* * *
"It's sad to belong to someone else when the right one comes
along".
Linya ito sa napakagandang
kantang 'Sad to Belong' ng duo ni England Dan at John Ford Coley actually sa
sobrang ganda nito gusto namin gawing itong themesong mag-asawa at halos
makalimutan namin ang madugo at masalimuot na mensahe ng kanta. Ngunit paano
nga ba kung nadiscover mong "you are sad to belong to someone else then
you realize that somebody someone should be right in your loving arms?"
(insert applause for the english thay you have read). Magulo ito.
Iiwan mo ba ang asawa mo o
magtitiis ka sa magaspang niyang ugali na late mo nang nadiscover? Paano mo
matitiis ang mga susunod pang gabi na katabi mo sa pagtulog ang isa na ngayong
estranghero sa buhay mo? Paano ka uuwi ng bahay kung hindi naman tunay na
pag-ibig ang nananahan dito at parati lang kayong nagpapakiramdaman at
nangangamba kung ano ang susunod na mangyayari?
Para lang itong kanta ni
Ogie Alcasid na 'Bakit Ngayon Ka Lang?' Isang sitwasyon kung saan nakatagpo ka
ng sa tingin mo'y isang perpektong tao para sa buhay mo sa hindi perpektong panahon at
pagkakataon. On a serious note (naks!), komplikado ito dahil marami ang taong
maapektuhan dito, marami ang ma-iinvolve na tao (konektado man o hindi sa'yo)
at siguradong ito'y pagtsi-tsimisan pag-uusapan ng mga tsismosang
kapitbahay at sa lahat ng kanto ng inyong opisinang pinapasukan at kahit sa
SUSUNOOOD! na edisyon ng The Buzz ni Boy Abunda. Sa isang taong sarado na ang
isip sa lahat ng paliwanag dahil sa malungkot, nakakabagot at parang
away-fraternity na relasyon malamang na patungo talaga ito sa hiwalayan kung
walang pagbabagong magaganap sa magkabilang panig.
Hangga't maaari, hangga't
pwede pang isalba mas maganda sana, mas gusto ng mga anak na mayroon silang
buong pamilya kaysa broken family. Mas higit na lungkot ang mararamdaman ng mga
bata pagdating ng araw kaysa sa mga magulang na naghiwalay dahil lang sa wrong
send na text message tawag ng laman. Ngunit bakit nga ba may mga taong biglang nagtransform
ang ugali mula sa pagiging malambing papunta sa pagiging masungit, mula sa
pagiging masiyahin patungo sa pagiging bugnotin, mula sa pagiging palakwento
pero ngayo'y halos hindi mo na makausap ng matino?
Ano ba ang nagtrigger para
maging ganoon siya? Baka naman ang lahat ng kanyang pagbabago'y nanggaling din
sa'yo? Baka natuklasan niyang lumalandi ka lang sa iba at ginagawa mo lang
dahilan ang pagbabago ng attitude niya. Baka kaya nabawasan ang pagmamahal mo
sa kanya dahil may kinakalantare kang iba o kaya naman ay na-taken for granted
mo lang ang lahat ng mga naging sakripisyo at pagmamahal niya sa'yo. Kung mahal
mo ang isang tao hindi mo hahanapin ang kamalian at kapintasan nito pero kung
may naii-spotan ka na, na perpekto (weh, 'di nga?) para sa'yo at sa ugali mo
kahit kaunting kamalian lang ng kapartner mo gagawin mong big deal.
* * *
At pagkatapos nang
balitaktakan at matinding sumbatang inyong binitawan sa isa't isa, marami ang
magtatanong: "Where do broken hearts
go?" Saan nga ba? Mayroon ba silang regular assembly meeting every
month tulad nang mga sa higanteng negosyo o korporasyon? Kung sakaling
kakandidato silang party list representative na nire-represent ang mga
marginalized sector ng mga bigo sa pag-ibig, mananalo kaya sila? Maaari siguro,
pero paano sila makikipagdebate sa
Congress kung basag ang kanilang puso at lito ang kanilang diwa.
