Showing posts with label philippines. Show all posts
Showing posts with label philippines. Show all posts

Thursday, July 7, 2011

DINASTIYA


Ang pulitika ay hindi negosyong itinatag para sa pamilya at lalong hindi ito isang kaharian (monarkiya) na maaaring ilipat ang taglay na kapangyarihan sa malapit na kapamilya kung ikaw’y matanda na, pagod na o sa sandaling gusto mo munang magpahinga subalit hindi naman ito ang nangyayari sa Pilipinas. Bawat lalawigan sa kapuluan ng Luzon, Visayaz at Mindanao at kahit sa Kamaynilaan ay tila pagmamay-ari na ng iilang angkan lamang.

May batas na nagbabawal sa Political Dynasty sa ating bansa (1987 Constitution, Article 2 Section 6) pero balewala lang ito dahil ang ating mga mambabatas mismo ang lumalabag dito. Kunsabagay, may bago pa dito? Synonymous na nga sa isang probinsya ang apelyido ng mga pulitikong ito sa tagal nang kanilang panunungkulan, sa katunayan at sa katagalan nga ay pinapalitan na ng kanilang pangalan (apelyido) ang kanila mismong pinaglilingkurang bayan o probinsiya. Dahil siguro ito sa legasiyang kanilang naiwan, sa sobrang pagmamahal ng kanyang kababayan o sa husay ng kanilang serbisyo sa bayan.

Nakakatawang malaman na marami ang tumutuligsa at nais buwagin ang dinastiyang itinataguyod ng mga makakapangyarihang mga angkang ito subalit kabaligtaran naman ito sa nais nilang mangyari dahil hindi sila natatalo sa anumang halalan at lalo silang dumarami na ultimo Kapitan o Kagawad ng isang maliit na Baranggay ay kanila na ring kaanak at kapanalig. Isipin mo; ang isang bayan ay pinamumunuan ng iisa o dalawang angkan lang magmula alkalde, bise-alkalde, kinatawan ng distrito, gobernador, bise-gobernador, bokal, konsehal at iba pa bukod pa dito ang hindi halal ng bayan na nanunungkulan o nabigyan ng posisyon sa iba’t-ibang ahensiya na itinalaga ng kanilang kamag-anak na may otoridad na magtalaga sa kanila. Sino na lang ang maglalakas-loob na kumalaban sa kanila kung sakaling mayroong anomalya o katiwalian?

Kung tutuusin mo hindi naman sana ganoon kasama ito lalo’t kung ang serbisyo nila sa mga tao ay tapat, ang kapakanan ng bayan ang iniisip, ang pondo’y winawaldas este ginugugol sa pagpapaunlad ng nasasakupan. Subalit ikaw ba’y naniniwala dito? Sa liit ng sahod ng nasa posisyon sa gobyerno bakit marami ang kumakandidato? Kung sila’y nahalal at nasa posisyon na; bakit ang bilis ng asenso ng kani-kanilang negosyo? Nakakalungkot na napakalaking porsyento ng Pilipino ay naniniwalang pondo lang ng bayan ang habol ng mga angkang ito. At huwag na rin tayong magtaka kung bakit may pinapaslang na mamamahayag na nagsiwalat ng kalokohan ng isang opisyal, may mga kandidatong oposisyong inuutas para siguraduhin ang panalo sa eleksyon. Gagawin ang lahat para lamang mapanatili ang trono ng kanilang angkan.

Ayon sa pag-aaral, nakakalulang humigit-kumulang pitumpu't-limang porsyento ng nanunungkulan o nakapwesto sa isang bayan/lalawigan ay magkakamag-anak. Dominasyong nananatili mula noon hanggang ngayon. Ang ating demokrasya ay "gobyerno ng mga tao para sa tao" pero iilan lang yata ang nakikinabang sa gobyernong ito at kung sila'y tatanungin mariin nilang itatanggi na mayroong umiiral na Dinastiyang Pulitikal sa kanilang lugar. Ang manaig si David sa digmaang David at Goliath sa daigdig ng pulitika ay tila hindi aplikable sa ating bansa dahil sa sandaling sinagupa mo ang mga Goliath na ito ay para mo na ring ibinunggo ang iyong sarili sa napakatatag na kongkretong pader na adobe.

