gobyerno at mga rebelde (muslim man o hindi)
* iglap na mawala at masugpo ang kahirapan
* saniban ng kabaitan ang mga pulitiko at ibalik lahat ng kanilang ninakaw at maipamahagi sa kapus-palad
* hindi hadlang ang pera para makapag-aral ang lahat ng pinoy na gustong mag-aral
* wala nang mamamalimos sa kalye at kahit saang lugar dahil lahat ay may sapat na pera
* wala nang mamamatay sa gutom o dahil sa kawalan ng perang pampagamot
* wala nang napipilitang mag-ibang-bansa para maghanap-buhay dahil may sapat na trabaho sa bansa
* wala nang magpuputa dahil sa pera
* ang magkaisa ang bawat pilipino

Malayo sa katotohanan, mas malapit sa imposible. Mas trabaho na ng nasa gobyerno 'yan 'wag na nating abalahin si Bro sa dami ng mas mahahalagang bagay na nasa kanyang listahan dahil mas dapat na tayo muna ang magkaroon ng inisyatibo bago ito maisakatuparan ika nga eh - nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

Kaya imbes na humingi ako ng kung anu-anong shet kay Bro mas karapat-dapat siguro na magpasalamat na lang ako, ikaw, tayo sa lahat ng mga biyaya na dumating sa'ting buhay sa nakalipas na mga taon. Subukan nating tingnan ang positibong banda ng ating buhay kaysa patuloy na humingi ng personal na kagustuhan.

Madalas tayong magreklamo sa mga maliliit na suliranin at hindi sumasagi sa isip natin ang mga taong mas may higit na problema kaysa atin.
Madalas tayong nakukulangan kung ano ang nasa posesyon natin at wala tayong ideya kung ano ang wala sa iba. Madalas tayong humingi ng kung ano-ano samantalang ang iba ay higit ang pangangailangan.
Hindi man natin sila mabiyayaan o malimusan kahit man lang pang-unawa ay ibigay natin sa kanila.

Aaminin ko hindi ako ang tipo ng katoliko na relihiyoso at madasalin. Madalas nga ako sumasala ng misa tuwing Linggo at pangkaraniwan na sa'kin ang magbulalas ng P*@%$* In@! Dahil sa igsi ng pasensya ko itinuturing ko rin na mas makasalanan ako kumpara sa pangkaraniwang tao bagamat hindi pa naman ako nakakapatay ng tao. Sa kabila ng kapintasan at kamalian kong ito ay napakabait sa'kin ni Bro at alam kong kasama ko siya sa bawat desisyon sa buhay. Hindi ako nagdarasal para humingi ng personal na hiling mas hinihingi ko sa Kanya kung ano ang nararapat para sa akin at pasasalamat sa kung ano ang mayroon ako. Hangga't maaari ay gagawin ko muna ang aking bahagi bago ko ito ihiling. Sa lahat ng bagay, sa lahat ng oras at sa lahat ng pagkakataon ay nararamdaman ko ito.

Sa buong taon, pinilit kong sumunod sa lahat ng klase ng batas datapwat alam ko na hindi naman ito sinusunod ng marami, tumataas pa rin ang "toyometer" ko 'pag may sumasalubong sa'king sasakyan sa kalsada, 'pag may mga taong walang pakundangang magtapon ng basura sa kung saan-saan, humihinto sa gitna ng daan at iba pa. Hay naku tama na ang sintimyento wala rin namang mangyayari! Tayo nang magpasalamat at pahalagahan ang bawat biyayang ating tinatanggap isipin at subukan nating ilagay ang sarili sa mga kapus-palad ~ mapagtatanto natin napakapalad pa rin natin.

Okay lang na hindi branded at mamahalin ang damit natin dahil mas maraming mga tao ang nagsusuot ng damit na luma at nanililmahid at luhong maituturing ang pagbili ng bagong kasuotan.

Okay lang na hindi Nike o Havaiianas ang suot natin sa paa dahil marami pa rin ang hindi makabili kahit na Spartan.

Okay lang na wala tayong hamon o keso de bola noong pasko dahil marami ang nagtitiis na kainin ang tira-tira ng iba.

Okay lang na may pasok ka sa trabaho kahit na pasko't bagong taon dahil ilang milyon ngayon ang nag-aasam na sana'y magkahanap-buhay.

Okay lang na lumulobo ang katawan sa katabaan dahil milyong mga mga tao ang dumaranas ng tag-gutom at ang iba'y nangamatay dahil sa wala nang sapat na pagkain.

Okay lang na kupas na ang pintura at luma na ang iyong bahay dahil mas marami ang nagsisiksikan sa mainit at masikip na tirahan sa ilalim ng tulay o sa barong-barong na nasa tabi ng kalsada.

Okay lang na hindi modelo at hindi touch screen ang iyong Cellphone dahil maraming mga tao ang hindi tinuturing na pangangailangan ito.

Okay lang na sa pampublikong paaralan ka o ang iyong anak nag-aral dahil marami ng tao ang hindi nagkaroon ng pagkakataon na matutuong magbasa at sumulat.

Okay lang na matanda at mabagal na ang iyong computer dahil mas marami ang mangmang at hindi nakakaalam kung ano ang ibig sabihin ng Internet.

Okay lang na hindi pa natupad ang pangarap mong iPOD dahil maraming mga estudyante ang hindi makabili kahit na paperpad.

Okay lang na hindi ka bihasa sa pagsulat o sa pagbigkas ng salitang Ingles dahil maraming mga taong hindi makapagsalita sa taglay na karamdaman.

Okay lang na mahirap ang mag-abang ng bus o jeep papuntang trabaho o eskwela dahil mas marami ang pinili ang maglakad dahil sa kawalan ng pamasahe.

Okay lang na minsa'y tayo'y magkalagnat dahil may mga pamilyang tumatangis na nasa loob ng ospital dahil sa taglay na kanser ng kaanak.