Kung party list rin lang ang
pag-uusapan higit na may karapatan din ang mga mistress o mas kilala sa tawag
na "kabit" sa Kongreso. Sa dumadaming bilang nila sa ngayon malaki
ang tsansa nilang manalo, hindi na rin kailangang hanapan pa ng ipapangalan sa
grupo nila dahil mas madali ang recall ng "THIRD PARTY" na pangalan,
akmang-akma, swak na swak! Sa tumi-trending na bilang ng matatapang na kabit sa
Pilipinas napakaganda sigurong senaryo sa Kongreso na ipinagsisigawan at
ipinaglalaban ang umano'y kanilang karapatan. Teka, ano nga ba kung sakali ang
kanilang karapatan? Ano-ano kaya ang mga posibleng ihahain nilang mga panukalang-batas? Siguro'y
ang mga ito:
1. Ang makapiling ang
kanilang kalaguyo isang araw matapos ang isang mahalagang okasyon; i.e.
December 26, January 2, February 15, May 2, June 13, the day after the birthday
of the husband, etc. (dahil ang mismong araw ng okasyon ay dapat nasa legal na
pamilya siya).
2. Dahil third party nga
sila pwede rin nilang ipaglaban at isabatas na at least third part o 1/3 na
sweldo ng kanilang karelasyon ay otomatikong mapupunta sa kanila, ganundin ang
ikatlong bahagi ng lahat ng property ng lalaki just in case na madedo ito.
3. Kung ang tawag sa mga
legal na asawa ay "may bahay" dapat mayroon din silang titulo at
pwede silang tawaging "may condo" o "may apartment" ibig
sabihin dapat meron din silang tirahan na pinrovide ng kanilang kalaguyo. Hindi
'yung kung saan-saan lang sila nagniniig at nagpaparaos ng kanilang init. Ang
kondisyon: Kung ang lalaki ay walang matinong trabaho o palamunin lang din ng
kanyang asawa dapat wala siyang karapatang mangabit dahil hindi niya kakayanin
ang monthly amortization ng Avida Towers o ang diyes mil na bayad na buwanang
upa sa isang medyo matinong Apartment.
4. Isalegal ang diborsiyo.
Para mabigyan naman sila ng pagkakataon kung paaano maging legal wife. Pero
kung sila'y ligal nang napakasalan at hindi na sila officialy 'kabit' na
matatawag dapat ay magresign na sila sa Congress for delicadeza. Ang kapal
naman ng pagmumukha nila hindi na nga sila representative ng Third Party,
congressman pa rin sila nito, si Mikey Arroyo lang ang may karapatan na maging
representative ng mga gwardiya at pedicab driver - wala nang iba.
5. Sigurado tatangkain din
nilang i-abolish ang lahat ng batas na may kinalaman sa pangangaliwa tulad ng
concubinage, adultery, etc. para safe sila at para din sa pantay-pantay na
karapatan ng lahat ng kababaihan (pero tiyak kalaban nila dito ang Simbahang
Katoliko).
Ayos! Mabuhay ang Third Party! Ang party na dalawang
tao lang ang imbitado at masaya. Ang party na ayaw ng mga legal na asawa.
* * *
Hindi na lingid sa atin na garapal na sa panahong ito ang hiwalayan, ang pangangalunya
at kataksilan. Bakit kaya? Dahil kaya nawala na ang 'spark' ng kanilang tinatawag na 'magic'? O
mas gusto nilang ibang magician naman ang gumagawa nito sa kanya ? Dahil
nagsasawa na ba siya sa paulit-ulit na tricks na kanyang nakikita? O dahil
accepted na ng mga tao ang ganitong kalagayan at kahit tayo ay kinukunsinti
ito? Pangkaraniwang kwento na lang kasi ito sa ating kapaligiran, sa showbiz, sa teleserye, sa ating iilang pelikula, sa ating kapitbahay at sa
ating kaopisina at tayo naman nae-excite pa sa tuwing makakarinig ng mga ganitong balita.
I think therefore that love is not just a magic it is also an illusion
done by the illusionist who's only purpose is to deceive your eye.
walastik ka idol! natumbok mo lahat ng point! clap clap kapanalig!
ReplyDeletesalamat sa pagbisita Sir Amphie! nangamba naman ako bigla sa "idol" na binitiwan mo. paano kung hindi ko magampanan 0 hindi mo magustuhan ang mga susunod kong isusulat eh 'di mistulang panis ako nun. Anyways, salamat ulit.
Delete