Basag na ang tinig, paos na
ang boses.
Ngarag na ang diwa, malat na
ang isip.
Lahat na halos ay sumisigaw
at dumadaing, hinihiyaw ang kani-kanilang hinaing.
Walang nakikinig ngunit ‘di
pa rin pagal sa paglustay ng saloobin.
Ano ba ang iyong tinig? May
tinig ka pa ba? Ano ang nais ihayag sa magigiting na makapangyarihan at may
kapangyarihan?
Pagod na ba dahil sadyang
wala ng saysay anumang tinig na ipinahahatid? At mas piniling manahimik dahil
walang sinuman ang nais makabatid ng pamanhik?
Ipukol sa kanila ang bato ng
iyong himutok! ‘Di man masapul nabulalas naman ang kinikimkim na puspos ng
galit at hinaing. Isang araw…ang pinagsama-samang tinig ay sasambulat sa
kanilang harapan parang himagsikang 'di mapipigilan ninuman.
Hayaang sambitin ang nalalabing
tinig at hinaing na maari ding ituring na bantang walang mararating. Hayaang ilabas
ang munting tinig na sa isip ay sumisiksik, ang sigaw ng damdaming nagpupuyos
at bulong ng diwang naghihimagsik!
Sa mapagkunwaring
mararangal…
“Ipapatak ko ang dugo ng mga kawatan sa lupang tigang sa katapatan, iguguhit
ang mundo gamit ang dugong nagmula sa may dalisay na kaisipan.”
Sa kapos sa
katapatan…
“Ididilig ang luha ng mga nagdarahop sa halamang nalanta ng kasinungalingan,
titigibin ng luhang mula sa mandarambong ang mga uhaw sa kasaganahan.”
Sa liyo sa
kapangyarihan…
“Iaalay ang buhay ng mapagsamantala sa lupang 'di maapuhap ang katinuan, bubusugin
ng yamang mula sa mga tiwali ang mga gutom sa kaunlaran.”
Sa suwail ng bayan…
“Ipamamahaging gaya ng sa ulan ang lahat ng salaping kinulimbat at ibubuhos
ang biyaya sa mga ninakawan ng pag-asa.”
Sa halimaw na
anyong-tao…
“Papagotin ang ugat ng mga ganid at sakim na sa dugo’y nananalantay, hahayang
halayin ng demonyo ang mga halimaw na humahalay sa mga walang malay.”
Sa naglulubid ng
buhangin…
“Sisilaban ang mga huwad na banal na nagkukubli sa mabubuting salita, lulunurin
sa kanilang mga laway ang bumibiktima sa mga mahihina.”
Vox populi, Vox Dei.
Ang tinig ng taumbayan'y sumasalamin sa tinig
ng Kalangitan.
Ngunit ano ba ang tinig ng taumbayan?
Ito rin ba ang tunay na tinig ng Panginoon?
Bakit taliwas sa tinig ng Panginoon ang mga
nangyayari sa’ting bayan?
---------------------------------------------------------------
Ang akdang ito'y orihinal na lahok sa Pakontes ni Sir J.Kulisap
magaling sir, nagustuhan ko ang paglalapat ng salita. sana makabasa pang muli ako ng ganitong babasahin mula sa inyo.
ReplyDeletegudlak po dito :)
salamat sa pagtambay ginoong istambay. goodluck sa atin! nabasa ko na ang ibang mga entry mahuhusay at creative may laban ang lahat. :)
Deletehello, nakiraan lang at nakibasa. ang talas ng mga salitang ginamit sa iyong akda, ang bigat ng mga hinaing na inihayag...^^ mahusay ang iyong prose.
ReplyDeletegood luck sa patimpalak and regards. :)
salamat naman at iyong nagustuhan akala ko ako lang mag-isa ang magkakagusto nito (haha, love your own, sino pa ba?) salamat sa goodluck at regards na rin :)
Deletebossing ito ang kauna-unahang lahok na aking binasa. Idol talaga kita sa sulating patungkol sa bayan. Ang talas lalo ng mga sinabi mo dito. Mabuhay ka. Goodluck, naway makadaupang-palad kita balang araw
ReplyDeletekonting hasa pa sir joey baka may itatalas pa. salamat sa muling pagbisita.
Deletewalang problema kung itatakda ang "daupang-palad" sabihin mo lang okay ako diyan. tawag tayo ng iba pang sasakay sa pulang kabayo.
aw!... masakit pang isipin taliwas talaga minsan ang ginagawa sa itinatakda ng isip.. Mahusay sir...:D
ReplyDeletesalamat sa pagdalaw mahiyaing babaeng lobo :D
Deletenapakaganda ng mensahe.tumatagos sir.
ReplyDeletenaghahamon ang mga salitang inilagak. mahusay.
lakas ng laban nito!
goodluck pare!
nag-iwan ako ng bakas sa iyong akda at kung isa ako sa hurado ipapasok ko yun sa banga, pangkontes talaga mabagsik!
Deletegoodluck sa'tin jayrule with z!
Ang galing nito.
ReplyDeleteDama ko ang bigat ng bawat salita.
Dama ko ang tapang ng isang mamamayang handang ipaglaban ang kanyang paniniwala gamit ang kanyang tinig.
tagos sa puso.
two thumbs up sa napakagandang akdang ito ..
dami namang thumbs up nun G.Bagotilyo isa lang pwede na.
Deleteanyweys, salamat sa pagbasa ng isang akdang sinulat ng may isip na maligalig.
pati sa paa ksama pre ... hehhe
Deletegaling!good luck
ReplyDelete:-) isang nakangiting pasasalamat
Deletehuwow! grabe! nganga ako dito, sobrang galing!
ReplyDeleteSalamat jhengpot sa pagkaligaw mo sa aking sapot.
DeleteSalamat din sa pagnganga :-)
Goodluck sa ating lahat!
Tunay ngang ang tinig ay kayang mag-anyong punyal upang maitarak ito sa puso ng mga mambabasa.
ReplyDeleteBawat kataga'y magpapagising sa mga mapagkunwaring marangal, sa kapos sa katapatan, sa liyo sa kapangyarihan, sa mga suwail sa bayan, sa halimaw na anyong tao at sa naglulubid ng buhangin.
Sana ang tinig na ito ay makarating sa kaniyang destinasyon. Makarating sa puso ng bawat Pilipino, upang magsilbing gabay kung hindi man ay babala na may mga kapuwa Pilipino na nakikihiyaw din sa munting paraan.
Maraming salamat sa pagbabahagi ng hindi matatawarang akda. Ang iyong pakikiisa sa KM3 ay labis kong ikinagalak.
:)
isang karangalan ang makilahok sa KM.
Deletesalamat sir J.Kulisap at kongrats sa tagumpay ng 'yong pakontes!