Okay lang na hindi mo mabili ang gustong laruan ng iyong anak dahil mas kalunos-lunos ang mga batang nasa kalye at humihingi ng kaunting barya imbes na nasa loob ng tahanan.


Hindi man madali ang buhay mayroon pa rin tayong dahilan para ipagdiwang at ipagpasalamat ito.

Lalo't ngayon na may bagong taon ibig sabihin ay bagong pag-asa, bagong mithiin.
Minsan sa kahahangad ng tao mas mataas na pangarap naklilimutan na natin kung ano ang nararapat at kung ano naman ang wala sa iba. Sa katwirang hindi masama ang mangarap hindi natin nari-realize na nasa atin na pala ang pangarap na ito naghahangad pa rin ng kagitna! Imbes na magpasalamat patuloy pa rin sa paghiling. Bilangin ang biyaya at magpasalamat sa bawat sandali at bawat araw ng ating buhay. Hindi kailangang maging relihiyoso para gawin ito, simpleng "salamat Bro!" ay ayos na. Gawin natin ito ng bukas ang isipan at walang hinanakit.

Salamat Bro sa biyaya! Isabay ko na rin ang pagbati nang mapayapa at masaganang Bagong Taon sa ating lahat!

Tuesday, December 14, 2010

The ASTIG compilation

Astig - pang-uri; pabalbal; astig binaligtad na salitang tigas. Tumutukoy ito sa mga tao o sitwasyon na may maangas o matikas na taglay o pag-uugali.

Karamihan sa mga pinoy ay ASTIG sa halos lahat ng bagay at sa kanyang pananaw sa buhay. Bawat indibidwal ay may angking kaastigan ang iba ay kanila nang nabatid ang iba naman ay kailangan pang linangin at tuklasin. Negatibo o positibo man ito sa ating mata isa lang ang sigurado: ang pagiging astig ay tatatak sa isip ng pangkaraniwang pilipino at ng iba pang dayuhan. Ano-ano o sino-sino ba sila? Ito ang aking pananaw.


paa ng manok - dahil ang pinoy ay astig kahit paa ng manok o bituka o dugo man 'yan walang problema basta may mailaman sa tiyan kaya ng pinoy isubo yan. Astig di ba?

kuliglig - Astig na maituturing ang kuliglig at ang driver nito. Nag-evolve ito mula sa liternal na bukid hanggang sa Andres Bukid at Divisoria tinatangkilik ito ng motorista. Ano ang astig dito? Marami. Exempted sa huli, sa traffic rules, maraming sakay at higit sa lahat umaalma sa astig din na pulis!


double parking - kahit masikip na kalsada, kahit makaabala sa iba basta makapag-park lang at maipakita ang kaastigan gagawin ng pinoy 'yan. wala namang sumisita eh bakit aayusin ang parada?

habal-habal - kung siya'y tawagin astig na maituturing. Sa'n ka ba naman nakakita ng sasakyang dalawa ang gulong pero higit pa sa laman ng kotse ang kayang isakay! 'Wag mo isipin ang disgrasya para hindi ka mamroblema.

kampana ng simbahan - ay nanggigising na ayon sa isang kanta pero pa'no ka na ngayon gigisingin kung ang kampana ay naakyat-bahay na? Hindi pa ba astig ang tawag kung pati kalembang ng simbahan ay kayang nakawin? na ang timbang ay halos simbigat na ng ordinaryong sasakyan.

pag-ihi - ay isang ordinaryong gawain lang pero kung gagawin mo 'to kung saan-saan kaastigan 'yan 'tol! bantog tayo sa gawaing ganyan kaya bilib sa'tin ang mga dayuhan.

basura kahit saan - tapos magrireklamo tayo kung bakit may baha? sa kalsada, sa overpass, sa lrt kahit sa'n mo maisip may basura ganyan kaastig ang pinoy. Sablay nga lang.

inuman at sugalan sa daan - isang kaastigan! normal na senaryo na lang ito sa mahal kong bayan. idagdag mo pa ang tong-its na pampasaya maya-maya sila-sila rin ang mag-aaway-away. Lupit.

basketbol sa kalsada – isang kaastigan. kahit pa maraming naabalang ibang tao o sasakyan sa paglalaro nito okay lang basta mapagbigyan ang mga mini-liga na ganito. wa’ko kers ika nga. kung si kap nga eh hindi rin ito pinakikialamanan sino ang maglalakas-loob na gibain yan?
iskwater - sa ilalim man 'yan ng tulay o gilid ng riles ay maituturing na kaastigan. sila ang halimbawa ng tunay na survivor kahit sa'n mo ilagay siguradong mabubuhay. yan ang tunay na astig. idagdag mo pa sa pagiging astig nila ang pagkakaroon ng average na limang anak bawat pamilya. may bago nga palang tawag ngayon sa kanila hindi na raw iskwater kundi informal settler. ano ang pinagkaiba? wala. ang alam ko lang astig sila.

tricycle - tulad ng baraha na may apat na hari kabilang na rin sa hari ng kalsada ang mga tricycle. meron nga silang rehistro at lisensya pero malala din paglabag nito sa trapiko. overloading. counter-flowing. reckless. disregarding. 'pag nakasagi o nakabundol: sila pa ang minsa'y galit. ano pa ini-expect mo? astig nga eh.

