PAALALA: ANG SUSUNOD NA INYONG MABABASA AY HINDI
KATHANG-ISIP LANG.
Social climber
- (sociology) a person who seeks
advancement to a higher social class, esp. by obsequious behaviour, sometimes
shortened to climber.
- a person who aspires to get into a group of
people she/he thinks are higher class prominent.
Ang lalim naman ng kahulugan ng
"social climber", ganyan din kasi ang gustong mensaheng iparating ng
mga taong ganito pero ang katotohanan mababaw lang sila, mas mababaw pa sa
kayang languyin ng hate niya raw na isdang ayungin. Gustong magpa-impress pero
marami ang naiines, gustong magpalabas pero maraming nababanas, gustong
magpasikat kadalasan naman ay palpak, gustong magmagaling pero kanyang mga
banat ay madalas na nakakapraning, gustong kahangaan pero ang nangyayari'y
kabaligtaran, feeling mataas pero mas maliit pa ang katauhan sa dating
pangulong ikinulong dahil sa kapalpakan. Harmless naman sila kahit na sila'y
nakakairita pero mas dapat na habaan mo ang pisi ng iyong pasensya lalo't kung
araw-araw mong kasama sa opisina. Ano ba ang manipestasyon ng isang nagmumurang
sosyalera? Ano ba ang senyales para sila'y makilala? Iwan mo muna ang iyong
ginagawa, pahiram ng iyong ilang minuto at samahan niyo akong alamin kung
sino-sino ang taong nasa likod ng maskara. Social climber unmasked.
- Ang english alphabet ay compose of 26 letters pero sa isang sosyalerang parating may bitbit na hagdanan pwede na natin itong gawing 25. Tanggalin ang letter S at i-pronounce ito ng parang sa letter Z.
Halimbawa:
Five thousand - Five thouzand
Cebu
(sebu) - Zebu
Sony - Zony
Salt - Zalt
"Oh
I see" - "Oh I zee"
Intramuros - Intramourouz
Sa positibong banda medyo okay
ito dahil mas papabor ito sa mga musmos na nag-aaral ng alpabeto dahil
mababawasan ng isang letra ang kanilang kakabisaduhin. Ang negatibo:
nakakairita at masakit sa tenga. Ziyet! Next topic pleaze.
- Hindi raw kumakain ng fizh na hindi niya kilala kadalasan daw ay lapu-lapu o tuna ang nakahain sa kanilang hapag-kainan. No questions asked, case closed at wala nang nagtangkang kumontra pa. Ngunit teka lang at sandali, may sumilip na ang kanyang tanghalian ay pakziw na izdang maliliit, mas maliit pa yata sa maalamat na pandaca pygmea ng Kailugan ng Rizal.
- Palaging mataas ang boses at madalas na pasigaw kung may kausap sa telepono. Uunahan ka ng sindak upang hindi ka agad makaporma parang gagamba na sasaputan ka muna bago lamunin. Mapanglait lalo na sa mga taong mababa ang posisyon at katungkulan. Halos ipamukha na sa lahat ang mga accomplishment niya sa opisina na parang siya lang ang importante't mahalaga kaya nag-eevolve ang opisina. Humihingi ng respeto pero siya mismo kulang sa modo. Define respeto.
- Madalas
ay paksa ng
tsismisusapan dahil sa umaatikabong bakbakan ng kanyang ingles. Halimbawa. Eksena: oorder ng pagkain sa isang karinderya, inuulit ko sa KARINDERYA hindi sa isang mamahaling restaurant o fastfood delivery. At buong angas na sasabihin sa kausap sa telepono: "one zteam rice lang" sa halip na "isa lang (pong) kanin". Simpleng bagay pinapahirap parang ako simpleng eksena pinalalaki. Haha.
- Eksena: nagpapa-reserve sa isang restaurant for dinner, at the same time ay o-order na ng food para pagdating sa lugar ay prepared and organized na ang lahat. Pero ang restaurant ay nagri-require ng downpayment, of course ang ating bida ay hindi padadaig at bumanat ng: "I will send somebody to pay for downpayment for cooking!" Basag ang kaeksena. Hindi na lang kasi tagalugin marami tuloy ang nagpa-check up sa ENT kinabukasan.
- Eksena:
part 2 ng nasa itaas. Hindi pa tapos ang adventure ni Alice in Wonderland.
