Ang Tunay na Pag-ibig.
Marami na ang nagtangka,
nagpaliwanag at nagbahagi ng kani-kanilang istorya tungkol sa tunay na
pag-ibig. Marami ang nag-akala, naghanap, naghahanap at nakahanap ng tunay nilang
pag-ibig ngunit paano ba natin malalaman ang tunay na pag-ibig? Paano natin
malalaman kung ang iyong nararamdaman ay tunay ngang pag-ibig at hindi
paghanga, pagnanasa o bugso lang ng isang kagandahan/kagwapuhan o pisikal na
atraksyon lang?
Lahat tayo ay nagmamahal at
nais na mahalin, lahat tayo ay nasasaktan at may kakayahang manakit, minsan sa
ating buhay lahat tayo ay nabigo ngunit minsan naman'y tayo ang dahilan ng
isang pagkabigo. Bakit kahit gaano mo kamahal ang isang tao darating ang isang
panahon na kayo'y hindi magkakasundo? Bakit kahit gaano mo kamahal ang isang
tao ay mapahanga at mabibighani ka sa iba? Bakit minsan ay hindi sumasapat ang
pag-ibig para mapanatiling walang alitan ang isang samahan? Bakit minsan kahit
alam mong may pagmamahal ka may pagkakataong PARANG nabo-bored ka o nananawa
ka? Hindi man mismo sa kanya o kanyang presensiya kundi sa sitwasyong parang
paulit-ulit.
Walang pagsidlan ang
kasiyahan ng taong nagmamahal at minamahal; wala kang pakialam sa oras at sa
mga taong nasa paligid mo dahil ang importante para sa iyo ay ang samantalahin
ang pagkakataon na kayo'y magkasama. Lahat ay kaya mong suwayin, lahat ay kaya
mong tiisin dahil lahat ng para sa iyo ay kaligayahan sa tuwing siya'y iyong
kasama. Ang pakiramdam na parang gusto mong pigilan ang pagtakbo ng oras, parang
hindi ka dalawin ng antok sa tuwing siya'y iyong kausap, parang mabubusog ka sa
kahit na anong ihain sa iyong harapan at ang pananabik na siya'y muling makita
kahit na ilang oras pa lang kayong nagkakawalay at kaya mong baguhin ang buo
mong pagkatao para sa kanya. Ang lahat ng bagay ay puno ng pangarap, kasiyahan
at kaliwanagan. Ngunit sa sandaling kayo ay subukin ng tadhana at may ulap na
nang pag-aalanlingan ang iyong kaisipan dito natin malalaman, masusubukan at
masusukat ang tunay na pag-ibig.
* * *
Sabi, kung ikaw ay nagmahal
at minamahal binigyan mo raw ng karapatan ang taong ito na ikaw ay saktan.
Isang kakatwa na kung sino ang labis mong mahal siya rin ay may kakayahan na
labis kang saktan, kung sino ang iyong pinagkukunan ng lakas siya rin ang
magiging dahilan ng iyong kahinaan, kung sino ang kasama mo sa pagbuo ng
pangarap siya rin ang may kakayahang paguhuin ito anumang oras.
Hindi ba talaga natin ito
maiiwasan?
Hindi ba sasapat ang inyong
pagmamahalan para mapigilan ito?
Madalas tayong dayain ng
ating mga mata, takaw-tingin ika nga; sinasabi nating "mahal kita"
pero sa tuwing may nakikita tayong mas maganda/gwapo nabibighani naman tayo
dito. Ipinapangako natin ang samahang walang iwanan sa hirap o ginhawa ngunit
paano kung magkasakit at mawalan ng trabaho ang iyong asawa hindi ka ba
tatabangan sa inyong pagsasama? Sinasabi nating "mahal kita" pero
kung matuklasan mong hindi siya pwedeng magkaanak hindi ba papasok sa isip mo
ang magkaanak sa iba? Handa kang talikdan ang iyong pamilya para sa kanya pero
paano kung wala na kayong makain hindi ka ba manunumbat o makakaramdam ng
labis-labis na pagsisisi?
Hanggang saan natin kayang
ipaglaban ang ating pag-ibig?
Kailangan ba nating tikman
ang pagkakamali para malaman natin kung sino ang tunay nating mahal?