MMDA signage - malupit na ang babala hindi pa rin nababasa ganyan kaastig ang mga pinoy. ipipilit pa rin ang gusto nila kahit alam nang mali 'pag nabundol...syempre kasalanan pa rin ng mga driver. reckless imprudence resulting to homicide.

manhole na ninanakaw - gustuhin man ni mayor na pagandahin ang kalsada o lagyan ng magagandang ilaw ang poste o pinturahan ng bago ang mga pader magdadalawang isip siya. bakit? nanakawin ang manhole. babatuhin ang ilaw. vandalism sa pader. tapos isisisi sa gobyerno ang kalagayan nila. ilagay sa ayos ang kaastigan.

pulubing nagyoyosi - pulubi man ay may angking kaastigan nakukuha pang magyosi eh wala na ngang pambili ng kanin. nakakaawa na ganyan ang kanilang kalagayan pero hindi naman sila nililimusan para ipambili lang nila ng yosi. lintik kasi na slogan 'yan: come to where the flavor is.

barubal na jeepney - kung hindi ka pa naka-encounter nito hindi ka tunay na pinoy. isa pang astig ng kalsada: ang mga jeepney. requirements na yata sa pagiging jeepney driver ang magbaba at magsakay kahit saan nila maisipan, ang umandar sa pulang ilaw at huminto naman sa luntian. hindi mo sila pwedeng sawayin dahil lalong lalabas ang pagka-astig nila. ako? binabaril ko sila gamit ang aking daliring hintuturo. bang!

walang helmet - alam na ngang bawal pero ginagawa pa rin. tipikal na pinoy. ordinaryong motorista, pulis, enforcer na nakamotor pansinin mo marami sila. abangan mo bukas sa paborito kong 24 oras may naaksidente dahil sa motor kundi namatay, ay malubha. at pag nabuhay uulit pa 'yan. astig eh.

commemorative plates - para saan ba 'yan? siyempre para ipakita sa madla na astig sila at hindi sila pwedeng sitahin sa kalsada! tiklop ang buntot ng MMDA kung ito ang nakalagay sa kotse mo imbes na regular plate. klasikong halibawa ng "the law applies to all otherwise none at all" taliwas nga lang.

sidewalk vendor - isa ring kaastigan ang pagtitinda sa gilid ng kalsada kahit alam nilang halos wala ng madaanan ang mga tao wala rin silang pakialam ganun talaga kailangang may laman ang sikmura, kahit na kinukumpiska o sinusunog ang paninda nila tuloy pa rin sila sa pagtitinda. survival of the fittest rules.

videoke - ang larawang ito ay kuha sa isang liblib na lugar sa probinsya ibig sabihin kahit sa'n ka man mapunta ang pagbi-bidyoke ay laganap. ganyan ka-astig ang pinoy pagdating sa kantahan. konting okasyon videoke, kahit sa patay may videoke, kahit masikip na eskinita magsi-set up para maipwesto ang videoke. priceless moments.

GMA - wala ng aastig pa sa pagmumukhang ito at walang hindi nakakakilala dito. Astig ito sa pinakamataas na antas! Kung manlalaro lang ito ng ahedres dadaigin nito sa Eugene Torre o Wesley So at malamang isa na rin itong grandmaster sa galing niya mag-pwesto ng mga opisyal. Astig 'di ba? Sa'n ka ba naman nakahanap ng tao...pangulo na nasa pinakamataas na posisyon eh tumakbo pang congressman. ang touch move ay para lamang sa ahedres pero ibahin mo 'to 'tol she's untouchable! Kasariang babae pero ugali ng tunay na lalaki. ASTIG!

Wednesday, December 8, 2010

Ang komersyalismo ng Paskong Pinoy


Okay, so malapit na naman ang Christmas. Sa loob-loob ng marami ay umpisa na naman ang mga alalahanin sa regalo sa kung sino-sino, sa mga pamangkin, sa ka-officemates, sa kaibigan, sa mga pinsan, sa iyong tito at tita, sa mga kakilala, sa mga hindi kakilala, sa kaibigan at syempre sa mga inaanak. Ilan na nga ba sila? Ano na nga ulit ang mga pangalan nila? Sino na nga ang mga Mommy't Daddy nila? Inaanak ko ba talaga sya? Ilang taon na ba sila? Mataba ba sya o payat? Pera na lang ba o regalo?

Iyan ang mga katanungang nasa isip natin taon-taon na lang pero hindi pa rin matandaan ang mga kasagutan. Makakalimutin ba tayo o sadyang matigas talaga ang mga ulo natin? Bakit hindi na lang natin isulat sa isang papel ang listahan nila para bago mag-Christmas ay hindi tayo gahulin sa oras sa kakaisip sa ating mga katanungan. Pero after the occasion, malamang na may mga makakaligtaan at makakalimutan pa rin tayo.

Sale sa mall, sale sa Tiangge, Zero interest na mga appliances - mga pang-engganyo sa mga tao at pangkaraniwang senaryo tuwing Disyembre. Nakakalungkot man isipin at sabihin pero taon-taon ay parang nagiging komersyal na ang bawat pasko ng karamihan sa atin. Realidad na ito. Parang naoobliga na ang marami na mamili, magbigay, mag-aginaldo, magregalo na kung minsan ay hindi na bukal sa loob ng iilan. Kamakailan lang ay nanawagan ang simbahang katoliko sa pagiging komersyalismo ng Paskong Pilipino dahil tila nawawala ang totoong diwa ng Pasko: ang birthday ni Bro. Sa pagkakataong ito ay magkasundo kami ng simbahan hindi katulad sa isyu ng "contraceptives". Naiirita na ang simbahan dahil maraming mga bata ang hindi nakakaalam kung kaninong okasyon ang pasko; ang sabay-sabay nilang sagot: SANTA CLAUS! (syempre kasama ang mga reindeer nito) imbes na si Hesukristo. Santa Claus na produkto at imahinasyon lang ng Coca-cola at malayong-malayo sa totoong St. Nicholas na payat at palihim ang ginagawang pagtulong at pamimigay ng aginaldo.

Friday, November 12, 2010

The Korean Invasion


Barely 50 years after the Korean War and the animosity between the 2 conflicting Korean countries may anytime spark...the Korean invasion figuratively conquers our nation. Their unforgettable teledramas and the funny 3 syllable names of the actors and the actresses, the not-so-difficult redundant dance moves and the ghastly waxed hair with white powder make-up of the so called K-pop draws the attention of the young naive Filipinos. And despite the barrier language between the Filipinos and the Koreans' they're magically hypnotized us or put under the spell of their charisma.