Kasunod ng kanyang punchline na: "I will send somebody..." hindi pa
rin siya nagpaawat sa kakabanat ng malupet na ingles, kaawa-awa ang nasa
kabilang linya ng telepono dahil kung hindi dumudugo ang ilong nito malamang ay
may malaking pagsisi kung bakit siya ang nakadampot ng telepono. Bakit ba naman
hindi eh ikaw ba naman ang tanungin kung mayroon kayong 'unlimited iced tea'
imbes na bottomless iced tea? Baka naman 'yun na ang bagong term na ginagamit ngayon
sa mga restaurant? Anyway, pareho lang naman ang kahulugan 'di ba? Masyado lang
kayongtayong malisyoso.
- Dagdagan pa natin. Parang Hollywood movie na may sequel at pagkatapos isa-isahin ang mga inorder na pagkain, sa pag-aakala ng lahat ng nakaririnig nang isang malupit at matinding konbersasyon na parang sesyon sa senado ay mapapahinga na ang naririnding tenga nang biglang humirit ng isa pa: "Do you have ensaladang mango?" Tumahamik ang paligid kahit ang butiki'y hindi maka-tsk tsk, ngunit nagpipigil lang pala ang lahat sa pagbirit ng tawa, windang ang kausap pati lahat ng nakadinig at kung nandun lang si Sen. Miriam tiyak na sasabihin niya'y: "Waah!"
- Natapos na rin ang order at nagkasundo na ang North at South Korea, tinibag na ang Berlin wall na naghahati sa West at East Germany. Bilang panghuli, tinanong ng nasa kabilang linya ang kanyang address buong pagmamayabang na lumitanya: "Dito lang kami sa Intramourouz!" Kawawang crew dagliang isinugod sa Emergency room ng Ozpital ng Maynila dahil sa pamumuo ng dugo sa ilong at tenga.
Maraming ganyan sa paligid
natin. Minsang nakatuntong sa kalabaw pero akala niya'y mas mataas pa siya sa
kalabaw. Ang humility ay iba sa humiliation, mas magandang magpakumbaba kaysa
mamahiya sa mga taong nakapailalim sa iyo. Hindi masama ang magsalita ng
salitang banyaga hindi ito bawal pero kung sobra-sobra na ang kamalian sa
grammar at pronounciation mas mabuting mag-tagalog na lang (hindi rin ito
bawal) madali nang maintindihan hindi pa masakit pakinggan. May epektibong kasabihan
sa ingles: less talk less mistake, no talk no mistake kung hindi ka rin lang
sigurado sa sasabihin mo magandang manahimik kaysa ibalik sa'yo ang lahat ng
iyong panlalait sa tahimik na paraan. May kakilala akong simple at
mapagkumbaba, madaling kausap at hindi namamahiya pero hindi niya pinapahalata
na sapat at maunlad na ang kanyang buhay. At 'yun ang tunay na kahanga-hanga.
Napa-lolz namen akoz dinez. hahahaz. zusyal na ba me pag nagdrink ako ng zagu? dapat ba zepzepin ko keza loonukin?
ReplyDeleteHahahaha.
Musta na?
Noong nakaraang linggo may nabuo kaming grupo. The Social Climer Club.
May nauso kasi sa FB na social climber ka kung...aba karamihan guilty.
:)
Napadalaw kang muli Sir JKul, mas nakaka-LOL 'yung komento mo. Haha. Yung ZAGU, zagu talaga 'yun hindi naman gaano pangsosyal hindi rin pangmasa average lang. Pero ung Ztarbuckz 'yan ang pang-sosyal Php130 ba naman ang isang baso ng kape?!?
ReplyDeleteMukhang na-curious at interesado naman ako diyan sa The Social Climer Club na 'yan. TUngkol ba sa'n yan?
Mukhang uso nga 'yang "Social Climber" topic na 'yan may nabasa akong post ni Sir Bino sakto dun sa sinabi mong "Social Climber Siya Kung..."
Marami talaga ang guilty pero hindi nila maamin, ganun talaga mahirap tanggapin ang totoo.
Anyways, salamat sa pagbisita.
P.S. Naka-add na si Sir Joey sa FB ko sana ikaw rin :). Baka makagawa tayo proyekto sa anumang bagay na positibo.
God Bless.