Hindi na rin lingid sa'tin na karamihan sa mga taong nasa likod ng dinastiyang ito ay may taglay na 3G. Guns, Goons & Gold.
Guns ~ Mga armas na handang itutok at iputok sa sinumang magtatangkang kumalaban at hindi umayon sa kagustuhan ng nanunungkulan. Mga armas na mas sopistikado pa kaysa sa hawak na armas ng ating sandatahang lakas.
Goons ~ Mas kilala sa tawag na Private Armies. Mga taga-sunod ng pultiko na parang mga asong handang tupdin ang anumang ipag-uutos ng kanilang amo. Mga taong tila inalisan ng sanidad at handang mamatay at pumatay mali man o tama ang rason.
Gold ~ Karangyaan. Pantapal, panuhol at pantakip-butas sa lahat ng anomalya, kabuktutan, kalokohan at kasamaang ginawa ng isang pulitiko. Lubhang makapangyarihan ito dahil 'pag ito na ang nagsalita, halos lahat ay nakikinig.
May kampanya na noong buwagin ang mga private armies ng mga pultiko pero tila nabahag na rin yata ang buntot ng mga taong nais lamang naman ay kapayapaan tuwing halalan at katiwasayan sa bayan.

Sa kabilang banda, may mga bayan o lalawigan din naman na pinamumunuan ng angkang mayroon pang natitirang katinuan at may katiwasayan sa kanyang lalawigan kahit alam natin na may dinastiya ay may nakikita namang bahagyang progreso at ang disiplina’y mahigpit na ipinapatupad pero mabibilang mo lang ito sa ating mga daliri! Mayroong mga tsumatsamba at nahahalal na may matuwid na plataporma ngunit isa o dalawang termino lang ang itinatagal at balik na ulit sa pwesto ang mga higante sa mundo ng dinastiyang pulitikal. Ano ba talaga ang mayroon sila at hindi sila mabuwag-buwag? Gusto natin ng pagbabago pero ibinoboto naman sila. Silang mga (B)Milyonaryo ang estado sa buhay pero ang kanilang nasasakupan ay kabilang sa isa sa pinakamahihirap na lalawigan sa Pilipinas.
Sayang at hindi nabibigyan ng pagkakataon ang iba na makapaglingkod ng matino.
Sayang at hindi nila maisasakatuparan ang maganda nilang adhikain.
Sayang at tumatanda ring kasama nila ang kanilang mga komprehensibong plataporma at ideolohiya.
Sayang at tila nauupos na kandila ang pag-asa ng tunay na mahihirap na namumuhay ng animo'y alipin sa sariling bayan. Ayaw man nila ito o ginusto.
Sayang at hindi nabigyan ng pagkakataon ang iba na makinabang sa pondo ng bayan.
Sayang.

Wednesday, September 15, 2010

Pilipinismo



Gusto kong gumawa ng isang seryosong blog tungkol sa mga dahilan kung bakit ikinararangal at ipinagmamalaki ko ang pagiging isang Pilipino.

'Yun bang walang takot at walang bahid ng hiya na ipagyayabang sa kaharap ko maging sinoman siya at sabihin ng taas-noo na: Pilipino ako, ikinararangal at pinagmamalaki ko ito!

Ngunit habang iniisip ko ng malalim ang mga kadahilanan at mga sagot sa tanong kong ito lalo akong nagugulumihanan, napapaisip ng malalim at nasagot ko ang tanong ng isa ring tanong: Mayroon nga ba?

Matapos ang nakakahiya at pumalpak na negosasyon at operasyon ng pulisya sa nakaraang hostage crisis sa Quirino Granstand, ano pa bang mukha ang ihaharap natin sa ibang bansa?

Sapat na ba ang humingi tayo ng patawad sa buong mundo? at bangggitin na: "Patawad po dahil isa akong Pilipino at hindi ko ginusto ang maisilang sa Pilipinas". Hihintayin pa ba ng gobyerno na mamutawi sa karamihan ng Pilipino ang ganyang mga salita? Kunsabagay, marami-rami na rin naman sa atin ang may ganyang mentalidad subalit hindi lang nila maibulalas.