* * *
MAHAL KITA. Isang maiksing pangungusap na maaring makapagpabago nang matagal o habangbuhay sa iyong buhay. Napakadaling sabihin nito lalo't sa mga taong may kaaya-ayang atraksyong pisikal ngunit paano kung dumating ang panahong hindi na siya maganda/gwapo? O natuklasan mong marami sa ugali niya ang hindi mo gusto? O mayroon siyang madilim at nakakahiyang nakaraan? O ang mga kaanak/pamilya niya ay hindi mo makasundo ang pag-uugali? O nawalan siya ng trabaho at mistula na siyang inutil sa paningin mo at ng maraming tao? O siya'y mangalunya sa higit na mas kaakit-akit kaysa sa iyo? O magkasakit siya ng malala at isa na siyang alagain at pabigat sa iyo at sa iyong pamilya? Kaya mo pa rin bang banggitin ang salitang Mahal Kita? O magdadalawang-isip ka na dahil marami nang negatibong dahilang sagabal upang ito'y sambitin?
Ang katagang "Mahal
Kita" ay hindi parang isang gift certificate na transferable, kung
magsasabi ka ng Mahal Kita siguraduhin mong pag-ibig ang iyong nadarama. Ito ay
sagrado na hindi dapat basta-basta binibigkas sa kung kanino lang kung ang
layunin mo lang ay paglaruan ang damdamin ng iba at masatisfy ang iyong
pagnanasa. Nakakalungkot lang na patuloy itong inaabuso ng lahat ng uri ng tao;
kabataan o may edad, mayaman o dukha, may pina-aralan o mangmang. 'Pag sinabing
mong Mahal Kita siguraduhin mong may pagmamahal ka talagang nararamdaman dahil
ang pag-ibig ay hindi natatapos sa dalawang salita na ito, habangbuhay itong
commitment na iyong pangangatawanan sa kanya at sa mabubuo mong pamilya (kung
kayo'y magkakatuluyan).
* * *
MAHAL KITA walang pero,
walang subalit, walang pangako.
Walang pero. Dahil ang
pag-ibig ay hindi lumilingon sa nakaraan. Kung mahal mo ang isang tao hindi ka
nanghuhusga base sa kanyang kahapon, kaya mo siyang tanggapin kung ano siya at
ang kanyang pagkatao, kasama ng kanyang nakaraan at lahat ng kanyang kamalian.
Kaya mo siyang ipaglaban sa kahit kaninong kaharap mo at ikaw ang unang-unang magtatanggol
sa kanya sa oras na may mangyurak sa kanyang kapurian. Lahat ay may karapatang
magbago ‘wag tayong maging mapanghusga dahil lang sa isang madilim na kahapon
at maling desisyon dahil ang tunay na pag-ibig ay hindi mapanghusga at malawak
ang pang-unawa.
Walang subalit. Dahil ang
pag-ibig ay hindi humahanap ng alibi. Kung mahal mo ang isang tao hindi ka
dapat nagdadahilan kung nais mong sabihin ang nararamdaman mong ito kahit na
ang posibleng katumbas nito'y pagkabigo o kasawian, kahit alangan ang sitwasyon
mo o hindi pantay ang inyong estado at kalagayan sa buhay, kahit na tutol sa
iyo ang kanyang pamilya. Sa aking pananaw, ang pagsasabi ng “Mahal Kita” ay
hindi kahulugan na dapat ay gantihan ka rin ng pagmamahal sa taong sinabihan mo
nito dahil ang tunay na pag-ibig ay marunong magparaya at magpakumbaba.
Walang pangako. Dahil lahat
tayo ay may kakayahan at kapasidad na basagin ang isang pangako anumang oras,
anumang pagkakataon. Huwag mong ipangako ang bituin kung hindi mo kayang
abutin, gawin mo lang ang obligasyon mo at mahalin siya ng taos sa puso mo
tiyak maiintindihan ka ng mahal mo. Huwag mong ipangako ang kayamanan dahil
baka mabigo kang ibigay ito, sapat nang magsikap ka at gawing inspirasyon ang
kanyang pag-ibig sa'yo, mabigo ka man naipakita mong nagsikap ka at naging
karapat-dapat ka sa kanyang pagmamahal. Hindi natin kailangang makarinig ng pangako
o magbitaw ng isang pangako dahil kung tunay ang pag-ibig na inyong
nararamdaman, ang inyong pagmamahalan ang inyong magiging matibay na sandigan
at tiyak na kayo’y magsasama nang higit pa sa inyong inaasahan.
* * *
Ang pag-ibig ay, hindi usapin
kung gaano kayo katagal magkakilala, o gaano kayo kalayo sa isa't isa, hindi
ito ito usapin kung gaano kayo katagal muling magkikita dahil ang tunay na
pag-ibig ay marunong maghintay, may pagtitiwala at marunong magtiis para sa
isang magandang bukas.