Music is a universal language and anybody can listen to whatever music and still appreciates it. How many Filipinos understand the lyrics of "Nobody but you" by the Wondergirls? Not even the one percent of the entire Philippine population. But who will disagree that this song captures the very heart of the Pinoys? And please don't deny that you have done this: singing the chorus, pointing the two index fingers while raising one knee and not to mention that you have to clap your hands twice after. Haha. I won't tell.

Wednesday, September 15, 2010

Pilipinismo



Gusto kong gumawa ng isang seryosong blog tungkol sa mga dahilan kung bakit ikinararangal at ipinagmamalaki ko ang pagiging isang Pilipino.

'Yun bang walang takot at walang bahid ng hiya na ipagyayabang sa kaharap ko maging sinoman siya at sabihin ng taas-noo na: Pilipino ako, ikinararangal at pinagmamalaki ko ito!

Ngunit habang iniisip ko ng malalim ang mga kadahilanan at mga sagot sa tanong kong ito lalo akong nagugulumihanan, napapaisip ng malalim at nasagot ko ang tanong ng isa ring tanong: Mayroon nga ba?

Matapos ang nakakahiya at pumalpak na negosasyon at operasyon ng pulisya sa nakaraang hostage crisis sa Quirino Granstand, ano pa bang mukha ang ihaharap natin sa ibang bansa?

Sapat na ba ang humingi tayo ng patawad sa buong mundo? at bangggitin na: "Patawad po dahil isa akong Pilipino at hindi ko ginusto ang maisilang sa Pilipinas". Hihintayin pa ba ng gobyerno na mamutawi sa karamihan ng Pilipino ang ganyang mga salita? Kunsabagay, marami-rami na rin naman sa atin ang may ganyang mentalidad subalit hindi lang nila maibulalas.



Dahil sa wala akong maisip na daglian at kongkretong dahilan para ikarangal ang pagiging Pilipino, nagsimula akong magtanong sa aking mga kakilala at kaibigan kung ano ba ang naiisip nilang dahilan para ipagmayabang sa mundo na tayo'y Pilipino. Nagbilang ako. Isa...dalawa...tatlo. Aabot yata ako ng hanggang isandaang bilang pero ang aking mga tinanong ay hindi rin kaagad makaisip ng pu-pwedeng isagot sa aking katanungan. Para bang sumabak sila sa isang napakahirap na pagsusulit ng mga taong gustong mag-doktor o mag-abogado.



Kung alam lang ng idolo nating si Dr. Jose Rizal na ganito ang kahihinatnan ng bansang Pilipinas makalipas ang mahigit isandaang-taon gugustuhin pa kaya niyang labanan ang mga kastila? Gustuhin pa kaya niyang ibuwis ang kanyang buhay para sa mga Pilipino sa ngayon? Ang mga katipunero at mga bayaning hindi nabanggit ng kasaysayan kaya ay masaya sa kinahinatnan ng kanilang ipinaglaban?



Sa mga may kababawan ang pag-iisip, babangitin nila ang mga tanyag na personalidad na Pilipino na pumailanglang at nakilala sa iba't-ibang larangan. May mga sobrang tuwa sa tuwing magkakaroon ng Fil-Am na finalist sa American Idol, may mga sobrang ligaya nang maisahimpapawid ang Finals ng Pilipinas Got Talent at nanalo ang isang Jovit Baldivino na para bang napakalaki nang naidulot na karangalan sa bansa eh halos lahat naman ng bansa ay may mahusay na singer. Ano ba ang pinagka-iba nya sa iba pang mahuhusay umawit?

Sapat na ba na miyembro si Allan Pineda ng grupong Black Eyed Peas para ipagmayabang na Pilipino tayo?

Sapat na ba na tinitilian at hinahangaan ngayon si Allan Pineda ng bandang Journey ng ibang banyaga para ikarangal ang pagiging Pinoy?

Sapat na ba napabilang si Charice Pempengco sa musikal na Glee?

Sapat na ba may pinoy na miyembro sa katauhan ni Nicole Scherzinger sa grupong Pussycat Dolls?

Sapat na ba na may dugong Pilipino ang mga Hollywood celebrity na sina: Enrique Iglesias, Rob Schneider, Dave Batista, Lou Diamond Phillips at Vanessa Hudgens?

Sapat na ba na mayroon tayong mahusay na direktor sa katauhan ni Brillante Mendoza na ang kanyang mga obra ay nagkamit ng iba't-ibang parangal?

Sapat na ba na mayroong tayong Manny Pacquiao na nagiging sanhi ng panandaliang pagkawala ng suliranin ng mga Pilipino?

Sapat na ba na palagian tayong nag-uuwi ng tropeo sa tuwing may kompetisyon sa WCOPA?

Sapat na ba mayroon tayong "world-class" na Madrigal Singers?

Sapat na ba na mayrron tayong Efren Bata Reyes o Django Bustamante? na hindi naman kinikilala kung hindi nagwawagi

Sapat na ba mayroon tayong isang Lea Salonga na nagwagi ng Tony Awards sa Amerika?

Sapat na ba may Filipino Chef ngayon sa White House?

Sapat na ba kinikilala ngayon ang pangalang Kenneth Cobunpue sa larangan ng paggawa ng muebles?

O kuntento na tayo na mayroong Monique Lhuillier ngayon sa larangan ng pananamit?

May pumapansin ba kay Efren Peñaflorida noong nagtutulak siya ng karitong library?

May mababago ba sa Pilipinas kung nanalo man si Venus Raj sa Ms. Universe? Makakatulong ba ito sa karamihan? Ito'y magiging panandaliang pantakip-butas lamang sa mga isyu at ating suliranin na mas mabaho pa sa umaalingasaw na patay na daga.