Dahil sa wala akong maisip na daglian at kongkretong dahilan para ikarangal ang pagiging Pilipino, nagsimula akong magtanong sa aking mga kakilala at kaibigan kung ano ba ang naiisip nilang dahilan para ipagmayabang sa mundo na tayo'y Pilipino. Nagbilang ako. Isa...dalawa...tatlo. Aabot yata ako ng hanggang isandaang bilang pero ang aking mga tinanong ay hindi rin kaagad makaisip ng pu-pwedeng isagot sa aking katanungan. Para bang sumabak sila sa isang napakahirap na pagsusulit ng mga taong gustong mag-doktor o mag-abogado.



Kung alam lang ng idolo nating si Dr. Jose Rizal na ganito ang kahihinatnan ng bansang Pilipinas makalipas ang mahigit isandaang-taon gugustuhin pa kaya niyang labanan ang mga kastila? Gustuhin pa kaya niyang ibuwis ang kanyang buhay para sa mga Pilipino sa ngayon? Ang mga katipunero at mga bayaning hindi nabanggit ng kasaysayan kaya ay masaya sa kinahinatnan ng kanilang ipinaglaban?



Sa mga may kababawan ang pag-iisip, babangitin nila ang mga tanyag na personalidad na Pilipino na pumailanglang at nakilala sa iba't-ibang larangan. May mga sobrang tuwa sa tuwing magkakaroon ng Fil-Am na finalist sa American Idol, may mga sobrang ligaya nang maisahimpapawid ang Finals ng Pilipinas Got Talent at nanalo ang isang Jovit Baldivino na para bang napakalaki nang naidulot na karangalan sa bansa eh halos lahat naman ng bansa ay may mahusay na singer. Ano ba ang pinagka-iba nya sa iba pang mahuhusay umawit?

Sapat na ba na miyembro si Allan Pineda ng grupong Black Eyed Peas para ipagmayabang na Pilipino tayo?

Sapat na ba na tinitilian at hinahangaan ngayon si Allan Pineda ng bandang Journey ng ibang banyaga para ikarangal ang pagiging Pinoy?

Sapat na ba napabilang si Charice Pempengco sa musikal na Glee?

Sapat na ba may pinoy na miyembro sa katauhan ni Nicole Scherzinger sa grupong Pussycat Dolls?

Sapat na ba na may dugong Pilipino ang mga Hollywood celebrity na sina: Enrique Iglesias, Rob Schneider, Dave Batista, Lou Diamond Phillips at Vanessa Hudgens?

Sapat na ba na mayroon tayong mahusay na direktor sa katauhan ni Brillante Mendoza na ang kanyang mga obra ay nagkamit ng iba't-ibang parangal?

Sapat na ba na mayroong tayong Manny Pacquiao na nagiging sanhi ng panandaliang pagkawala ng suliranin ng mga Pilipino?

Sapat na ba na palagian tayong nag-uuwi ng tropeo sa tuwing may kompetisyon sa WCOPA?

Sapat na ba mayroon tayong "world-class" na Madrigal Singers?

Sapat na ba na mayrron tayong Efren Bata Reyes o Django Bustamante? na hindi naman kinikilala kung hindi nagwawagi

Sapat na ba mayroon tayong isang Lea Salonga na nagwagi ng Tony Awards sa Amerika?

Sapat na ba may Filipino Chef ngayon sa White House?

Sapat na ba kinikilala ngayon ang pangalang Kenneth Cobunpue sa larangan ng paggawa ng muebles?

O kuntento na tayo na mayroong Monique Lhuillier ngayon sa larangan ng pananamit?

May pumapansin ba kay Efren Peñaflorida noong nagtutulak siya ng karitong library?

May mababago ba sa Pilipinas kung nanalo man si Venus Raj sa Ms. Universe? Makakatulong ba ito sa karamihan? Ito'y magiging panandaliang pantakip-butas lamang sa mga isyu at ating suliranin na mas mabaho pa sa umaalingasaw na patay na daga.

Walang nagmamahal sa mga talunan...kung sakaling ang mga katulad nila ay hindi nagtagumpay sa larangang kanilang pinasok sino ba ang magpapahalaga sa kanila?

Kung sakaling matalo o magretiro na si Pacquiao mayroon pa ba tayong maipagmamalaki? Kung malaos at tumanda na si Lea Salonga paano na tayo? Kung mamaos na ang boses nina Alan at Arnel Pineda o Charice, may papalit ba sa kanila na tatanggapin din ng madla?