Ang pag-ibig ay hindi
paghahanap ng perpektong tao para sa iyo kundi ang pagtanggap niyo sa isa’t isa
ng inyong kapintasan.
Kung ang pag-ibig mo ay
magreresulta sa isang magulo at komplikadong sitwasyon na maaring makasira ng
isang napakagandang samahan o pagwasak ng isang relasyon o pamilya mas
makabubuting hindi na ito isiwalat dahil ang tunay na pag-ibig ay nakakaunawa
at hindi makasarili. Ang kanyang kasiyahan ay kasiyahan mo na rin.
Maaring malupit ang mundo,
ang taong mahal mo ay may mahal na iba habang ikaw ay nangangarap lang na
balang araw na siya ay mapasaiyo, maaring ang taong mahal mo ay basura para sa
iba ngunit kayamanan kung ito'y iyong ituring na higit pa sa luha ang gusto
mong i-offer sa tuwing nakikita mo siyang nasasaktan at umiiyak. Ngunit hindi
lahat ng gusto natin ay mangyayari, hindi sa lahat ng panahon ay sasang-ayon sa
atin ang pagkakataon na kahit anong pagpupursigi mo ay hindi pa rin papabor sa
iyo ang resulta. Ngunit kailangan mong gawin ito dahil ang tunay na pag-ibig ay
hindi sisira ng buhay at pamilya at ang tunay na pag-ibig ay matapang na
hinaharap ang kanyang kapalaran.
* * *
Hanggang saan ang kaya mong
ibigay para sa pag-ibig?
Hanggang saan ang kaya mong
tiisin para sa pag-ibig?
Hanggang saan ang iyong
pagpapakumbaba para sa pag-ibig?
Ilang pagsubok ang kaya mong
lampasan para sa pag-ibig?
Ilang tukso ang kaya mong
talikuran para sa pag-ibig?
Ilang pagpapatawad ang kaya
mong ipataw para sa pag-ibig?
Ang pag-ibig ay pagtitiis
ngunit hindi katumbas nito na ikaw ay magpakabayani at patuloy na mahalin ang
taong iresponsable, walang pagpupursigi at walang pagsisikap upang mapaunlad
ang inyong samahan at pamilya.
Ang pag-ibig ay
pagpapakumbaba ngunit hindi ibig ipakahulugan nito na ikaw ay habangbuhay na
magpapa-alila at magbibigay sa lahat ng kanyang kagustuhan dahil kung tunay ang
kanyang pag-ibig sa iyo dapat marunong din siyang magpakumbaba at umunawa dahil
dapat ang pagmamahalan ay para sa DALAWA hindi sa isa lang.
Ang tunay na pag-ibig ay
nagpapatawad ngunit hindi ibig sabihin nito na patuloy kang magpatawad para sa
paulit-ulit na kasalanan. Ang paghingi ng tawad ay may kaakibat na pagsisisi at
pagtanggap sa kamaliang nagawa at pangakong hindi na ulit ito mangyayari ngunit
kung ilang beses nang inulit ang parehong pagkakasala parang kalokohan na lang
ang pagpapatawad. 'Wag matakot at mabahala dahil may ibang taong mas karapat-dapat
sa iyong pagmamahal.
Ang tunay na pag-ibig ay
hindi sinusukat sa panahong kayo ay bata pa at maganda, hindi sa panahong kayo
ay labis na masaya at masagana, hindi sa panahong pareho pang makinis ang
inyong balat, hindi sa panahong masasarap pa ang inyong pagniniig sa gabi,
hindi sa panahong wala ang mapanghalinang tukso at lalong hindi sa panahong
wala kayong karamdaman at problema.
Dahil ang tunay na pag-ibig
hindi lang puro sarap at kasiyahan kundi kasama rito ang hirap at kalungkutan.
Ang tunay na pag-ibig hindi
nagugupo ng pagsubok, hindi pinagbabago ng panahon.
Pagkatapos basahin ang akda ngayon ko nalaman ang mas malalim na kahulugan ng "tunay na pag-big", isang kataga na inakala ko noon na may sarili ng kahulugan ngunit hindi pala...salamat sa pagpapaliwanag.
ReplyDeleteang pag ibig talaga ay isang malaking misteryo
ReplyDeleteang pag ibig ay tunay na isang malaking misteryo, misteryong Diyos lamang ang nakaka alam
ReplyDeleteyep tama ka kaibigan napaka hirap unawain
Delete..kung maibabalik ko lang ang kahapon..sana masaya kami
DeleteMAHAl KIA. walng subalit. walang pero.