Walang nagmamahal sa mga talunan...kung sakaling ang mga katulad nila ay hindi nagtagumpay sa larangang kanilang pinasok sino ba ang magpapahalaga sa kanila?

Kung sakaling matalo o magretiro na si Pacquiao mayroon pa ba tayong maipagmamalaki? Kung malaos at tumanda na si Lea Salonga paano na tayo? Kung mamaos na ang boses nina Alan at Arnel Pineda o Charice, may papalit ba sa kanila na tatanggapin din ng madla?


Magpasalamat tayo at nagkaroon tayo ng mapayapaang rebolusyon na tinawag nating 1986 EDSA People Power Revolution nakilala at naging tanyag tayo dahil dito at may mga bansa pa ngang naging inspirasyon ito subalit ano na bang nangyari sa Pilipinas pagkatapos nito? Ang ideolohiya natin patungo sa ganap na pagbabago ay nananatiling pangarap, ang progreso at pag-unlad ay nakulong at nabitag ng mga makasariling bagong-lumang pulitiko pagkatapos ni Marcos. Ang kasaysayan ay walang pero at walang subalit pero nais kong itanong: May mababago kaya kung si Ninoy ang ating naging Pangulo? Sa aking palagay ay . . . .



Kung hindi pa sa nag-gagandahan at mga overpriced na mga beaches sa Palawan, Boracay, Cebu at iba pa baka nabaon na tayo sa limot gaya ng mga bansa sa South Africa, mayroon din naman tayong mga sadyang nilimot at hindi naaalagaan na Historical Landmarks na paandap-andap ay binibisita ng iilan, mga naglalakihang mga mall na pang-World record at dahilan ng pagkakalubog sa utang ng mga Pinoy na magastos; Subalit pwede na ba itong mga dahilan para ikarangal ang pagiging Pinoy? Sadyang mahirap talaga sagutin ang tanong na ito lalo't ang Pilipinas ay balot ng iba't ibang kontrobersiya, anomalya, puno ng katiwalian, kawalan ng disiplina, problema sa polusyon, populasyon, kahirapan, lahat na.



Kung ang batayan natin ng karangalan ay ang pagkakaroon ng mga sikat na personalidad kung ganoon ay mas maraming dahilan para ikarangal ng mga Ingles at Amerikano ang kanilang lahi dahil sa dami ng mga sikat at popular na kanilang "na-produce". Siksik, liglig at umaapaw ang mga musicians, artista, sports personalities, imbentor, scientists at iba pa na napakahuhusay sa iba't-ibang larangan.

Hindi ba pwedeng makilala ang Pilipino sa larangan ng agham, teknolohiya o siyensya? Ano na ba ang naiambag natin dito? Siguro'y maiisip mo ang Flourescent Lamp ni Agapito Flores datapwat hanggang ngayon ay hindi pa rin ito kinikilala sa mundo ng siyensya. Nakakalungkot isipin na napakarami nating mga imbentor at imbensyon na pwedeng linangin para maipagmalaki sa buong mundo subalit wala man lamang natatanggap na suporta at ayuda galing sa gobyerno kahit sino pa man ang nakaupo, napakaraming mga Pilipino na may potensyal sa larangan ng palakasan subalit ang pondong para sa kanila ay garapal na ninanakaw.



Napakasarap sanang marinig na ang mga Pinoy ay tanyag dahil sa napakagandang uri ng pamumuhay, napakahusay na pamamahala ng gobyerno, maunlad na ekonomiya, may mga imbensyon na hindi ninakaw ang ideya kunsabagay tanyag naman tayo eh sa negatibong aspekto nga lang. Sa ganang akin hindi ko ipinagmamalaki na mayroon tayong mga OFW sa iba't-ibang bansa na umaabot sa 11M sumasalamin lamang ito na ang bansang ito ay nangangailangan ng tulong at hindi nya kayang suportahan ang pangangailangan ng karamihan sa Pinoy. Kung sakaling bumaba ang bilang ng mga bagong bayani nating ito (hindi dahil sa pinalayas sila ng kanilang mga amo) at dito na sila naghahanapbuhay at kumikita ng sapat at hindi na nila kailangang magpamura sa mga Intsik, magpamaltrato sa mga Arabo, alipustahin ng Ingles, pagtawanan ng Singaporeans, maranasan ang diskriminasyon ng Amerikano; Ito ang dapat nating ipagmalaki! Hindi ang remittances ng mga kababayan nating OFW. Kung mayroon lang sanang sapat na programa at trabaho para sa kanila marami sa kanila ang hindi nanaisin na magpaalipin sa dayuhan. Sino ba ang gustong mawalay sa pamilya? Sino ba ang gustong magpayurak ng dangal sa banyaga? Sino ba ang gustong magtiis sa gutom? Sino ba ang gustong lumuha gabi-gabi?


Sa iyong paglabas ng bahay at pagpunta sa iyong trabaho;

Wala ka bang nakitang tambak ng basura? Wala ka bang nakitang jeepney driver na hindi nagbaba sa gitna ng kalsada? Wala ka bang nakitang sasakyan na hindi nag-beating the red light? Wala ka bang nakitang tricycle sa gitna ng main road? Wala ka bang nakitang pedicab, kuliglig o pribadong sasakyan na hindi nag-counterflow o naghari-harian sa daan? Wala ka bang nakitang nagkalat na pulubi sa kalye? Wala ka bang nakitang pulis na tumityempo ng makokotongan? Wala ka bang nakitang tumatawid sa ilalim ng footbridge? Wala ka bang nakitang iskwater sa gilid ng kalsada o ilalim ng tulay?