Magpasalamat tayo at nagkaroon tayo ng mapayapaang rebolusyon na tinawag nating 1986 EDSA People Power Revolution nakilala at naging tanyag tayo dahil dito at may mga bansa pa ngang naging inspirasyon ito subalit ano na bang nangyari sa Pilipinas pagkatapos nito? Ang ideolohiya natin patungo sa ganap na pagbabago ay nananatiling pangarap, ang progreso at pag-unlad ay nakulong at nabitag ng mga makasariling bagong-lumang pulitiko pagkatapos ni Marcos. Ang kasaysayan ay walang pero at walang subalit pero nais kong itanong: May mababago kaya kung si Ninoy ang ating naging Pangulo? Sa aking palagay ay . . . .



Kung hindi pa sa nag-gagandahan at mga overpriced na mga beaches sa Palawan, Boracay, Cebu at iba pa baka nabaon na tayo sa limot gaya ng mga bansa sa South Africa, mayroon din naman tayong mga sadyang nilimot at hindi naaalagaan na Historical Landmarks na paandap-andap ay binibisita ng iilan, mga naglalakihang mga mall na pang-World record at dahilan ng pagkakalubog sa utang ng mga Pinoy na magastos; Subalit pwede na ba itong mga dahilan para ikarangal ang pagiging Pinoy? Sadyang mahirap talaga sagutin ang tanong na ito lalo't ang Pilipinas ay balot ng iba't ibang kontrobersiya, anomalya, puno ng katiwalian, kawalan ng disiplina, problema sa polusyon, populasyon, kahirapan, lahat na.



Kung ang batayan natin ng karangalan ay ang pagkakaroon ng mga sikat na personalidad kung ganoon ay mas maraming dahilan para ikarangal ng mga Ingles at Amerikano ang kanilang lahi dahil sa dami ng mga sikat at popular na kanilang "na-produce". Siksik, liglig at umaapaw ang mga musicians, artista, sports personalities, imbentor, scientists at iba pa na napakahuhusay sa iba't-ibang larangan.

Hindi ba pwedeng makilala ang Pilipino sa larangan ng agham, teknolohiya o siyensya? Ano na ba ang naiambag natin dito? Siguro'y maiisip mo ang Flourescent Lamp ni Agapito Flores datapwat hanggang ngayon ay hindi pa rin ito kinikilala sa mundo ng siyensya. Nakakalungkot isipin na napakarami nating mga imbentor at imbensyon na pwedeng linangin para maipagmalaki sa buong mundo subalit wala man lamang natatanggap na suporta at ayuda galing sa gobyerno kahit sino pa man ang nakaupo, napakaraming mga Pilipino na may potensyal sa larangan ng palakasan subalit ang pondong para sa kanila ay garapal na ninanakaw.



Napakasarap sanang marinig na ang mga Pinoy ay tanyag dahil sa napakagandang uri ng pamumuhay, napakahusay na pamamahala ng gobyerno, maunlad na ekonomiya, may mga imbensyon na hindi ninakaw ang ideya kunsabagay tanyag naman tayo eh sa negatibong aspekto nga lang. Sa ganang akin hindi ko ipinagmamalaki na mayroon tayong mga OFW sa iba't-ibang bansa na umaabot sa 11M sumasalamin lamang ito na ang bansang ito ay nangangailangan ng tulong at hindi nya kayang suportahan ang pangangailangan ng karamihan sa Pinoy. Kung sakaling bumaba ang bilang ng mga bagong bayani nating ito (hindi dahil sa pinalayas sila ng kanilang mga amo) at dito na sila naghahanapbuhay at kumikita ng sapat at hindi na nila kailangang magpamura sa mga Intsik, magpamaltrato sa mga Arabo, alipustahin ng Ingles, pagtawanan ng Singaporeans, maranasan ang diskriminasyon ng Amerikano; Ito ang dapat nating ipagmalaki! Hindi ang remittances ng mga kababayan nating OFW. Kung mayroon lang sanang sapat na programa at trabaho para sa kanila marami sa kanila ang hindi nanaisin na magpaalipin sa dayuhan. Sino ba ang gustong mawalay sa pamilya? Sino ba ang gustong magpayurak ng dangal sa banyaga? Sino ba ang gustong magtiis sa gutom? Sino ba ang gustong lumuha gabi-gabi?