Delete..tama..at para sa akin ito ay isang malaking sugal..maraming beses kang pwedeng masaktan at matalo pero wag kang sumuko hanggang sa matagpuan mo ang tamang tao para sa iyo
ReplyDeletetma sana pag ready n ako mag asawa maging kasing swerte mo ako ate hehe =)
Deleteang sarap mainlove hehe
Deletemore blessings sa marriage nyo ank
Deletesana ako din ay maka tagpo ng taong masasabi kong akin at akin lamang
Deletemasarap magmahal pero napakasakit din naman kapag naiiwan..
DeleteGanyan tlaga pag nagmamahal. . give and take. . Pag sinabing MAHAL kita dapat walang hinhintay na kapalit. . :). . More blessings to come. :)
Deleteantay antay lang wag mong madaliin ang pag ibig
Deletepanu kpag uugod ugod n?
Deletego lang ng go..parang globe lang e hahaha
DeleteLahat ng bagay kayang gawin ng tao para sa pag ibig.. At wala kahit sino sa atin ang pwede humusga sa kanila o sa pamamaraan nila..
Deletewow pagka sweet naman..pero hindi lahat nakaka tagpo ang taong pinaka karapat dapat sa kanila
ReplyDeletesaludo ako sa love story nyo..
DeletePwede ko ba itong magamit para sa aking pagtatalumpati? Kung oo, maari ba akong makahingi ng kopya? Salamat!
ReplyDeletepwede kang mag-email dito: limarx214@yahoo.com.ph
Deletesalamat sa pagbasa at pag-iwan ng komento. :)
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteWow! very well said po. :)
ReplyDelete..baka mabigyan nyo din po ako nang payo dko napo alam gagawin ko,,anu po ba dapatkong gawin..mag2months na pp kameng break ng dati kong kalive in wala pang isang buwan naghihiwalay kame nun nang malaman kong nakipagbalikan sya sa ex nyang tomboy masakit pero bakit ganun umaasa pa rin po akong babalik kame sa isat isa tama po kase hinala ko sa kanya nun na may anu pa cla ng ex nyang tomboy pero dkopo maintindihan nararamdaman ko oo nanliliit kase ipinagpalit nyakp sa isang tomboy na ex nya pero inaasam ko pa rin pong magkakabalikan kame pero parang may nagtutulak sa ego ko na wag na kase tomboy na kalive in nya dkopo maintindhan sarili...nagtatalo po ang puso ko at ego..nasasaktan ak na nagagalit..
ReplyDeleteang tunay na pag ibig ay walang iwanan..
ReplyDeletepwede ko bang gamitin ito para sa aking talumpati?..
ReplyDeletesana pwede...
Pinakamasakit.. Kung subrang mahal mo siya. kaso mahal naman niya ay iba..pag nag mmsg ka baliwala lang sa kanya.. Pag nag chat ka ang sasagot boyfriend niya.. Faetz.
ReplyDeleteDi mo naman kayang umiskapo nalang..suko na utak mo. Umasa naman puso mo.Patay tayo jan mga pre.. Sakit nun.. Haha..
Thanks for sharing this wonderful information . Click for 30 seconds whatsapp status video download .
ReplyDeleteIndian Army Status Video Download
Tamil Whatsapp Status Video Download
nag email po ako sa inyo, tungkol sa sanaysay at talumpati. Salamat po.