Sa iyong panonood ng TV, pakikinig sa AM radio o pagbabasa ng dyaryo;

Wala ka bang nabalitaan na nangholdap dahil sa kawalan ng hanap-buhay? Wala ka bang nabasa tungkol sa tiwaling opisyal ng pamahalaan? Wala ka bang napanood na pagmamagaling ng mga pulitiko sa isang usapin o imbestigasyon? Wala ka bang nabalitaan na pumalpak na pamamahala nang isang sangay ng gobyerno? Wala ka bang nabasa na tangkang welga ng mga empleyado o ng sinumang pribadong sektor?

Kung ang sagot mo sa lahat ng katanungang ito ay isang napakatunog na WALA, mayroon na tayong mga magandang dahilan at siguro pwede na nating sabihin na: PILIPINO AKO, KINARARANGAL AT PINAGMAMALAKI KO ITO! Subalit napakalabong mangyari ito sa ngayon at sa susunod pang sampu o dalawampung taon.


Kung gagawa ako ng mababaw na dahilan para maipagmalaki kong Pilipino ako, may naisip na ako: Eraserheads at ang mga kanta nito. Ang babaw ko no? Sabihin na nating oo pero ganito rin naman talaga ang karaniwang Pinoy: mababaw pero matatag, paladasal pero patuloy sa pagkakasala (sino bang hindi), nagmamalinis ubod naman ng dumi, palatawa kahit na may problema; sa sobrang masayahin nga ng Pinoy ay ginagawa nating katatawanan ang kahit anumang bagay gaya ng pagpapalitrato ng todo-ngiti sa bus na pinangyarihan ng hostage-taking (nakakatuwa pa ba ito?)


Ang awitin ni Noel Cabangon na "Ako'y isang mabuting Pilipino" ay may napakagandang mensahe, ang sumulat nito ay isang Optimistiko na sa kabilang negatibong imahe ng Pilipinas nakagawa siya ng isang kanta tungkol sa pagiging mabuting gawain ng Pilipino subalit ang pagiging optimisko niya ay humihiwalay sa realidad na buhay ng mga Pinoy. Sa kabilang banda, hindi naman ako pesimistiko napansin ko lang na ang lahat ng mga nakasaad sa kantang ito ay taliwas sa gawi ng Pinoy, sana hindi lang sa kanta natin marinig ang mga mabubuting Pilipino kundi sa realidad at totoong buhay.


Sadyang mahirap mahirap ang buhay pero mas mahirap yata ang maging Pilipino pero may pag-asa pa, Kailan? Yun ung ang hindi ko alam.

Friday, July 9, 2010

Hoy! Ikaw ba 'to? Mga kaugaliang Pinoy na dapat nang baguhin


Sa pagpapalit ng bagong pangulo ng bansa marami ang umaasa ng pagbabago; pagbabago sa sistema ng gobyerno, sa ating pamumuhay, sa ekonomiya at sa marami pang iba. Nabuhay na muli ang pag-asa ng mga Pilipino na matagal ding natulog at naudlot. Ang penomenal na pag-upo ng bagong pangulo ay nagdulot sa Pilipino ng kakaibang damdamin patungkol sa bago at mabuting Pilipinas na hindi natin naramdaman sa mga nakalipas na namumuno. Ngunit ano ba ang pwede nating gawin para makasabay sa pagbabagong nais natin? Ano nga ba ang ugaling Pinoy na dapat nang baguhin?

Ilan sa mga nakasaad dito ay malamang na likas na ugali mo o maaring nagawa mo na ng hindi mo sinasadaya o namamalayan. Hindi ito maiiwasan dahil ang ilan dito ay sadyang nasa dugo na ng Pinoy. Maaari ding marami sa kaugaliang ito ay isa sa mga dahilan kung bakit tayong mga Pinoy ay hirap na umasenso gayun din ang bansang Pilipinas. Siguro kung mababago natin ang kaugaliang ito malaki ang possibility na magbago rin ang kalagayan ng bansang Pilipinas. Read on.

HOY! Ikaw ba 'to? Mga Kaugaliang Pinoy na dapat nang baguhin

Colonial Mentality - May pag-asa pa naman siguro na matanggal sa'tin ang kaugaliang ito. Ito yung ugali natin na kapag sinabing imported ay maganda ang quality. Mayroon din naman tayong mga sariling mga produkto na matino din naman pero mas ma-appeal talaga 'pag sa ibang bansa ang produktong gamit mo. Bukod sa piracy, heto rin yata ay isa sa mga dahilan kung bakit lugmok ang Industiya ng Pelikula natin dahil sa mga high-tech Hollywood Movies, ganun din ang ating Music Industry hanggang ngayon hindi ko lubos maisip kung bakit sumikat sa Pilipinas ang mga grupong KPop, Beat, Ukiss, etc. D'yan naiiba ang mga Hapon at Koreano, maunlad ang bansa nila dahil ang kanilang mga leader nila ay may drive & initiative to promote and use their local products. Ang mga brand na Samsung, LG, Sony, Mitsubishi, etc. ay Korean/Japan products na lubos na tinatangkilik ng kanilang mamamayan compared to its imported competitors. Kaya pati mga teleserye natin ngayon ay base sa mga korean novela or latino drama, hindi ba natin kaya gumawa ng sariling istorya at kailangang i-adopt pa natin ang kanilang mga ideas? Ilan na ba sa'tin ang pumabor sa local na Myphone kaysa Nokia? Bibili ka ba ng Accel na sapatos kung meron namang Nike o Adidas? Mabuti na lamang at mayroon pa ring mga local products/establishment na angat compared sa imported na competitor ilan dito ay; Bench, Jollibee, Greenwich, etc.