Sa iyong paglabas ng bahay at pagpunta sa iyong trabaho;

Wala ka bang nakitang tambak ng basura? Wala ka bang nakitang jeepney driver na hindi nagbaba sa gitna ng kalsada? Wala ka bang nakitang sasakyan na hindi nag-beating the red light? Wala ka bang nakitang tricycle sa gitna ng main road? Wala ka bang nakitang pedicab, kuliglig o pribadong sasakyan na hindi nag-counterflow o naghari-harian sa daan? Wala ka bang nakitang nagkalat na pulubi sa kalye? Wala ka bang nakitang pulis na tumityempo ng makokotongan? Wala ka bang nakitang tumatawid sa ilalim ng footbridge? Wala ka bang nakitang iskwater sa gilid ng kalsada o ilalim ng tulay?

Sa iyong panonood ng TV, pakikinig sa AM radio o pagbabasa ng dyaryo;

Wala ka bang nabalitaan na nangholdap dahil sa kawalan ng hanap-buhay? Wala ka bang nabasa tungkol sa tiwaling opisyal ng pamahalaan? Wala ka bang napanood na pagmamagaling ng mga pulitiko sa isang usapin o imbestigasyon? Wala ka bang nabalitaan na pumalpak na pamamahala nang isang sangay ng gobyerno? Wala ka bang nabasa na tangkang welga ng mga empleyado o ng sinumang pribadong sektor?

Kung ang sagot mo sa lahat ng katanungang ito ay isang napakatunog na WALA, mayroon na tayong mga magandang dahilan at siguro pwede na nating sabihin na: PILIPINO AKO, KINARARANGAL AT PINAGMAMALAKI KO ITO! Subalit napakalabong mangyari ito sa ngayon at sa susunod pang sampu o dalawampung taon.


Kung gagawa ako ng mababaw na dahilan para maipagmalaki kong Pilipino ako, may naisip na ako: Eraserheads at ang mga kanta nito. Ang babaw ko no? Sabihin na nating oo pero ganito rin naman talaga ang karaniwang Pinoy: mababaw pero matatag, paladasal pero patuloy sa pagkakasala (sino bang hindi), nagmamalinis ubod naman ng dumi, palatawa kahit na may problema; sa sobrang masayahin nga ng Pinoy ay ginagawa nating katatawanan ang kahit anumang bagay gaya ng pagpapalitrato ng todo-ngiti sa bus na pinangyarihan ng hostage-taking (nakakatuwa pa ba ito?)


Ang awitin ni Noel Cabangon na "Ako'y isang mabuting Pilipino" ay may napakagandang mensahe, ang sumulat nito ay isang Optimistiko na sa kabilang negatibong imahe ng Pilipinas nakagawa siya ng isang kanta tungkol sa pagiging mabuting gawain ng Pilipino subalit ang pagiging optimisko niya ay humihiwalay sa realidad na buhay ng mga Pinoy. Sa kabilang banda, hindi naman ako pesimistiko napansin ko lang na ang lahat ng mga nakasaad sa kantang ito ay taliwas sa gawi ng Pinoy, sana hindi lang sa kanta natin marinig ang mga mabubuting Pilipino kundi sa realidad at totoong buhay.


Sadyang mahirap mahirap ang buhay pero mas mahirap yata ang maging Pilipino pero may pag-asa pa, Kailan? Yun ung ang hindi ko alam.

Thursday, August 5, 2010

THE EXODUS


The departure of the Filipinos going abroad for a job is not new and not a big news to us, Filipinos. It is not sensational as Kris Aquino's another revelation on her (un)colorful life.
An estimate of 9 to 11 million Filipinos or a huge 11% of the entire Philippine population are now in different parts of the world. And I am certain that we all have relatives or friends working or living abroad.
Doctors turned into nurses in Europe, career woman transformed into caregiver in Canada, tourists turned TNT in America, teachers being a domestic helper in Hongkong or Singapore, professionals to become factory or skilled worker in Middle East, etc.

The simple reason is money. The economic situation here is worst than you can imagine. Million college graduates has a job but without relation to their preferred education, millions has a job but working below the required minimum wage, millions are overworked but grossly underpaid and millions still looking for a job but can't find one.

