Love. Para itong magic na everytime na nai-experience mo ay magkakaroon
ka ng kakaibang feeling of amazement and excitement na bawat susunod na
mangyayari ay iyong aabangan at posible mong hangaan; parang magic na kahit na
alam mong hindi totoo ang iyong nakikita
ay nag-ienjoy ka pa rin; parang magic na nabibighani ka at kinukuhang pilit ang
iyong atensyon. Katulad ng magic punong-puno ito ng sorpresa at misteryo. Ito
rin marahil ang dahilan kung bakit maraming lovesongs ang inspired ng salitang
"magic" gaya ng 'Got to believe in Magic', 'Suddenly, it's magic', 'You can do
magic' at sangkatutak pang iba.
Love. Isang makapangyarihang pwersa na magtutulak sa isang tao na
gumawa ng mga bagay na hindi niya pangkaraniwang ginagawa. Handa kang pumatay,
mamatay o maging alipin nito, pwede kang gawing maging matino mawala sa
katinuan o maging makasarili maipaglaban mo lang ito, pwede kang sumaya,
lumungkot, matuwa, maiyak, matakot, mag-alala at magkaroon ng iba't ibang
emosyon dahil dito, maari kang baguhin nito sa isang iglap kung sinaniban ka ng
kapangyarihan nito. Daig pa nito ang anumang superpowers na taglay ng sinumang
superhero.
And speaking of
superpowers, I have learned that 'though you have a superpowers within you it's not quite enough to be called a real superhero (wow, english agad ang banat!).
Bakit? Kailangan mo muna kasing tulungan ang mga taong inaapi, patunayan sa
buong mundo na karapat-dapat ka talagang maging superhero at parang
naging obligasyon mo nang ipagtanggol ang mundo laban sa lahat ng uri ng
kasamaan. Kaakibat na rin nito ang malaking responsibilidad at bigat ng
commitment na maging matino, magtaglay ng flawless na ugali (pwera na lang kung
ikaw si Ironman) dahil sa sandaling magkaroon ka ng kahit na isang maliit na
pagkakamali lang lahat ng nagawa mo noong tumutulong ka ay biglang makakalimutan.
Parang wala kang puwang sa anumang kasalanan dahil ang tingin sa'yo ng maraming
tao lalo't ang mga bata ay isang god/goddess at tila responsibildad mo na ang
tumulong sa lahat ng oras at hindi lang nang isang beses kundi ng forever.
At dahil sa salitang Forever
na 'yan parang ayaw ko nang maging "superhero" (pero kung tutuusin
hindi mo naman talaga kailangang maging superhero para makatulong, 'di ba?).
Iniiisip ko pa lang ang bigat ng commitment at malaking responsibilidad na
nakaatang para gampanan ito ay parang napapagod na ako. Paano kung hindi ko
matupad ito? Paano kung magsawa ako?
Paano kung gusto ko nang maggive-up at gusto kong gawin ang mga bagay na
walang kaugnayan sa pagiging "superhero"? Paano na lang ang mga
umaasa at nasasanay sa iyong kapangyarihan mawawalan na rin ba sila ng pag-asa?
Negatibo ang epekto nito kung maraming tao ang naging dependent sa ipinangako
mong "forever".
Parang pag-ibig at
pagmamahal lang 'yan eh (nai-segue din) mas dapat siguro walang promises,
walang commitment, walang forever, basta gawin mo lang ang the best mo at lahat
ng iyong makakaya para sa ikasasaya ng inyong pagsasama. Sabi nga sa kasabihang
ingles: "Don't keep promises that
you can't keep". Akala ko dati sa script ng Hollywood movies lang ito
applicable pero totoo pala ito, hindi pala madali ang tumupad sa pangako dahil
walang tigil ang pagbabago. Pagbabago sa pisikal, sa sikilohikal at sa mismong
nararamdaman na dulot ng pagcha-chat environment at ng mga taong
dumadating sa ating buhay. Uulitin ko, basta gawin mo lang ang lahat ng
makakaya mo; walang pangako walang palabok. At kung hindi mag-work? Walang
sumbatan. Walang magsasabi nang: "Tangna ka pagkatapos ng mga sakripisyo
ko sa'yo eto pa ang gagawin mo sa'kin!" O kaya naman: "Binigay
ko naman ang lahat ng gusto mo tapos iiwan mo lang pala akong hayop ka! Pu7@#61#@8/4@! Mabuti pa
magsama-sama na tayo sa IMPYERNO!" Sabay baril sa asawa/nobya
sunod ay ang sariling sentido (parang eksena sa teleserye na adultery ang
tema).