ReplyDeletereklamy google https://agencja-adwords.premiumkalisz.eu/ kampanie google adwords kampania adwords
ReplyDeletemultiselect policja testy do policji 2022 test multiselect
ReplyDeletemultiselect multiselect pytania 2022 przykładowe testy psychologiczne do policji 2022
ReplyDeletetest do policji online multiselect policja multiselect
ReplyDeletepsycholog po polsku berlin cennik polscy psycholodzy w berlinie psychoterapeuta berlin
ReplyDeletepsychoterapeuta berlin cennik polscy psycholodzy w berlinie psycholog po polsku berlin 2022
ReplyDeleteprojektowanie ogrodu łódź zakładanie ogrodów łódź 2022 zakładanie ogrodów łódź
ReplyDeletezakładanie ogrodów łódź opinie usługi ogrodnicze łódź cennik firma ogrodnicza łódź 2022
ReplyDeleteagencja google ads https://agencja-adwords.premiumkalisz.eu/ kampanie adwords agencja adwords
ReplyDeletepastillas para agrandar el pené peru arequipa para agrandar el miembro productos para agrandar el miembro masculino mexico , crema para agrandar el pené en colombia , como agrandar el pené de forma natural gratis video
ReplyDeletecomment agrandir image sur gimp methode naturelle pour grossir sa poitrine comment agrandir une image de profil facebook , comment prendre du poids rapidement pour homme
ReplyDeletecomment faire grossir les poitrines naturellement comment agrandir une photo sur ordinateur comment bien bander avant un rapport , comment avoir un grand zizi sans pilule
ReplyDeletetabletki na powiekszenie członka skutki uboczne powiększanie penisa https ://new-xxlenlargement24.eu/ czy tabletki na powiększenie członka działają
ReplyDeletepreparaty na powiększanie penisa lek na powiększenie członka https://instant-enlargement.info/ jak zwiększyć długość członka
ReplyDeleteranking tabletek na powiększenie członka jak powiękrzyć penisa http://swift-enlargement.info/ jak skutecznie powiększyć członka forum
ReplyDeletenaturalne powiekszenie penisa jak powiększyć sobie penisa https://enlargement-classification.eu/ tabletki na penisa
ReplyDeleteتمارين تطويل القضيب كيفيه تطويل القضيب http://new-xxlenlargement24.eu/ar/ علاج تطويل الذكر كيفية تكبير الذكر
ReplyDeletepowiekszenie peniasa tabletki na powiekszenie członka https ://instant-enlargement.info/ powiekszanie penisa opinie
ReplyDeleteتمارين تكبير القضيب تكبير الذكر بالصور طرق تكبير القضيب كيف تكبير القضيب
ReplyDeletepenisvergrösserung penis grösser
ReplyDeletepenisverlaengerung penisverlängerung
ReplyDeletewie kann man den pennis vergrößern längeren penis bekommen
ReplyDeletepolicja testy 2022 test do policji online 2022 testy psychologiczne policja 2022
ReplyDeletemultiselect policja 2022 multiselect policyjny multiselect policja 2022
ReplyDeleteagencja adwords https://agencja-adwords.premiumkalisz.eu/ google ads co to adwords agencje
ReplyDeletepsycholog w berlinie 2022 psycholog berlin cennik polscy psycholodzy w berlinie cennik
ReplyDeleteAntalya
ReplyDeleteTrabzon
Niğde
Maraş
Antep
R1JDQ
ankara parça eşya taşıma
ReplyDeletetakipçi satın al
antalya rent a car
antalya rent a car
ankara parça eşya taşıma
KPPP
5C0E4
ReplyDeleteŞırnak Parça Eşya Taşıma
Sivas Şehirler Arası Nakliyat
AAX Güvenilir mi
Ankara Evden Eve Nakliyat
Osmaniye Evden Eve Nakliyat
Ankara Boya Ustası
Isparta Parça Eşya Taşıma
Çerkezköy Oto Boya
Pursaklar Parke Ustası
09E89
ReplyDeletegiresun görüntülü sohbet kızlarla
bartın canlı sohbet sitesi
bursa bedava sohbet
telefonda görüntülü sohbet
en iyi rastgele görüntülü sohbet
kilis mobil sohbet bedava
bedava sohbet uygulamaları
karabük canlı ücretsiz sohbet
telefonda kadınlarla sohbet
1D944
ReplyDeleteTelegram Görüntüleme Satın Al
Likee App Takipçi Satın Al
Shinja Coin Hangi Borsada
Fuckelon Coin Hangi Borsada
Tiktok İzlenme Satın Al
Flare Coin Hangi Borsada
Kripto Para Kazma
Periscope Beğeni Hilesi
Twitter Retweet Hilesi
B85F1
ReplyDeleteCoin Kazanma Siteleri
Görüntülü Sohbet
Referans Kimliği Nedir
Periscope Takipçi Hilesi
Yeni Çıkan Coin Nasıl Alınır
Threads Takipçi Satın Al
Spotify Dinlenme Satın Al
Görüntülü Sohbet Parasız
Twitter Retweet Satın Al
9618F
ReplyDeleteCoin Madenciliği Nedir
Threads İzlenme Hilesi
Binance Referans Kodu
Btcturk Borsası Güvenilir mi
Trovo Takipçi Satın Al
Area Coin Hangi Borsada
Bitcoin Giriş Nasıl Yapılır
Paribu Borsası Güvenilir mi
Görüntülü Sohbet
F8494
ReplyDeleteAnc Coin Hangi Borsada
Kripto Para Nedir
Clysterum Coin Hangi Borsada
Dlive Takipçi Hilesi
Binance Kimin
Kripto Para Kazma Siteleri
Kwai Takipçi Satın Al
Bitcoin Kazanma
Bitcoin Kazma
5A3D8D9426
ReplyDeletewhatsapp sanal şov