Crab Mentality - Matagal na nating problema 'to hindi ko alam kung anong nasyon ang nagdala sa'tin ng ugaling ito. Kawawa naman ang mga talangka at pati sila ay nadadamay sa hindi kagandahang term na 'to. Sa trabaho, sa showbiz, sa eskwela, sa abroad, sa kapit-bahay at kung saan-saan pa ay marami ang mga may utak-talangka. Sila ung mga taong hindi masaya kapag may nakikita silang ibang-tao na umaangat o umaasenso ang buhay, pilit nila itong gagawan ng kasiraan at hihilahin pababa kung hindi man nila mapigilan ang pag-asenso ng iba somehow nasira naman nila ang pagkatao nito. Kahit na walang sapat na basehan marami ding napapaniwala ang kasiraang ito dahil ang Pinoy mabilis mapaniwala sa "tsimis" at asahan mo kakalat ito ng parang virus. Isa lang naman ang dahilan nito: INGGIT. Sigurado ako ikaw mismo o kakilala mo ay nakaranas na ng ganitong treatment sa isang kapwa mo rin Pilipino.

Name dropping - a.k.a. as Padrino system. Kahit sa isang simpleng kwentuhan lang madalas mayroong magbibida at aangas na kakilala nya si ganito, si ganoon at tutulungan ka nito kung magkaroon ka ng problema. This "name-dropping" activities is over-used and abused by some na kahit isang simpleng traffic violation lang ay heneral pa ang tatawagan. Dapat ba na abusuhin mo ang isang batas dahil lang sa may kakilala kang maimpluwensyang tao? Bilang Pinoy, madalas din naman natin itong kinukunsinti at proud na proud pa tayo sa pagbu-broadcast na close kayo sa influential people na ito. Sino ang pipiliin mong Ninong sa kasal mo...family friend na isang hamak na matinong security guard? o ang niri-refer sa'yo na Corrupt na Mayor? Mag-iisip ka pa ba? Syempre si Mayor! kailangan pa bang i-memorize 'yan?

Judgmental - Filipinos are so judgmental, kahit na alam natin ang kasabihang: don't judge the book by its cover pilit pa rin nating hahanapan ng kapintasan ang isang taong wala namang ginagawang mali sa kanya. Hindi mo ba naranasang pintasan ang kinakainisan mong celebrity? Hindi ka ba nagtawa sa isang video sa youtube ng isang lalaki/babae na kumakanta ng wala sa tono o kung nasa tono naman ay hindi kagandahan ang itsura? At first glance, hindi mo ba naranasang magduda sa panlabas na anyo ng isang tao? Nasa isip pa rin natin na kapag charming o appealing ang isang tao ay mapagkakatiwalaan ito or the other way around. Ang panlalait, masama mang ugali ay kinagigiliwan na rin nating mga Pinoy kaya nga aliw na aliw tayo 'pag may nilalait na tao sa isang comedy bar o sa isang talent search. Patok ngayon ang panlalait kaya nga dumadami na ang mga comedy bars na ang tema ay mag-alipusta ng sinumang gustuhin nila lalo na yung sa tingin nila ay hindi mapipikon sa gagawin nila.

Short term memory - Hindi ko alam kung ugali nating ito ay considered na positive or negative traits. Anumang pagkakamali o kasalanan sa'tin ng isang tao sa isang mabilis na panahon madali rin itong nakakalimutan. Sa dami ng mga taong nag-alsa at nakipaglaban sa mga Marcoses noong EDSA 1, Ilang daang-libo ang nabiktima ng human rights violation noong batas-militar, Nasaan na ang mga Marcoses ngayon? Silang lahat na mga Marcoses na kumandidato ay nanalo at nasa posisyon ngayon. Senador, Congressman at Governor. Sa pagkapanalo nila kalakip din nito ang paglimot at pagpatawad sa kanilang ginawa noong panahon ng Martial Law. I just can't imagine na si Satur Ocampo (victim of Martial Law) ay kasama sa tiket ni Manny Villar si Bongbong Marcos. Ilang military officer na rin ang nag-alsa laban sa gobyerno pero sa maikling panahon ay nalilimot agad natin ito at nahahalal pang senador. Another example is Erap Estrada. Despite being convicted to Plunder case which is just three years ago, still many Filipinos convinced that he is the rightful candidate to sit in the highest position of our country.

Hard Headed - Babala: Bawal magtapon ng basura. Pero anong nakikita natin? Isang tambak ng basura! No parking. Pero hindi nila napansin o nabasa dahil may mga naka-park pa rin. May overpass naman pero sa ilalim pa rin footbridge dumadaan! Dito lang yata sa'tin makikita na mayroong hawak na tali sa magkabilang-dulo ang Traffic Enforcers para hindi makatawid ang pedestrian. Minsang napunta ako sa isang bansa sa Asya, nakabibilib pagmasdan na ang mga Tsino ay sumusunod sa batas-trapiko, they give way to ambulance, stop on red lights, crossed only on deisgnated pedestrian crossing. Magmula sa malalaking mga personalidad hanggang sa pinakamaliliit na motorista, matitigas ang ulo ng Pinoy! Simpleng red light lang hindi masunod; tricycle drivers, pedicab drivers, single motorcycle drivers, jeepney drivers, at ang mga self-proclaimed exempted sa traffic violations na SUV drivers. Kung ano yung bawal yun ang gustong-gusto nating gawin. Ang pagiging astig ay dapat na sinasantabi na natin humihingi tayo ng pagbabago pero ang sarili natin pala ang dapat na baguhin. Kung ang isang baranggay chairman ay ubod na ng tigas ng ulo ano pa kaya ang mga higit na mataas ang posisyon sa gobyerno? Kung ano ang puno sya ang bunga, ika nga.