We bargain our joys, we trade our happiness, we give up our vices, we disciplined ourselves and most of all, we sacrifice our families in favor of the opportunity to work abroad. Imagine the sleepless nights, the everyday boredom, the every night of tears, the frown on their faces, the fake smiles, the forced happiness, the worries of the safety of family he/she left, the fear of unfaithfulness by each other, the unending thoughts of anxiety, the endless counting of years, months and days left and the long wait of excitement over the years of our OFW.

The color of money is really bright and vivid that many of us just can't say no and some are do not have to ponder to resist just to give our family everyday food, the much needed education of the children and the hope of a bright future. Maybe sometimes or oftentimes the thoughts of working abroad crosses our mind.
As time goes on, OFW sometimes didn't even notice through the years that their children is already a grown-up man and the parent-children relationship is strange, as well as your loved ones who now has a gray hair and wrinkled faces because of the decade-long working abroad. An awkward situation that no one ever wanted to be in either places.

Overshadowing the SONA of P-Noy but not as explosive as his sister's latest brouhaha. Now, the exodus of the Filipinos going abroad is worsens again to a different level that the public servant; PAG-ASA weather forecasters and Airline Pilots are abandoning the Filipinos who needed them most and leaving behind their jobs here and worked overseas for a vertigo of higher pay. The Filipino weathermen who now serves Australians and forecasts the weather of the land down under and the true blood Pinoys maneuvering and flying foreign aircrafts. Can we blame them? Can our government even have the courage to offer high salaries to the remaining weathermen? Can the Airline management has a plan to even match the lucrative offers abroad?

The departure of these two professionals is now affecting the Filipinos, in general and the visiting tourists as well.
The PAG-ASA vintage problem of low technology equipment, lack of professional meteorology, the Service Administration's budget and employees' low salaries; adding insult to injury is the departure of the experienced and dependable forecasters. What happened now to us? Can we now call the remaining weather forecasters as fortune teller instead? Poor PAG-ASA. Poor Philippines.
The Philippine Airline industry doesn't have enough numbers of good pilots rubbing salt to the wound is the departure of the good pilots (if not best) we ever had! How can we go now to Cebu, Boracay and Maguindanao in a fastest and safest way? (A little exag here) Are we going back to the past where trains, galleons and horses are the only means of transportation? Poor Tourists. Poor Filipinos.

In a poor(est) country like Philippines nothing is unexpected, unprecedented, unusual and exceptional to this kind of decision made by our countrymen. Nothing personal. All for the sake of money. I might as well make the same decision if I were in their shoes.
What I'm afraid of if this scenario happens to continue in our dog-eat-dog world of economy is; we might don't have competent doctors to treat sick patients, the nurses might be available only in private hospitals, the teacher-student ratio might rose to 1:150, millions of Filipino children might be abandoned by both parents, untrained and inexperienced pilots might be manning the commercial airplanes, government owned & controlled offices might be in mess due to lack of proficient officials. If this happens we are going to shout: OMG! We are living in oblivion!

The growing numbers and the desire of the majority of the Filipinos to go abroad is a clear indication that we are indeed developing country 'though the remittances really helped to salvaged the dying economic condition of this country it does not tantamount that we are a competitive enough to other countries. The reliance of the government on OFW's remittances is not a good news that they want to portray. 11% of the entire Philippine population is really a huge number of people; it is twice as the whole population of the Singaporeans! And possibly may go up in millions in the next 5 years.

What is heroism if you can't feed your family?
What is pride if you are starving?
What is smile if you don't have food on your plate?
What is happiness if your children are uneducated?
What is legacy if you are living like a beggar?

It is tough to live in this country that's why to be in tiptop state of mind we have to leave this country.