* * *
"It's not you, it's me!"
Ito ang klasikong linyang parating
sinasabi kung nais ng isang taong makipahiwalay sa kanyang kasintahan (jologs!)
at kung minsan sa mismong asawa nito. Bakit ba naman hindi eh ito lang yata ang
salitang pwedeng makapagpabawas ng kahit na kaunti sa masakit na salitang iyong
bibitiwan, mga salitang makapagbabagong bigla ng inyong mundo at desisyong
parang punyal na itatarak mo sa laman ng iyong sasabihan (pangkontes na banat).
Pero ganunpaman ika nga sa kanta, there's
no easy way to break somebody's heart kahit na ano pang dahilan at katwiran
mo kung ang purpose mo naman ay basagin at durugin ang pusong nasanay sa iyong
"wagas" na pagmamahal masasaktan at masasaktan pa rin ito.
Kung there's no easy way to break somebody's heart bakit kailangan pa
nating magpaka-ipokrito o magkunwari at sabihing it's not you it's me bakit hindi na lang sabihin nang harapan sa
kanya na ayaw mo na ang karakas ng pagmumukha niya o kung hindi mo naman kaya
dahil mayroon pang kaunting konsiyensiyang natitira sa puso mong bato gayahin
mo na lang ang istilo ni Paolo Contis nang siya'y makipahiwalay kay dating EB
Babe Lian, bigla na lang itong hindi umuwi sa kanyang kinakasama (very creative
'di ba?). Pwede ring itext mo na lang at sabihin sa kanya na ayaw mo na dahil
hindi ka na nag-eenjoy sa inyong mga pulot-gata at ginagawa mo lang ang mga
iyon dahil kailangang mailabas mo ang init ng iyong naglalagablab na katawan o
kahit walang kongkretong dahilan basta lang nagising ka nang isang umaga na
hindi mo na siya gusto at wala ka ng libog love (sus!) na nararamdaman
sa kanya katulad nang ginawa ni Ariel Villasanta (sino 'yun?) sa kanyang
asawang negosyante na si Cristina Decena (sino rin siya?).
Nakakainis lang kung
iisipin, dahil pagkatapos ng masasaya at malalanding sandali nang kayo'y
magkasama bigla na lang ayaw mo na at parang diring-diri ka kung maaalala mo
ang mga pagniniig sa gabing pinuno ninyo ng maiingay na romansa. Bakit sa isang
iglap nagsisisi ka na nakilala siya? At nagwiwish-wish ka pa at kinakanta ang
theme song ng Kahit Puso'y Masugatan, na 'Sayang' ready, sing...: "Sana'y
maaring ibalik ang kahapon at doo'y magisnan na ang pag-ibig mo, sa dalangin ay
hinihiling kong lumakad sanang pabalik ang panahon..."
Kung tutuosin hindi naman
talaga dapat na pagsisihan ang LAHAT ng nangyari sa iyong buhay dahil at some
point nag-enjoy at sumaya ka naman dito pero nang nakatagpo ka ng mas
maganda/gwapo o ng mas maharot masaya kausap o nang muli mong maka-meet
ang dati mong kaeskwela dahil sa letseng reunion-reunion na'yan muling umalab
ang naudlot na pag-iibigan ninyo noon, o nang may nakatagpo kang ligaw na
kaluluwa na umano'y ulila sa pagmamahal at romansa bigla na lang hindi mo na
mahal ang partner mo, ano 'yan laro lang?!? Paano kung makatagpo ka ulit ng mas
bago, mas bata at mas nakakaaliw kausap eh di iiwan mo ulit yung kinahumalingan
mo? Para kang isang kumpol ng Trapo na may paulit-ulit na pangako sa maganda at
mabuting Pilipinas.
No comments:
Post a Comment