Lack of Discipline & Action - Dahil sa tayo'y only Christian country sa Asia, isa sa magandang kaugalian ng Pinoy ay ang pagiging madasalin, okay no question about that. Pero alam ba nila ang kasabihang "Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang Awa"? Puro tayo paninisi sa gobyerno sa kalagayan ng buhay natin pero naitanong na ba natin kung ano na ang nagawa mo sa pamilya mo? Hirap na nga sa pang-araw araw eh hindi pa naisipang magplano ng pamilya, paano mo mapapakain/mapapa-aral ng matino ang isang pamilyang may lima o higit pang anak kung alam mo namang hindi regular ang trabaho mo. Ang kaunting kinikita ng ama na dapat sana'y pangkain na eh minsan napupunta pa sa bisyo! Sa hirap ng buhay marami ang nagri-resort sa madaling paraan ng paglago ng pera o pag-asenso nariyan ang: huweteng, tong-its, sakla, ending at syempre ang napakahirap tamaan na Lotto. Madalas naman pag-uwi sa bahay, TALO madadagdagan ang utang at syempre damay ang anak sa init ng kanilang ulo.

Ningas Cogon attitude - Fyi ang cogon ay isang uri ng damo na madaling sumiklab ngunit madali ring mamatay. Ganito rin ang nakasanayan nating ugali. Napakagaling at napakasipag natin sa mga uumpisahang mga gawain pero later on sasawaan din natin ito at madalas hindi natatapos o matapos man ay pilit ang pagkakagawa. Young politicians are just like this, they are campaining for a change, they are the new hopes for a new generation pero kapag nilamon na sila ng sistema at nag-give in na sa temptations lahat ng magandang pinangarap nya sa kanyang nasasakupan ay mababaon na sa limot. Bakit nga ba napakahirap para sa'tin matanggal ang ugaling ito? Hindi ba natin kayang tapusin nang maayos ang isang naumpisahang maayos? Ang sipag-sipag na gibain ang mga kalsada pero taon na ang nakalipas hindi pa rin natatapos. Estudyanteng ubod ng saya dahil nakapag-enroll sa nagustuhang course pero 2nd year lang hindi pa natapos. Ang campaign against "wang-wang", blinkers at iba pang pagaabuso sa kalsada ay isa napakagandang programa na sana lang ay hindi rin maging ningas-cogon.

Opportunist - This is like a "beggar mentality". Sa isang relief goods operation, gift giving activities or any activities na maraming magbebenipisyo na mga tao. Asahan mo marami dito ang magti-take advantage sa mga pinamimigay na ito either mahigit sa 2 myembro sa pamilya ang pinapipila or 2 beses silang pipila. Marami sa mga kalalakihan dito ang napakalalakas naman ng katawan pero mas gugustuhin pa ang manghingi para may "pang-inom". Mahilig kasi tayo sa libre. Opportunists also have an attitude like: "kawawa naman ako kaya pagbigyan nyo na ako" or "para sa pamilya ko ang ginawa kong krimen kasi may sakit ang anak/nanay/asawa ko" ('pag napatawad, uulitin nya ulit ito). To hell with these reasons! Opportunist has many faces we don't even know kakilala pala natin sila. Utang ng utang hindi naman marunong magbayad at ang hiniram na pera sa bisyo lang napunta! Once na napagbigyan mo sigurado may kasunod pa 'yan. Binigay mo na ang kanang kamay mo gusto pa kunin ang kaliwa. Hingi ng hingi ayaw naman mahingan! Sa ending...ikaw pa rin ang masama.

Racist - Akala natin mga "Puti" lang ang racist pero hindi natin alam nagiging extreme na rin ang pagiging Racist natin even sa kapwa natin Pinoy. In particular, they think dark skin is ugly and light skin is beautiful. In our entertainment industry, halos lahat mapuputi and dark skinned has a limited room for this industry. At pag di magaling mag-English mababa ang tingin nila. Kelangan ko bang laging humingi ng pasensya dahil public school lang ako? Ilan na ba ang nagtawa sa diction and pronunciation ni Manny Pacquiao? Ilan na ba ang nagtawa sa mga kababayan nating mga aeta? Ilan na ba ang nag-discriminate sa mga bading at tomboy? Ilan na ba ang nagtawa sa kapansanan ng iba? "Panget", "napakaitim niya!" "mukhang katulong!" horrible words na walang takot na binibigkas para lang makapagpatawa. Hindi ba racist ang tawag dito?

Manaña Habit - This is the reason why do many Filipinos cramming on the last minute. BIR payments, appointments, school projects & schedule, etc. Gustong-gusto nating mag-i-extend ng 5 minutes (na nauuwi sa 10 or 20 mins) sa 'ting pagtulog kaya ang resulta ay late sa mga natanguhang mga schedule, sa dami ng traffic sa Kamaynilaan we should be always ahead of our time. This is why Filipino Time is synonymous to UNPUNCTUAL. Same with other commitments 'pag alam nating mahaba at matagal pa ang deadline hindi pa natin 'yan gagawin at aasikasuhin when the time comes na deadline is so near 'dun pa lang gagawin ang dapat na noong araw pa dapat ginawa. Kung kailan matatapos na ang contract 'saka pa lang din bibilisan ang trabaho.

Corrupt mind - Any people apprehended by any police or traffic enforcer on whatever case or violation we always have a mentality that we can always arranged this thru bribe money! Corrupt ang official corrupt din ang violator. Kung wala kang padrino as i've mentioned in #3 you can always call on "Manuel Roxas" or "Ninoy Aquino". Bakit ba hindi natin kayang i-surrender ang lisensya natin sa pulis o sa MMDA? Sa government offices ay ganun din, gov't officials almost always waiting for "padulas" to make your paperworks facilitate easily. Bakit ba dumadami ang fixers sa LTO, DFA, Registry of Deeds, etc.? Kasi tinatangkilik sila ng mga Pinoy at maraming mga Pinoy ang ayaw dumaan sa tamang proseso. Matagal, oo. Pero masarap ang pakiramdam nang natapos ka hindi dahil sa iyong pera kundi dahil pumila ka at dumaan ka sa proseso. Paano na lang ang maraming nakapila na walang pampadulas? They are waiting for hours at malalaman na lang nila na marami na ang nakauna sa kanila dahil ang kawawang pobre walang pera na panuhol sa corrupt employees. Life is unfair kaya 'wag na nating gawing "unfairest".