Thursday, January 14, 2010

atheist - ano ito?


atheist - (noun) someone who denies the existence of god. they believe in the doctrine that there is no god or gods.

atheists groups are now growing. nakakalungkot at nakakatakot isipin na sa pagbabago ng panahon, nagbabago na rin ang pananaw at paniniwala ng mga tao. marami na ang naniniwala or should i say marami na ang hindi naniniwalang may Diyos. Sa European countries malaking porsyento ng mga tao dito ay naniniwalang walang Diyos, maging sa bansang Amerika ay nadadagdagan sila ng nadadagdagan isama mo na rin ang Asia kabilang na ang bansang pilipinas (Philippine Atheist) although hindi pa ganon kapopular ang mga atheist sa atin the bottomline is: meron at may possibility na dumami din sila. May mga pondo rin sila para sa advertisement sa bus (katulad ng nasa itaas), sa billboards, etc. hindi ko alam kung ano ang nasa isip nila kung bakit kailangang ipangalandakan pa nila na hindi sila naniniwalang may Diyos, bakit hindi na lang nila sarilihin ito? bakit kailangang kumbinsihin pa nila ang ibang tao na tularan sila?

noong nagaaral pa tayo may isang tao na naniniwala na ang tao ay nagmula sa unggoy siya ay si charles darwin at ang paniniwala niyang ito ay tinawag na theory of evolution pero hanggang sa ngayon wala pang nakapagpapatunay at nagpapatotoo sa teyoryang ito. ang mga unggoy ba sa zoo o anumang ape sa kasalukuyan ay naging tao? at sa panahong ito mas dumami na ang halos katulad ng paniniwala ni charles darwin.

ang mga atheists ay hindi masasabing mga walang edukasyon dahil sa pagkakaalam ko karamihan sa kanila ay mga educated & degree holder persons, siguro nga sa pagiging well educated nila bigla nilang narealize na wala palang Diyos! should we pity them? should we be angry on them? or just completely ignore them? sabi nga eh, huwag kang manghusga para hindi ka husgahan pero hindi ko mapigilan na i-express ang opinyon ko sa kanila.

oo nga't ang tao ay makasalanan, tayo ay makasalanan madalas nga alam na nating kasalanan eh paulit-ulit pa rin natin itong ginagawa pero sa kabila nito humihingi tayo ng kapatawaran sa pagkakasalang ito at sa iba pa nating kasalanan dahil nga naniniwala tayong may Diyos. pero sa aking pananaw, at sa mga taong lubos na naniniwalang may Diyos, wala na yatang (opinyon ko lang po ito hindi judgement) hihigit pa sa kasalanang ikaw ay walang pinaniniwalaang Diyos. anyway, sa ngayon hindi nila alam na kasalanan ito dahil nga sa wala silang pinaniniwalaang Diyos at nabubuhay ang kanilang mortal na katawan base lamang sa pang-araw-araw at pangkaraniwang takbo ng buhay.

sinasabi ng mga self-confessed atheist na sila ay hindi naniniwalang may Diyos pero hindi rin naman daw sila gumagawa ng kasamaan o evil things, na normal lang din sila katulad natin parang sa puntong ito jina-justify nila ang pagiging "godless" nila pero kahit saang anggulo ko man tingnan parang mali pa rin. tama bang i-deny mo ang existence and miracles of jesus christ? tama bang sabihin mo na prayer doesn't work? the mere fact na tayo'y nag-exist sa mundo ay isa ng patunay na may Diyos. ang simpleng pagsikat at paglubog ng araw at ng buwan ay isa ring patunay na nandyan si Lord. kailangan pa bang bumaba Siya galing sa langit at magpakita sa harap natin para lang makumbinsi ang bawat isa na may Diyos? ofcourse, choice nila yan kaya nga may kanya-kanya tayong pag-i-isip para gawin ang gusto natin, paniwalaan ang gusto natin, at pag-aralan ang anumang naisin natin. sana lang sa isang bansang kristyano at sa paglaganap ng atheism/atheist ay wala na sa ating matinag at magiba ng ating pananampalataya kay Bro. na kahit na sinner tayo ay hindi darating sa punto na ang mga kakilala, kaibigan, kamag-anak natin ay magiging atheist.

subalit muli kong sasabihin lahat tayo ay may "free will"; malaya nating magagawa ang anumang naisin at gustuhin natin at kung iyon ang kanilang kagustuhan at paniniwala, hayaan natin sila. wala tayong karapatan na sila'y husgahan as the bible says: Luke 6:37 “Judge not, and you will not be judged; condemn not, and you will not be condemned; forgive, and you will be forgiven;"

And I also pray that God forgive them for they do not know what they are doing.
Peace and Love to all of us.